Dos

1968 Words
Andrea's point of view Pagdating namin sa school bumaba agad ako ganun din si Kuya Justin. Nakita ko ang ilang studyante na napatingin kay Kuya Justin sabay lipat ng tingin sa akin. Napahawak ako sa braso ni Kuya dahil may nakita akong ilang lalaki na napatingin sa akin. "What's the matter? Okay ka lang?" tanong ni Kuya Justin. "Ah, oo. Sabi mo kasi 'wag lalayo sayo kaya kumapit na lang ako sayo. Tara," aya ko rito at nag-umpisa na kaming maglakad. Magaan ang loob ko kay Kuya Justin dahil alam kong mabait ito tulad ni Mommy Rose at Daddy Jerome. Isa pa magaan ang loob ko sa kanila ni Kuya Josh. Gusto ko ngang makita na si Kuya Jacob ang panganay nila Mommy Rose. Bago matulog kagabi napag-isip ko na kailangan ko ng maging maayos at bumalik sa dating ako. Nakakahiya naman siguro na lagi akong malungkot at iiyak kina Mommy Rose, ayokong makadagdag sa bigat na nararamdaman nila. Kinupkop nila ako kaya dapat magpasalamat ako at wag dumagdag sa problema nila. " Dito ka sa 3rd floor bukas, pero wag ka mag-alala ihahatid pa naman kita bukas rito bago ako pumunta sa building namin." May mga nagk-klase na dahil tatlong buwan na simula nung mag-umpisa ang pasok. Sa Private school rin naman ako nag-aaral dati dahil na rin sa kagustuhan ko, kaya pinayagan ako ni Mama at Papa. Nanduon din kasi ang mga kaibigan ko kaya ayokong malayo sa kanila. Ngayon mas maganda ang school, malalayo man ako sa mga kaibigan ko sa dati kong school okay na rin siguro dahil hindi ko na kailangan na maki-uso kung anong meron sila. Dati kasi nasa grupo ako ng mga kaibigan na kailangang makipagsabayan sa kung anong meron sila, isa rin siguro yun sa rason kung bakit madalas kong sinisisi ang magulang ko na hindi nila maibigay ang mga gusto ko. Hindi ko na-appreaciate ang mga bagay na ginagawa nila para sa akin. "Spacing out, Little Sis. You okay?" tanong ni Kuya Justin. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Tinuturo niya sa akin ang mga lugar at kung saan matatagpuan ang mga facilities na kakailanganin ko. Pababa na kami ng may apat na lalaki ang humarang sa amin. "Justin, anong ginagawa mo rito sa highschool department? " boy 1 "New girl mo? " boy 2 "Pakilala mo naman kami sa kanya," boy 3 "Ganda ah," boy 4 "Unang una layo kayo nang kaunti sa amin, ang lapit niyo." Umatras naman ang apat sa sinabi ni Justin. "Dudes, Si Andrea kapatid ko at ito lang ang sasabihin ko sa inyo, off-limit siya. Kayo anong ginagawa niyo?" Tanong ni Justin sa apat na nakatingin na sa akin. "Wala ka namang kapatid na babae. Ano yun nanganak si Tita Rose at dalaga agad?" tanong ni Boy 1. "Hindi niyo rin kamukha." "Wala ka na duon. Pakilala na kayo ng makaalis na kami. I'm hungry," masungit na sabi ni Kuya Justin. Naglahad ng kamay si Boy 2 pero tinapik ito ni Kuya Justin. "Sabi ko pakilala lang wala akong sinabi na may hawakang magaganap. Hindi na kailangan na makipagkamay," sabi ni Kuya. "Ang higpit mo naman," sabi ni Boy 2 bago tumingin sa akin. "Jomar nga pala." "Roy at your service," sabi naman ni Boy 3 na nakangiti. "Andrew, the most handsome. Hi," pakilala ni boy 4. "JP," pakilala ni Boy 1 na nakatitig sa akin. "Hello po," nakangiting bati ko sa kanila. Sinabi ni Kuya na mauuna na kami dahil gutom na raw ito. Sumama naman ang apat sa amin. Nagkkwentuhan sila at minsan sinasama nila ako ngunit ngiti lang ang binigay ko. Kaibigan pala sila ni Kuya Justin, sinabihan pa nito ang apat na wala raw magtatangkang manligaw sa akin sa apat kung ayaw nilang magkaroon ng world war 3 kaya natawa ako pati na ang apat. "Nga pala Justin hindi ka ba pinapatawag ni Dean? Kaya kami nasa high school department dahil kakausapin sana namin si Ma'am Ovales, yung practice teacher na hinalikan mo. Gagoo ka eh," natatawang sabi ni JP. Ako naman ay nagpasalamat kay Roy at Jomar ng binigay sa akin na kakainin ko. Sila na kasi ang um-order para sa aming lahat. "Tinawag niya akong bakla, hindi naman masama ang ginawa ko. Pinatunayan ko lang sa kanya na hindi ako bakla," nakangising sabi ni Kuya Justin bago ako hinarap. "You want anything else?" Umiling lang ako rito. Binalik niya na ang pansin sa mga kaibigan nito at pinag-usapan nila ang hinalikan nito. Hindi ko alam kung matatawa ako sa rason nito o maiinis ako. Tama nga si Kuya Josh may pagka-ano si Kuya Justine, buti na lang kapatid ang turing niya sa akin. At sinigurado niya na hindi na hihigit duon. "Kuya," tawag pansin ko kay Kuya Justin. "Yes?" "Saan dito ang CR?" mahinang tanong ko. "Sasamahan na la-" "Ituro mo naman kuya hindi naman ako mawawala at babalik agad ako. Wag kang mag-alala," sabi ko. Tumango naman ito at sinabi kong saan. Nag-excuse ako sa kanila at pumunta na sa CR na tinuro niya. Kahit CR mamahalin ang pagkakagawa. Halata talaga na pang mayaman, ang linis. Lalabas na sana ako nang harangin ako ng dalawang babae. Alam kong hindi sila high school student dahil hindi naman sila naka-uniform. "Are you new here?" tanong ng babaeng maiksi ang buhok. Hindi ako sumagot at tumingin lang sa kanila. "Are you deaf? I am asking you, can't you here me?" tanong ulit nito sa akin. "Bago lang ako rito," sagot ko na lang para hindi na sila magalit. Mukha pang mga war freak, kung ka edad ko lang ang mga ito. . . pinatulan ko na sila. "Oh, tagalog. Bakit mo kasama si Justin?" tanong naman ng isang babae na curly ang buhok nito. "Bawal ba?" sagot ko. Hindi ko mapigilang itanong. Bakit big deal na kasama ko si Kuya Justin at nakuha pa nila akong harangin. "He is my boyfriend," sabi ni curly girl kaya tumango na lang ako. Wala naman akong paki kung girlfriend siya ni Kuya Justin. Hindi ko naman kailangan matakot dahil wala naman ako ginagawa, hindi ko rin naman kinukuha si Kuya Justin mula sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na kapatid ako nila Kuya Justin pero nahihiya ako. Kahit naman sinabihan ako ni Mommy Rose na kung may magtanong sabihin ko lang na isa na akong Salve, nahihiya pa rin akong sabihin dahil hindi pa naman ako Salve. Alam ko na pina-process pa ang tuluyang pag-aampon sa akin. "Did you hear me? I am Justin's girlfriend," sabi nito at tinulak pa nang mahina ang balikat ko. "Okay," tipid na sabi ko na halatang kinainis niya. Ano ba ang kailangan kong isagot na gusto niya? "Tatagalugin ko na para maintindihan mong mabuti," mariing sabi nito at nilapit pa ang mukha sa akin. " Wag na wag kang makadikit sa boyfriend ko na parang isang linta kung ayaw mong samain sa akin. Hindi mo magugustuhan pag nilandi mo ang boyfriend ko. Layuan mo ang boyfriend ko." Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya. Sa pangalawang pagkakataon tinulak niya ang braso ko. Galit itong umalis habang ako naman ay naiiling lang. Alam ko naman na gwapo si Kuya Josh at Kuya Justin pero kailangan ba talagang mambanta sila ng babae para lang layuan ang isang lalaki. Inayos ko ang sarili ko bago bumalik sa cafeteria. Nakita ko ang dalawang babae na naka-upo na si Kuya Justin, hindi ko sila pinansin at dumeretcho sa upuan ko. "Ang tagal mo," sabi ni Kuya. "Naharang kasi ako ng girlfriend mo," baliwalang sabi ko. Nakita ko pa si Curly hair na katabi si Roy at masamang nakatingin sa akin. "Girlfriend who? At anong ginawa nila sayo," nag-aalalang tanong ni Kuya. Tumingin ako sa dalawang babae at nakita kong binigyan ako ng masamang tingin na para bang sinasabi na wag akong magsalita kong ayaw kong makalaban sila. "Hinarang ako ng dalawang 'yan oh," sabi ko at tinuro ang dalawang babae na nagulat sa ginawa ko. "Girlfriend mo daw si kulot. Wag daw akong didikit sayo at layuan daw kita kong ayaw kong makalaban sila." "Not me. Si Mara lang," sabi ng babaeng maiksi ang buhok. "What?" sabi naman nung Mara na nagsabing girlfriend ni kuya Justin. "First of all, I don't have a girlfriend. Secondly, you have no right to order her to stay away from me. Lastly, don't threaten Andrea if you don't want me to hurt you. . . wala akong paki kung mga babae kayo, alam niyo 'yun. This is a warning," galit na sabi nito sa dalawa bago padabog na tumayo. "Kuya-" "Roy pagsabihan mo yang girlfriend mo. Andrew 'yang pinsan mo," galit na sabi nito at hinawakan ako sa kamay paalis. "Okay lang naman ako Kuya, hindi mo naman kailangang magalit sa kanila. Hindi naman ako sinaktan," sabi ko para pakalmahin siya. "Nangako ako kay Mommy na ako ang bahala sayo. I do what I promised," mariing sabi nito. Tumahimik na lang ako hanggang sa makasakay kami sa kotse. Hindi rin ito nagsalita sa byahe. "Kuya, okay ka lang?" tanong ko. "Yeah, don't worry. Ihahatid lang kita pauwi at babalik rin ako sa university. Nanduon naman si Josh pasok ka na lang sa room niya," sabi nito kaya umuo na lang ako. Pagkababa ko sa kotse at agad nito pinaandar ang kotse. Mukhang si Kuya Justin ang tipong mukhang cool lang at ngumingiti rin pero masamang galitin. Sobrang sama na hindi mo susubukang gumawa ng mali para hindi siya magalit, kung ayaw mong makakuha ng cold treatment. Napansin ko rin kasi na mailap sa kanya ang ibang studyante na nadadaanan namin, parang badboy na ayaw nilang makabangga. .... Author's point of view Maagang dumating si Jacob sa court at nadatnan niya si Zacko at Elvo na nagd-dribble habang nag-uusap. Agad niyang binaba ang bag na dala at kumuha ng bola bago lumapit sa dalawa. "Naks, ang aga natin ngayon Jacob. Nilalagnat ka ba? haha," biro ni Elvo. "Bago 'yan, Dude. Malaking balita sa buong thunders. Isang Jacob Salve maagang dumating sa practice game, himala dahil hindi siya late. Hahaha," pagsakay naman ni Zacko kay Elvo para inisin si Jacob. Hindi sila pinansin ni Jacob at tumakbo lang at inumpisahan ang shooting. Iniisip nito ang sinabi ng Ina na mag-aampon ng babae. At anak daw ng dating trabahador ng kanilang pamilya. Hindi nito maintindihan kung bakit kailangan pang mag-ampon ng magulang niya. Natigil ito ng binato siya ni Zacko ng bola. "Sabihin mo na ang problema mo, Dude. Nandito lang kami lagi," biro ni Elvo na sinag-ayunan naman ni Zacko. "Kwento na," pamimilit pa ni Zacko. "Kalalaki niyong tao, ang chismoso niyo-" "Bilis na, hindi ako makakapaglaro ng maayos mamaya pag curious ako sa problema mo. Magagalit si Captain at sigurado akong damay damay tayo," pangongonsensya ni Elvo. Nailing na si Jacob at umupo sa bench, sumunod naman ang dalawa. "Mag-aampon si Mommy ng babae-" "Ayaw mo ba nun? 'Di ba nga gusto mo rin ng babaeng kapatid. At isa pa masayang may baby sa bahay," sabi ni Zacko. "Hindi naman Baby ang inampon ni Mommy. Kundi isang magdadalaga na, anak ng dating trabahador namin. Iniisip ko lang baka masaktan lang si Mommy pag dumating ang pagkakataon na may relatives yung inampon niya at iwan siya," paliwanag ni Jacob. "Maganda ba?" tanong ni Elvo na nakakuha ng batok kay Zacko. " Nagtatanong lang naman ako hindi ko naman alam na bawal na." "Basta babae talaga lagi kang ganyan," sagot naman ni Zacko. "I still don't know. Hindi ko pa nakikita, kakarating lang niya kahapon sa bahay. At ngayong umaga naman ay pinili kong pumasok ng maaga para makaiwas rito," sabi ni Jacob at kinuha ulit ang bola. "Kilalanin mo muna bago mo ayawan," paalala n Zacko. "Wala akong ibang pagpipilian kundi kilalanin siya. Mommy wants a daughter and I know she is happy now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD