Siete

1085 Words
Miss A's pov "Anong nangyari, Andrea! Ano pati dila mo may sugat at di ka makasagot?" Galit at mariing tanong ni Jacob. Ilang beses na itong nagtanong pero nakayuko lang si Andrea sa takot. "Relax, pre. Paano ka sasagutin Kong takot sayo," Sabi ni Adam. "I'm not talking to you so shut up!" Pabalang na sabi ni Jacob. " Lintek! Haha wag na kasing magsalita Ang crush haha, " pang-aasar ni Elvo. " Inamo Elvo manahimik ka na rin baka Ikaw ang unang paglamayan, titig pa lang nakakamatay na." sabat naman ni Benedict ng makita ang galit na si Jacob. Lumapit si Jacob sa harap ni Andrea at hinila ang braso nito. "Ouch, yung sugat ko." Mahinang sabi ni Andrea kaya napabitaw si Jacob. "Damn," mura ni Jacob. "Who did that?! Sino ang nanakit sayo." Umiling si Andrea at walang balak magsumbong. Tumingin si Jacob kay Tiffany, kay Euna at Kessie. "Tamad akong magsalita unggoy. Si Tiffany na lang pagkwentuhin mo siya ang sasagot," saad ni Euna. "Tiffany -" "Kuya this is what happened kasi, we are boring kasi we don't have a class ngayong hapon so we decided to pasyal here tapos nabunggo ko 'yung leech and then she cursed me at bff. Since we are nice we said sorry pa rin pero the girl slapped me, " naiiyak na sumbong ni Tiffany. "I was nagulat and hurt at the same time kasi my parents nga never laid a finger on me tapos 'yun sinampal ako. Then Andrea pushed the girl after the sampal then the gulo started. They sabunot us and kalmot our face and arms. One girl vs me but I'm malakas so I easily knocked out that girl so I tried to help bff kasi two ang kalaban niya but other students hold me, tapos Ate Euna at Ate Kessie came. They helped us. " Mahabang paliwanag ni Tiffany. Hindi alam ni Andrea kong mahihiya siya sa kaibigan o matatawa lalo ng makita niya ang mukha ng mga nakarinig. "Geez, nahilo ako sa kwento. Inang 'yan taglish," si Euna. "Pre ano ulit? Di ko naintindihan." Si Nate. "Puzzle ba 'yung kwento bakit ang gulo," bulong naman ni Zacko. "Dalhin mo ako sa clinic pre. Naduduling ako sa narinig ko, " si Elvo. " Putcha Taglishing." "Sana si Andrea na lang pinagkwento natin," saad naman ni Benedict. Natigil ang bulungan ng sipain ni Jacob ang bola. "Sino sila? " Galit na tanong nito kay Kessie at Euna. "Jam with her two alipores tapos isama mo na si Venice dahil nakita ko siyang nagvideo." Nakangiting saad ni Euna. Aalis na sana si Jacob ng hawakan siya ni Andrea. "Uwi na lang tayo, okay lang ako. " Mahinang bulong nito. "Walang pwedeng manakit sayo, " mariing sabi ni Jacob at tinanggal ang kamay Andrea bago tuluyang umalis. "Andrei, Nate, Adam, Benedict and Zacko samahan niyo 'yun. Elvo at draco punta kunin niyo lahat ng bola at dalhin rito." Utos ni Captain Zayn. " Andrea at Tiffany Tara upo rito. Hayaan niyo mga 'yun malalaki na sila, " saad ni Euna. Naiiyak na si Andrea, isiping baka may gawing mali si Jacob at ikapahamak nito. "Ikaw kasi bakit nagsumbong ka pa," saad ni Andrea. "I want justice nga kasi and tinanong ako ni Kuya Jacob. He is nakakatakot kaya," nakapout na sabi ni Tiffany. "No joke, this is so sakit. We need to make bawi next time. I will order some karayom online." Sa kabilang banda naman kasama ni Jam ang grupo ng queen bee sa colleges department sa pangunguna ni Ally. Sinabi niya na ang nangyari. Nang makita ng grupo ang Thunders sa pangunguna ni Jacob ay agad nakaramdam sina Jam at mga kasama nito na nanakit kanina. Agad na pumuna sa harap nila si Ally. "You are not welcome here Jacob. Any minute paparating na ang prof namin kaya wag kang gumawa ng gulo," matapang na sabi ni Ally. " Don't try to stop me Ally, kung si Captain mahaba ang pasensya sayo - ako wala." Mariing saad ni Jacob. Inakbayan naman ni Benedict si Ally at pinagilid ito para di matakpan sila Jam. "What-" " Wag ka ng macomplain. Alam mo gentleman pa rin ako para iligtas ka kahit di kita ka level. Pag Ikaw sinuntok ni Jacob coma ka 1 hour, " pananakot ni Benedict. Agad na lumapit si Jacob kay Jam at hinawakan ito sa pisngi. Sobra ang takot na nararamdaman ni Jam sa paninitig at hawak pa lang ni Jacob. "Ahhhh!" Napasigaw ito ng hawakan ni Jacob ng mahigpit ang panga nito. "Who gives you the fvcking right to hurt her?! huh! " Nagpupumiglas na si Jam sa higpig ng pagkakahawak ni Jacob sa panga niya. "Pre, bawal 'yan. Chill," si Nate na agad lumapit kay Jacob. " Madaming nakatingin. Dalhin sa court for punishment. " "Jacob pre, bitaw. " Sabi naman ni Andrei ng makitang sobrang higpit na ng hawak ni Jacob. Parang walang naririnig si Jacob ng dumating si Josh at hinila si Jacob. "Kuya, babae 'yan. Anong ginagawa mo?! " Gulat na saad ni Josh. Napadaan lang siya ng makita niya ito. "Giving her a lesson," Galit na saad ni Jacob. "Kuya naman kailan ka pa naging teacher at may pabigay ka pa ng lesson, " subok ni Josh na pagaanin ang mood ni Jacob pero walang nangyari. "Dalhin ang mga 'yan sa court," Saad ni Jacob at nauna ng naglakad kasama si Josh na wala pa ring kaalam alam. "Oh, sino 'yung mga nanakit sa dalawang princesa pumunta sa harap namin at oras na ng paghuhukom." Saad ni Zacko. Walang umimik sa mga babae at lahat sila nakayuko lang. "It's either sasama kayo o kakaladkarin namin kayo, choose!" malamig na wika ni Adam. Napangisi sila Zacko ng mabilis na sa alas Kwatro na pumunta sa harap nila ang tatlong babae. Puro sorry ang naririnig sa tatlong babae. "Venice, Tara. Di mo ba sasamahan Ang best friend mo?" Tanong ni Nate. "What? Hindi ako kasama. I didn't hurt them!" Depensa ni Venice. "Tama na ang paliwanagan, sumama ka na lang kung ayaw mong bumalik pa si Jacob dito at siya pa sumundo sayo." Si Zacko. Walang nagawa ang apat na babae kundi sumama. "Don't worry, pupuna ako sa dean!" pahabol pa ni Ally. Pagbukas ng court sabay sabay na tinulak nila apat na babae papasok. Agaw attention si Euna ng magdribble ito at lumapit sa apat na babae. "Namali kayo ng nabully," naiiling na sabi ni Euna at inapakan Ang bola. " IT'S SHOW TIME BITCHES!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD