7. PINAIMBESTIGAHAN

1860 Words
" I'm really sorry Matt. Yan ang huling salita na sinabi ni Cindy bago sya nahimatay mabuti nalang at nasalo sya agad ni Matthew. Tinawagan ko si Jess para makipag kita sakin dahil sasabihin ko sa kanya na hindi ko na itinuloy ang balak namin na akitin si Matthew Luis Fontanilla. Nag kita kami sa favorite naming coffee shop. " Gurl anong nangyare? Teka kanina ka pa ba? Sorry medyo na traffic ng very very light hehe. So what's up! What happened? Agad nitong tanong." " Gurl sorry aatras na ko sa napag kasunduan natin. Hindi sa hindi ko kaya pero naisip ko na ayokong sumita ng relasyon ng iba. Diba sabi mo may girlfriend sya? May kahalikan thingy dun sa house nya." " Yahh but matagal ko ng nakikita si Mr. Fontanilla and i know na wala syang girlfriend kaya nga nag taka ako kung sino yung girlalu na kahalikan nya non. Kasi diba ganda ko nga di pumasa dun pero sa girl na yon aba't kahalikan pa. Pero i ask my dad kung may girlfriend nga itong si Matthew ang sabi wala naman daw. Ang alam ko kasi kay Matt ayon narin sa kwento ng dad ko iniwan daw yan ng bride nya sa araw ng kasal." " Ang galing updated ang dad mo hehe. Ngiting sabi ko sa kanya na mas ikinapanatag ng loob ko dahil masakit sakin kung talagang may girlfriend sya. Sagot ng kanyang isip. Lihim syang napangiti sa nalaman sa kaibigan. " So dedma kana ba talaga? Tanong ng kaibigan ko sakin na ikinatigil ko. " Ahhmm. Pwede bang maakit sya sa ibang paraan? Kasi hindi ko talaga kaya ang gawaing bahay promise muntik na syang maging monster sa harap ko. Naikwento ko sa kanya ang nangyare maliban sa isang bagay na pinag saluhan namin bago ako umalis. Tawa ng tawa si Jess halos pag tinginan na kami ng mga taong kasabay naming nag kakape. " Nawawala ang poise gurl tama na kakatawa. Bulong ko sa kanya na agad nya namang ikinatigil. " Pano naman kasi bat mo nilagyan ng zonrox mag kukupas talaga ang damit non. Nag experiment ka nanaman patuloy nya sa pag tawa. " Akala ko kasi liquid detergent di ko na binasa basta binuhos ko yung kalahati nung yung polo shirt nalang ang natitira na kukusutin. Ngiwing paliwanag ko sa kanya." Hagalpak ulit sya ng tawa. " Ang sakit na ng tiyan ko sayo Larrie pero buti nga sa kanya karma nya yon. " Ikaw talaga! Kasalanan ko naman yun kaya grabe pinagalitan ako ng sobra. " Pero Larrie anong naging first impression mo kay Matthew? " Huh?.. Masungit! Pala sigaw at.... " At ano? Tanong ni Jess sakin. " Basta masungit sya. Agad kong sagot sa tanong nya. " Gwapo diba? Ang macho grabe ang yummy non pero tama ka masungit at suplado! Kaya tama lang sa kanya ang ginawa mo. Tawa ulit nito. After namin mag usap napag pasyahan na naming umuwi at sinabe ko din sa kanya na hindi ko tinatanggap ang offer na mag invest ang daddy nya sa company namin dahil hindi ko naman nagawa ang balak nya kahit papaano nahihiya ako. Kaya kailangan kong mag hanap ng trabaho aside sa pag phophotographer ko meron naman akong maliit na flower shop dahil mahilig akong mag picture ng mga bulaklak. Kailangan ko mag hanap ng trabaho para makaipon at makapag bukas pa ako ng isa pang business ko. Para kung sakaling mabank crupt ang kumpanya ng daddy ko mabaon kami sa utang kaya ko na silang bayaran kahit paunti unti. Wag lang ako mag pakasal sa matanda na yon. Tsk! Never! Agad kong isinugod sa pinaka malapit na ospital si Cindy. Ayon sa doktor nahimatay sya sahil sa stress at lungkot na nararamdaman nya. Kailangan ng makakasama ni Cindy at kaibigan na aagapay para di mapunta sa depression ang nararamdaman nya. Konting pahinga lang daw at makakalabas na sya mg ospital. Masaya ako na nalagpasan nya ang sakit nya nung una masakit sakin ang malaman na hindi nya ko pinag pinag katiwalaan pero sa ngayon na nakikita syang malakas at wala ng sakit. Bilib ako at nakayanan nyang lumaban kahit wala ako sa tabi nya. Kinapa ko ang dibdib ko kung may puwang pa ba si Cindy dito. Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman at mas na ngingibabaw ang babaeng naka siping ko kagabi. Habang tsine check ng doktor si cindy kanina tinawagan ko ang isa sa private investigator ko para mag padala ng informasyon sa nag ngangalang Larrie Santos. Ipinadala ko din ang picture ng babae sa kanya na sinend sakin ni nanay cerma na sabi nyang papalit sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit pumasok sa buhay ko ang isang larrie Satos. Nag panggap lang ba itong maid para sa anong dahilan? Dahil hindi naman sya mukahang katulong base narin sa ganda ng kutis at hubog ng katawan nya papasa syang modelo. Hindi maalis sa isip ko yung mga sandaling pinag masdan ko sya harap ko. She's naked and yes! She's so beautiful. Napaka amo ng mukha maliit na mg labi at matangos na ilong. She have a pair of dimples na lumalabas pag nag sasalita sya. Can't take my eyes on her. I don't why kaya kailangan ko syang makita para pagalitan at muling parusahan gamit ang mga labi ko! " F*ck!!! I'm totally crazy bulong ko sa sarili. Sa susunod na mag kita tayo larrie akitin mo ko ulit! Hindi na ko mag pipigil i swear! Nang magising si Cindy pinahatid ko na sya sa driver ko at nag taxi nalang ako papuntang office dahil may meeting pa akong kailangang puntahan. Pinilit man ako ni Cindy na samahan sya pero i refuse dahil kailangan kong maiclose ang deal kay Mr. Marquez at Mr. Vergara. Natapos ang meeting ko kay Mr. Marquez at masasabing kong successful ang proposal na iprenesent ko sa kanya para sa pag papatayo ulit ng panibagong F.E Condominium at isa sya sa mga nag invest sa akin. Papunta na ko sa Coffee Shop kung san ang meeting place namin ni Mr. Vergara ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na babae. Pasakay na ito sa sasakyan nya. " Larrie! Bigkas ko sa aking isip. Malalaman ko din ang tunay na pag katao mo. Bulong nya sa sarili. Agad na pinarada ni Mang Danilo ang sasakyan sa parking lot at bumaba na sya sa sasakyan papasok sa Coffee Shop. Mr. Vergara is a Multi Millionaire Businessman. Hiwalay ito sa asawa kaya kung sinu sinong babaeng binabayaran nito para paligayahin sya. Kakausapin nya ito dahil may ari ito ng Construction Company na gagawa ng F.E Condominium. Ginala ko ang mata ko at nakita ko sya sa bandang dulo at halatang nag hihintay sakin. " Good Afternoon Mr. Vergara how's your day? Bati nya agad dito ng makalapit sya dito. " I'm good Mr. Fontanilla. Anyway this is my secretary Marlisa. Pakilala nya sa babaeng katabi nya. Nginitian ko lang ito. " Good Afternoon Mr. Fontanilla. Bati nito sakin sa nang niningning na mata. Halos mapatingin sa gawi namin ang ibang customer sa Coffee Shop na iyon. Rinig ko ang bulung bulungan ng mga kalapit naming mesa. " Anyway Mr. Fontanilla nabasa mo na ba ang proposal ko? Ako na ang bahala sa Construction Material date nalang ang inaantay kung kelan mo ito pasisimulang gawin. " Yes Mr. Vergara, Pag memeetingan pa namin ang Blue Print ng F.E Condominium dahil may ipinabago akong disenyo. As soon as possible ay ipagagawa ko narin ito. So Where's the contract para mapirmahan ko na at ikaw ang mag susupply sakin ng mga construction materials. " Eto po Mr. Fontanilla. Abot sa kanya ng puting envelope ng Sekretarya nito. " Thanks! Ngiting sabi ko dito. " Agad ko itong binasa at naaayon naman ito sa pinag usapan. Maayos kausap si Mr. Vergara kahit nuon pa man ay sa kanya na ko kumukuha ng mga construction materials ng ibang Condominum na ipinagawa ko. Kaya alam ko ang kredibilidad nya as business man. Nang matapos ko itong basahin agad ko din itong pinirmahan. " Nga pala Mr. Fontanilla, Nabalitaan mo ba ang pagka lugi ng kalaban kong kumpanya? Ngisi nitong tanong sakin. " Who? Kunot nuo kong tanong sa kanya. May pagka chismoso talaga tong matanda na to. " Sanchez C.Company. Tugon nito sa kanya. " Nabalitaan ko ang company na yan dahil nalulong sa sugal ang may ari na si Mr. Sanchez? Dati syang nag bigay ng proposal sakin para mag supply ng construction materials sa pinapatayo kong Condominum sa Las Piñas. " Nabaon sya sa utang dahil sa pag susugal sa casino. At nakipag meeting sya sakin para mag invest sa kumpanya nya. Iiling iling nitong tawa. Biruin mo handa pang ipakasal sakin ang nag iisa nyang anak na babae para pag isahin ang aming kumpanya. I like his daughter napaka ganda nyang bata. And i want her to be my wife soon. Kaya iimbitahan kita sa nalalapit kong kasal. Nagulat sya sa sinabe nito. " May balak pa po pala kayong mag asawa. Ngiting tanong nya dito. " Ofcourse iho! Tumatanda na ko para may mag alaga sakin pag tanda ko. Larrie si perfect to be my wife. Kaya wag kang mawawala sa kasal ko ha. I will send you invitation. " Larrie? What's the real name of your soon to be wife Mr. Vergara? Takang tanong nya dahil kakakita nya lang sa babae kanina ng mapadaan sya sa kabilang Coffee Shop. " Her name is Larina Rene Sanchez. The only daughter of Mr. and Mrs Rodolfo Sanchez. " Congratulation in advance Mr. Vergara Best wishes. Sorry i have to go i need to go back at my office. Bigla nyang paalam dito. " Oh sure! Take care iho. Thank you for our successful partnership. " Likewise Mr. Vergara keep safe! Tugon nya dito habang nakipag shake hands sa matanda. I Have to go bye. Tango lang ang tugon nito sa kanya. Agad syang sumakay sa kotse. " At my office. Dali dali ding pinaandar ng driver nya ang sasakyan at sinumulan ng patakbuhin ito. Dinukot nya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ulit ang private investigator nya. " Hello Raymond i want you to back ground this peson. Her name is Larina Rene Sanchez. I want you to send me her picture now! " Sir as i investigated Larrie Santos and Larina Rene Sanchez are one. I will send her profile information and her photo to your email sir. Sagot nito sa kabilang linya. Halos hindi sya makapag salita sa nalamang impormasyon. " Good! Thanks for the info. Maaasahan ka talaga. Pinatay nya na ang linya at naka received na sya ng message thru email. Binasa nya ito at nalaman nyang eto nga ang larrie na nag aapply sa kanya bilang katulong. At eto rin ang babaeng sinasabing pakakasalan ni Mr. Vergara! Tsk! That wedding would never be happen. Bulong nya sa isip! Pasensya na po kung merong mga words kung merong mali at may kulang. Uumpisahan ko na po mag update daily so sana po suportahan nyo ang kwentong ito ni Larrie at Matthew. ? Paki follow narin ako mga bebelabs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD