" Tinitigan ko si Matthew ng habang
mahimbing syang natutulog.
Sobrang swerte ng babaeng mamahalin
nito napaka kisig bukod sa may 6 packs
halatang alagang alaga nito ang sarili
sa gym.
Makapal ang pilik mata na bumagay
naman sa nangungusap nitong mga
mata. Manipis at mapupulang labi na
sobrang sarap halikan.
Dahan dahan kong itinaas ang aking
kamay para hawakan ang kanyang
mukha nya. Napakinis parang walang
pores hays! Di ko lubos maisip na ako
ang maaakit at bibigay sa kanya.
Anong oras na di parin ako makatulog
nakatitig lang ako sa napaka gwapong
mukha ng lalaki sa harap ko.
Naisip ko na umalis na sa bahay nya
pag sapit ng alas kwatro ng umaga.
Hindi ko na itutuloy ang pang aakit ko
sa kanya gaya ng napag usapan namin
ng bestfriend kong si Jessica. Ayokong
maranasan ng kasintahan nito na
lokohin ng lalaki na mahal nya kahit
nangyare na ang hindi dapat mangyare.
Naibigay ko sa kanya ang virginity ko.
Hindi ko pinag sisisihan ito dahil
kagustuhan ko din naman ang nangyare.
Sana sa susunod na mag krus ang
landas natin masaya ka sa babaeng
minamahal mo. Ayokong masira ang
relasyon ninyo ng dahil lang sakin at
sa kumpanya ng daddy ko.
Pinag sawa ko ang aking mata sa
pag titig sa kanya bago ko naisipan
tumayo at tumungo sa banyo. Nilinis ko
ang aking sarili at isa isang pinulot ang
mga damit ko sa sahig. Ramdam ko ang
kirot sa pagitan ng mga hita ko pero di
ko alintana ito basta makaalis na
dito.
" Hindi ko pinag sisisihan ang lahat.
Sana ganun karin. Bulong ko sa kanya
bago tuluyang lumabas ng pinto at
tinungo ang daan palabas.
Sakay ako ng elevator ng biglang
tumulo ang aking luha. Di ko alintana
ang lalaking kasabay ko wala akong
pakeelam kahit nakikita nya akong
umiiyak.
" Hi ms. Good morning! Ayos ka lang ba?
May masakit ba sayo? Pwede kitang
dalhin sa ospital.
Napalingon ako sa gawi nya nakangiting
nakatingin sya sakin na may pag aalala
sa mukha.
" Ayos lang ako. Salamat!
" Here. Inabot nya sakin ang kanyang
panyo.
" Anong gagawin ko dyan? Tanong ko sa
kanya.
" Ano bang ginagawa sa panyo? Edi
ipunas mo sa luha mo. Ayoko kasi ng
nakakakita ng crying baby eh.
" Excuse me?! I'm not baby.. Pag tataray
kong sagot sa kanya.
" Oppps! I know i mean ayokong
makakita ng magandang babae na
umiiyak sayang ang ganda ikaw din
baka pumanget ka.
" I don't care! Sagot ko pero kahit
asiwa ay tinanggap ko parin ang
panyong inaalok nya.
" Sayo na yan para pag umiyak ka ulit
may pamunas kana. Tsaka wag mong
iyakan yon mas may better don okay?
" Sino? ikaw? Tanong ko sa kanya.
" Agad naman itong humagalpak ng
tawa. My goodness! Di tayo talo pareho
tayo ng tipo na gusto hahaha.
Tawa nito na ikinatawa ko narin.
" Anyway i'm Charles Damien Legazpi.
And you beautiful lady?
" Larina Rene(Reney) Sanchez. But you can call
me larrie sagot ko sa kanya sabay
hawak sa nakalahad nyang kamay.
" Wow nice name bagay na bagay sayo
ang name mo kasing ganda mo kaya
don't crying baby na ha.
" Okay! Yan lang ang tanging naisagot
nya ng mag bukas na ang elevator
at sabay silang lumabas.
" It's 4am in the morning palang san
ang punta mo? Tanong nito sakin.
Infairnes kahit na gay ito lalaking lalaki
ang suot hindi mo mapag kakamalang
bakla. At sa itsura nito di rin maipipintas
na gwapo din ito sayang nga lang at
parehas kami ng gusto kundi lalaki.
" Pauwi na sana ako sa bahay mag
aabang nalang ako ng taxi. Sagot nya
dito habang lumilinga linga at nag
aabang kung may taxi na parating.
" Gusto mo ba ihatid na kita?
" Nako Charles okay lang ako. kaya
ko naman nakakahiya sayo tsaka
medyo malapit lang nama ang apartment
ko kaya wag kana mag abala. Tugon
ko sa kanya."
" Oh sige samahan na muna kita mag
abang nag taxi para makauwi ka ng
ligtas."
" Salamat. Naka ngiti kong sabi sa
kanya.
" Hindi naman nag tagal ay may napara
narin syang taxi.
" Sinabe ko ang lugar kung san ako
ihahatid kaso katakot takot naman na
habilin ang ginawa nya sa driver bago
kami naka alis.
" Salamat Charles nice to meet you.
Sigaw kong sabi sa kanya.
" Nice to meet you too larrie. Ingat ka.
Tanging tango nalang ang sagot ko
dito.
Dalawang araw lang ang inilagi ko sa
Building na to pero parang kay tagal na.
Naiyak ako sa isiping makakasira ako
ng isang relasyon ng dahil sa pag salba
sa naluluging kumpanya ng magulang
ko.
Salamat sa isang gabing alala na hindi
ko kaylan man malilimutan.
Pati ang numumuo mong puwang dito
saking puso. Totoo ang sinabe ko na
crush ko sya first time ko palang syang
nakita. Talagang humanga ako sa
kanya na bibihirang mangyare dahil
ilang beses akong nag balik balik sa
bar ni marcus nag babakasakaling
nandun sya ulit. Pero hindi ko na
nakita. Hindi ko makakalimutan ang
gabing to na pinag saluhan natin.
Hindi kita makakalimutan
MATTHEW LUIS FONTANILLA.
*MATTHEW'S POV*
" Nagising nalang ako na wala na sa
tabi ko si Larrie. Tumayo ako at nag
tungo sa banyo para maligo baka nasa
kusina na sya at nag luluto na ng
breakfast namin. Napangiti ako ng
maisip ko ang nangyare samin kagabi.
Ako ang nakauna sa kanya kaya labis
kong ikinatuwa yon kahit nag aalala ako
sa sakit na mararamdaman nya.
Sa sobrang sabik ko hindi na ko
nakapag condom dahil hindi ko na
mapigilan ang sarili ko na angkinin
sya. At labis kong ikinatuwa nung
wala syang pag tutol sakin.
Tapos na akong maligo kaya dali dali
na akong lumabas pero tahimik ang
buong bahay. Hinanap ko sya sa kwarto
nya pero wala.
Tinignan ko ang banyo wala ding tao.
Ibig sabihin tinuloy nya parin ang pag
alis ng di na nag paalam sakin?
" Sh*t!! Dali dali kong kinuha ang
cellphone ko para tawagan sya pero
out of couverage na. F*ck!!! talagang
umalis sya ng walang paalam?! I'm
still his boss at may kontrata syang
pinirmahan sakin hindi nya ba nabasa
na pag kusa syang umalis ng walang
nahahanap na kapalit nya ay mag
babayad sya sakin ng malaking halaga.
That woman! Hindi nya ata binasa ng
mabuti at basta nalang nya pinirmahan?
Nag asikaso na ko para sa pag pasok
sa opisina. Ang Fontanilla Empire ay
minana ko pa sa aking lolo.
6 kaming mag pipinsan na
pinamanahan nya ng yaman nya.
At pinalago ko ito kasama narin ng
business ng mga magulang ko.
Nasa States ang parents ko dahil mas
gusto na nilanganirahan doon at support
ko naman ang gusto nila. Dinadalaw
dalaw ko sila don pag natataon na
merong may kaarawan at kung may
business trip ako abroad.
Habang papasok ng building kung
san ako nag tatrabaho isa isang
bumabati sakin ang mga empleyado
ko.
Wala ako sa trip ngayon na batiin sila
kaya dedma ako dahil sa babaeng yon.
" Good morning sir bati ng sekretarya
nyang si Linda. Medyo may kaidaran na
ito dahil sekretarya pa ito ng daddy nya
noon. Ngayong sya na ang pumalit sa
pwesto ng daddy nya hindi na nya
pinalitan pa ang secretarya na naiwan
nito dahil masipag naman ito kahit
may katandaan na.
" Tango lang ang naisagot ko.
" Sir nasa loob po pala ng office nyo si
Ms. Cindy Ledezma inaantay po kayo.
Meron din po kayong meeting kay Mr.
Vergara by 2pm po. At kay Mr. Marquez
naman po 4pm.
" Okay thank you.
" At saka nga pala sir 2 months nalang
po pala akong maninilbihan sa inyo at
kailangan ko na pong mag retire.
Tumatanda na ho para makapag alaga
na ng apo."
Nag buntong hininga lang ako.
" Sige 1 month before mag hire na kayo
ng new secretary para mai train mo pa
sya bago ka umalis."
" Noted sir maraming salamat.
Diretso na syang pumasok sa office
nya at nadatnan nya nga don si Cindy
na nag babasa ng magazine.
" What's bring you here? Tanong nya rito
na ikinalingon nito.
" Hey honey how are you?
Agad na tanong nito habang papalapit
sa kanya at niyakap sya.
" Look Cindy wala akong panahong
makipag lokohan sayo okay?
Ano bang sadya mo at naparito ka?
" Namiss kita Matt. I'm really sorry
about what happened in the past.
Let's forget that and start a new life.
Just you and me! Mangiyak ngiyak
nitong sabi."
" Cindy kung sayo madali lang
kalimutan yon pwes sakin hindi.
Ayoko ng istorbo ngayon kaya
makakaalis kana."
" Hindi ko ginawa yon para sa pansarili
ko lang Matt! I was sick that time, I was
diagnosed with lymphoma
and i need to go to states para mag
pagamot for my surgery. I don't want
to leave you i swear i don't!
" Gusto kong mag pakasal sayo nun
pero natatakot ako na pag malaman
mong hindi matutuloy ang kasal natin
dahil sa sakit ko ay iiwan mo rin ako.
Mas masakit sakin yon dahil nakikita
ko yung saya mo nung panahon na
malapit na ang kasal natin. Ang tanga
ko lang dahil di ko inisip na masasaktan
ka ng sobra. Inisip ko lang ang sarili
ko at ipinangakong babalik ako pag
magaling na ko.
" Bakit ngayon mo lang sinabe?
Sana nasamahan kita, natulungan kitang
labanan ang sakit mo! Cindy hindi ka
nag tiwala sakin pati ako sinaktan mo!
" I can't believe this! You are my life ng
mga panahon na yon at alam mo yan!
Pero you choose to break me into
pieces.