"Girl, ano bang klaseng muka yan? Nakabusangot ka dyan ang aga-aga itsura mo girl ayusin mo yan" sita sakin ni Gab kanina pa sya ganyan eh. Sino ba namang gaganahan ngayon at nalaman mo pa kahapon na ikaw lang ang nag isang naka received ng notice. Tapos si idiot ang mag tuturo.
Bumuntong hininga na lang ako. "Trish pang isang daang buntong hininga mo na yata yan" si Sab naman. Bakit ba kasi ang tagal dumating nung prof na yun, ayaw tuloy ako tigilan nitong dalawang kaibigan ko.
"Girl, alam mo mag shopping na lang tayo mamaya para naman gumanda yang mood mo. Gora ka ba mamaya Sab?" silang dalawa naman ang nag usap. Hindi ko talaga mapigilang hindi maging problemado. Pano na to? Ang awkward naman kasi kung dun kami sa place nung idiot na yun, tas balak nyang sa place din namin? Isang beses lang sya nakilala ng parents ko, hindi pwedeng sa place namin baka mabaril sya ng Papa ko pag nakita sya.
"Good morning class" aba't mukang masayang masaya pa sya ngayong araw. Pang day 3 nya palang. Nagtataka talaga ako sakanya, mas pinili nya pa talagang maging substitute prof wala ba syang trabaho. Wala namang nagbago same pa din nangungulit ang buong class about sakanya. Hindi ko inintindi kasi mas malaki ang problema ko mamaya, sa place nya diba iniisip ko kung sa bahay nila, never pa akong naka punta dun at mas lalo akong kinabahan kung sa condo naman nya kahit ilang beses na akong naka punta dati dun mas kinakabahan ako ngayon syempre.
"Ms. Zoey" bigla akong nagising sa malalim na pag iisip nang tinawag nya ako. Naka tingin nga ako sa harap pero parang tagus tagusan lang akong nakatingin sa board. Ngayon nakuha ko ang atensyon ng mga classmates ko.
"Yes?" naka taas kilay kong sagot sakanya.
"Solve problem number 2, and Ms. Pranco solve problem number 3" napatingin ako sa gilid ko at nagkibit balikat nalang yung dalawa kong katabi. Kaasar hindi pa naman ako nakikinig dito kanina. Patay ako nito, mukang pinag iinitan lang naman nya ako. Kinuha ko ang paper and pen ko para mag start na mag answer kahit hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Ms. Zoey solve the problem here in front." Nanlaki ang mga mata ko balak nya ba talagang ipahiya ako. Tiningnan ko sya ng masama. Pero ngumisi lang sya sakin. Padabog akong tumayo at naglakad papunta sa unahan. Paano ko naman sasagutan to? Hindi nga ako nakikinig kanina eh. Ang laki kasi ng problema ko. Wala tuloy ang isip ko sa klase ngayon.
Paulit ulit kong binasa ang naka sulat sa board. "A pole of height h = 50 ft has a shadow of length l = 50.00 ft at a particular instant of time. Find the angle of elevation (in degrees) of the sun at this point of time."
"Ms. Zoey, you only have 5 mins left to answer that easy problem" pag mamayabang nya. Eh sa hindi ko nga naintindihan kanina yung mga pinag sasabi nya. Anak naman ng tokwa oh! Lumipas ang ilang minutes tapos na si Danny magsagot sa problem 3. Maiiyak na yata ako sa sobrang pagkapahiya dito. Halos matunaw na ang board sa pagkakatitig ko eh.
"Time's up Ms. Zoey" naiirita na ako sa pagtawag nya sakin ng Zoey. "So listen now Ms. Zoey" sabi nya, hindi nya ako pinabalik sa upuan ko pinatabi nya pa ako sakanya habang nag drawing sya at ngumiti pa sakin. Teka parang lalabas naman ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nya ngumiti palang sya pano pa kaya kung teka teka wala akong iniisip na iba.
"In the figure, BC represents the pole and AB its shadow. tan A = BC / AB = h / l = 50 / 50.00 = 1.000" nag drawing sya ng triangle tapos habang nag sasalita sya tumitingin pa sya sakin, kahit anong explain nya walang pumapasok sa ulo ko. Napapatango lang ako pero hindi ko naman talaga gets. Bakit parang na hi-hypnotize ako ngayon.
"From trigonometric tables, we note that tan A = 1.000 for A = 45o. Hence the angle of elevation of the sun at this point of time is 45o." after nyang ma solve ay tumingin sya sa buong class. Fudge! 45o lang pala ang sagot. Naiinis ako napahiya ako, sa buong buhay ko dito sa University na to ngayon lang ako napahiya ng ganto.
"Ms. Zoey, I think you should practice more often." Hindi ako makapaniwala na sasabihin nya yun sa harap ng class namin. Kung ang iba ay naiinggit sakin dahil nag karoon nga daw kami ng moment nitong prof namin, ako naman mamamatay na sa sobrang inis. Kung gusto nila sila na lang ang mag sagot dyan sa unahan, in favour pa nga yun sakin.Naku naku. Itong idiot na to. Talagang tatamaan na sya sakin eh.
"Namumuro na yang ex mo ah" bulong sakin ni Sab. Pinag patuloy nya naman ang pag explain sa answer ni Danny. Kahit mag discuss sya dyan hindi ko maiintindihan kasi nawala na ang focus ko after kong mapahiya.
"Sir. I think, there is something wrong in her answers" napalingon ako kay Gab. Wow napaka serious naman nya. Kahit ganyan si Gab magaling yan. Minsan nagpapaturo din kami sakanya.
"What's wrong with her answer? Do you want to try to solve here in front?" hamon sakanya. Masyadong serious si Gab kaya hinayaan na lang namin. Nag simula syang mag sagot sa board. Nag drawing din sya nung katulad na triangle kanina. Nag solve sya dun pero hindi sya gumamit ng calculator. After nya matapos humarap sya at napansin kong sakin pala sya nakatingin, ngumiti din sya sakin kaya di ko din napigilan na mapangiti sakanya.
"So here's the final answer. The situation is depicted in the figure with CD representing the tower and AB being the distance between the two men. For triangle ACD, tan A = tan 60o = CD / AD." Bago humarap ulit sya, kasabay nun ang pag ngiti sakin. Ang weird lang, tingin sya ng tingin sakin, kinikilabutan na tuloy ako sakanya. Nagpatuloy sya ulit sa pag explain.
"Similarly for triangle BCD, tan B = tan 45o = CD / DB. The distance between the two men is AB = AD + DB = (CD / tan 60o) + (CD / tan 45o) = (28 / √3) + (28 / 1) = 44.17 m. the final and correct answer is 44.17m" halos mapanganga ang buong class sa pag e-explain nya. Tumingin ako sa prof namin na ngayon ay sinusuring maigi ang sagot ni Gab at napatango tango naman sya. Mukang tama ang sagot ni Gab.
"Mr. Torres is correct, maybe you should teach your girlfriend how to solve a simple and easy problem" Below the belt na tong stupid idiot na to. Sobrang pagka pahiya na ang inabot ko. And bakit sya nga nagkamali din naman ah. Dapat mahiya nga sya kasi ang student pa ang nag correct.
"Sir Edrick, that's a good idea. Maybe I should tutor my girlfriend everyday. Thanks for that idea" Ngumisi si Gab. Mabilis syang lumapit sakin at nagulat na naman ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ako sa pisngi. Wala naman silang magagawa kung gawin ni Gab sakin yun. Sa mata nilang lahat ako ang girlfriend nya. Tumingin ako sa harap at nakita ang prof namin na nag iwas ng tingin samin. Kung ganon pwede naman palang si Gab nalang ang maging tutor ko. Para maka iwas na din ako kay idiot prof.
"Ano girl? Ang galing ng boyfie mo ano?" Bago sya pigil na pigil na tumawa. Nilingon ko sya at nginitiian, and I mouthed thanks. See? Kahit mukang lalaking lalaki pusong babae pa din sya.
"Hayyy kung hindi ko lang alam ang plano nitong si Gab, baka maniwala na din ako sainyong dalawa, naks! Parang knight in shinning armour lang peg mo Gab." Si Sab naman ang pumansin samin. Ngumisi lang si Gab at nag thumbs up pa samin. Mabilis lang naman natapos ang araw na to. After nung ginawang scene ni Gab ay hindi na muli akong pinansin nung idiot na yun kala mo kung sinong magaling, kung hindi pa nag double check si Gab mali pa ang naituro nya samin. Pero bigla din namang naglaho ang ngiti sa mga labi ko ng maalala kong 6:05pm na. Late kaming pinalabas, tutuloy pa ba ako sa tutoring session namin? Alam na din naman ni Gab and Sab na ako lang ang naka received ng notice, ayaw din nilang pumayag na sumama ako kung gusto ko daw mag iba na lang ako ng prof sa tutoring. Kaya naman makikipag kita ako sakanya, ang sabi nya kahapon ay sa parking lot nya daw ako hihintayin kaya nagmamadali na akong pumunta sa car park ng faculty staffs.
Nakita ko syang nakasandal sa kanyang sleek silver Ferrari 599XX. Bakit ang gwapo nya. Parang walang pinagbago, mas lalong lumakas ang appeal nya.
"Are you ready?" Tanong nya sakin. Tumabi na sya sakin para pag buksan sana ako ng door ng sasakyan nya.
"Gusto kong mag palit ng ibang magtuturo sakin." Napataas ang kilay nya sa sinabi ko. Pwede naman siguro yon, tutal ako lang naman mag isa ang tuturuan pwede siguro ako mag request.
"And why?" balik tanong nya sakin. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Para bang hindi sya papayag sa mga suggestions ko. Parang dapat sya lang ang masusunod.
"Like what I've said before, I'm not confident in your skills." Alam kong ma o-offend ko sya dun pero parang wala syang narinig instead pinag bukas nya lang ako ng door, tinaasan nya na naman ako ng kilay kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok at maupo sa passenger seat. Ano bang meron sakanya at parang kusang sumusunod ang buong sistema ko sa mga gusto nya.
"You don't have any choice Zoey, ako lang ang nag iisang faculty prof na available for this tutoring so please cooperate." Bago mabilis syang nag drive. Parang kakawala ang kaluluwa ko sa katawan ko sa bilis. Buti nailagay ko agad ang seatbelt, halos lumipad na kami sa sobrang bilis. 150-180 yata ang pagpapatakbo nya. Hindi ko alam kung nakiki pagkarera ba kami sa sobrang bilis. Iba ang way namin hindi ito papunta sa condo unit nila. Napatitig ako sa side nya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko bigla sakanya. Kasi hindi pamilyar sakin yung dinadaanan namin. Bakit ba naman napasubo ako sa pag sama sakanya. Mamaya kung saan nya ako dalahin tapos anong gawin nya sakin.
"Sa house namin" Nanlaki ang mga mata ko, paano kung kasal na sya? Kaya ba sa bahay nila kasi gusto nyang ipamuka sakin na may asawa na sya. Hindi na ulit ako nag salita patingin tingin ako sa phone ko dahil sunod sunod ang text sakin nina Gab and Sab.
GAB: Tawagan mo agad ako if may masamang balak yang loko loko mong ex.
SAB: Trisha, okay ka lang ba? Need back up?
GAB: Hindi ka nag rereply Trisha okay ka lang ba? Please text us. Nag aalala kami ni Sab.
SAB: Reply ka girl. Or else tatawag na kami ng police.
Mabilis akong nag reply sa dalawa..
AKO: GAB AND SAB..!! PLEASE CALM DOWN I'M FINE! PERO SA HOUSE DAW NILA ANG VENUE NAMIN TODAY!
"Is that your boyfriend?" tanong nya. Bago sumilip pa sa phone ko, pero mabilis kong naipasok sa bag ko. Bakit ganon ayaw ko sa ginagawang kalokohan nina Gab na pag papanggap pero ayaw ko din naman malaman nitong lalaking to na hindi ko naman talaga boyfriend si Gab. Baka dahil ayaw kong malaman nyang single pa din ako habang sya ay kasal na.
"Yeah, he's just checking on me" bago tumingin na ako sa labas. Wala namang reasons para sabihin ko pa lahat. Hindi ko kailangan mag explain sakanya. After 15 mins nakarating na din naman kami sa isang malaking bahay. Is that even a house, it's a mansion. Never pa akong naka punta dito baka ito na nga ang bahay nila ng asawa nya.
"Let's go" sabi nya at nauna na syang bumaba sakin. Pagkababa ko ay sumunod na din naman ako sakanya. May isang old maid ang sumalubong samin. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay nila. Sobrang laki din nito, pati ang garden nila. May pool area din. Though malaki din naman ang house namin pero wala kaming pool area. Favorite ko pa namang mag swimming.
"Good evening Ed" bati sakanya at nilingon naman ako "Good evening din po Ma'am" ngumiti sya sakin. Kaya bilang ganti ay nginitian ko nalang din sya.
"Manang, si Zoey nga po pala." At pagkasabi palang nya nun ay namilog ang mga mata nung matanda at lumawak pa lalo ang ngiti, kaya naman napilitan din akong ngumiti muli sakanya. Nahihiya naman kasi ako baka mamaya kung ano ang isipin ni Manang sakin.
"Ikaw pala si Zoey, kaya naman pala. Napaka gandang babae naman pala talaga" Yun agad ang sinabi sakin ni Manang. Nag tataka man ako sa sinabi nya hinayaan ko na lamang.
"Manang.." putol sakanya. Nangunot ang noo ko. Paano nya naman ako makikilala. Bakit ba ang dami naman yatang nakaka kilala sakin. Hindi naman ako sikat ah.
"Sige, pumasok na kayo at igagawa ko kayo ng merienda. Dito ka na mag dinner hija" sabi ni Manang. Wala na akong nagawa kaya naman napatango na lang din ako. Nauna na syang pumasok. Nahihiya naman akong pumasok sa loob ng bahay nila. Baka hindi ako welcome dito.
"Halika na Zoey, doon na lang muna tayo sa itaas." Bakit walang sumalubong na asawa sakanya? Baka naman nasa ibang bansa yun. Ano ba naman to kung ano ano na naman ang naiisip ko.
"Wala ka bang ibang kasama dito sa bahay?" Bigla ko na lang naitanong habang umaakyat kami sa second floor nila. Ang totoo kasi nyan gusto ko lang malaman kung kamusta ang buhay may asawa nya.
"Meron. Halika ipapakilala kita." Kanino nya ako ipapakilala? Sa asawa nya? Ano ang sasabihin nya? Ex nya ako? Or student nya na kailangan na mag tutor. OMG! Hindi na ako kumibo pa. Sumunod na lang ako ng sumunod sakanya hanggang sa may tinigilan kami, ito yung kwarto nila siguro. Kumatok muna sya bago kami pumasok.
"Mom" may isang magandang babae ang sumalubong samin, mas matanda sya kay Mama kung titingnan pero halata pa rin na maganda sya. At may isang matandang lalaki ang lumabas naman mukang galing sa CR.
"Dad" tawag naman nya. Kaya naman napatingin sakanya yung lalaki. Ang tingin ko ay mga magulang nya ito. "Si Zoey nga po pala. Dito po kasi kami naka schedule sa tutoring nya" Bago naka ngiting lumapit sakin ang mga magulang nya.
"Finally hija" Bago yumakap sakin ang Mom nya. At nginitian ako ng Dad nya sabay sabing "You're so pretty hija, kaya naman pala" bago tinapik tapik sa balikat nya si ano! Fine!! Si KURT!!!! I used to call him Kurt. Hindi kasi ako sanay sa Edrick masyadong mahaba. Ano bang meron sa "kaya naman pala" kanina ko pa yan naririnig ah.
"Mom, Dad! Kayo talaga! Zoey ang parents ko." Pagpapakilala nya. Naka ngiti sila sakin na para bang kilala na nila ako. Pero ngayon ko lang sila na meet.
"Nice to meet you po." Sabi ko na lang sa parents nya. Saan kaya yung asawa nya. Nakakahiya naman sa parents nya na dito pa talaga kami mag tu-tutor.
"Sige po. Mom, Dad we need to go na. Mag-aaral pa si Zoey pero dito sya mag di-dinner." Sabi nya na tuwang tuwa pa. Ano ba talaga itong pinasok ko. Wala nang atrasan to. Andito na din naman ako sa bahay nila, wala naman sigurong masama kung mag –aral na din ako.
"Okay. It's nice to finally meet you hija." Pag uulit ng Mom nya. Tumango na lang ako. Sumunod na lang ulit ako kay Kurt kasi naman hindi naman ako sanay dito, first time ko nga diba. Nag lakad pa kami. Siguro sa study room nila, nakakahiya naman diba kung sa room pa nilang mag asawa kami mag-aaral. And may anak na kaya sila? Kasing cute and ka gwapo din kaya ni Kurt?
"Doon na lang tayo sa room ko, andun lahat ng mga gagamitin natin sa tutoring" sabi nya. Nanlaki naman ang mata ko, bakit doon pa? Mamaya makita pa kami ng asawa nya. Ano nalang ang sasabihin nya. Ayoko ding mapaaway pa.
"WHHHAATTT???" bakit doon pa? Pwede namang dito na lang sa sala nila, or sa study room nila. Or sa garden nila. Ang daming place sa loob ng bahay nila kahit sa kitchen ay pwede na. Wag lang sa room nilang mag asawa.
"Sometimes wrong choices bring us to the right places."