CHAPTER 1 – Zoey Trisha Ramos
"Zoey Trisha Ramos!!!" sigaw nang katabi ko. Bigla akong napatingin sakanya. Ano na naman ba kasi ang problema nitong kaibigan ko. May iniisip lang kasi ako. Lumilipad na naman ang isip ko sa ibang mga bagay.
"Trish ano ba? Kanina pa ako nagtatanong kung tama ba yung mga sinasagot ko, alam mo namang hirap na hirap ako dito sa mga numbers na to eh" halos matawa ako sa itsura ng kaibigan kong si Sab. Hirap na hirap talaga sya.
"Hellooooo Trisha? Nakaka inis ka naman eh, ako ang kasama mo pero sya ang iniisip mo. Sabi ko naman sayo mag move on ka na." napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sab. Hindi naman kasi sya ang iniisip ko. Kung anu-ano talaga ang sinasabi nya eh.
"Pwede ba Sab, hindi sya ang iniisip ko. Wala na akong pakialam sakanya" Pero unti unti may sakit na gumuhit sa aking dibdib. Bigla ko na namang naalala ang araw na maghiwalay kami. Masakit, pero anong gagawin ko. Matagal na panahon yon. Baka nga ay nakalimutan nya na ako. Sino ba naman ako para sakanya.
"Si atehhh bitter pa din" sabi ni Gab, she's. I mean he, he's my friend too. tiningnan ko silang dalawa. Sila lang ang tanging mga kaibigan ko dito sa University. Bitter na kung bitter, pero syempre hindi ko naman aaminin sakanila yon. Kailangan kong maging matatag, ayoko ng destruction lalo na ngayong graduating na ako.
"Halika na nga Sab, baka mamaya kainin pa tayo ng buhay nyang si Trisha eh." Nag mamadali namang umalis yung dalawa kong kaibigan. San na naman ba sila pupunta.
By the way I'm Zoey Trisha Ramos graduating na ako, BS in Civil Engineering. Ito talaga ang gusto ko, si Sabrina or Sab ang aking bestfriend since fetus era kaya pareho kami ng course kahit hirap na hirap sya okay lang daw basta kasama ako. Baliw din yun eh. Si Gab naman he's gay, last sem lang namin sya naging close dahil irreg student sya but he knows everything about kay Edrick..!Ayy nako Edrick na naman ang bukam-bibig ko.
I'm 17 years old nang makilala ko si Edrick Kurt Lim, samantalang sya ay 22 years old na. Sinong hindi makakakilala sakanya dati, sya lang naman ang sikat na sikat na playboy dito sa University namin. Samantalang ako ay isang freshman pa that time, sya naman ay graduating na, same college kami. Bakit ko nga ba kinukwento ang mga bagay na to.? Sabi nga nila past is past.
Pero kahit anong limot ko sa nakaraan ay kusang bumabalik ang alaala ni Kurt sakin. Bakit ba kasi ayaw pa ako patahimikin ng lalaking yon. Dapat ay ipakita ko sa mga tao na hindi na ako affected kay Kurt kahit naman deep inside ay sumasagi pa din sya lagi sa isip ko. Limang taon pero andito pa din sya sa puso ko.
It's not the people who changed it is the mask that falls of.