bc

Mahal kita, Kuya.

book_age16+
375
FOLLOW
1.0K
READ
love-triangle
possessive
second chance
badboy
twisted
humorous
betrayal
love at the first sight
addiction
substitute
like
intro-logo
Blurb

Namatay ang magulang ni Andrea kaya napadpad ito sa pangangalaga ng Pamilya Salve.

Minahal niya ang panganay na anak na si Jacob pero kapatid lang ang turing nito sa kanya.

Subaybayan natin ang mangyayari sa buhay pag-ibig ni Andrea.

Sino ang magliligtas sa kanya sa laro ng pag-ibig na kinasadlakan niya?

Happy ending ba ang mangyayari kay Andrea Ang Jacob?

chap-preview
Free preview
Uno
Author's point of view Nakatingin sa labas ng kotse ang labin limang taong gulang na si Andrea. Kakatapos ilibing ng mga magulang nito at kinuha siya agad ng mag-asawang Salve na sina Rose Salve at Jerome Salve. Ang mga magulang ni Andrea ay dating tauhan ng mag-asawang Salve, kaya napagdesisyunan ng dalawa na ampunin si Andrea dahil wala na itong ibang pamilya. "Iha, sigurado ako na magugustuhan mo ang bago mong tirahan. Ipapakilala ko rin sayo ang tatlong magiging Kuya mo," sabi ni Rose para kunin ang atensyon ni Andrea. Nagtinginan ang mag-asawa dahil nakita nila si Andrea na tulala habang nakatingin sa labas ng bintana. Kita nila ang mga luha nitong pumapatak habang nasa byahe. "Jerome-" "She will be okay, Rosey. She just needs enough time," sabi ni Jerome sa kanyang asawa. Paghinto ng sasakyan, napatingin si Andrea sa malaking bahay kong saan na siya titira. "Welcome to your new home," nakangiting sabi ni Rose kay Andrea. "Salamat po, Madam." mahinang sabi ni Andrea. Nagutlat ito ng biglang yumakap ang kanyang magiging ina sa kanya. "Simula ngayon Mommy na ang itatawag mo sa akin. Dito ka na titira sa akin at magiging kapamilya ka na. Masasanay ka rin," sabi ni Rose. " Call me, Daddy. You are now part of my family," nakangiting sabi ni Jerome. Hindi napigilan ni Andrea na umiyak dahil sa pinapakita ng mag-asawang Salve. Hindi na siya nakatiis ang yumakap sa dalawa. "T-thank you po," bulong niya. "Ohhhh, iyakin ang baby girl ko. Halika ipapakilala kita sa mga Kuya mo," aya ni Rose kay Andrea papasok sa bahay. Sinalubong sila ng dalawang kasambahay. "Yaya, nasaan sina Josh?" tanong ni Rose. "Madam nasa kwarto niya po. Hindi pa po siya lumalabas mula po kanina," magalang na sabi ng Yaya." Si Sir Justine naman po kaka-alis lang. Si Sir Jacob po nasa kwarto niya po at sinabihan niya kaming wag siyang iistorbuhin." "Tawagin mo si Josh-" "Ah- ano po, pwede po bang magpahinga na lang po muna ako. Inaantok po kasi ako," mahinang sabi ni Andrea. "Sige, tara. Sasamahan kita sa magiging kwarto mo rito," nakangiting sabi ni Rose kay Andrea. Nang mag-isa na lang si Andrea ay agad siyang humiga sa kama. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa buong kwarto. Niyakap niya ang isang unang at duon tahimik na umiyak. Namatay ang magulang niya dahil nasangkot sa bungguhan sa kalsada ang jeep na sinasakyan ng mga ito. At isa sila sa nasawi sa aksidente. Galing sa skwelahan si Andrea ng mabalitaan niya ang nangyari. Sobrang sakit para rito dahil nawala ang mga magulang niya na tanging kasama niya lang sa buhay. Ilang araw siyang wala sa sarili dahil sa nangyari. Wala itong ginawa kundi umiyak na lang. Hindi inaasahan ni Andrea na darating sa bahay nila ang mag-asawang Salve na dating boss ng mga magulang niya. Kinuha siya sa bahay nila dahil kukunin na sana siya ng DSWD pero sinabi ng mag-asawa na sa kanila binilin si Andrea. "M-mama, P-papa- sana po kung nasaan man k-kayo sana okay k-kayo dyan. I-I'm sorry kung naging masama akong anak, s-sorry kong h-hindi ako nakikinig sa inyo lagi. S-siguro masaya na kayo d-dyan kasi hindi na sasakit ang u-ulo niyo kakasermon sa akin. H-hindi ko man lang naipakita kong gaano ko k-kayo kamahal." Narinig ni Rose ang mga sinabi ni Andrea, naaawa siya para rito pero pinili niyang wag itong lapitan. Alam ni Rose na kailangan ni Andrea ng oras para makalimot sa nangyari, kailangan nito ng oras para masanay sa bago nitong buhay. Nagising si Andrea at nagulat ito sa nakitang pagbabago ng kwarto niya. Sisigaw na sana ng maalala niya na wala siya sa dati nilang bahay, nasa bahay siya ng mga Salve kung saan bago na niyang tahanan. Inikot niya ang paningin sa buong kwarto at naalala niya ang laging hiling sa Magulang dati na gawing maganda ang kwarto niya. Ngayon nakuha niya na ang hiling niya dati pero hindi niya maramdaman ang buong saya dahil wala na ang magulang nito. Humiga ulit Andrea at naisip kong paano niya pilitin ang magulang na bigyan siya ng magandang buhay tulad ng mga classmates niya. Lagi siyang nagagalit pag hindi siya nabibigyan ng bagong labas na cellphone tulad ng mga kaibigan niya. Nagagalit siya sa magulang niya pag pagsapit ng birthday niya ay walang party na hinanda. "Napakasama ko pa lang Anak. Hindi ako nakontento sa buhay na binigay niyo sa akin, nagagalit ako pag hindi niyo naibibigay ang gusto ko. Hindi ko man lang na-appreciate ang lahat ng ginawa niyo para sa akin. Inuna ko ang makipagyabangan sa mga kaibigan ko," bulong ni Andrea bago punasan ang luha na lumabas sa mata niya. "Kaya siguro kinuha na kayo ni God sa akin dahil pinapahirapan ko lang kayo at hindi ko deserve ang magulang na gaya niyo. Ang bait niyo kasi, tapos ako may s-sungay." Pinikit ni Andrea ang mata niya para kalmahin ang sarili. Ilang sandali lang ay napabangon siya dahil sa katok. "Andrea, Anak. Gising ka na ba?" rinig niyang tanong ni Mommy Rose. Binuksan ni Andre ang pinto. "Magandang umaga po," bati ni Andrea. Nakita ni Rose ang pamamaga ng mata ni Andrea dahil sa pag-iyak kaya niyakap niya ito nang mahigpit. "Everything will be okay, Andrea. Always remember that I am your Mom now. If you don't feel okay, don't hesitate to call me. You are my daughter now," malambing na sabi ni Rose. Tahimik lang na yumakap pabalik si Andrea at hinayaan ang sarili na umiiyak sa yakap ni Mommy Rose. "It's okay to cry. Pag napagod kang umiyak piliin mo naman ang ngumiti," sabi ni Mommy Rose. "N-nanghihinayang lang po kasi ako dahil hindi ko naipakita sa kanila na m-mahal ko sila bago man lang sila k-kunin ni Lord. N-nagsisisi ako at hindi ako naging mabuting anak para sa k-kanila," umiiyak na sabi ni Andrea. "Look at me, Sweetheart. Eyes up," utos ni Mommy Rose kaya napatingin si Andrea rito. Pinunasan ni Rose ang luha ni Andrea. "Hindi magiging masaya ang magulang mo na nakikita ka ngayon na hindi masaya at sinisisi ang sarili. Kahit anong ugali mo tanggap ka ng mga magulang mo at naiintindihan ka nila kasi nasa edad ka pa lang na nag-eexplore. Alam ko na naiintindihan ka ng Mama at Papa mo. Mahal ka nila kahit anong mangyari," paliwanag ni Rose. "Baba ka na after mong mag-ayos ng sarili, ipapakilala ko ang mga magiging kuya mo." "Sige po. Maraming salamat po," sagot ni Andrea. Pagkaalis ni Mommy Rose nag-ayos na ng sarili si Andrea. "God is good for giving me a new family," bulong nito bago lumabas ng kwarto niya. "Is she pretty? 'Coz if not. . ." tinignan ni Rose nang masama si Justin. "What?" nagbabantang sabi ni Rose sa Anak. "I will still love her, hehe. Sabi mo nga siya na ang magiging little sister namin," nakangising sabi ni Justin. "Ako ang bahala sa kanya." "I think it's not a good idea to adopt a girl, Mommy. Baka maniakin siya ni Kuya Justin. Haha_ ARAY KUYA NAMAN! Mommy ohh nambabatok si Kuya," sumbong ni Joshua. "Anong tingin mo sa akin maniac para gawin 'yan sa magiging little sister natin? Masusuntok talaga kita dahil dyan sa bunganga mo," sagot naman ni Justin. "Oo, akala mo ba hindi ko mababalitaan ang ginawa mo kahapon na hinalikan mo ang isang practice teacher- MOMMY MO OH MANANAKIT NA NAMAN!" sumbong ni Josh. Tumingin naman si Justin sa Mommy at Daddy niya na nakatingin sa kanya at alam nitong naghihintay ng paliwanag ang dalawa. "Tinawag niya akong bakla kaya pinatunayan ko lang sa kanya na hindi ako bakla. Ayun, I kissed her. She liked it," baliwalang paliwanag ni Justin. Napangiwi naman si Andrea sa narinig. Napatingin rin si Rose kay Andrea. "Shut up both of you. Nandito na ang kapatid niyo," nakangiting sinabi ni Rose at lumapit kay Andrea. Napatingin rin si Daddy Jerome, Josh at Justin kay Andrea. Tumayo ang magkapatid at lumapit kay Andrea. "Hello, Sis. Kuya Josh mo mula ngayon," bati ni Josh at humalik kay Andrea sa pisngi. "Hi po. Andrea po ang pangalan ko. Salamat sa pag-welcome," nakangiting sabi ni Andrea kay Joshua. Pagkalapit ni Justin ay agad na umatras si Andrea at kumapit kay Mommy Rose niya. Natawa naman si Josh nang malakas habang si Daddy Jerome ay inakbayan si Justin na nakasimangot na. "He is harmless. Yung narinig mo kanina totoo pero hindi niya gagawin sayo dahil itatakwil ko talaga siya pag ginawa niya, haha. Magiging kuya mo na siya," paliwanag ni Daddy Jerome. Nahiya naman si Andrea sa ginawa niyang pag-atras at naguilty siya sa pagsimangot ni Justin dahil sa ginawa niya kaya nilapitan niya ito at niyakap ng mabilis. "Hello, Kuya Justin. Sorry nagulat lang po," hinging paumanhin ni Andrea. "Okay lang, Little Sis. Kasalanan naman ni Josh kung bakit ka natakot. Dont't worry, harmless ako. Upo na," sabi ni Justin at pina-upo si Andrea sa gilid niya. Nag-umpisa na silang kumain at nagkwekwentuhan. Agad na napalagayan ng loob ni Andrea si Josh at Justin. "Eat more, Iha. Namayat ka," sabi ni Daddy Jerome kaya nag-oo na lang si Andrea. "Nasaan si Kuya Jacob niyo?" tanong ni Rose ng mapansin na wala ang panganay niya. "Basketball practice, Mommy. Sinabi niya na hindi rin siya rito uuwi mamaya, " sagot ni Josh. "Hay naku, sinabihan ko na siya kagabi na wag aalis ng maaga dahil ipapakilala pa kita sa kanya. Yung panganay kong talagang 'yun," naiiling na sabi ni Rose. "Hayaan mo na ang anak mo. Binata na siya, " sabi naman ni Daddy Jerome. "Ano pa nga ba! Haitz kampihan na naman ang mga lalaki sa pamilya. Buti na lang may baby girl na ako," nakangiting sabi ni Mommy Rose kaya napangiti na rin si Andrea. "Haha, kakampi mo naman kami Mommy. Ang hilig mo lang kasing pagalitan kami na para kaming bata, hehe. Kaya kay Daddy kami," biro ni Justin kaya nagkatawanan sila. "Nga pala samahan niyo si Andrea ngayong araw para puntahan ang magiging bagong school niya. Kasama niyo siya kaya lang siya ay nasa High school department dahil 3rd year pa lang siya. Naiintindihan niyo ba ako Josh at Justin?" tanong ni Mommy Rose. "Mommy si Justin na lang ang maglilibot sa kanya. May tinatapos kasi ako sa isang subject ko," sabi ni Josh at tumingin kay Andrea. " Sorry, Little Sis. Babawi na lang ako sa susunod." "Okay lang, Kuya Josh." "Justin-" "Yes, Dad!" sagot ni Justin. "Samahan mo ang kapatid mo. Bantayan mo," bilin ni Daddy Jerome. "Oo naman, bantay sarado ito sa akin. Haha, wag kayong mag-alala. Kahit lamok hindi ko ipapadapo sa kanya," biro nito. "Little Sis bihis ka na at aalis na tayo." Nagpaalam si Andrea at pumunta na sa kwarto niya. Naalala niya na wala siyang dalang gamit kundi ang bag niya lang na may lamang picture nila kasama ang totoong magulang niya. Tumingin siya sa isang kabinet at nakita niya ruon na ang damit damit at dress na pambabae. Ayaw niya sanang galawin baka may nagmama-aring iba pero nakita niya ang isang note sa table niya at sinasabi na para sa kanya ang lahat ng iyun. "Pangarap ko lang ito dati, ang magkaroon ng madaming dress at damit. Ang gaganda pa," bulong ni Andrea at namili ng isusuot niya. Tumingin rin siya sa lagayan ng sapatos at sandals at ang dami ring pinamili para sa kanya. White fitted dress, fashion black jacket, and flat shoes. Pinagmasdan ni Andrea ang sarili niya sa malaking salamin. "Wow, ang ganda. Grabe," bulong niya. Napangiti naman si Rose ng makitang ngumiti si Andrea habang nakatingin sa sarili nito. Bumalik na ito sa baba at hinayaan si Andrea. Bumaba si Andrea at nasalubong niya si Justin. "Errr, ilang taon ka na ulit Little Sis?" sabi ni Justin at tinignan ang suot ni Andrea. "15-" "Baby pa lang. Ayaw mo bang mag t-shirt na lang nang maluwag o kahit ano na hindi fit-" "Anong problema sa suot ni Andrea, Justin? Ang ganda kaya," singit ni Mommy Rose. "Ikaw ang bumili ng mga 'yan nuh, Mommy. Alam mo naman na minor pa si Andrea pero bakit-" "Kwenekwestiyon mo ba ako, Justin Salve?" seryosong sabi ni Mommy Rose. Napakamot na lang ng ulo si Justin, " sabi ko nga maganda. Galing ng fashion mo, Mommy." Hinarap ni Mommy Rose si Andrea at inayos ang buhok nito. "Huwag kang lalayo sa Kuya Justin mo. Pag hindi ka niya binantayan, isumbong mo sa akin. Ingat ka," sabi ni Mommy. "Opo," matipid na sagot ni Andrea. Hinarap naman ni Mommy Rose si Justin. "Dahan-dahan sa pagmamaneho mo," paalala nito. "Yeah, Love you. Alis na kami," sabi ni Justin at humalik sa pisngi ng ina bago hinila si Andrea papunta sa puting kotse sa labas ng bahay nila. "Haitz, ang sikip niyang suot mo at ang iksi pa. Kilala ko karapas ng mga lalaki sa university, lagot talaga sila sa akin pag binastos ka. Wag kang lalayo sa akin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook