Seis

1406 Words
Naboboring na ako. Wala kaming klase sa dalawang buong hapon kasi may meeting ang mga teachers. Gusto ko sanang umuwi kaya lang wala naman akong aabutan duon. "Are you baliw na ba? Oh my gosh, you are na nunu sa punso what ever that is! I heard that in our province, that's why you are tulala!" Napatingin ako Kay Tiffany dahil nahilo ako sa kaconyohan niya. "Sinasabi mo?" Tanong ko na nakahiga pa rin ang ulo ko sa mesa. "We need to call the albularyp for you-" "Sige tapos ipagamot mo 'yang dila mo para mag straight," baliwalang saad ko. Natatawa akong napaayos ng upo ng ilabas nito dila at kumuha pa ng salamin. "Anong ginagawa mo? Mukha kang TikTik," tanong ko. "My dila is straight naman ah," irap nito kaya natawa ako. "Now you are laughing, kanina you are so tulala." " Naboboring kasi ako. Wala na tayong klase, alangan namang dito lang tayo sa cafeteria." "I have an idea, let's punta to the college department and let's just roam around hanggang 3 then let's nuod the practice game. Kuya Raymond said there's a basketball practice game kalaban ang other school," mahabang sabi nito. Gusto ko naman kaya lang bawal. "Nakalimutan mo na ba? Bawal na ako manuod ng basketball game, magagalit si Kuya Jacob." Yes, you read it right! Binawalan ako ni Kuya Jacob manuod ng practice game o kahit anong game baka daw magpang-abot kami ng girlfriend ni Kuya Adam. 2 months ago pa 'yung last na nuod ko. "He won't see us naman. Let's palit our clothes para di mahalata na high school tayo and then let's wear a mask." Hindi niya na ako pinayagang kumontra. After naming kumain dumeretcho na kami sa locker namin para magpalit. "Ops, don't! mahahalata tayo," saad nito at kinuha ang sunglass na isusuot ko sana at sinuod sa akin ang eye glass. "No grado, and we look nerdy but cute." 'We' talaga dahil pati siya naka eye glass na rin. Nakadress siya habang ako naman ay naka skinny jeans at white fitted shirt with white shoes. "Bestie, what's your plan sa buhay?" random question na naman. "Hmm, Ewan ko pa. Ikaw ba?" tanong ko pabalik. "My plano sa life is marry your brother." Natigil ako sa paglalakad at hinarap si Tiffany. " Brother, who? " Ngumisi siya sa akin at kumapit sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad. "Josh. You won't pigil-pigil me naman di ba? I will be your future sister-in-law," masayang sabi nito. "Kailan mo pa siya naging gusto? dati naman tinatanggi mo. " "Feeling Bloom, yah know. Just like you to-" tinakpan ko ang bunganga niya. Alam ko na ang gusto niyang sabihin. "Manahimik ka kung ayaw mong matupad ang future mo," pagbabanta ko na ikinatawa nito. " Well, it's not bad if we marry the magkapatid. Right?" Mahinang sabi niyo bago tumakbo. Hinabol ko naman siya. Natatawa na lang ako dahil ayokong seryosohin. " OUCH! BULAG KA BA?! STUPIDA!" Napatigil ako at mabilis na hinila si Tiffany sa tabi ko. May nabunggo kasi itong babae na may hawak na juice at nabuhos ang juice sa damit ng babae. Kita ko rin na tinabig ng kasama ng babae si Tiffany kaya hinila ko agad. "ANO?! DI MAKAPAGSALITA? HINDI MO BA AKO KILALA!" Ang lakas ng boses niya huh, agaw attention talaga. Parang namumukhaan ko siya, Jam or Venice ata ito. Yung isa sa kalaban nila Ate Kessie at Ate Euna. Oh, Jam pala. "I'm sorry po," mahinang Saad ni Tiffany. "Sorry," saad ko rin para di na lumaki. Lumapit ito sa harap ni Tiffany. Nagulat na lang ako ng sampalin niya si Tiffany. "Sorry is not enough," nakangising saad nito. "Much better. " Sa galit ko malakas kong itinulak ang babae kaya natumba ito. "Wala kang karapatang sampalin ang kaibigan ko!" Mahinang saad ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari naramdaman ko na lang na may humila sa buhok sa likod. Kita ko rin si Tiffany na may kasabunutan na. Bwesit! Pumunta sa harap ko yung babaeng tinulak ko at sinampal ako. Hindi ko na alintana ang sabunot sa likod ko at mabilis kong hinablot ang buhok ni Jam. "f**k you, let's go!" Sigaw nito. Hindi pa ako nakuntento ginamit ko ang isa kong kamay para sikuhin babaeng nananabunot sa akin. Nakakaganti man ako pero ramdam ko ang kalmot sa braso at mukha ko. Tangenes, 2vs1. "LET GO OF MY BFF, YOU LEECH NA MABAHO!" Rinig Kong sigaw ni Tiffany. Ramdam ko ang sakit sa anit ko. Mamaya ka sa akin. Binitawan ko ang buhok ni Jam at handa na sana itong suntukin ng mawala ito sa harap ko. Nawala na rin ang nakahawak sa buhok ko. Napatingin ako Kay Tiffany na hinila ako sa gilid. Binalik ko ang tingin ko kila Jam. Si Ate Euna na hawak hawak ang buhok ni Jam. Kita ko ang babae kanina na may hawak sa buhok ko na nakahandusay na takot na nakatingin kay Ate Kessie. "Ouch, b***h! Let go of my hair! Bakit ka ba nangingi-alam!" "Trip ko lang," saad ni Ate Euna at tinulak si Jam. Nasubsob ito sa floor. "Okay lang kayo?" Tanong ni Ate Kessie na lumapit sa amin. " Do we look like okay kami, Ate? My hair is magulo and I have some kalmot pa. Huhu my skin," naiiyak na Sabi ni Tiffany. "Look oh, Andrea is sobrang kawawa rin." "Okay lang ako, Ate." Sagot ko at hinarap si Ate Euna na nakangiti habang nakatingin kay Jam at sa dalawa pang babae. "Paki-alamera talaga kayong magpinsan! mind your own fuvking business!" Sigaw ni Jam. "Tsk, pati mga bata pinapatulan. Gusto mo pala ng away sana tinawag mo ako. I'm one call away b***h!" Pang-aasar ni Ate Euna bago humarap sa akin. "By the way Kilala niyo ba kung sino ang mga sinaktan niyo?" " The hell I care sa stupidang mga 'yan!". Sabi nung Jam at masamang tumingin Kay Tiffany at sa akin. Tumawa si Ate Euna at tinawag kami kaya lumapit kami sa kanya. Tinignan ko rin ng masama ang mga babae sa harap ko. "Jam, jam, jam. Oh Jam, ngayon pa lang naaawa na ako sayo. Ano kaya ang sasabihin ng Kuya niya na nasa thunder," Sabi ni Ate Euna at inakbayan ako. "Kinawawa mo ang Kapatid niya. " Kita ko ang pamumutla ng mukha ng tatlong babae. "T-thunder?" Utal na sabi ng babae. "Ano na ulit buong pangalan mo, baby girl?" Tanong ni Ate Euna. "Andrea Salve," sagot ko. Napaatras si Jam habang nakatingin sa akin. "You are S-Salve?!" Gulat na sabi nito. "Ang nag-iisang Kapatid na babae ni Jacob," mapang-asar na saad ni Ate Euna. " So alam niyo na. Mauna na kami at ipapagamot pa namin sila sa clinic tapos dederetcho sa court. Syempre makikita ni Jacob ang mga kalmot. tsk tsk tsk. Good luck." Tumalikod na kami at tulad ng Sabi ni Ate Euna diniretcho nila kami sa clinic. "Ouch naman, be gentle. Huhu, my hair. Oh my gosh, I need to call mom. What If mag iwan ng scar ang mga kalmot." Maingay na reklamo ni Tiffany habang ginagamot siya. Napapangiwi naman ako sa bawat pahid ni Ate Kessie sa mga kalmot ko. "Anong nangyari? Bakit nakaaway niyo mga 'yun?" Tanong ni Ate Euna. "Nabunggo ni Tiffany tapos natapom Yung juice sa damit nito. Nagsorry naman kami pero sinampal niya si Tiffany kaya tinulak ko tapos ayun na po," paliwanag ko. "Mga bully talaga Ang mga 'yun. Wag kayong mag-alala igaganti ko kayo," saad ni Ate Euna. " Pag balak niyong pumunta sa college dept text niyo lang kami at sasamahan namin kayo. Mga bully ang mga nandito," sabi naman ni Ate Euna. "Sasama pa kayo manuod ng practice game o ihahatid na namin kayo pauwi?" "Awww, my car ka couz? Ihahatid e," pambabara ni Ate Euna kaya nakatanggap ito ng batok mula kay Ate Kessie. "Just kidding." "Oh no, we need to sumbong to Kuya Jacob! I will call Kuya Raymond, Josh and Kuya Justin too! We need Justice mga Ate. They ruined my napakagandang skin at hurt my anit." Pinigilan ko pa si Tiffany at sinabihan na umuwi na lang pero hindi ito nagpapigil. Madaming band aid ang mukha naming dalawa pati ang braso. "Uwi na lang tayo, magagalit si Kuya Jacob." Saad ko pero hinila ako ni Tiffany papasok ng court kaya naagaw namin ang attention ng lahat. Nagtagpo ang mata namin ni Kuya Jacob, pinanlamigan ako sa titig niya. Lagot na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD