Cinco

1299 Words
Kakatapos lang ng last subject namin at napagpasyahan namin ni Tiffany na dumaan sa college department court. Manunuod kami ng practice game. "We always watch the practice game pero you never tell me sinong crush mo sa kanila. " "Support lang Kay Kuya Jacob," saad ko. Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Tinignan niya ako ng seryoso bago ngumisi. "Kuya Jacob? Hmm, everytime nanunuod tayo I noticed how you watch Kuya Jacob. Oh my gosh, Drea! Are you-" Tinakpan ko ang bibig niya. Ewan ko sa conyong best friend ko na ito. Walang paki sa paligid, Ang ingay. "Ang ingay mo daming dumadaan. Crush ko si Adam duon, wag kang ano! " Inunahan ko na siyang maglakad, humabol naman ito at umakbay sa akin. 5'5 ako habang siya ay 5'6. "You think you can fool me? I am your best friend kaya for months, I know kung kailang defensive ka. Hmmm, interesting -at the same time nakakatakot," Saad nito. "But it's okay crush lang naman." "Hindi ko alam ang sinasabi mo." " Can't blame you, I had a crush Kay Kuya Jacob rin, kaya lang in uncrush ko na. Handsome, hot, sporty, Brain and nonchalant. Complete package na," tuloy nito kaya kinurot ko sa tagiliran. "Manahimik ka, si Adam Ang crush ko." Tumawa naman ito at hinarap ako. "Sure, you are so kakaiba talaga. I feel like our life hindi magiging boring," bruha! Dumating kami sa court at Nakita agad namin si Ate Kessie at Ate Euna. "Okay ka na ba, Ate?" Tanong ko dahil nabalitaan ko na nakipag-away sila sa cafeteria ng college department. "Oo naman," nakangiting sabi nito. Ang Ganda niya talaga pati ang awra niya parang ang bait. "Ikaw anong ginagawa mo rito? Baka mahighblood na naman ang Kuya mo." "Huh?" Di ko alam ang sinasabi nila. "Yeah, sabog utak eh. Totoo ba Andrea na crush mo si Adam? Ang maldito na 'yun?" Tanong ni Ate Euna. "Po?" "Wag ka ng mahiya, unggoy na gwapo naman yan. Crush mo nga?" Si ate Euna. Ngumiti lang ako at pasimpleng tumango lalo na ng makita ko si Tiffany na nakatingin sa akin na may kahulugan. "Hahaha, kaya pala init na init si Jacob Kay Adam ilang araw na. Hahahaha, epic!" Di ko maintindihan ang sinasabi ni Ate Euna. " Protective ang Kuya Jacob mo," bulong ni Ate Kessie sa akin. Nanuod na lang kami habang si Ate Euna ay nagche-cheer. "MGA UNGGOY, GALINGAN NIYO NAMAN. SAYANG ORAS NAMIN RITO! GIVE US A GOOD GAME!" "KUTO MANAHIMIK KA! NASISIRA LARO KO!" Kuya Zacko na pinatulan si Ate Euna. Medyo sanay na ako sa kanila. Parang aso at pusa. Napatingin ako Kay Kuya Jacob na nakita Kong tumingin sa akin bago naiiling na bumalik sa laro. "Look, Kuya Jacob just stared at you. You are kilig na? ahyiee." Napatingin ako Kay Ate Kessie at Ate Euna kung narinig nila Ang bulong ni Tiffany. Nang masiguro kong hindi, inakbayan ko ito. "Tatahimik ka o sasabihin ko sa Kuya mo na crush mo si Kuya Josh-" " Yuck, ewww! I don't crush him kaya, he is not gwapo. He is not macho. He is not ahhh maybe yeah a bit gwapo-" " HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Bull's eye! Hindi ko napigilan ang tawa ko dahil sa reaction nito at sa sobrang pula ng mukha nito. I knew it, crush niya si Kuya. "Hahahahah, pulang pula ka Tiffany para kang nabilad na kamatis. hahahahaha, sinong defensive ngayon. Sabi ko na eh hahahah." Nahampas ko pa siya habang tumatawa dahil kita ko na nahiya siya. " Hahaha Crush -" "Crush, who?" Natigil ako sa pagtawa ng marinig ko ang boses ni Kuya Jacob. Napatingin ako sa court at nakita ko na lahat sila nakatingin sa akin habang si Kuya Josh ay palapit sa pwesto namin. Tumingin ako kay Ate Kessie at Ate Euna na nakatingin na rin sa akin. "Tawang tawa ka baby girl, andyan na Kuya mo. Kagulat kala ko nababaliw ka na," naiiling na sabi ni Ate Euna. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa hiya. "s**t," bulong ko ng mapahinto si Kuya Jacob sa harap ko. "Happy ka, little sis? Crush? Sino?" Seryosong tanong ni Kuya Jacob. Tumayo naman ako at nakayuko lang. "Wag mong takutin Jacob, crush lang naman normal lang 'yan. Hahaha, chill ka lang. Adam oh," rinig kong sigaw ni Kuya Nate. "Lakas ng kamandag ah sa kilig ni Andrea nakalimutan na madami tayo rito. Haha," si Kuya Zacko. Habang nakayuko ako nakita ko si Tiffany na nakatingin sa akin habang naka tingala dahil nakaupo siya. Sinenyasan ko siya na magsalita na nakuha naman niya. "Hehe, Kuya Jacob it's me ang may crush. I said crush ko si Kuya Raven pero may Ate Kessie na that's why she laughed," pagdadahilan nito. Tumingin naman ako Kay Kuya Jacob na parang bata na tumatango tango habang nagsasalita si Tiffany. "Is that so?" Tanong ni Kuya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. " Yes, kuya. Una na kami baka naghihintay na si Kuya Justin." "Stay, ako ang maghahatid sa inyong dalawa. Wait for me," Sabi ni Kuya Jacob bago tumalikod at bumalik sa game. Nakita ko pa ang ibang player na tinutulak tulak si Jacob. "Ito naman Ang higpit, ano ka bro tatay niya?" "Mukhang takot pa sayo si Andrea, kawawa naman" "Adam layo ka muna Kay Jacob baka masapak ka na." "Bakit kasi si Adam at si Captain pa Ang crush pwede naman ako!" Nahihiya naman akong umupo dahil sa naririnig ko. "Okay lang 'yan. Normal lang magka-crush wag lang agawin," natatawang sabi ni Ate Kessie Kay Tiffany bago humarap sa akin. "Sayo rin normal lang ang may crush, Ang problema mo mukhang mahigpit ang bantay." " Kita mo nga naman, may side palang ganyang si Jacob. hmmm," Si Ate Euna. Di na ako umimik dahil hiyang hiya ako. " Hanla Bestie, I think Kuya Jacob is galit." "Ewan ko, baka isumbong ako kay Mommy." "He is not sumbungero naman pero maybe isumbong ka Kay Tita. But Tita will understand naman it's just a crush at si Kuya Adam naman ang know niya" Nakisabay na nga kami ni Tiffany Kay Kuya Jacob at ng maihatid namin si Tiffany sa bahay nila. "See you bukas. Ingat and good luck," maarteng sabi ni Tiffany bago tumingin Kay Kuya Jacob. " Thank you Kuya sa paghatid sa akin. " Walang nagsalita habang pauwi na kami, ayoko rin naman mag umpisa dahil sa kanilang lahat Kay Kuya Jacob lang ako di close. Madalang niya lang rin akong kausapin, pero mabait naman. Pagdating namin sa bahay inakbayan agad ako ni Kuya Josh na kakarating lang din. Sabay kaming pumasok. " Musta, sis?" Sinamaan ko siya ng tingin. " Ikaw ang nagkalat na crush ko si Kuya Adam! Bakit sinabi mo kay Kuya Jacob?! " Tumawa ito at ginulo ang buhok ko. " Tinanong niya kasi ako kung bakit lagi kang nanunuod ng practice game nila, syempre sinabi Kong crush mo si Kuya Adam alangan namang-" "Mommy si Kuya Josh oh! " Tili ko kaya natawa ito. Lumabas si Mommy galing sa kusina. " Nandyan na pala kayo, Anong nangyayari? Josh, inaasar mo na naman ang Kapatid mo. " " Nilalambing ko lang mhie," sabi ni Kuya Josh na umakbay na Kay Kuya Jacob na kakapasok lang. "Ano Kuya, nanuod si sis ng game niyo? Mukhang matindi ang tama Kay Kuya Adam. Ano bugbugin na natin Ang kaibigan mo. " Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Josh, nakangisi naman itong nakatingin sa akin. Tinanggal ni Kuya Jacob ang kamay ni Kuya Josh at tumingin sa akin. "Wag ka ng manuod ng game namin, may girlfriend na si Adam baka magkagulo pa." Hanla, nagwalk out si Kuya paakyat habang si Kuya Josh naman ay napalakas ang tawa. "Damn it, I smell something fishy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD