CHAPTER 4 - GABRIEL TORRES AS MY DAKILANG BOYFRIEND

2456 Words
"Trisha, baby may problema ba?" huh? Tanong sakin ni Papa. Nag bbreakfast kasi kami at biglang nagtanong ng ganun si papa. Wala naman kasi akong problem eh. Yun ang pagkaka alam ko so far. Kasi dapat hindi ko naman pinoproblema yung lalaki yon. "Nothing po, Papa. Why?" Tapos bigla naman akong lumingon kay Mama na parang may alam kasi sila. Ano bang nangyayari? I don't have any clue. Meron ba silang alam na hindi ko alam "Kamusta naman ang pag-aaral mo" Si Mama naman ang nagtanong. Naguguluhan na ako. Ayaw nalang kasi nilang sabihin ang daming paligoy ligoy. Ganto talaga ang mga magulang ko. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang gusto nilang sabihin. "Okay lang din naman. Medyo busy lang kasi nga po graduating na din, marami kaming inaasikaso pero kayang kaya ko naman po." Sagot ko sakanila. Kahit naman nahihirapan ako lahat naman ng grades ko passing and never ako nagkaroon ng failed sa mga subjects ko. Kaya walang naging problem ang parents ko sakin. Sinisikap ko talagang mag aral ng mabuti because I want to make them proud lalo na ako lang naman ang anak nila. Ayokong maging sakit sa ulo nila. "We received a notice from your University and" sabi ni Papa. Naguguluhan ako ah. Di tuloy ako makakain ng breakfast. They received a notice pero walang dumaan sa akin? Ano bang notice yon? "And what, Papa?" pagtutuloy ko sa sinasabi ni Papa. Kasi naman bakit may pabitin portion pa itong si Papa. Lalo akong kinabahan. "And according to the notice you need a tutor." WHAT? Tama ba yung narinig kong sabi ni Papa. Me? I don't need a tutor. I actually passed my levels since I started schooling without a tutor. And ngayong graduating na ako ngayon ko pa ba kakailanganin non? NO WAY!!! "Seriously Papa? Me? I don't need a tutor. Alam kong average lang ang brain ko pero never ko kakailanganin ng tutor." Pagdedepensa ko naman sakanila. Hindi ko talaga matanggap yon. Why me? And parang ngayon lang din ako nakatanggap ng ganitong notice sa buong buhay ko. "But anak ang University nyo na ang nagbigay ng notice, hindi naman natin pwedeng hindi ito sundin baka hindi ka pa maka graduate." Sabi ni mama. Pero I don't need a tutor. I can't accept it. Bakit hindi man lang nakarating sakin yun. Ni walang professor na kumausap sakin. "Papa, Mama. For five years kinaya ko naman diba? Aaminin ko minsan nahihirapan talaga ako pero mabilis kong natututunan ang mga lessons namin, actually Papa ako pa nga diba ang nagtuturo kay Sab" Pero mukang hindi ko mako-convince ang mga magulang ko. They really want me to have a tutor. Kung titingnan talaga ang grades ko okay naman lahat yon. Mas kailangan pa nga yata ni Sab ng tutor kesa sakin eh. "Fine. What should I do now?" pagsuko ko sa parents ko, kasi hindi na sila kumibo. Nakakawalang gana tuloy kumain. I should just do it nalang. Wala naman sigurong mawawala sakin kung magpa tutor na lang ako. Dapat mag give in na lang siguro ako. Bumuntong hininga si Papa bago sinabing "According to the notice Trisha, after your class you need to go in your school conference room in the library" sabi ni Papa, nangunot naman ang noo ko. Bakit doon pa? Ano ba naman tong pinasok kong kalokohan. "Hindi ko talaga maintindihan ito. I need to talk muna sa mga professor ko na nag advice na mag turor ako. Hindi naman siguro ganun kababa ang grades ko para sa conference room pa ng library ang tutoring place namin." Grabe ah. Ang laki kaya ng place na yun. Baka naman marami kaming kailangan na magtutor. Nakaka hiya naman na makita ako ng ibang mga students na kasama sa tutoring. Kahit naman ganto ako, ayoko pa ding matapakan yung pride ko. Lalong lalo na kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ko naman talaga kailangan ng tutor. "Okay Trisha. Pero if you really need a tutor, wag ka na sana mag matigas baby." Sabi ni Mama. Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa. Unang una ayokong magkaroon ng failed subject. Pangalawa ayokong pasakitin ang ulo ng parents ko. At pangatlo ang University na mismo ang nag notify sa parents ko. So I don't really have a choice. After 30mins nagpahatid na lang ako sa driver namin, hindi talaga maalis sa isip ko kung bakit kailangan ko pang mag tutor okay naman ako. Hindi naman ganun kahina ang ulo ko para mag tutor. "SAB!!" nakita ko kasing papasok na din sa main gate si Sab. Matanong na nga lang din sya kung naka received din ba ang parents nya ng notice. "Hey there. Nakita ko kanina si Gab, hinahabol ko nga eh ang bilis naman nawala nun." Bago lumingon lingon para hanapin siguro si Gab. Parang wala naman kasing problema tong si Sab kahit mag tutor pa sya kasi mas pabor yun sakanya eh. Itong kaibigan kong ito maganda din sya, ewan ko lang kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ding boyfriend. "Sab, may nareceived bang notice ang parents mo?" Bigla syang napatingin sakin. Tiningnan nya ako na parang bang naguguluhan sya sa tanong ko sakanya. Naghuhumaba na ang leeg nya sa pag hahanap kay Gab. Bakit ba naman kasi ang aga aga si Gab ang pinagkaka abalahan, samantalang ako tong kasama nya ngayon eh. "Notice? Ang alam ko, I passed naman. So wala pa namang nareceived na notice ang parents ko, thanks talaga Trish. Dahil sayo at sa pagtuturo mo sakin nakakaraos ako sa mga subjects natin" masayang sabi nya, samantalang ako hindi makapaniwala na nakareceived ng notice. And worst I need a tutor. Why me? Hindi naman sa masyado kong dina-down si Sab pero bakit sya walang na received. "Sab, I have a problem." "And?" Hinahanap pa din nya kasi si Gab kaya ang babaeng to ayaw ako seryosohin. Problemado na nga ako kung anu-ano pa ang inuuna eh. Kaibigan ko ba talaga tong babeng to. "Sab, I'm serious kasi! ah nakakainis talaga. Bakit ako naka received ng notice from our University?" Naasar na tanong ko kay Sab. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat mainis. I did my best. Tapos yung nananahimik kong grades papake alaman nila. "What? Si Zoey Trisha Ramos may notice na nareceived? You mean you need a tutor?" tumango tango na lang ako, inaya naman ako maglakad ni Sab papunta sa building namin. Why me? Mukang mag hapon kong iisipin ito. I thought matatanggap ko ito kung kasama ko man lang si Sab sa tutoring pero hindi. Mas lalong hindi yata kaya ng pride ko to. "May feeling ako dito Trish, hindi kaya si Edrick ang may pakana nito? Kasi ever since naman hindi ka nakatanggap ng notice diba? Tapos nung muling nagpakita sya, at talagang sa school pa natin bigla na lang may notice ka? Malaman ko lang talaga na sya ang nagbigay ng notice, baka mabugbog namin sya ni Gab" sabi ni Sab at pinakita pa ang braso nya at pinatunog pa ang mga daliri nya sa kamay. Pero baka naman kasi nag kataon lang. Masyado ding judger tong si Sab eh. What if tama sya? Naguguluhan na ako. "At sino naman ang bubugbugin natin aber?" halos mapatalon kami ni Sab nung may nag salita