Pagkatapos nilang makapag-usap ni Crissa ay muli niyang isinubsob ang sarili sa trabaho. Hindi na nga niya namamalayan ang oras. Narinig na lang niya na kinakatok na siya ni Crissa sa kaniyang pintuan. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito sa kaniya habang nakadungaw sa pintuan. "Mauna ka na. Marami pa akong gagawin," aniya rito. "Okay! Darating na kasi ang mag-ama ko kaya uuwi na ako," wika nito at kinawayan siya bago ito umalis. Kumaway din siya sa kaibigan at bahagya niya itong nginitian. Pagkaalis nito ay sandali siyang sumandal sa kaniyang upuan at ipinikit niyang bahagya ang kaniyang mga mata. "Kaya mo 'to, Mariz," wika niya sa kaniyang sarili at hindi niya namamalayan na nakaidlip na pala siya. Samantala, panay ang tingin ni Travis sa pagbukas ng elevator sa lobby ng Gems Publish

