"Aalis ka ba today?" tanong ni Steve kay Travis nang makita nito na nakabihis ang kaibigan. "Magre-report ako sa agency at baka mayroong trabaho. Alam mo naman na kailangan ko talaga ng trabaho ngayon," tugon niya rito. "Kahit wala kang trabaho, 'wag na 'wag kang mahihiya na tumuloy dito sa condo, Bro. Good luck!" wika nito sa kaniya at lumapit pa ito para tapikin siya sa balikat. "Thank you!" nakangiti niyang tugon dito saka lumabas. Malapit lang din sa condo ni Steve ang opisina ng Prestine Modeling Agency kung saan ang may hawak sa kaniya na agency. "Traaaviiiisss..." sigaw ni Pete sa kaniyang pangalan nang makita siyang papasok sa pintuan. Si Pete ang nakadiskobre sa kaniya sa kanilang school pageant na sinalihan niya noong koliheyo siya. Ito na rin ang kaniyang naging manager na

