CHAPTER 2 – Edrick Kurt Lim
Nag mamadali akong nagpahatid sa driver namin dahil 8:30am na. Kanina pang 8am ang class namin, kasi naman nagpuyat pa ako kagabi kakabasa sa w*****d ayan mala-late na talaga ako. Kung su-swertihin nga naman ako, traffic na nga empty batt pa ang phone and the worst si Ma'am Garcia pa ang prof namin! Inisip ko na nga na wag na lang pumasok sa first class kaso, may long quiz kami at pag hindi ko yun na take mag special quiz ako and I'm sure na doble ang hirap nun.
9am na ako nakarating sa Campus namin, good thing may sasakyan kami kaya kahit sobrang laki ng University na to mabilis akong nakarating sa building namin. 1 hour late na ako, may maabutan pa kaya ako sa long quiz? Pero nag mamadali akong tumakbo papalapit sa elevator, pag pasok ko biglang tumunog at sa sobrang swerte ko ngayong araw overload na wala akong nagawa at bumaba na lang nasa 5th floor pa ang room ko. GO TRISH GO GO GO!! Bulong ko sa sarili ko. Nagmamadali akong nagtungo sa hagdanan. Kaya ko to.!
Hingal na hingal ako habang binubuksan ang pinto kung saan kumukaha ng long quiz ang mga classmates ko. Sana ay payagan pa ako ni Ma'am na mag take ng quiz.
"Ha Ha Ha Ha"
"I know, I know"
"Shut up"
"I'll tell you later"
Halos mapaupo na ako sa harap ng pintuan nung makita kong nagkakagulo pa ang mga classmates ko, isa lang ang ibig sabihin nito wala pa si Ma'am Garcia. Yes! Yes! Yes!! Ito na talaga..Totoong swerte na ako ngayon, sa lahat ng hirap na pinag daanan ko ngayong umaga.
"Hey girl! You're late and you look so... haggard" Bati sakin ni Gab na tiningnan pa ako simula ulo hanggang paa. Masyadong maarte tong baklang to. Nakita na ngang hingal na hingal ako dahil nag mamadali ako sa pag aakalang nag start na ang quiz namin.
"Kung alam mo lang ang hirap na pinagdaanan ko, tas gantong kagulong classroom lang ang aabutan ko sana hindi na lang ako nag stairs at nag tatakbo dito. Kakapagod kaya, nasan na ba si Sab?" Lumingon lingon pa ako para hanapin ang kaibigan ko. Naglakad na ako papunta sa upuan namin. Dahil pagod na pagod na ako sa pag takbo ko.
"Girl, nag punta lang sa restroom. Mag ayos ka nga dyan. Mag suklay ka din. Pawis na pawis ka pa." Tapos hinagisan nya ako ng tissue. Ganun na ba talaga ako ka haggard? Nakakahiya naman. Kaya agad akong nag punas ng pawis ko.
"GUYYYYYSSSS" Si Sab yan. Hingal na hingal syang pumasok sa room. Eksena naman nitong babaeng to. Napatingin kaming lahat, aba tuwang tuwa eh. Laging ganyan yan, kay gandang babae kung umasta naman kasi sya ay hindi bagay sa maganda nyang muka. Mukang mahinhin, pero baliw naman.
"Listen!" Sabi nya na humihingal pa. Habang ako dito sa may bandang likod nag susuklay na sa napaka gandang hair ko, nag punas ng muka at lagay ng konting foundation, red lipstick, konting spray ng favourite perfume kong Victoria's Secret and tadaaah!!! Okay na ulit ang beauty ko!
"Anong chika mo?" Tanong nung isang classmate namin. Mga chismosa talaga to! Pero na intriga na din naman ako. Hindi ko kilala ang lahat ng classmates ko kasi hindi naman ako friendly at ayokong maki pagkaibigan sakanila. Marte na kung marte pero may trust issue kasi ako.
"Good news! On leave si Ma'am Garcia!" Sabi nya. Tuwang tuwa naman ang buong klase, syempre nabawasan ang mga terror na prof namin. Isa kasi talaga sa nakakatakot itong si Ma'am. Pinag lihi yata sya sa sama ng loob eh. Buti na lang. So, that means wala kaming long quiz today!
"San mo nakalap ang balitang yan Sab?" May nagtanong kay Sab, si Marie yata or Marry Anne. I don't remember her name talaga pero ayon nga saan naman kaya nakuha ni Sab ang balita nya. Sana lang hindi fake news.
"Narinig ko lang kay Dean, kaso may substitute na prof na. Narinig kong sabi ni Dean ay 'Sir' so lalaki ang Sub Prof natin" Nagliwanag ang mga mata nung babae kong classmate isama nyo na rin ang binabaeng katabi ko. Nakarinig lang ng SIR. Sus baka mamaya matanda na yung Prof na yun. Don't expect too much, baka mamaya ikaw din ang ma-disappoint.
Bigla kaming natahimik nung pumasok si Dean at may kasunod na lalaki, tingin ko nasa 40's na to. Natawa na lang ako sa mga expression nila, halos mapanganga sila. I'm 100% sure na nag expect silang gwapo ang prof na mag su-sub kay Ma'am Garcia.
"Good morning everyone!" Bati ni Dean, nagsalita pa sya sa unahan ng kung anu-ano pero hindi na din ako nakinig kasi ipapakilala lang naman nya yung Prof and I'm not interested naman, ang mahalaga sakin magturo sya para may matutunan kami. Busy pa kasi ako sa pag babasa dito sa w*****d eh.
"WHATT TTHE!!" napatingin ako sa kanan ko, si Sabrina yung katabi ko! Ang ingay impit na sumigaw sya eh. Sinundan ko ang tinitingnan ni Sab, pero bago pa ako makatingin sa harap napalingon naman ako sa kaliwa ko ng marinig ko si Gabriel.
"HOOOLY MOOOLLY TOLLY" anung nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit ang ingay. Pag tingin ko sa unahan..
"SH*T" Yung iba na impit na napapasigaw na mukang dahil sa kilig nila, ako naman ay napamura sa sobrang gulat at naisigaw ko pa talaga! Anong ginagawa ng lalaking yan sa room na to? Bakit sya nandito? Bakit ba ang dami kong tanong? Hindi kasi ako nakikinig kanina eh. Ayan tuloy.
"You." Turo nya sakin, kaya naman lahat ng classmate ko ay nakatingin na sakin. "Miss?" tanong nya sakin. Tinaasan ko sya ng kilay. What?? Hindi nya ako kilala? Sira ulo tong lalaking to ah.
"Miss Zoey Trisha Ramos po Sir ang name nya" sabi ng mahaderang classmate ko. At buong buo pa ang sinabing pangalan ko. Humanda sakin yan mamaya. Nakakainis! At binalik sakin nung lalaki ang tingin nya.
"So Ms. Zoey Trisha Ramos, is that a proper way to greet your Professor?" Tanong nya. Ano bang gusto nyang palabasin. Medyo na aasar na ako sakanya. Sya pala yung sub Prof namin. Eh sino yung matandang lalaking pumasok?
"Trish.. Kalma lang!" sabi ni Sab. Nakita nya siguro kung paano ko ikuyom ang mga daliri ko sa palad ko. Inis na inis ako sa taong to lalo na nung nag smirk sya. Dahil hindi ko alam ang word na patience, tumayo na ako sa pagkakaupo ko at sabay sabing.
"Professor? Let me correct that Sir, you're a substitute Professor here. And one more thing I'll drop this subject" Katahimikan lang ang nanaig sa napakalaking room na to, tanging ang tunog lang ng aircon ang maririnig. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palapit sa pintuan nang nagsalita ulit sya.
"Why Zoey? Are you still affected?" napalingon ako sa lalaking nag salita. Halos magkabuhol na ang kilay ko. Lumapit sakin si Sab, at sinabing "don't make a scene here" samantalang si Gab ay nakatingin lang samin, dahil hindi nya naman kilala kung sino ang lalaking nasa unahan. Bakit nga ba ako aalis at mag da-drop, graduating na ako wala dapat akong maiwan na mga subjects. Pero kasi naman, yung sub prof. Hindi ko alam kung matatagal ko sya.
"No sir, I'm not just sure if you can teach us very well, unless if you'll teach the class how to be a good player like you SIR" pinag diinan ko ang salitang Sir. Bigla akong hinila ni Sab pabalik sa upuan namin halos mapanganga ang mga students na kasama namin sa room. Ikaw ba naman sagut sagutin mo ang professor mo. Kilala nila ako bilang tahimik lang, pero this time hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Kaya naman siguradong ako ang magiging topic nila.
"Watch your big mouth Zoey! I'll let it pass for now" Sabi nito at titig na titig pa sakin. Akala naman nya masisindak nya ako sa mga tingin nya pwes nagkakamali sya. Mainit ang ulo ko. Pero bigla ding parang may humaplos sa puso ko. Ewan ko ba galit lang siguro ako kaya pati ang puso ko apektado.
"Whatever" sagot ko, hindi ko alam kung narinig nya pa yun. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo, pero bumibilis ang t***k ng puso ko. Magkakasakit yata ako sa puso. Naging abnormal kasi ang t***k nito.
