"Manang! Si mommy?" I asked after I arrived in our house. Magpapalit ako nang damit at gagala na lang sa labas.
"Nasa taas nak. Diba alas singko dapat kayo lalabas, napaaga ka ata? Halika magmeryenda ka na lang. Hintayin mo mommy mo, nag-uusap sila ni Alicia sa taas." kumunot ang noo ko. She's here?
Umiling ako. "Hindi na manang.. I'll just change at gagala na lang. Lagi namang ganto ang nadadatnan ko lagi eh." I shrugged. Ngumiti siya at kinuha ang bag ko.
"Wag nang matigas ang ulo. Linuto ko ang paborito mong meryenda. Strawberry na cake diba? Halika na nak." bago pa ako makaangal ay kinuha na niya ang kamay ko at dumiretso sa kusina.
Napangiti ako sa loob ko nang makitang nakahanda na ang meryenda ko at paniguradong bumili siya nang milktea sa labas. Nasa trenta pa lang si manang ngunit kung makaalaga sakin ay para na akong anak niya.
Lintantakan ko na agad ang cake at nginuya nang mabuti. Napatawa naman nang marahan si manang sa hindi ko malamang dahilan. I looked at her and smiled. Ibang magmahal si manang.
"Kelan po kayo uuwi? Malapit na rin naman akong magcollege. Sama sana ako sa probinsya ninyo manang." sambit ko na ikinabigla niya.
"Mapapagalitan ka ni ma'am Alliana, Herra. Siya nga pala, meeting nang skwela niyo ngayon diba?" tanong niya.
Tumango ako at sinubo ang huling piraso nang cake. "Bakit ka umuwi?"
"Masama pakiramdam ko manang. Hindi rin naman ako makakapasok sa top 5. Lagi akong palpak eh." nahihiya kong usal.
Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Kaya mo yan jusko. Ikaw ang pinaka matalinong ramos no. Teka nak, may bibilhin ako sa tindahan." aniya at agad lumabas.
Intelligent? Nah, their expectations were just too high and no one could ever climb that wall. It is better if I'll stay this way. Panatilihin ko na lang ang tingin nila sa'kin. Matalino rin ako pero ayokong maging ganon. I can't reach their expectations if I'm also part of top 5.
I was in the middle of my thoughts when my phone rang. Kinuha ko ito at sinagutan. "Ano na naman Samantha? Congratulations sa inyong dalawa ni Eliana. Top one pa rin ba si Eli?" tanong ko.
Tumawa ang nasa kabilang linya. "Oo, top two ka Allaine. Congratulations rin.." aniya.
Namula ako at nag-iiwas nang tingin. Nakakabigla ngunit ang balitang top 2 ako'y nakakapagpula na talaga nang pisngi! I can't believe!
"W-Weh? P-Pano? So top three ka? Hala Sam! Meron na pala akong talino! Gosh, magpaparty na ba ako? Charot." biro ko.
Lagabog nang pintuan ang nagpagulat sa'kin. I looked where that sound came from at nakitang sa master's bedroom iyon. Mom's face were furious. "Ang ingay ingay mo Herra! Nagcutting ka na naman? Yan ang napapala nang grades mo! Kung hindi bagsak, blanko. Kelan ka magtitino? Natutulog ang pinsan mo sa taas!" sigaw niya palapit sa'kin.
"Mom pasok ako sa honor. With high ako." natutuwa kong sambit. Instead of giving me an apologetically smile, she gave me a sarcastic one.
"What do you expect me to do? With high lang? Why can't you make it to the highest? Gayahin mo ang kaibigan mong si Eliana! With highest. Yan kasi ang napapala mo, nobyo. Ang bata mo pa para magnobyo. Hiwalayan mo ang nobyo mo at magfocus ka sa studies mo! Hindi ka na nakikinig lagi." she scolded me.
Napatungo naman ako at nahiya. Ano pa nga ba ang aasahan ko?
"Lalo na sa second grading napakababa. Is that even a things that a decent woman can do? Dapat mas mataas ka sa kanila! Dapat mas perpekto ka! You should be the highest!" muli niyang sigaw. Napapiksi ako sa lakas nang boses niya.
"Dapat na maging mataas ako kahit na magdudulot ito nang pagbagsak nang kalusugan ko. Ganon ba mom? Kapalit rin nito'y pagkabaliw ko sa mga ganyan? I would prefer being an average person and enjoy teenage life instead of--"
"I just wanted to care for your future! Napakapayat mo na dahil sa lagi mong gala! Dahil sa nobyo mo ganyan na ang hitsura mo! I can't believe you are my daughter. Parang hindi ka na tao." she cut me off.
Ngumiti ako nang puno ng pait. "No mom.. Pumayat ako just to reach your expectations kahit hirap na hirap ako rito. Pumayat ako kaka skip nang pagkain para lang maka-advance ako. Alam ko kung ilang beses akong kumain sa isang araw? Isa't kalahati mom! And instead of saying you are so proud of me, puros insulto pa." ani ko at tumalikod.
I headed into my room sa second floor at humikbi. Hindi niya kailanman maaapreciate ang mga efforts ko. How many insults would they give just to appreciate my efforts sometimes?
Idinapa ko ang sarili ko at hinayaan na lamang ang pagpikit nang aking mga mata. Kasabay nito'y ang paglamon nang kadiliman sa'kin.
"Herra! Lumabas ka riyan at pumasok ka sa swkelahan your excuses won't be succeed on me." sigaw ni mom na nagpagising sa'kin. I yawned at dumeretso agad sa banyo. I did my everyday routine.
Friday naman ngayon at okay lang kung malate ako. Kahit anong damit ang pwedeng isuot kapag friday. I picked the black mini skirt at pink tank top. Paired with black boots.
I dried my hair at nagmessy bun. Sinukbit ko na rin ang bag ko saka lumabas. Bumungad na ang mukha ni mommy na galit.
"Your hair looks good on you. Ihatid na ba kita, anak? I'm sorry if I said those words to you yesterday masakit lang ulo ko. I prepared your meal na anak." malumanay na usal ni mom. Kumunot ang noo nang maalalang mamayang alas dyes ko ipapasa ang project si agham.
Umiling ako at ngumiti na lang. "Hindi na po mommy. Marami akong aasikasuhin. Baka sa cafeteria na lang ako ulit kakain. Just enjoy your food mom." I stated at umiwas na. Mommy makes me uncomfortable. Pagbaba ko nang hagdan ay nakita ko kaagad ang pinsan ko sa hapag kasama ni daddy.
I went on our garage and picked my lambo. Pinaharurot ko ito at agad nakarating sa skwelahan.