Chapter 19

2040 Words
Jasmine POV Dahil hindi na niya makikita si Jm ay parang ayaw na niya pumasok. Pero dahil kailangan pa niya ng pera para mapagtapos sa pag aaral ang kapatid niya ay kailangan niyang pumasok. Para lang siyang napipilitang pumasok dahil parang wala siyang sigla para magtrabaho. Kahit sa pagkain ay wala siyang gana. "Okay ka pang ba, Ate?" tanong sa kanya ng kapatid niya. Naatingin siya rito. "Oo naman."sagot niya. Hindi pa niya halos nakakalahati ang pagkain niya. Masarap naman ang pagkain na niluto ng Nanay niya. "May sakit ka ba, Anak?" tanong naman ng Nanay niya. "Wala naman po, Nay?" sagot niya. "Hindi mo pa nakakalahati ang pagkain mo." sabi naman ng Tatay niya. "Mag paalam ka na muna sa trabaho." "Okay lang po ako, Tay. Wala lang po akong gana kumain. Babawi na lang po ako mamayang tanghalian." sabi niya. Hindi niya alam kung may gana na siya mamaya kumain pero sinabi niya pang yun para hindi mag alala ang mga magulang niya. Nang matapos silang kumain ay nagprisinta na siyang maghugas ng pinagkainan nila. Dahil closing naman siya kaya may konting oras pa siya. Hindi rin naman siya umaasa na susunduin siya ni Henry. Kahit pa araw araw siya nito hatid sundo ay hindi niya kinukumbinsi ang sarili niya para hindi siya umasa. Nang matapos siyang maghugas ng pinagkainan ay nagtungo muna siya sa kwarto niya. Umupo lang siya sa gilid ng kama niya. "Bakit ba kasi nagkagusto pa ako sayo?" turan niya saka kinulong ang kanyang mukha ng mga palad niya. "Bakit hindi na lang kay Henry para hindi ako nahihirapan ng ganito." Bakit nga ba sa iba siya nagkagusto? Bakit hindi kay Henry na matagal na nanligaw sa kanya? Bakit kung kailan niya sinagot si Henry ay don pa siya dumating? Ang daming tanong sa utak niya na gusto niyang mabigyan ng kasagutan. Gulong gulo na ang isip niya dahil sa nararamdaman niya kay Jm pero lalong gumulo ngayon ang utak niya dahil naiwan siya. Akmang tatayo na sana siya para maligo nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinampot. Napangiti siya nang makita niya ang pangalan ni Jm. Hindi muna niya binuksan ang mensahe ni Jm. Hindi niya alam kung anong sinabi nito sa mensahe nito pero may konting saya siyang naramdaman. "Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita. Pero sana dumating yung pagkakataon na magkita tayo ulit. Marami akong kailangang gawin sa ngayon kaya hindi mo ako makikita ng matagal. At sana mahintay mo ako." sabi ni Jm sa mensahe nito. Dahil sa sinabi nito ay nabigyan siya ng pag asa. Pag asa na magkikita pa silang dalawa. At dahil ngayon lang siya nagkagusto sa isang lalake kaya tulad ng sinabi ni Jm ay maghihintay siya. Dahil sa pinadalang mensahe ni Jm ay nabuhayan siya. Masaya siyang nagtungo ng banyo para maligo. Tapos na ang kapatid niya kaya naman sumunod na siya. Nang makapagbihis siya ay sakto naman na dumating si Henry. Hinahati nito ang isang oras na pahinga nito sa trabaho para lang mahatid sundi siya. Kapag opening ito at closing siya ay maaga itong nagbi break para lang sunduin siya. At dahil maaga ito umuuwi ay bumabalik na lang ito kapag oras na ng uwian nila. Kapag naman closing ito at opening siya ay maaga rin itong pumupunta sa bahay nila para ihatid siya. Jm POV Dahil sa narinig niya sa office ng Papa niya ay nagpasya siyang mag imbistiga mag isa. Kailangan niyang malaman kung anong sikreto ng Ninong niya. Dahil may sarili silang hotel ay baka malaman ng Ninong niya na iniimbistigahan niya ito kapag nag check in siya sa hotel na pag mamay ari nila. Kaya naman sa ibang hotel siya nag check in. Sinabihan na niya ang Mama niya na wag muna sabihin sa Ninong niya na nasa Cavite rin siya. Sinabi niya rin dito kung ano ang narinig niya kaya sumang ayon naman ito na wag ipaalam sa Ninong niya kung nasaan siya ngayon. Nang magising siya ay agad niyang tinawagan ang Mama niya para kamustahin ang lagay ng Papa niya. Pero wala pa rin pagbabago. Hindi pa rin ito nagigising. Pagkatapos nilang mag usap ng Mama niya ay nag iwan naman siya ng mensahe kay Jasmine. Hindi man lang niya ito nayakap o nahawakan man lang nung huling beses na na nagkita sila. At di man lang niya nasabi ang nga gusto niyang sabihin dito. Kaya naman sinabi na lang niya ito sa isang mensahe. Dahil gutom na siya ay naligo na siya at saka nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na siya dahil nasa ika sampung palapag siya naka check in. Nang matapos siyang kumain ay agad niyang minanmanan ang Ninong niya. Dahil ayaw niyang makita siya ng Ninong niya kaya nagsuot siya ng jacket at sumbrero. Nagsuot din siya ng shaded para hindi siya nito makilala kaagad. Dahil hindi pa naman siya gaanong kilala ng mga staff nila kaya hindi siya mahihirapan sa pagtatago ng hindi nalalaman ng Ninong niya. Naghintay siya sa lobby ng hotel at inabot rin siya ng ilang oras bago lumabas ang Ninong niya. Dahil iisa lang naman ang daan kung saan ang parking kaya agad niya itong sinundan nang makita niya ito. Maingay niya itong sinusundan at mukha namang hindi siya nito nahahalata. Hindi lang iisa ang negosyo ng Ninong niya at ang Papa niya at alam niya lahat kung saan ang mga ito. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung ito ang mga pupuntahan ng Ninong niya. Habang sinusundan niya ang Ninong niya ay may kinakausap itong mga lalake na sa tingin niya ay hindi naman negosyante at parang kahinahinala. At habang nag uusap ang mga ito ay palihim niya itong kinukuhanan ng mga litrato. Kung sakali man na tama nga ang hinala niya na may kinalaman ito sa nangyare sa Papa niya ay may maipapakita siyang ebedensya. Hindi man siya marunong mag imbistiga pero aalamin niya ang lahat para sa Papa niya. Hindi man sila okay ng Papa niya pero hindi niya hahayaan na may mangyareng masama rito. Lalo na at parang may maling nangyare. Jasmine POV "Hindi ka ba nalulungkot, Ate Jasmine?" tanong sa kanya ni Carlo habang may tinitimpla sila. "Bakit naman ako malulungkot?" balik tanong niya rito. Tumingin muna ito sa gawi ni Ericka bago siya binalingan muli. "Diba may gusto ka kay Kuya Jm?" pabulong nitong sabi. "Ano naman?" sabi niya. "Wala na siya. Pero parang masaya ka?" naguguluhang sabi nito. Oo wala na nga si Jm. Hindi na nga niya ito makikita. Pero dahil sa mensahe nito kanina ay medyo nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. "Kailangan nating tanggapin ang tapos na." sabi niya ng hindi man lang ito nililingon. "So, bibigyan mo ng pangalawang pagkakataon si Kuya Henry?" natigilan siya sa sinabi nito. Hindi pa niya nasasabi rito na nakipagbreak na si Henry sa kanya kagabi. At ayaw niya rin sabihin dito ang tungkol doon. Kung bibigyan niya ulit ng pagkakataon si Henry ay baka masaktan niya lang din ito ulit. Dahil alam nila parehas kung sino talaga ang gusto niya. Hindi man niya alam kung bakit mas pinili ni Henry na kasama pa rin siya pero kung ito lang ang tanging paraan para makabawi siya sa sakit na dinulot niya rito ay gagawin niya. "Hindi ko akalain na ganon pala kayaman si Kuya Jm." turan ni Carlo nang wala na silang tinitmpla. Nasabi na sa kanya ni Jm ang tungkol don bago pa man nito masabi sa iba kaya hindi na siya nagulat. "Wala ba sa hitsura niya?" tanong niya rito. "Unang tingin ko pa lang sa palagay ko may kaya na siya. Pero yung ganon kayaman? Hindi ko inasahan." Kilala ang ang Juancho's sa mga karatig na bayan. Ito ang nag iisang pinakamalaking restaurant sa probinsya nila. Kaya alam ng lahat na mayaman ang may ari nito. At anak ng may ari ng Juancho's si Jm. Kaya hindi na siya magtataka kung nagulat ang mga kasama niya. Biruin mo ba naman kasi na ang anak ng mqy ari ng isang kilalang restaurant ay magtratrabaho sa isang di hamak na mas maliit na kesa sa restaurant ng mga ito. Dahil si Jm ang usapan nila ay biglang sumagi sa isip niya ang tungkol sa arranged marriage na ginawa ng Papa nito para kay Jm. Ang sabi ni Jm noon ay tumanggi siya sa gusto ng Papa nito kaya pinalayas si Jm. Pero ngayon na umuwi na ito ay baka tanggapin na nito ang gusto ng Papa nito? Pano yung sinabi nito sa mensahe? Aasa pa ba siya sa sinabi ni Jm? O ipagsasawalang bahala na lang niya iyon? Pano kung tuparin ni Jm? "Ewan." turan niya. "Ano yun, Ate Jasmine?" tanong sa kanya ni Carlo. Nabigkas pala niya ang salitang iyon. Akala niya ay sa isip niya lang ito nasabi. "Wala." pagsisinungaling niya. Ang dami ng nangyare mula nang dumating si Jm sa buhay niya. Pero ngayong nawala siya ay ang dami ring tanong na naiwan sa kanyang isip. Halos si Jm na lang ata ang laman ng utak niya. Kahit anong gawin niya ay sumasagi pa rin sa isip niya si Jm. Jm POV Sa kakahabol niya sa Ninong niya ay nabigyan siya ng pagkakataon na marinig ng malapitan ang usapan ng Ninong niya at ng kausap nitong lalake. Nilagay niya sa silent mode ang cellphone niya para hindi ito marinig sakali man na may tumawag sa kanya. "May ipapagawa ako sayo." sabi ng Ninong niya. "Ano yun, Sir?" tanong naman ng kausap nito. "Nasa hospital ang kapatid ko ngayon. Sa bayan namin. Gusto ko iturok mo to sa kanya." sabi ng Ninong niya sabay abot ag isang maliit na bote sa kausap nito. "Ano to, Sir?" tanong muli ng kausap nito. "Wag ka ng matanong. Siguraduhin mo na lang maituturok mo yan sa kanya." Sa narinig niya ay alam niyang ang Papa niya ang tinutukoy nito. Dahil nakatalikod ang Ninong niya sa kanya kaya nagpasya na siyang lumayo sa mga ito para tawagan ang Mama niya. "San ka, Ma?" tanong niya agad sa Mama niya nang sagutin nito ang tawag niya. "Andito sa hospital." sagot naman ng Mama niya. "Ipalipat mo siya sa ibang hospital." "W-why?" nagtatakang tanong sa kanya ng Mama niya. "Basta, Ma, makinig ka na lang. Kung gusto mo pang mabuhay si Papa, sumunod ka na lang sa sinasabi ko. Sa kabilang bayan kayo lumapit. At wag niyong ipagsasabi kahit kanino kung saan kayo lilipat." pagkasabi niya ay pinatay na niya ang linya saka nagmadaling umuwi na. Sa mga narinig niya ay sigurado na siya na may balak ang Ninong niya na patayin ang Papa niya. Pero bakit? Magkasundo naman ang Papa niya at ang Ninong niya. Bakit gusto niya itong mawala? Napatigil siya sa pagmamaneho nang maalala niya ang sinabi ng Ninong niya sa office ng Papa niya. Hindi pa niya alam kung anong plano ng Ninong niya pero mas importante ang Papa niya. Habang nagmamaneho siya ay ilang beses niyang tinawagan ang Mama niya para tanungin kung nakalipat na ba ang mga ito. Nasa kalagitnaan na siya ng byahe nang magsabi ang Mama niya na nakalipat na sila ng hospital. Medyo nakampante siya dahil sa sinabi ng Mama niya. Kahit papano ay makakaligtas sila sa masamang balak ng Ninong niya. Nang makarating siya sa hospital kung saan inilipat ang Papa niya ay agad siyang nagtungo sa sinabi ng Mama niya na kwarto ng Papa niya. Private room ang kinuha ng Mama niya. Kumatok muna siya bago siya pumasok. Nakita niya ang Mama niya na nakaupo sa gilid ng kama ng Papa niya. "Ano bang nangyayare?" tanong ng Mama niya ng makalapit siya rito. "Gustong patayin ni Ninong si Papa." nagulat ang Mama niya sa sinabi niya. "Sabihin niyo nga sakin, Ma. May nagawa ba si Papa kay Ninong?" "Di ko alam." sagot ng Mama niya. Dahil wala ring alam ang Mama niya ay ang Papa na lang niya ang makakasagot sa mga nangyayare. Pero paano niya matatanong ang Papa niya kung tulog ito? Kung hihintayin niyang magising ito ay baka matagalan bago niya ito makakausap. Baka bago pa ito magising ay huli na ang lahat. Kaya kailangan niyang pigilan ang Ninong niya sa masama nitong balak para sa Papa niya. Kailangan pa niya itong imbistigahang mabuti kung bakit gusto nitong mawala ang Papa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD