Jasmine POV
Mahigit isang buwan na ang nakakalipas. Pero hindi pa ulit nagtetext si Jm sa kanya. Mahigit isang buwan na rin siyang umaasa sa sinabi ni Jm. Siguro ay panahon na para kalimutan niya ito.
Marami na rin ang nagbago sa loob ng mahigit isang buwan. May ibang nililigawan na rin si Henry kaya ilang araw na siyang hindi hinahatid sundo nito. Alam na rin ng mga magulang niya na wala na sila ni Henry. Pero hindi nila alam ang totoong dahilan. Hindi na rin naman nag usisa ang pamilya niya kaya hindi na niya sinabi rito ang dahilan.
Ilang araw na rin na nasa OJT ang kapatid niya. Sa Manila ito naka destino kaya naman tatlo lang sila sa bahay nila.
"Guys, magbubunutan na daw tayo." masayang turan ni Ericka.
Taon taon silang nagbubunutan para sa exchange gift nila sa darating na christmas party nila. Kaya naman masaya ang mga ito. Taon taon kasi ay sa sarado ang shop nila at sa isang resort nila ito ginaganap.
"Sino nanaman kaya ang makakabunot sakin?" tanong naman ni Mico. "Sana naman tung makabunot sakin hindi kuripot." sabi nito na napatingin sa kanya.
Nginisian naman niya ito. Siya kasi ang nakabunot rito nung isang taon. Dahil medyo kapos sila nung panahon na yun kasi nahospital noon ang Nanay niya kaya naman binigyan niya lang ito ng isang t-shirt.
"Sorry na." sabi niya.
"Biro lang." sabi nito. "Alam ko naman na wala ka nun. Pero sana naman kung ikaw ulit ang makabunot sakin, eh bumawi ka naman." natatawang sabi nito.
"Sige babawi ako pag ikaw nabunot ko." natatawa na rin niyang sabi rito.
Ilang sandali pa ay gumawa na si Ericka para sa bunutan nila. Isa isa silang nagbunutan.
Ang nabunot niya ay si Carlo. Hindi naman maarte si Carlo kaya hindi siya mahihirapan hanapan ito ng regalo.
"San kaya gaganapin yung christmas party?" tanong ni Ericka.
"Nagtanong ka pa." sabi naman ni Carlo. "Taon taon naman sa resort tayo nagki cristmas party."
Tama si Carlo. iisang resort lang nila ginaganap ang chrismas party nila kaya hindi na sila nagtataka.
"Sino nabunot mo, Jasmine?"
"Hindi ikaw." sagot niya.
"Sayang naman."
"Bakit naman sayang, Kuya Mico?" tanong naman ni Danica kay Mico.
"Makakabawi na sana si Jasmine sakin eh." pagkasabi nito ay nagsitawanan ang iba nilang kasama sa trabaho.
Nang matapos silang magbunutan ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang trabaho.
"Sayang no, Ate Jasmine. Hindi nakasama si Kuya Jm sa christmas party." sabi ni Carlo habang may tinitimpla sila.
Hindi na nga niya iniisip si Jm sa mga oras na iyon ay pinaalala naman ni Carlo. "Hayaan mo na siya. Masaya na siguro yung tao ngayon." sabi niya.
Masaya na nga siguro ngayon si Jm. Dahil hindi na siya nito naalalang kamustahin. O kahit magtext man lang ulit kahit hindi na siya kamustahin.
"Kuya Jm." bulas ni Ericka.
"Isa pa to." sabi niya sa isip niya.
"Si Kuya Jm nga." sabi naman ni Carlo.
Napatingin siya sa kinaroroonan ng sinasabi ng mga ito na si Jm. Biglang nag slow motion nanaman ang paligid niya nang makita nga niya si Jm. Naka polo ito na nagpagwapo palo sa kanya. Naka shades din ito at nakangiti.
Jm POV
Isang buwan mahigit na ang nakalipas pero wala pa rin siyang ibang natutuklasan tungkol sa Ninong niya. At maging ang Papa niya ay hindi nagigising.
Bumalik na rin siya sa restaurant nila. Pero paminsan minsan ay sinasama siya ng Ninong niya pag may meeting tungkol sa mga negosyo ng Papa niya at ang Ninong niya.
Isang buwan mahigit na rin ang nakalipas pero hindi man lang niya nakakamusta si Jasmine. Iniisip kasi niya na baka madamay ito kapag patuloy niya itong kakausapin kaya nagpasya na lang siya na hindi magparamdam dito.
Ilang beses niyang pinag isipan na puntahan ito dahil sa bayan nito nakaratay ang Papa niya. Pero dahil masyado siyang maraming inaasikaso kaya hindi niya magawang bisitahin ito.
Kaya naman nagpasya siyang mag day off muna kahit ngayon lang. Gusto niyang puntahan si Jasmine.
Dahil malapit lang sa hospital ang shop na ipnagtratrabahuan ni Jasmine kaya pagkatapos niyang puntahan ang Papa niya ay agad siyang nagtungo rito.
Nang makapasok siya sa shop ay isa isang lumapit ang mga dati niyang katrabaho sa kanya.
"Kamusta ka na Kuya Jm?" tanong agad sa kanya ni Carlo.
"Okay lang naman." sagot niya rito. "Busy lang kaya hindi ako nakakadalaw."
"May girlfriend ka na siguro Kuya Jm?" tanong naman sa kanya ni Ericka.
Tumingin muna siya kay Jasmine bago sumagot. "Wala pa." sagot niya. "Hindi ko pa maharap yan sa ngayon. Hindi pa kasi gising ang Papa ko kaya busy pa ako sa ngayon."
Nagsibalikan ang mga ito sa kani kanilang trabaho nang may pumasok na costumer. Kaya naman umupo na lang siya sa may sulok para hindi siya makaabala sa mga ito.
Nakatingin lang siya kay Jasmine habang abala ang lahat. Nahuhuli niya ito minsan na tumitingin sa gawi niya. Lihim naman siyang napapangiti sa tuwing magtatama ang kanilang paningin.
Hindi niya maitatangging namiss niya ito. Kahit gusto niya itong kausapin ay hindi niya ginawa dahil baka madamay pa siya s ginagawa niyang pag iimbistiga sa Ninong niya.
Natigilan siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong sinagot nang makita niya na ang Mama niya ang tumatawag sa kanya.
"Okay. I'll be there, Ma." pagkasabi niya ay agad na siyang lumabas. Hindi na niya nagawang magpaalam sa mga dati niyang katrabaho.
Ang sabi ng Mama niya ay nagmulat na raw ng mga mata ang Papa niya kaya dali dali siyang umalis para puntahan ang Papa niya.
Pagdating niya sa kwarto ng Papa niya ay ay hindi na niya nagawang kumatok saka binuksan ang pintuan. Pagkapasok niya ay nakita niya ang Mama niya na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng Papa niya. Kinakausap nito ang Papa niya.
Nang makalapit siya sa mga ito ay tumingin sa kanya ang Papa niya. Tumulo ang luha nito. Napamaang siya dahil sa luhang nakita niya. ito ang unang pagkakataon na nakita niyang lumuha ang Papa niya.
Jasmine POV
Napatingin siya sa pintuan nang marinig niyang bumukas ito. Nakita niya si Jm na lumabas ng shop. Agad itong sumakay sa sasakyan nito saka pinaandar ang sasakyan paalis.
"Bakit siya umalis bigla?" tanong niya sa isip niya. "Hindi pa man din kami nakapag usap. Sana lumapit na ako kanina." dag dag niya.
Sa tagal niya itong hindi nakita ay parang pumayat ito ng konti. Siguro dahil sa busy nga ito tulad ng sabi nito. Pero ang tanong ay totoo kaya na wala pa itong nobya?
"Bakit kaya biglang umalis yun?" nagtatakang tanong ni Carlo.
"Busy nga raw diba?" bulas niya.
"Sayang naman. Magpapalibre pa man din sana ako."
Natawa siya sa sinabi nito. "Yun talaga?" tanong niya rito.
"Sa yaman niyang yun baka lahat tayo malibre niya pa." turan nito.
"Asa ka." pabiro niya rito. "Kakain na ako." paalam niya rito saka nagpaalam kay Ericka.
Dahil binaunan siya ng Nanay niya kaya hindi na niya kailangan bumili sa labas ng pagkain niya.
Pagkapasok niya sa crew room ay nakita niya roon si Henry. Nakabreak na pala ito nang hindi niya namamalayan.
Simula nang malaman niya na may nililigawan na itong iba ay hindi na siya sumasabay rito. Ngayon lang ulit sila nagkasabay na kumain. Pero yung pagiging sweet nito sa kanya ay hindi nagbago.
Gusto pa sana siya nitong ihatid sundo pero ang sabi niya ay baka magselos pa ang nililigawan nito kaya pinahinto na niya ito sa pag hatid sundo sa kanya. Ayaw niya rin naman na ma busted ito sa bago nitong nililigawan. Ayaw niyang mangyare ulit kay Henry ang nangyare sa kanila dati.
"Dumalaw pala si Jm kanina?" tanong nito sa kanya.
"Oo." sagot niya. "Bakit di ka lumabas kanina?" balik tanong niya rito.
"Nasa banyo ako kanina. Sinabi lang sakin ni Kath." paliwanag nito. "Nagkausap ba kayo?" tanong nitong muli sa kanya.
Umiling siya. "Umalis siya agad." sabi niya saka nagsubo.
"May gusto ka pa rin sa kanya?" natigilan siya sa tanong nito.
Napayuko siya ng bahagya sa sinabi nito. Oo gusto pa rin siya rito. Pero hindi pa siya binigyan ng pagkakataon para makausap ito.
"Ang swerte niya." turan nito habang nagsusubo.
Tumingin siya rito. "Mas maswerte yung nililigawan mo." sabi niya.
"Aba oo naman. Bibihira ang tulad ko." natatawang sabi nito.
"Sayang nga kasi hindi ako yung para sayo." pabiro niya.
"Maswerte ka pa rin kasi kaibigan mo ako. Hindi lahat ng babae kaibigan ko." sabi nito sa tumawa.
Natawa na rin siya sa sinabi nito. Simula nang mawala si Jm sa shop ay lalo silang naging malapit ni Henry. Yun nga lang ay hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay dito. Kung hihigit man ay hanggang kapatid lang ang turing niya rito.
Simula nang umalis si Jm ay nasanay na siya sa kakulitan ni Henry. Wala nang ilangan at wala ng hiyaan kaya naman kapag nagbiruan sila ay para na silang magkapatid.
Kahit naiisip niya si Jm minsan ay hindi niya ramdam ang lungkot dahil andyan si Henry na lagi siyang pinapangiti.
Jm POV
Hinawakan ng Papa niya ang kamay niya. Napatitig siya rito. Nakita niya ang mga mata ng Papa niya na parang nangungusap.
"Sorry." saad ng Papa niya.
Medyo hindi nito mabigkas ang salitang binitawan nito dahil sa tubo na nakasaksak sa bunganga nito pero naintindihan naman niya iyon.
"Pagaling ka, Pa." sabi niya saka hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa kamay niya.
"Lop top." muling sabi ng Papa niya.
Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. "Ano yun, Pa?" tanong niya sa Papa niya. Lop top ang pagkakaintindi niya pero hindi malinaw sa kanya kaya tinanong niya muli ang Papa niya.
"Lop top." sagot ng Papa niya saka muling pumikit.
"Anong meron don, Pa?"
"Wag mo muna siyang tanungin ng kung ano ano, Anak." sabi ng Mama niya. "Sabi ng Doktor wag muna natin siya bigyan ng mga bagay na pwedeng magbigay sa kanya ng stress."
Tinitigqn niya ang Papa niya. Mahimbinh na ulit ang tulog nito. Ano kayang meron sa lop top na sinasabi nito?
Napaisip siya bigla. Alam kaya ng Papa niya na may gustong gawin na masama ang Ninong niya sa Papa niya? Dahil sa naisip niya ay nagpaalam na siya sa Mama niya.
Nang makalabas siya ng hospital ay agad siyang umuwi sa bahay nila para hagilapin ang lop top ng Papa niya. Hindi man niya alam kung anong meron don pero aalamin niya.
Halos nahalughug na niya ang buong kwarto ng mga magulang niya pero wala siyang nakitang lop top. Natigilan siya bigla nang sumagi sa isip niya ang opisina ng Papa niya sa Cavite.
Agad siyang nagpunta sa Cavite para hanapin ang lop top ng Papa niya. Kahit traffic sa daan ay mabilis siyang nakarating sa hotel nila sa Cavite dahil sa bilis ng patakbo niya.
Nang makapasok siya sa hotel nila ay agad siyang nagtungo sa elevator para pumunta sa huling palapag ng building kung saan naroon ang opisina ng Papa niya.
Mang bumukas ang elevator ay bumungad sa kanya ang Ninonh niya. Marahil ay nagtataka ang Ninong niya kung bakit siya nandon.
"Anong ginagawa mo rito, Jm?" tanong ng Ninong niya nang makalabas ito sa elevator.
"May pinapakuha lang si Papa sa office niya, Ninong." sabi niya.
"Gising na si Kuya?" tanong nito sa kanya.
"Opo, Ninong." sagot niya.
"Mabuti naman kung ganon." sabi nito. "Ah, Jm, san pala nilipat si Kuya? Para mapuntahan ko man lang sana. Hindi kasi sinasabi ni Ate kung saang hospital nilipat ang Papa mo. Tsaka nakalock yung office ng Papa mo. Nilock niya ata yun bago siya maatake sa puso. Baka di ka makapasok." sunod sunod na sabi nito.
Nagtaka siya sa sinabi nito. Nilock ng Papa niya? Bakit nakapasok ito nung nakaraan? Parang may mali talaga. Hindi niya mapagtugma tugma ang mga nakita niya sa sinabi ng Ninong niya.
"May susi po ako, Ninong. Tsaka alam ko po password ng office niya." sabi niya.
Ang totoo ay wala siyang susi. Pero alam talaga niya ang password ng office ng Papa niya. Mabuti na lang at tanda pa niya ang password ng office ng Papa niya.