LOVE 5- SINGLE BUT TAKEN

2908 Words
Nakakainis talaga. Kung kelan naman ako graduating tsaka naman ako nakatanggap ng notice at hindi lang basta notice to. Ang tagal tagal ko na dito tapos ngayon lang ako nirequest na mag tutor. Pagkapasok na pagkapasok ko ng room yung lalaking yun ang bumungad sakin. Yung makisig nyang katawan. Ang perpektong muka nya. Bakit ba naging mas makisig pa sya. Nababaliw na nga ako tama ba namang kausapin ang sarili. I mean lagi ko na lang sya tinutukoy na "lalaking yun" pwede namang loko lokong lalaki, or that playboy. Am I an idiot for talking to myself? Ofcourse not. I'm not idiot kaya, baka sya ang idiot. Tama tama yung prof na ex ko ang idiot. Nababadtrip na naman ako. "Miss Zoey Trisha Ramos, you can take your sit now." halos mapanganga ako kasi simula ng pumasok ako kanina at kinausap ang sarili ko nakatayo lang pala ako sa unahan at nakatingin sa malayo. That idiot pinahiya ako sa harap ng mga classmates ko, pero who cares hindi ko naman sila close at yung iba dyan hindi ko naman talaga kilala. Sinamaan ko ng tingin si idiot at padabog na umupo. "Siguro Sir maganda ang girlfriend nyo no?" narinig kong sabi nung isang babae na nasa unahan. Napa smirk na lang ako, girlfriend baka kamo asawa. Naalala ko na naman yung magandang babaeng kasama nya sa airport. It's been years pero I can still clearly remember her face. He left me because of that girl. "I don't have a girlfriend and I'm still single." what a flirt idiot prof. Nakukuha pa talagang magsalita ng ganyan for sure hindi pa talaga nagbabago 'to sa pagiging playboy. Habang sinasabi nya yun, nararamdaman kong may parang nakatingin sakin. Kaya naman mula sa pagkakayuko ko, pag angat ko sa ulo ko naka salubong ko ang mga mata nyang nakatitig sakin. Para akong nanlamig sa mga titig nya. Para bang may nagawa akong mali sakanya. Pero bakit ganon sya nga ang may kasalanan sakin. Hindi ako dapat ma-guilty. "Pero may nagmamay-ari na ng puso mo Sir." sabi naman nung isa. Kaaga aga puro chismisan. Padabog kong ibinagsak ang hawak kong libro sa table ko at tumayo para lumabas sana pero napatigil ako ng makitang papasok ang dalawa kong kaibigan. "Gooood morning classmates" ang mahaderang bibig na naman ni Sab yan. Agaw atensyon na naman kami. No choice naman ako, hindi ako makakalabas kasi nandito na yung dalawa. Sayang naman ang pag e-emote ko dito. Buti nalang naagaw ni Sab yung atensyon nila. "Good morning gorgeous, a hot chocolate drink for you. Para naman mabawasan ang init ng ulo mo" Halos malaglag ang panga ko sa inaasta ni Gab. At mas lalo akong napatanga nung hinalikan nya ako sa pisngi ko. Pwedeng mag mura? Buti na lang hindi ko pa nakukuha ang binibigay nyang hot chocolate drink, hindi dahil baka mabitawan ko baka kasi ibuhos ko sakanya nakakadiri kaya. He's gay for God's sake. Eh ano kung gay sya lalaki pa din yan. OMG. erase erase. My goodness. Tinotoo nya talaga ang pag papanggap nya. "Ohhhhhhh" sabay sabay pang sabi nung mga lalaki kaya napatingin naman ako. Siguro ilan sakanila ay nag tangkang manligaw sakin. At nag tataka siguro sila dahil ngayon lang nila nakita na may humalik pa sa pisngi ko. Hindi naman kasi nalalayo ang itsura ni Gab and nung lalaking prof namin. Kaso lang iba pa din yung pag papanggap ni Gab. Sasakalin ko sya mamaya. He kissed me. How dare him. "Guys pag pasensyahan nyo na tong lovers. Mukang nag LQ kasi kagabi." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sab. Wait anong LQ? Wala akong problem last night. Kaninang umaga yung notice lang ang pinoproblema ko. Tapos ngayon may instant boyfriend ako at nag LQ pa daw kami. "What?" "Seriously" "I told you guys, sila na talaga" "Kaya pala lagi silang magkasama." "Swerte ni Gab. Crush ko kaya si Trish" "Kaya pala ako na busted." Kanya kanya silang bulong. Anong ginawa ng mga baliw kong kaibigan.. Bigla nalang umakbay sakin si Gab. "Ladies and Gentlemen I'm officially announcing that I'm in a relationship with Zoey Trisha so guys back off." Kinilabutan ako sa sinabi ni Gab. Kung maka pagsalita kala mo di sya gay. "What the hell" bulong ko sakanya habang inaakay ako pabalik sa likod kung saan kami naka pwesto. Kulang nalang lusawin ko si Gab sa mga titig ko sakanya. Bakit ba nila to ginagawa sakin. Medyo nakakahiya ah. "Pagpasensyahan nyo na talaga yung lovers natin. Medyo LQ kaya ayan!" gusto kong sabunutan tong dalawa at pagbuhulin ang buhok nila. Ano ba naman kasi itong mga plano nila. "Go back to your place" sabi naman ng idiot naming prof. Kung ako ay naiinis sa mga kaibigan ko, itong isa namang 'to ay medyo madilim na din ang awra nya. Mas lalong naging dark ang kulay ng mga mata nya. Gustong gusto ko talaga ang kulay nun dati. "I heard na may nabigyan daw sainyo ng notice?" ang sarap lang manapak ng prof. Ipaalala ba na naman daw. Sa aming mag kakaibigan ako lang ang nabigyan. Nahihiya talaga ako. Ano ang ihaharap kong muka sa mga taong to. Ayoko talaga. "I will not ask who are those students who received the notice, instead I want to see them later in the conference room in the library." Asa hindi ako pupunta dun. At kung sya ang magiging tutor no way! Ayoko talaga. Bakit sa dinami dami ng mga professors bakit sya pa? "Sir kayo po ba ang tutor?" Yung mga tanong naman nila. Mukang gusto nilang mag pa tutor. Sila nalang kaya. Mas mukang kailangan nila yon eh. Tsaka ayoko talagang umattend lalo't sya pa ang tutor kasi baka maakit na naman ako ng playboy. "Yes" tipid na sagot nya. Wala na syang sa mood makipag kwentuhan dito sa mga classmates ko. Aba dapat lang. Kailangan nya kaming turuan hindi makipag kwentuhan. "Grabe bat wala akong notice kung kelan ko gusto ng tutor" "Ako nga first time ko hindi maka kuha ng notice." Oh anong gusto nilang palabasin? Na I'm so bobo? Hampas ko sakanila tong table eh. Hindi ko naman kasi kailangan ng tutor. Bad trip na talaga. Tapos ito pang idiot na to ang magtuturo. Lord, Please! "Girl, may pagka mayabang ding yang ex mo no" sabi ni Gab tumingin lang ako sakanya at kinuha yung hot chocolate na sinasabi nya. Inis na ako sa lahat ngayon. Parang ang sarap talaga mag wala. "Hey. Mainit yan. Baka masunog ang makinis kong kutis" mahina pero may diin na sabi nya. Natawa na lamang ako sa isip ko. Kahit magpakalalaki si Gab hindi talaga maaalis ang pagka gay sa mga salita nya, gusto lang naman ako protektahan ng mga kaibigan ko eh pero hindi ko kailangan nun kaya ko ang sarili ko hindi na ako magpapaloko kahit kanino. Sana mapanindigan ko tong mga sinasabi ko. After ng last class namin hindi ako nag punta sa library para dun sa tutoring na yun. Instead sa faculty office ako nag punta at kakausapin ko ang nagpadala ng letter sa parents ko. "Miss Ramos" napalingon ako sa tumawag sa name ko. Isang lalaki, hindi ko sya kilala kaya tumango lang ako bilang sagot sakanya. "So it's you?" kilala nya ba ako? Parang kilala nya ako eh. Kaso hindi ko matandaan kung saan kami nag kita or kung magkakilala nga ba kami. "Excuse me, kilala ba kita?" tanong ko sakanya. "Oh. Im Steven Parker, it's nice to finally meet you Miss Ramos." hindi ko sya kilala eh. Pero parang pamilyar. San ko nga ba sya nakita? "Ahmm are you somehow related to the owner of this University?" tanong ko. Kasi naman Parker din ang may-ari ng school na to. Malaki ang chance kasi konti lang naman ang may last name na Parker sa bansa. Pwedeng related sya at kaya pamilyar sya sakin dahil may pagkaka hawig sya sa may ari ng University na to. "Yes. I am. For the mean time ako na muna ang magha-handle ng University na to" napatango na lang ako. Yaman naman kasi talaga nila. So bakit nya kaya ako kilala. "Mr. Parker, curious lang kasi ako paano nyo po ako nakilala?" natatawa naman sya sa tanong ko. Imposible namang kilala nya lahat ng students dito sa University. At sa dami namin dito bakit ako pa talaga ang kilala nya. "Naikwento ka kasi ng kaibigan ko. Paano aalis na ako at marami pa akong mga dapat asikasuhin." Napatango na lang ako. Hindi ko naman alam na sikat pala ako para makwento pa sa nag-iisang anak ng University na to. Good or bad things kaya ang naikwento sakanya. Okay lang naman kung positive ang sinasabi about sakin, what if negative ang nakarating sakanya. Baka mamaya sira na ang image ko sakanya. Nakakahiya naman. Nawala tuloy sa loob ko ang dapat kong gagawin sana. "Zoey" ay badtrip hindi na ako matuloy tuloy maka punta sa faculty office. Lumingon ako at sino pa nga ba. Yung idiot prof na naman namin. Ano na naman ang gusto nya. "What?" pagalit na sabi ko sakanya. Pero ang lakas talaga ng dating nya. Hindi ko akalain na magiging professor sya. Ano ba naman tong iniisip ko. Bakit naman kasi ang hot nitong lalaking to. Nakaka-akit sya. "Diba dapat nasa conference room ka na?" Biglang nag bago yung timpla ng muka ko. Okay na sana eh. Kaso pinaalala na naman nya kasi yung tutor tutor na yan eh. Ayoko nga sana pumunta don. At teka nga bakit ba sya nandito. "Hindi ba dapat ikaw ang nandun SIR?" balik na sabi ko sakanya. Bakit ako ang kinukulit nya. Tapos alam nya pa talagang kasali ako ah. Yung maliit na part na nagsasabing may nararamdaman ako sakanya na kakaiba parang biglang nawawala ah. "I saw your name in the list, Zoey." pagpapaalala nya naman. Sarap talaga nitong si Kurt. WHAT? Wait wait. Parang may mali. Let me correct it. Parang ang sarap sapakin nitong si Kurt. Ayan tama na. Jusko Lord. Ilayo nyo na po ako sa mga temptations. Ginagawa ko naman ang best ko Lord para iwasan sya. Tsaka konti nalang po baka bumigay ako. Pokmaru pa naman ako. "Stop that Zoey Zoey. Im not your Zoey anymore" pagkasabi ko umalis na ako sa harapan nya. Nakakainis. Kailangan kong magpakatatag. Kung kinakailangang tarayan ko sya ay gagawin ko talaga. Ginugulo na naman nya ang tahimik ko nang puso at isip. Pumasok ako ng faculty room pero wala ng tao dun. Ang aga naman nilang mag uwian. "Zoey, pumunta ka na lang sa conference room." malamig na sabi nya at umalis na. Bakit sya pa yung galit. Diba dapat ako? Wala naman sigurong masama kung pupunta ako diba? Pero pag pumunta ako dun isa lang ang ibig sabihin tinatanggap ko ang notice na kailangan kong mag pa tutor. Bigla kong naalala sina Mama nang sabihin nilang kung kinakailangan dapat sumunod na lang ako. Bakit ang parents ko tanggap na agad na kailangan ko ng tutor samantalang ako hindi ko matanggap sa sarili ko. Nakakainis na!! Nakakainis kasi kusang lumalakad ang paa ko papuntang library. Hindi porket yung lalaki yun ang tutor ay okay na sakin. Pero deep inside merong parang kumikiliti sakin. Nasa harapan na ako ng library namin. Sigurado na ba ako? Nasa 3rd floor pa naman ang conference room. Nag stairs na lang ako para makapag isip pa. Nakakainis kasi. baka kung iba pa ang mag tu-tutor baka pumayag pa ako. Nasa harapan na ako ng Conference room. Wala ng atrasan to. Pagbukas ko, napaka dilim naman ito ba yun baka naman nag kamali ako ng pinasukan at dun pala sa kabila yun. Isasara ko na sana ng biglang may humatak sakin papasok at isinara ang pintuan wala akong makita dahil wala na ang kaninang liwanag na nag mumula sa labas. I started to panic, ang pinaka ayaw ko sa lahat ang madilim. "Hey! Hey! Hey!" kilala ko ang boses na to. Unti unti kumakalma ang sistema ko. Pero naiinis ako dahil kahit ang sistema ko ay hindi pa din sya nakakalimutan. Agad na napaatras ako pero kinakabahan ako. Nasaan na ba ang mga tao at bakit naka patay ang ilaw. Wala akong makita kahit ano. Sobrang dilim dito sa loob. "Can you turn on the lights" utos ko sakanya at pinipigilan ang pangangatog sa boses ko. Ayaw ko talaga sa dilim. Hindi ko alam pero takot ako ngayon. Bakit parang kaming dalawa lang ang tao dito sa loob ng conference room, nasaan na kaya ang ibang students na dapat kasama ko. Or baka naman sa ibang room talaga. "Let's start. Pag uusapan na muna natin ang schedule ng tutoring session natin" napanganga ako. Bakit mag start na? Hindi na ba namin hihintayin yung iba pang students? "Where are the others? Can you please turn on the lights first! And do you think na magkakaintindihan tayo kung madilim dito?" I try to calm down. Pero mahahalata pa din sa boses ko ang pagpa panic. "Sinong iba pa ba ang hinahanap mo? And hindi ko bubuksan ang ilaw para ano? Para makatakas ka kaagad?" sabi nya. Inalalayan nya akong maka upo sa isang chair, gulat na gulat ako sa sinabi nya kaya naman hindi agad ako naka pag react sa sinabi nya. What does he mean? Na ako lang ang naka received ng notice? "WHAT THE HELL! YOU STUPID IDIOT" sigaw ko sakanya ng makabawi ako sa pagka gulat. Niloloko nya ba ako. Bakit kaming dalawa lang ang tao dito. Tapos pano ko sya makikita kung napaka dilim dito sa loob ng conference room. "Mukang pati ang tamang manners ay dapat ituro din sayo. Sige let's talk about the schedule." sabi nya. Nag open sya ng laptop. At ang tanging liwanag na nag mumula sa laptop nya ang nagbibigay liwanag. Kitang kita ko ang napaka gwapo nyang muka. Magkaharap pala kami. Seryosong seryo ang muka nya. "Ayoko. Hindi naman ako pumayag ah. And kung papayag man ako maghahanap ako ng ibang tutor ko." Parang batang nag ta-tanrums ako ngayon dito. Kasi bakit kaming dalawa lang. Mas lalo akong maaakit sakanya. "Bakit ka pa pumunta dito kung hindi mo tinatanggap ang pag tutor ko sayo. Isa lang naman ang gagawin mo eh, ang makipag cooperate ka lang at magiging maayos na ang lahat." Parang napaka simple lang ng lahat sakanya. Eh di sya na ang naka move on agad agad. Pumunta lang naman ako para tingnan muna ang set up and ang akala ko marami kami dito. Tapos ako lang pala mag isa. Anong kalokohan ba to. "Ayoko. Aalis na ako! Hindi ko kailangan ng tutoring na to." Parang wala syang narinig. Tuloy tuloy lang sya sa pag type sa laptop nya. Hindi ko naman kayang umalis agad agad kasi baka madapa lang ako. Madilim pa din naman kasi ang paligid. Ang laki ng conference room. "Monday, Wednesday and Friday in my place. And Tuesday and Thursday in your place. Every after class in the afternoon ang tutoring. M-W-F isasabay na lang kita para mabilis na tayong maka pag start. T-TH ako naman ang sasabay sayo papuntang house nyo." I literally drop my jaw. I thought sa conference room lang ang tutoring sessions. And hindi pa naman talaga ako pumapayag. "At sinong may sabi na pumapayag ako? At bakit kailangan pang sa place nyo and sa amin? I thought the tutoring sessions will be held in this place. Alam ba ng Dean yung pinag gagawa mo?" Sa inis ko kung anu-ano na talaga ang nasasabi ko. Ayokong sumama sakanya tapos kaming dalawa lang. Nagkakalokohan na yata. "School hours lang naman ang library. Until 6pm. And if you dont know may class ka until 6pm so more or less close na din ang library, after class mo." pag papaliwanag nya. Tama nga naman. Pero pumapayag na ba ako sa tutoring na to? "Bakit ako lang ba ang nabigyan ng notice? And why do we need to go to your place pa? Baka anong isipin ng mga students dito." I think we can still find some place to study pa. Kasi parang hindi appropriate na ang isang student ay pupunta sa house ng professor and vice versa. "May nakikita ka pa bang iba? So it only means na ikaw lang ang nabigyan. I can't believe it Zoey and one more thing students nga ba ang mag iisip nun or ang boyfriend mo?" So sa buong College namin ako lang ang nabigyan ng notice. Nakakahiya na talaga ang nangyayari sakin. Wala na akong maihaharap na muka sakanila. At sinong boyfriend ba ang sinasabi nito. "Let's go. Baka masarahan pa tayo dito. I want to remind you we will start the tutoring session tomorrow and in my place. Don't forget to inform your boyfriend about your tutoring sessions with me." Bago pa ako makasagot bumukas na ang mga ilaw medyo nasilaw pa ako. Gusto kong mapamura dahil nasa malapit lang pala sakin ang switch. Binuksan na nya ang pinto at bago pa lumabas ng tuluyan ay nag salita pa ulit ito. "Hihintayin kita bukas sa car park, after class mo. See you tomorrow Zoey." at umalis na sya. Nagmamadali din akong lumabas kasi nakakatakot maiwan dito sa library no. Pero di ko maalis sa sistema ko ang ma-excite. WTH!!! For Pete's sake!! That stupid idiot. "I'm not perfect. I'm just a simple person with a simple life. So if ever I do mistakes, read my first sentence."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD