Nang hindi makatulog ay nagpasya na magtungo sa tabing dagat si Mariz. Pinatungan niya ng sweater ang suot niyang damit pantulog at hinayaan lang niya ang suot na pajama. "Matingnan muna ang dagat bago man lang ako umuwi," wika niya sa sarili habang naglalakad. Malapit na siya sa tabing-dagat nang marinig na may tumawag sa kaniyang pangalan. Laking gukat niya nang makita si Travis kaya dali-dali siyang naglakad pabalik sa villa. Napatakbo siya nang patuloy pa rin itong sumusunod sa kaniya. "Ang sira-ulo, mukha pa atang nakainom," aniya at binilisan pa ang pagtakbo. Hinihingal siyang napatigil nang maramdamang wala ng sumusunod sa kaniya. Lumingon siya at nakumpirma niyang wala na nga ito. Umupo siya sa isang upuang kahoy para magpahinga. "Kainis talaga ang lalaking iyon. Akala niya s