"Okay class, let me continue. Again I'm Edrick Kurt Lim but you can call me Sir Edrick. If you have questions don't hesitate to ask me" Seriously?? Yan ang magiging prof namin? Until when? Yang playboy na yan! Baka masayang lang ang napaka mahal na tuition na binabayaran ng mga magulang namin kung sya ang mag tuturo.
"Sir I have a question" sabi nung babae sa unahan, sorry hindi ko kasi kilala tong mga classmate ko eh. Basta pumapasok lang ako at nag aaral. Hindi ko hobby ang makipag kaibigan sa buong college namin.
"Yes. Ms?" sabi nung Sir daw namin
"Ms. Alcantara po Sir." Nag papacute na sabi nya. Akala mo naman cute, nakaka asar lang sila.
"And your question Ms. Alcantara?" Pwede ko syang isumbong kay Dean, nakiki pag flirt sya sa mga students. Tama tama!! Lagot ka sakin. Mapapaalis ka din sa University na to.
"Sir, I just want to know, how old are you?" Hay nako! Akala ko about sa topic ang tanong nya. Kung sabagay parang ngayon lang nakakita ng gwapo itong mga classmates ko. Hindi yata nila nakikilala ang lalaking ito. Sya lang naman ang dating playboy ng College namin. Siguro masyado pa kaming mga baguhan kaya hindi nila masyadong natatandaan yang lalaking yan.
"I'm 27 years old. And I'm single." hindi nya na natapos ang sasabihin nya nung nagsimulang magsigawan ang buong klase. Bakit ba sila kinikilig. Sino bang may sabing pwede nilang landiin ang lalaking yan.
"What a flirt." Sabi ni Sab. Napatingin ako sakanya, alam kong galit din sya sa Ex ko. Nakita nya kung paano ako nasaktan at nagdusa nung mga panahong iniwan nya ako. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko na naman yun. Bakit ba naman kasi bumalik pa sya dito. Kung nanatili na lamang sya sa US.
"But my heart is taken" bigla namang tumahimik ang klase nung madugtungan ni Kurt ang kaninang sinasabi nya.! The hell! I'm single, but my heart is taken. What a flirt. Isusumbong ko talaga sya kay Dean mamaya. Bawal nyang landiin ang mga students dito. Isa syang Professor dapat maging professional sya.
"Awwww" sabay sabay namang nag react tong mga babae. Ano naging aso na sila. Bitter na talaga ako eh.
"Atteehh!! Bat ba ang bitter mo? Gumawa ka pa talaga ng eksena here" sabi naman ni Gab! Malamang hindi nya pa kasi nakikita si Kurt puro kwento lang ang nagagawa namin dati ni Sab sakanya, pero masaya ako kasi he respect my decision nung sinabi kong ayaw ko na makita ang pagmumuka nung lalaki na yun, kaya hindi namin napakita ang itsura ni Kurt sakanya.
"People at the back, do you want to share something in the class?" Bwisit ako na naman ang nakita. I mean kaming tatlo nina Sab and Gab ang napagsabihan. Todo chismisan pa kasi tong dalawa eh. Ayan tuloy baka kami lagi ang pag diskitahan nitong lalaking to.
......
Mabilis na lumipas ang 4 hours. At lunch na din sa wakas. Makaka hinga na din ako ng maayos, ng sariwang hangin, ng fresh air! Unti unti na naubos ang tao sa classroom, at nag uunahan na sa pag labas.
"Ms. Ramos, I want to talk to you privately" tawag pansin ni Sir! Syempre kailangan ko din naman maging professional din.
"About what Sir?" apat na lang kami sa room na to, si Sab and Gab at kami ni Sir. Wag syang loloko loko gutom na ako baka sya ang kainin ko.
"Follow me in the faculty office." At bigla na lang syang lumabas ng room. Naiinis na talaga ako sa lalaking to, after ko sya makausap mamaya isusumbong ko sya kay Dean na nakiki pag flirt sya sa mga students. Tapos kung utus utusan nya ako. Akala mo talaga wala kaming pinag samahan. OH GOD!! I should stop thinking about that.
"Go girl! Itayo mo ang bandera natin..! Wag ka papa apekto sa pontio pilato na yun. Tsaka wag kang aamin sa chismisan natin kanina." Pag chi-cheer pa ni Gab. Baka nga pagalitan ako dahil nasita kami kanina. Pero dapat kasama din yung dalawa sa papagalitan kasi kaming tatlo yung nag iingay kanina eh.
Sumunod ako sa faculty room, halos wala na din ang ibang prof dahil lunch time na nga kasi. Hinanap ko naman ang table nung lalaking yun. Nadaanan ko pa ang isang prof at nag tanong kung saan ang table ng mga sub prof. tinuro nya naman ako dun sa bandang dulo ng office. Wala naman sya dito eh. Pinagloloko yata ako ng lalaking yun eh. The nerve of that guy!
"Hi baby! Did you miss me?" halos mapatalon ako nung nag salita sya. At napalingon ako sa likod nung maramdaman kong andun pala sya. Kumunot ang noo ko. Pag katapos ay parang pinag buhol na ang kilay ko sa inis sa kanya. But I still miss his manly voice.
"What the hell? Can you please get to the point. What do you want to talk about that you want it to be private pa?" Akala nya mag papa apekto pa ako sakanya, kahit na ang totoo naman ay may konti. Sige medyo meron pa talaga. Sino ba namang hindi makakapansin sakanya. Isa syang heartthrob noong college pa sya. Sa tangkad nyang ito siguro nasa 6 feet na sya. Yung makinis nyang muka, mahihiya ang mga artista. Ang kulay brown na mga mata nyang halos tunawin ka sa tuwing tititigan ka nya. Ang katawan nyang lalo lumaki at nag muka syang mas makisig pa. Mas nakadagdag sa kagwapuhan nya ang suot suot nyang eye glasses. Bakit ba puro magaganda ang nakikita ko sakanya ngayon. Galit nga pala ako sakanya. Trisha! Focus!
"Baby, I miss you. And I Lo..." hindi ko sya pinatapos mag salita. Nanginginig na ang kamay ko, gustong gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa kasi nanghihina din ako. Gusto kong umiyak pero hindi dito hindi sa harap nya dahil pag ginawa ko yun matutuwa ang kanyang ego. Anong akala nya sakin? Pagkain? Buffet? Unli na pwedeng balik-balikan pag gusto nya na ulit? Hindi ako papayag, sobrang tinapakan nya ang pride ko noon. Babalik sya na parang walang nangyari? Na parang kahapon lang ang lahat?
"Can you quit playing games with me? I'm not interested anyway." Matigas na sabi ko. Hinding hindi na ako magpapaloko sa katulad nya, maaring tama sila masyado pa akong bata dati kaya hindi ko alam ang mga ginagawa kong desisyon pero salamat pa din sa mga pagkakamali ko dati dahil ngayon malaki ang natutunan ko dun. Naging mas matalino ako sa mga desisyon ko. Mas iniisip ko ang kahihinatnan bago ang pang sariling kagustuhan ko. Iniisip ko na din ang iisipin ng ibang tao.
"But you like it when I'm telling you how much I Lo.." hindi nya na naman naituloy dahil lumapit ako sakanya at tuluyan ko na syang nasampal sa muka. Ang kapal talaga ng muka ng lalaking ito. Paano nya nasasabi sakin yan. Pag katapos nya akong saktan at paiyakin ng ilang taon ang lakas ng loob nyang sabihing mahal nya ako. Ayoko na. Tama na ang minsan. Kahit gaano pa sya kagwapo kailangan kong mag pigil. Hindi nakaka tulong ang mga titig nya sakin.
"And that's for hurting me. So stop pretending that you loved me" sabi ko. Kahit nasaktan ko sya akala ko ay gagaan ang pakiramdam ko. Ngunit nasasaktan ako ngayon, mas nasasaktan akong makita yung sakit na gumuhit sa mga mata nya. Biglang nag bago ang expression ng muka nya. Hindi ako dapat magpadala sakanya. Hindi ako dapat mag pa apekto
"We love each other. You loved me." sabi nya at determinado sya sa mga sinasabi nya. Mababakas sa muka nya ang hirap at sakit na nararamdaman nya. Pero diba dapat mas masaya sya dahil sya ang nang iwan at ako lang dapat ang nasasaktan ngayon.
"LOVE? Sorry Sir, but I don't really know that." Inirapan ko sya. Simula nang masaktan ako ay kinalimutan ko na din ang pakiki pagrelasyon. Natakot na akong subukan ito. Siguro na trauma na din ako. Kaya kung magmamahal man ako ay sisiguraduhin ko sa tamang tao na. Hindi na sa isang playboy.
"Not familiar with that 4 letter word called L—O—V—E?" and after saying that he left me here. Is that all he wanted to talk about? Is he crazy? Why does he look so hurt where in fact I should be the one who's hurting right now. Maybe I already accepted the fact that we're not meant to be.
Girls are created weak, because boys are meant to protect them not to hurt them.