Mabigat ang katawan na umalis ng kaniyang condo si Mariz. Ito ang unang beses na hindi siya excited na umuwi sa kanila. "Kung hindi lang talaga kay Mama ayoko sanang tumuloy," wika niya sa sarili habang nasa bungad na siya ng kanilang bahay. Ilang minuto pa siyang nanatili sa loob ng kaniyang kotse kahit naiparada na niya ito. Kung hindi pa siya napansin ng ina ay hindi pa sana siya lalabas. "Anak, mabuti at nandito ka na," nakangiting salubong nito sa kaniya. "Kumusta ang bakasyon mo, ha? Hindi ka naman gaanong umitim kahit dalawang linggo ka roon," dagdag pa nito. Nagmano siya rito bago sumagot. "Okay naman po, Ma. Sulit ang bakasyon kahit mahal," aniya na nagpanggap na masaya. Ayaw niya rin kasing mag-alala ito. "Halika na at nandiyan na ang sinasabi ko sa'yo na anak ng kaibigan ko