sa may likuran namin. Si Gab kasi nakaka gulat eh. Hinatak nya kami para maupo muna sa may malapit na bench. Saan ba kasi nag susuot itong friendship naming ito. Bigla bigla nalang susulpot. "Remember si Sir Edrick?" sabi ni Sab. Hindi ko naman sila pinapakialaman kasi mas iniisip ko kung paano na ang tutoring ko. Si Sab kung anu-ano na ang sinabi kay Gab pero hinayaan ko nalang sila mag kwentuhan mas importante yung problema ko ngayon. "WHAT THE.. ABA'T ANG LOKO ANG LAKAS NG LOOB NA MAGPAKITA PA. NAKO SABRINA KAHIT NGAYON BUGBUGIN NA NATIN SYA." natakot naman ako kay Gab, at bigla bigla na lang sya sumisigaw nakaka agaw atensyon na kami eh. He's gay, YES. But hindi naman yung tipon na gay na obvious na obvious he looks so handsome kaya sa unang tingin hindi mo mapagkakamalang gay, it depends na lang pag nag salita na sya tas pag sobrang serious naman kala mo kung sinong lalaki. "Pwede ba ang ingay nyo, nag iisip pa ako dito kung bakit ako may notice tas may pasigaw sigaw ka pa dyan Gab." Tiningnan ko sya ng masama. Akmang tatayo na sana ako ng bigla nya akong hilahin paupo ulit "Nakaka inis kang babae ka, di mo man lang binanggit sakin na yung loko loko mong ex eh yung prof pala natin. Eh di sana nasapak ko na sya sa class natin kahapon" inirapan ko sya. Baka kung sinabi ko talaga sakanya baka siguro nagka suntukan na sila kahapon. Mahirap kung madamay si Gab. Baka ipatawag pa sya sa office. Ayokong madamay sila ni Sab sa problema namin dati nung lalaki yun. Nakaraan na yon kaya dapat kalimutan na din. "As if naman magagawa mo? Eh diba nga kilig na kilig ka pa dun sa lalaking yon." Nanlaki naman ang mga mata nya. At natatawa na lang si Sab sa reaksyon nya. Kahit naman kasi talagang gwapong lalaki itong si Gab ay pusong mamon pa din sya. Nasa 6 ft din naman ang taas nya, hindi nag kakalayo ang kagwapuhan nya kay Kurt mas lamang yung isa ng mga dalawang paligo. "Fine, konti lang naman girl, ang gwapo kasi talaga! Mahirap talaga mag tiwala sa mga gwapo. Mabilis makuha ang mga gusto nila. Lalaruin ka, kunyari mahal ka tapos pag hulog na hulog ka na tsaka ka naman bibitawan. Buti na lang maganda ako." Nabatukan sya ni Sab. Sa ayos nya kasi hindi talaga sya mapagkakamalang bading. He's handsome idagdag pa ang matipuno nyang katawan. Sinong mag aakalang pusong babae yan. "Gaga! Gwapo ka din, malambot ka lang kasi. Gusto mo patigasin kita?" Wait. Parang double meaning. Sana lang talaga mapatigas pa nitong si Sab ang lalamya lamya naming friend. Sayang talaga ang kagwapuhan kung gwapo din ang hanap. Sa panahon ngayon ruler nalang ba ang straight? "Shut up girl" parang mga aso't pusa na naman! Di bale baka may ma-develop na feeling sakanila. The more you hate, the more you love nga diba? "Good morning!" napatingin kami sa likod anong good sa morning, sinira na nga nya eh. Bad mood pa din ako dahil sa notice na nareceived ng parents ko kaya wala talagang good sa morning ko today. Hanggang kelan ba sya magiging sub prof namin? Ayoko na syang makita. Pero deep inside sa pinaka ilalim ng puso ko yung apex of the heart nararamdaman nun ang pagka miss ko sakanya nung nakita ko sya. Ngunit mas namutawi ang galit ko kesa sa pagka miss sakanya. "Good morning Sir," bati nung dalawa pero ako tahimik lang na hindi ko sya nilingon. May narinig akong tumikhim sa likod. Anong akala nya babatiin ko sya? Ano sya sinuswerte? Sya na nga ang sumira ng umaga ko eh. Pero itong makulit at malanding part ng brain ko, sinasabing lingunin ko na dahil gusto ko din naman syang makita. "Sorry Sir, ganyan lang talaga ang girlfriend ko every morning. Masama ang gising. Oh wait it's your first day nga pala. Kaya pala mainit ulo mo." Tas bigla akong hinatak ni Gab patayo at pinulupot pa ang braso nya sa bewang ko, halos lumuwa na ang mga mata ko kakatingin sakanya, hindi ko kasi alam kung ano ang gusto nyang mangyari. Sabi ng brain ko si Kurt ang gusto nyang landiin pero itong si Gab anong pakulo naman nya. "It's ok" Matigas na sabi nung lalaki, pero halata sa itsura nya ang galit. Who cares? But I care sabi na naman ng malanding part ng brain ko. At umalis na din naman sya. Bakit ba sya affected. Naguguluhan na talaga ako sa feelings ko. Parang bumuhos pa balik lahat ang nararamdaman ko. Pero kailangan kong magpakatatag. "Hoy ikaw na bakla ka, ano 'tong pinagsasabi mo?" singhal ko kay Gab. Kasi naman umasa talaga yung maliit na part ng brain ko na landiin ko daw si Kurt. "Girl, wag kang sumigaw pag may naka alam na bakla ako ikaw ang una kong bubugbugin dyan, can't you see? Can't you feel? Girl mukang may balak na balikan ka nung ex mong loko loko?" sabi nya na napahawak pa sa baba nya. WHAT? Ako babalikan? Lord. God. Ayoko na nga eh. Okay na yung pasulyap sulyap lang. May takot pa din naman ako. Ginugulo nya na naman ang isip at puso ko. "So anong gusto mo namang palabasin Gab?" Tanong ni Sab. Kahit ako hindi ko alam ang gusto nyang mangyari. Ayoko naman na mag mukang sobrang desperate "Ewan ko sainyong dalawa. Duh? Obviously papalabasin na lang natin na ako ang dakilang boyfriend ni Trish!" pagpapaliwanag nya. Medyo na gets ko na, pero hindi naman balak nung lalaking yun na balikan ako. "Okay na sana Gab, kaso may dakila ka pang nalalaman." Sabi naman ni Sab. Kaya nga. And kung maka pag plano sila parang wala ako dito. Hindi pa naman ako pumapayag. "Girl, ako na kaya ang pinaka dakila. Sa ugali ba naman nitong si Trish may mag ttyaga pa ba dyan? Ako na lang ang magiging boyfriend nya kahit nakakadiri" grabe naman. May mga nanliligaw sakin ayoko lang talaga sila maging boyfriend kasi hindi pa naman ako ready na pumasok ulit sa isang relasyon. Ayokong maging unfair sa magiging next boyfriend ko. "Hindi ko kailangan ng boyfriend, kaya ko mag isa. And sinong maniniwala na boyfriend kita? Alam naman nilang kaibigan lang kita" Tama naman kasi na wag nalang namin gawin yung planong yon. Parang desperate move naman. Or maybe deep inside I am still hoping na may chance pa kami ni Kurt. Pero part of me wants to forget him na. Sobrang gulo ko talaga. Naiinis na ako sa sarili ko. Gusto kong sabunutan yung sarili ko. "Oh talaga? Hindi mo ako kailangan ngayon? Tas ano ngangalngal ka na naman pag niloko ka nyang ex mo? Atleast ako hindi kita ibbreak sa phone." Pinaalala na naman. Hindi pa naman kasi talagang sure kung babalikan ako ng gwapong gwapo at hot kong ex eh. "Hindi nya na ako mapapaiyak kasi hindi na ako lalapit sa kanya at hinding hindi na ako mag papaloko sa kahit sinong lalaki. Kaya kong mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko" Kailangan kong magpakatatag. Pilit kong winawaksi ang sinasabi ng isip ko. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon. Tumingin ako sakanilang dalawa at umalis na para pumunta sa room namin. There are always moments in our lives that we want to go in some other places where no one knows you and restart your life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD