Tres

1291 Words
Andrea's point of view Ngayon ang unang araw ko sa bago kong school kaya maaga akong nagising para maghanda. Naka-ready na ang uniform ko at alam kong si Mommy Rose ang nag-ayos ng mga gagamitin ko pati na ang bag ko. Napakamaalagain ni Mommy, pinaparamdam niya talaga na anak na ang turing niya sakin. Ganun din si Daddy na may dala pang pizza kagabi pag-uwi nito para sakin. Pagkalabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Kuya Josh, napansin ko na hindi pa siya nakakabihis. "Good morning, Kuya Josh. Hindi ka papasok?" tanong ko. "Mamayang 10 pa ang pasok ko," sabi ni nito na halatang antok pa. "Kamusta tulog mo, Little Sis?" "Okay lang, Kuya. At wag mo rin akong tawaging little dahil dalaga na ako," ungot ko na ikinatawa niya. "Dalaga ka na pag 18 na. Pero ngayon little muna," sabi nito at inakbayan pa ako. "Dalawang taon lang naman ang agwat natin," sabi ko. "Hindi tayo nagkakalayo ng edad." Si Kuya Josh ay 17 years old, Si Kuya Justin naman ay 18 years old at si Kuya Jacob na hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ay 20 na. "Mas matanda pa rin ako sayo. Maliit ka naman talaga kaya little," pang-aasar nito sa akin. Wala kaming ginawa ni Kuya Josh habang pababa kundi nade-debate sa salitang little at pagiging dalaga ko na hindi siya payag. Kung kahapon si Kuya Justin ang naka-usap ko ngayon naman sy si Kuya Josh. Nagpapasalamat ako at tinanggap nila ako at hindi nagaya sa mga nababasa ko sa w*****d na inaapi ang mga gaya ko ng totoong anak ng umampon. Nadatnan namin sina Mommy Rose, Daddy Jerome at Justin na seryosong nag-uusap. "Good morning. What is happening here?" tawag pansin ni Kuya Josh. Pagkatapos kong humalik sa pisngi ng tatlo ay umupo na ako ganun din si Kuya Josh. Napansin ko na hindi pa rin nakabihis si Kuya Justin, sinabi niya kasi kahapon na sabay kaming papasok ngayon. "Kuya Justin, bakit hindi ka pa nakabihis? Di ba ihahatid po ako sa room ko?" Tanong ko. "Maaga kaya ang pasok ko." "Si Josh na lang ang maghahatid sayo sa room mo. 'Yang Kuya mo kasi may ginawa kaya kailangan kong makipag-usap sa Dean mamaya. Isasabay ko na lang siya," sabi ni Mommy na masamang nakatingin kay Kuya Justin. Si Kuya Justin naman ay naiiling lang at halatang hindi pinoproblema ang ginagawa nitong mali na sinabi ni Mommy. "Tungkol pa rin sa practice teacher na hinalikan mo? Kala ko ba ginusto niya," pang-aasar ni Kuya Josh. "She liked it-" "Yeah, kaya ka pinapatawag ng Dean. Kiss pa more," ayaw patalong sabi ni Kuya Josh. Nakita ko pang ngumisi si Kuya Justin. Buti talaga hindi nagkakainitan ang dalawang ito. Dalawang araw ko pa lang rito sa bahay kita ko na kung paano sila mang-asaran. Si Daddy at Mommy naman ay parang sanay na sa dalawa at hinahayaan silang magbardagulan. "Tigil na Josh. 'Yang kuya mo may kinulong na dalawang babae sa loob ng CR kaya kailangan kong makipag-usap sa Dean," sabi ni Mommy kaya natigil ako sa pagnguya at tumingin ako kay Kuya Justin. Dalawang babae? 'Yung dalawang humarang sa akin sa Cr. Tumingin sa akin si Kuya Justin at kumindat ito bago pinagpatuloy ang pagkain. Muntik na akong matawa dahil nag okay sign pa ito nang palihim sa akin. Loko talaga. "'Yung curly-" "May alam ka ba dito Andrea?" Tanong ni Mommy. "Wala siyang kinalaman Mommy," sagot ni Kuya at umayos ng upo. "Trip ko lang silang ikulong sa kasi naalibadbaran ako sa mukha nila." Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa dahil sa sagot ni Kuya Justin habang si Kuya Josh naman ay malakas na natawa. "Justin!" "Sorry, Mom." Pansin ko kung gaano nila kamahal si Mommy. "Where's Jacob?" Tanong ni Daddy na mukhang sanay na at hinid na nakialam sa issue ni Kuya Justin. Nagulat ako ng may magsalita. "I'm here," sagot sa malamig sa boses kaya napatingin ako sa likod ko. Nakita ko ang isang lalaking naka jacket habang palapit sa pwesto namin. Hindi ko matanggal ang titig ko rito dahil sa angking kagwapuhan. Para siyang si Park Hyung-Sik na kpop idol nat sobrang crush ko. Feeling ko bumagal ang ang paglalakad niya habang nakatingin ako sa kanya. Una niya nilapitan si Kuya Justin at binigyan niya ito ng batok. May sinabi siya na hindi ko maintindihan dahil naka-focus lang ako sa mukha niya. Lumapit rin ito kila Mommy at Daddy bago ko nakita na pumunta siya sa harap ko. Ngumiti ito at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko maalis ang titig ko sa mata niya dahil ang ganda nito. Lalaking lalaki ang dating niya at kung tumingin siya sa akin. Nagulat ako ng may tumulak sa akin mula sa likod. Pinikit ko na lang ang mata ko at handa na akong matumba ng biglang may kamay na sumalo sa akin kaya napatingin ako rito, si Jacob ang nakita ko. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. "Na-starstruck si Little Sis sayo, Kuya. Haha, natulala na eh. Hindi naman ganyan ang reaction niya nung ipakilala kami sa kanya," rinig kong sabi ni Kuya Josh kaya agad akong humiwalay dito at tumayo ng maayos. "Pasensya na. Nagulat lang ako," bulong ko. "Andrea siya ang Kuya Jacob mo. Kung may problema ka sa school mo pwede mo rin siyang lapitan. Jacob si Andrea," pakilala ni Mommy sa aming dalawa. " Hello," bati ko habang nakayuko pa rin ako. Nahihiya ako sa naging reaction ko kanina. "May sakit ka ba, Andrea? Namumula ka," sabi ni Mommy kaya mabilis akong umiling. Sumilip ako kay Kuya Jacob at nakatingin pa rin ito sa akin. "Welcome to the family," sabi nito at may tipid na ngiti. "Salamat," mahinang sagot ko. Ang tangkad niya hanggang dibdib niya lang ako kaya kailangan ko pang tumingala para makita siya sa mata. Ang gwapo niya talaga. Mas nakadagdag sa dating niya ang isang earing sa left ear niya. Tulala lang ako ng may humila sa akin paupo. Tinignan ko ang humila si Kuya Josh kaya tinignan ko ito nang masama. "Tinulak mo na ako kanina tapos ngayon makahila ka sa akin wagas," bulong ko rito. Ngumisi naman ito at nilapit ang mukha sa tainga ko. "You are drooling, Little Sis. Ipapaalala ko lang sayo na off-limit si Kuya Jacob dahil kapamilya ka na namin," paalala nito. Tinulak ko siya sa tagiliran, " humanga lang ako kasi ang gwapo niya. Malayo sa inyo ni Kuya Justin." Natawa naman si Kuya Josh sa sinabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Ang totoo magkamukha silang tatlo at lahat sila nagmana kay Daddy Jerome, kaya lang may iba sa awra ni Jacob. "Andrea, right?" rinig kong sabi ni Jacob kaya napaharap ako rito. "Jac- ah Kuya Jacob pala. Oo, Andrea ang pangalan ko-" Natigil ako ng tumawa nang malakas si Kuya Josh at umakbay pa sa akin. "Ang ganda ng Little Sister natin nuh, Kuya. Cute size rin," biro ni Kuya Josh kaya natawa silang lahat. "Tatangkad pa ako," apela ko. Tumayo ito at tumingin sa akin. "Tayo na Little Sis ako ang maghahatid sayo. Una na kami-" "Wag bata ka pa, Dude. Haha," singit ni Kuya Justin. "Lol," baliwalang sabi ni Kuya Josh at naglakad na paalis. Nagpaalam muna ako sa lahat bago ako tumalikod. "Andrea," napatigil ako sa paglalakad sana nang marinig ko na tinawag niya ako. Ngumiti akong humarap. "Ah, ano yun?" mahinhin na sabi ko. "The fork," sabi nito at tinuro pa ang hawak kong tinidor. Narinig ko pang tumawa si Kuya Justin kaya agad kong binalik ang tinidor at tumakbo palabas. Nadatnan ko si Kuya Josh na nakasandal sa kotse. "Bakit?" tanong ko dahil titig na titig ito sa akin. "Wag mong subukan, Little Sis. Forbidden Love!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD