Paglapag ng eroplano na sinasakyan ni Travis galing sa Isla Bonita ay tinawagan niya kaagad ang kaibigan na si Steve. Kababata niya ito at may-ari na ng isang coffee shop. "Hello, Steve. Can you pick me up?" tanong niya nang sagutin nito ang kaniyang tawag. "Bakit, what happened? Can't you get a taxi? Medyo marami kasing customer ngayon eh," sagot nito sa kaniya na sa tingin niya ay may ginagawa habang kausap siya nito. "I'm broke!" mahina ang boses na sabi niya sa kaibigan. "What?" gulat na tanong nito sa kaniya. "Nasaan ka ngayon?" tanong pa nito na tila nagmamadali. Iniisip niya na marahil ay nag-aalala ito sa kaniya. Mabuting kaibigan si Steve at maaasahan niya ito. Malaki rin kasi ang utang na loob nito sa kaniya dahil hindi rin siya mahirap kausap kapag kailangan nito ng tulong

