"Nakapag-usap ba kayo ng maayos?" tanong ng kaniyang Mama Margie pagbalik nila ni David sa sala. "Opo," maiksi niyang sagot. "Aalis na po kami mamaya ni Mariz, Tita para maghanap ng puwesto," sabad naman ni David. "Mabuti naman kung gano'n para makapag settle ka kaagad dito sa Manila, anak," sabi naman ni Tita Tina. "Hello, Tita Mariz! Can you braid my hair?" malambing na sabi sa kaniya ni Tricia habang hawak ang nakalugay na mahabang buhok. Napangiti naman siya rito at kaagad na tumango siya. Napansin niya na kahawig ni David ang bata lalong lalo na ang mga mata nito. "You wait here and I'll just get my girly things inside my room," aniya sa bata saka tumayo at nagtungo sa kuwarto. Kumuha siya ng suklay at ilang piraso na sanrio. Marami kasi siyang stock dahil madalas niya rin it

