
Umibig si Zoey Trisha Ramos sa isang playboy na si Edrick Kurt Lim. Labing-pitong taon pa lamang si Trisha, isang freshman sa isang kilalang University samantalang dalawampu't dalawang taon na noon si Edrick, graduating na ito at isang heartthrob sa parehong University. Sa simula palamang ay alam na ni Trisha na maling umibig sa isang playboy ngunit kahit sya mismo ay hindi napigilan ang puso nya sa pag t***k. Naging sila nga ng binata. Naging masaya naman sila. Nangako ang isang playboy sakanya na magbabago sya at hinding hindi sya sasaktan, ngunit dumating ang isang araw ay iniwan sya nito. Naki pag break sa telepono ang binata sa araw ng graduation nya. Hindi malaman ng babae ang kanyang gagawin sinundan nya ito sa airport at ganoon nalamang ang nakita nya. May kasamang ibang babae si Edrick. Masayang masaya ito kasama ang ibang babae. Sobrang nasaktan si Trisha, kaya naman ay hindi na sya muli pang umibig pa.
Makalipas ang limang taon ay bumalik ang lalaki sa Pilipinas. Laking gulat na lamang nila na sa pag balik nito ay sya na ang naging substitute professor nila. Gagawin lahat ni Edrick mabawi lang nya ulit ang tanging babaeng minahal nya. Nasaktan nya ito ng sobra kaya sa kahit anong paraan ay babawiin nya ito at pinangako sa sariling hinding hindi nya na muli itong iiwanan at sasaktan pa.
Sana maintindihan ng babae kung bakit kinakailangan nyang lumayo at iwanan sya. Muli nga kaya syang bigyan ng second chance ni Trisha? Sa muli nilang pagkikita ay marami na ang hahadlang sakanilang dalawa. Maging pamilyar pa kaya ang mga puso nila sa isa't-isa?

