Muling isinubsob ni Mariz ang sarili sa trabaho. Inisip niya na wala naman na siyang choice dahil hindi siya ang may-ari ng kompaniya. Kasalukuyan siyang may ginagawa sa kaniyang computer nang tumunog ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya iyon at nakita niya na Mama niya ang tumatawag. "Hello, Ma?" aniya pagkalagay niya sa kaniyang tainga. "Ano ba itong pinaggagawa mo, Mariz, ha?" malakas ang boses na sabi nito sa kaniya. Bahagya niyang inilayo ang cellphone dahil sumakit ang tainga niya. "Ano pong ginawa ko, Ma at bakit galit po kayo?" nagtataka niyang tanong sa ina. "Hindi ba ibinilin ko sa'yo na tulungan mo si David? O, bakit hindi mo siya sasamahan sa pagpirma niya ng kontrata mamayang gabi? Hindi ka ba pwedeng umalis diyan sa trabaho mo eh, lagpas office hours na iyon?" sunud-sun

