Andrea's pov
Kakatapos lang ng pang-umaga na klase ko at wala akong naintindihan. Si Kuya Jacob pa rin ang inaalala ko. Grabe ang gwapo niya para akong nakakita ng artista.
"Hello, wanna join our group?"
Napatingin ako sa tatlong babae na nasa harap ko. Tumingin pa ako sa likod ko kung may iba silang kausap.
"We are talking to you, Andrea."
"Ahhh, anong group?"
Malay ko ba kung anong subject ang tinutukoy nila.
"Queens here. Since malapit ka sa magkapatid na Salve, we assume that you are rich-rich. That's our number one rule to become part of us."
Big deal ba talaga sila Kuya rito kaya nilalapitan ako. Di naman ako mayaman at hindi ko sila feel maging kaibigan.
Kung nuon siguro na feelingera ako, baka sumama na ako sa kanila lalo pa't mukha silang mga sosyal.
"Ah, sorry hindi pwede."
"What?!" inis na sabi ng nasa gitna.
"Hindi ako sasama sa grupo niyo."
"You-"
Hindi natuloy ang babae sa sasabihin niya at kita ko na nakatingin sila sa may pinto.
Nanduon si Kuya Josh at nakatingin lang sa amin.
"Mauna na ako. Sorry," saad ko bago lumapit kay Kuya Josh.
Geez, ang cringe pala ng Queen thing sa school. Akala ko sa Watty parang cool.
"Ginugulo ka ba ng mga classmates mo?"
Naka-akbay sa akin si Kuya Josh habang patungo kami sa cafeteria.
"Hindi naman. Inaaya nila ako sa grupo nila. Yung parang Queen bee sa school."
"You want to join them, little sis?"
"Ayaw ko."
Nilapitan lang nila ako dahil akala nila mayaman ako at gusto lang nilang mapalapit kila Kuya. Tsaka isa pa gusto kong galingan sa pag-aaral ko para makabawi ako kila Mommy at Daddy sa pagkuha sa akin.
"Ano palang ginagawa mo rito, Kuya Josh. Di ba 1st year college ka na?"
"Para sabayan kang kumain."
" Kaya ko naman mag-isa. Ayokong mastorbo kayo," nahihiyang sabi ko.
"Di ka naman nakakastorbo, little sis. Ikaw lang nag-iisang babaeng Kapatid ko kaya ayokong mag-isa ka."
" Salamat, Kuya Josh."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain Hanggang sa may isang lalaki na umupo sa tabi ni Kuya Josh.
" Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala, kung hindi ko pa dinalaw si Tiffany di kita makikita. Di ka man lang sumagot sa tawag," tuloy-tuloy na sabi nito kay Kuya Josh.
" Girlfriend ba kita para i-update kong nasaan ako? " tanong ni Kuya Josh.
" Bestfriend mo ako. Nakakasakit ka naman. Oh may kasama ka pala," saad nito at napatingin sa akin. "Raymond nga pala. Girlfriend ka ba nitong bestfriend mo? "
"She's my sister. Wag mong hawakan," Saad ni Kuya at tinapik ang kamay ni Raymond. Parang si Kuya Justin lang sa mga kaibigan niya.
"Sister? Akala ko-"
"Wag ng madaming tanong. She's Andrea my little sister. Bawal hawakan kung ayaw mong magkapasa," nakangising sabi ni Kuya Josh.
"Wow lupit! Dude di ako pumapatol sa bata," saad ni Kuya Raymond.
" Kuya you're so ungentleman talaga. Isusumbong kita kay Mommy! This is so bigat kaya," conyong sabi ng babae na umupo sa tabi ko bago humarap sa akin.
" Hi, you are the transferee. I'm, Tiffany. Classmate mo ako."
"Hello, Andrea nga pala." Bati ko.
Madaldal si Tiffany kaya puro ito lang Ang nagsasalita kasama ang Kuya Raymond niya. Si Kuya Josh naman ay nakikisabay rin habang ako ay sasagot lang pag tinanong.
"So we are friends na, huh. Para may kasabay na rin ako lagi, ayoko sa mga classmates natin eh. You seem like mabait naman," sabi ni Tiffany.
"That's good, hindi na ako mag-aalalang na mag-isa ka. Mabait naman 'yan si Tiffany maingay lang siya little sis."
"Duh, Kuya Josh. I'm not maingay kaya."
Umalis na ang dalawang lalaki kaya kami ni lang ni Tiffany ang naglalakad papunta sa room namin.
Mula ng araw na 'yun hindi na kami mapaghiwalay ni Tiffany at naging bestfriend na rin kami. Nakwento ko na rin sa kanya ang buhay ko at kung paano ako napadpad sa pamilya Salve.
Dalawang buwan na ang nakalipas at masasabi kong nasasanay na ako. Napalapit na rin ako sa bago kong pamilya-- maliban kay Kuya Jacob na laging nasa condo at madalang ko lang makita.
"Sissy, manuod tayo ng laro ng thunder sa college department. Narinig ko si Kuya Raymond may laro mamaya. Di ba kasama si Kuya Jacob duon," Anya ni Tiffany habang narito kami sa library.
"Maaga akong susunduin ng driver eh."
Hatid sundo ako ng driver nila Mommy, madalang na lang akong makisabay kila Kuya Josh at Kuya Justin dahil mainit sa mata ng mga babae rito.
"Call Tita na lang and tell her na sasabay na lang tayo pauwi sa isa sa mga Kuya mo."
"Okay."
Tinawagan ko si Mommy para magpaalam, pinayagan naman niya ako pero sinabi niya na pasamahan niya ako kila Kuya kaya wala pang kalahating oras nakita ko si Kuya Justin at Kuya Josh na papasok sa library.
Napatingin tuloy sa kanila ang mga studyante.
"Si Mommy talaga inabala pa kayo. Kaya naman namin ni Sissy," napakamot pa ako.
Umakbay si Kuya Justin sa akin.
" Need niyo ng body guard, mga lalaki sa college department mga sugapa sa babae. "
" Ikaw lang yun, Kuya." Natatawang saad ni Kuya Josh. "Tara na at baka nagsisimula na."
Pag-apak namin sa college department napayuko ako dahil sa tingin na nakukuha namin.
"Those girls are grrrrr, I will grab their eyeballs if they won't stop glaring at us. They are so pangit," iritang sabi ni Tiffany kaya natawa ako.
Maldita 'yan. Ako rin naman kaya lang di pa naa-unleash.
"Oh, is that Kessie? The ultimate girlfriend of captain Raven? Woah, she's so pretty pala."
Napatingin ako sa babaeng tinuro niya.
"Dami mong alam bata," Saad ni Kuya Josh.
Umupo kami sa tabi nung babae na tinuro ni Tiffany.
Napatingin ako sa may bench at unang hinanap ng mata ko ay si Kuya Jacob.
Ang gwapo niya sa uniform habang nakikipag-usap sa teammates niya. Tinignan ko lang ang ibang player at masasabi kong lahat ay walang tulak kabigin.
"Grabe nasa mount Olympus ata tayo. Ang gwa-gwapo nila," wala sa sariling saad ko habang nakatingin sa lalaking seryoso na kausap si Kuya Jacob. "Sobrang hot naman ng kausap ni Kuya Jacob."
"Hahaha, thanks. Boyfriend ko 'yan."
Napa-ayos ako ng upo at tumingin sa babaeng tinuro ni Tiffany kanina.
" Ahh, sorry po." Nahiya naman ako. Napalakas ata ang pagkakasabi ko.
"Ang cute mo at di mo kailangang mag-sorry. Gwapo talaga ang lo-loves ko." Nakangiting sabi nito. " Girlfriend mo Justin?"
"Kapatid naming babae, Ate. Tang-ina ang ingay ng fan girls," banas na sabi ni Kuya Justin.
"Hindi 'yan nanunuod ng mga ganito kasi madaling uminit ang ulo pag madaming tumitili," bulong ni Kuya Josh sa akin.
Hinarap ko si Kuya Justin na halatang irritable habang naka-akbay sa akin. Sobra kasing makatili ang mga babae sa likod namin.
"Kuya, okay na ako rito. Kasama ko naman si Kuya Josh, tawagan ka na lang namin pag-uuwi na kami"
"Sigurado ka?"
"Ako na ang bahala kay little sis," Sabi ni Kuya Josh kaya napapayag ito na umalis.
Nanuod lang kami sa game at ang galing ni Kuya Jacob.
"WAHHHHHHH, GO CAPTAIN!!!! I LOVE YOU!"
Nakikisigaw na si Tiffany at di pa nahiyang sumigaw ng I love you eh katabi nito ang girlfriend.
"Kuya Jacob," malakas na sigaw ko ng naka-upo ito sa bench.
Nakakunot ang noo nito ng makita ako. Lumapit pa ito sa amin at tumingala sa inuupuan namin. Inabot ko ang tubig na hawak ko.
"Thanks, let's talk later." Saad nito at tumingin kay Josh. "Bantayan mo 'yan."
Bumalik na ito sa laro.
" Ang gwapo ni Kuya Jacob nuh. Crush ko nuon but he rejected me," Anya ni Tiffany sa akin. "So I uncrush him na lang."
Natapos ang laro at nanalo ang Thunders. Akala ko aalis na kami pero kinausap kami ni Ate Kessie at sinama sa quarter ng thunders.
Nakita kong tinakpan ni Kuya Josh ang Mata ni Tiffany at may tumakip rin sa mata ko. Alam kong si Kuya Jacob dahil amoy ko ang pabango niya.
"CAPTAIN MAY MGA BATA RITO."
"Duh, we are not a kids. We are lady na kaya," bulong ko.
"Behave, sis." Bulong pabalik ni Kuya Jacob.
Parang nagsitaasan ang balahibo ko sa leeg dahil sa bulong na 'yun.
Geezzz, Andrea. Kuya mo 'yan kaya walang malisya.
Pinakilala kami ni Kuya Jacob sa Thunders.
"Ohhh, so siya 'yung sister na sinasabi mo. Ang ganda."
"Bakit ngayon mo lang pinakilala sa Amin. Ang magandang dalaga-"
" Shut up, Nate." Mariing sabi ni Kuya Jacob at tinulak na kami ni Tiffany palabas ng quarter nila.
Naihatid na namin si Tiffany at kaming dalawa na lang ni Kuya Josh ang nasa kotse.
"Pulang pula ka little sis. May crush ka ba sa isa sa thunders o si-"
"Yung Adam, crush ko!" Mabilis na sabi ko dahil kita ko na naman ang mapaglarong ngiti ni Kuya Josh.
"Ah si Kuya Adam, good. Akala ko si Kuya Jacob," titig na titig ito sa akin.
"Bakit naman ako magkaka-crush kay Kuya? Kadiri ka Kuya Josh, " pagsusungit ko na tinawanan niya.
"Hahaha, okay si Adam na. Gusto mo ilakad kita kay Kuya Adam? "
" Crush ko lang bakit mo ako ilalakad? Kainis," saad ko at nauna na akong pumasok sa bahay. Rinig ko pa ang malakas na tawa nito.
Si Kuya Adam! Siya ang crush ko! Siya lang dapat!
Nagwapuhan lang ako Kay Kuya Jacob, yun lang 'yun! Wala ng iba! Di pwedeng lumagpas!