Jm POV
Dahil medyo mas maluwag na sa loob niya na pumasok kaya masigla siyang gumising sa umaga. Pero bigla ring nawala ito nang tumawag ang Mama niya.
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya sa Mama niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng Mama niya. Inatake raw sa puso ang Papa niya habang nakikipag meeting ito kasama ng Ninong niya sa Cavite.
Ilang araw na raw itong tulog kaya kailangan ng mga negosyo nila ng mamamahala. Hindi naman maasahan ang kambal niya dahil simulat sapol ay ayaw na nitong mamahala sa kompanya nila.
Dahil sa nangyare sa Papa niya ay kailangan niyang umuwi. Sa ayaw at gusto niya ay kailangan niya bumalik. Kaya naman nag iwan siya agad ng mensahe sa Boss nila. Pagkatapos ay agad siyang gumawa ng resignation letter para ipasa sa shop.
Nang natapos siyang gumawa ng resignation letter ay agad na siyang nagimpake. Nang makapag impake siya ay agad niyang pinasok iang mga gamit niya sa kanyang sasakyan. Maging ang tuta niya ay dala dala niya.
Agad siyang nagpunta sa shop para personal na magpaalam sa mga kasama niya. Lalo na kay Jasmine. At para maipasa na rin ang ginawa niyang resignation letter.
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilig ng kalsada. Naghintay pa siya ng ilang sandali bago bumaba ng sasakyan niya.
Pagbaba niya ay pumasok na siya sa shop.Dahil closing ang pasok niya kaya naman buong akala ng mga kasama niya sa trabaho ay papasok siya.
"Guys, mag papaalam na ako sa inyo." sabi niya nang makalapit siya sa may kaha. Halatang gulat na gulat ang mga ito sa sinabi niya.
Iniabot niya kay Ericka ang hawak niyang resignation letter na agad naman nitong binasa. "Bakit, Kuya Jm?" nagtatakang tanong nito sa kanya.
"First of all, gusto kong humingi ng sorry sa biglaan na pag alis ko." pag uumpisa niya. "I don't want to leave this place. But i have to."
Napatingin siya kay Jasmine. Makikita sa mga mata nito ang lungkot. Ayaw naman talaga niyang umalis pero kailangan. Kaya wala siyang magagawa.
"Also, bago ako umalis. Magpapakilala ako sa inyo." sabi niya sa mga ito.
"Kilala ka na namin, Kuya Jm." sabi ni Mico.
Umiling siya. "Kaya kailangan kong umalis dahil sa Papa ko." sabi niya. "Tumawag ang Mama ko kanina at sinabi na inatake sa puso ang Papa ko. Ang totoo niyan hindi lang ako dating taga luto lang ng Juancho's. Anak ako ng may ari ng Juancho's." sa sinabi niya ay hindi nakaimik ang mga ito dahil sa gulat.
Isa isang lumapit ang mga ito sa kanya at niyakap siya. Samantalang si Jasmine ay nanatili sa may timplahan. Gusto niya itong yakapin kahit sa huling pagkakataon pero hindi niya magawa.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa mga ito at agad na siyang lumabas ng shop. Nang makasakay siya sa kanyang sasakyan ay pasimple siyang tumingin sa kinaroroonan ni Jasmine. Nakatingin rim ito sa kinaroroonan niya.
Hindi na niya ito makikita sa mahabang panahon. Sana lang ay magkaroon sila ng pagkakataon para magkitang muli. Pero sa sitwatsyon nila ngayon ay malabo pang magkaroon sila ng pagkakataon.
Jasmine POV
Dahil sa nangyare kahapon ay nakampante siyang pumasok. Hindi na niya kailangang iwasan si Jm. Kaya naman ganado na siyang pumasok. Maging ang pamilya niya ay nagtataka kung bakit masaya siya ngayon.
Kahapon rin ng gabi ay nakipagbreak sa kanya si Henry. Pero nakiusap ito na kung pwede raw na ihatid sundo pa rin siya nito. Kaya naman pumayag na siya sa pakiusap nito.
Nang makapasok siya sa shop ay hindi niya pinakita na masaya siya dahil kay Henry. Ayaw niyang maramdaman niya na masaya siya sa ginawa nito dahil kasalann niya kung bakit nasaktan ito.
"Si Kuya Jm naka kotse." sabi ni Carlo.
"Sa kanya ba yan?" tanong naman ni Ericka kay Carlo.
Dahil sa sinabi nito ay napatingin siya sa labas. Nang pumunta siya sa bahay nito ay nakita niya na may sasakyan ito. Tama si Carlo sasakyan nga ito ni Jm.
Ilang sandali pa ay bumaba na sa sasakyan si Jm. Pumasok ito sa shop. May dala itong papel.
Nagulat siya nang sabihin nitong mag papaalam na ito sa kanila. May iniabot itong papel kay Ericka. At nang basahin nito ang papel ay nakalagay doon ang salitang resignation letter.
Nakaramdam siya ng lungkot sa nalaman niya. Bakit ito aalis? Kung kailan naman okay na kay Henry at hindi na nila kailangan mag iwasan ay siya namn na aalis ito.
Mas lalo siyang nalungkot nang tumingin ito sa kanya. Dati ayaw nitong ipaalam sa iba ang tungkol sa pamilya nito pero sa pagkakataon na iyon ay nagsabi na rin ito.
Gusto rin niya itong yakapin nang isa isang lumapit ang mga ito kay Jm at niyakap ito. Pero nanatili siya sa timplahan.
Hindi niya alam kung magkikita pa ba sila pag umalis ito kaya hindi na niya nilapitan ito dahil mas malulungkot lang siya pag lumapit siya rito
Hanggang sa nagpaalam na ito ay hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos kay Jm. Sinusundan niya lang ito nang tingin.
Tinted ang salamin ng sasakyan nito pero ramdam niya na nakatingin ito sa kanya bago nito paandarin ang sasakyan nito.
"Grabe no, ang yaman pala ni Kuya Jm." turan ni Ericka nang makaalis ang sasakyan ni Jm.
Dahil alam na niya ang tungkol sa pamliya ni Jm kaya hindi na siya nagulat sa mga sinabi nito bago ito umalis.
Bakit ngayon pa ito nawala? Kung kailan naman natuto na siyang magmahal ay siya naman na umalis ito? Bakit kung kailan okay n sila ni Henry ay kinailangan naman nitong umalis? Pano na siya? Pano na qng nararamdaman niya para kay Jm?
Pero hindi rin naman niya ito pwedeng pigilan. Alam niyang galit si Jm sa Papa nito pero ama pa rin nito iyon. Kaya bakit pa niya ito pipigilan?
"Sana magkita pa tayo." sabi niya sa isip niya.
Dahil sa lungkot na nararamdaman niya ay mas pinili niyang manahimik muna. Pero dahil alam ni Carlo ang nararamdaman niya kaya naman hindi siya nito kinukulit.
Jm POV
Nang makarating siya sa kwarto ng Papa nito kung saan sinabi ng Mama niya kung saang hospital ito ay nakita nga niya ang Papa niya. Marami ang nakakabit sa katawan ng Papa niya.
Masama pa rin ang loob niya sa Papa niya pero sa nakita niya ngayon ay bigla siyang nakaramdam ng awa para sa papa niya.
Parang biglang lumambot ang puso niya nang makita niya ito sa kalagayan nito.
Ang sabi ng Mama niya ay hindi lang atake sa puso ang nangyare. Na stroke din ang Papa niya. At dahil daw sa sobrang pagod ay na over fatigue na rin daw ito.
"Anong sabi ni Ninong?" tanong niya rito habang nakatitig sa Papa niya. Kasama raw ng Papa niya ang Ninong niya nang mangyare ang insidente.
"Hindi ko pa siya nakita." sabi ng Mama niya. Napatingin siya sa Mama niya. "Tumawag lang siya. Then, He said that your Papa had an heart attack. Ambulansya ang naghatid sa Papa mo rito."
"Nasaan si Ninong?" tanong niya rito.
Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makausap ang Ninong niya. Kung kasama nito ang Papa niya sa araw na yun ay dapat nasa hospital din ito ngayon. O kaya ay nung araw na may nangyare sa Papa niya. At bakit hindi siya nagpapakita sa Mama niya?
"Nasa Cavite pa raw siya." sabi nito.
Pagkasabi nito ay lumabas na siya sa kwarto ng Papa niya. Alam niya kung nasaan ang negosyo ng mga ito sa Cavite. Ilang beses na silang dinala ng Papa niya noon don kaya alam niya kung saan sa Cavite naroon ang Ninong niya.
Nang makarating siya sa Cavite ay agad siyang nagpunta sa isang hotel doon na pag mamay ari ng Papa at Ninong niya. May office ang Papa niya at ang Ninong niya roon. Kaya ang office ng Papa niya ang una niyang pupuntahan.
Nang makarating siya sa office ng Papa niya ay laging gulat niya nang makita niyang nakaawang ang pintuan. Lumapit siya sa pintuan. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses ng Ninong niya.
Bakit nandon ang Ninong niya? Samantalang may sarili itong office. Isa pa ay hindi pumapayag ang Papa niya na basta basta na lang pumapasok ang kahit na sino sa office nito. Maging silang pamilya niya ay dapat na nagpapaalam pa sa Papa niya bago sila makapasok doon.
"Sa wakas, Kuya." sabi ng Ninong niya. "Sana hindi ka na magising. Para akin na lahat ng negosyong iniwan ni Papa."
Napakunot noo siya sa mga narinig niya. Bakit gusto nitong angkinin ang mga negosyo ng Papa niya? May masama ba itong balak?
Nagmadali siyang lumayo sa pintuan nang marinig niya ang mga yabag ng Ninong niya na papalapit sa pintuan. Dahil sa mga narinig niya ay nagkaroon siya ng pag dududa sa Ninong niya.
Kailangan niyang bantayan ang Ninong niya dahil parang may kung anong masamang balak ito. Napatigil siya nang pumasok sa isip niya na baka may kinalaman ito sa nangyare sa Papa niya. Baka kaya hindi ito nagpapakita sa Mama niya dahil may ginawa itong hindi maganda?
Jasmine POV
"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Henry nang maihatid siya nito sa bahay nila. "Kanina ka pa kasi tahimik."
"Okay lang ako." pagsisinungaling niya. Ang totoo ay nalulungkot siya sa pag alis ni Jm.
"Alam ko hindi ka okay. Kasi umalis si Jm." napatitig siya rito dahil sa sinabi nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit ang bait pa rin nito sa kanya kahit sobra niya itong nasaktan. Kung ibang tao na ito ay iiwasan na siya nito. O di kaya ay lalayuan na siya nito. Pero mas pinili nito na magkasama pa rin sila.
Ang swerte ng babaeng makakatuluyan nito. Bibihira ang lalakeng tulad ni Henry na kayang panindigan ang pagmamahal nito para sa isang babae. Nakakalungkot lang dahil hindi siya ang para kay Henry.
"Imessage mo na lang siya." sabi nito. "Para naman mabawasan ang lungkot mo. Sige na. Aalis na ako." pagkasabi nito ay sumakay na ito sa motor nito saka pinaandar.
Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito makita saka siya pumasok sa bahay nila.
Dahil maaga pa ay nadatnan niya ang Nanay niya na nagluluto ang Papa naman niya ay nanonood sa tv. Wala pa sa mga oras na yun ang kapatid niya. Marahil ay nasa byahe na rin ito. Dahil sa kabilang bayan ito nag aaral.
Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang maalala niya na malapit lang sa Juancho's ang university kung saan nag aaral ang kapatid niya.
"Makikita niya kaya ang kapatid ko?" tanong niya sa isip niya ng makapasok siya sa kwarto niya. "Hindi naman niya kilala ang kapatid ko." sabi ng kabilang isip niya.
Hihiga na sana siya sa kama niya nang may biglang kumatok s pintuan ng kwarto niya.
"Anak, kakain na." sigaw ng Nanay niya.
"Lalabas na po." sabi niya.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa kwarto niya. Agad siyang nagtungo sa kusina. Nakita niya na nandon na ang kapatid niya. Hindi man lang niya narinig na dumating ito. Dahil siguro sa mga iniisip niya kaya hindi niya ito napansin.
Habang kumakain sila ay napapaisip siya. Magkakaroon din kay siya ng pamilya na tulad ng pamilya niya? Makakapag asawa kaya siya ng tulad ng Tatay niya? Sana makahanap siya ng lalakeng tulad ng Papa niya.
"May problema ba, Anak?" tanong ng Tatay niya sa kanya.
"Wala naman po, Tay. Napapaisip lang po ako na ang swerte ko po sa inyo ni Nanay at Jr." sabi niya.
"Kumain ka na, Anak. Gutom lang yan." pagkasabi nito ay nagtawanan ang mga ito.
Napakunot ang noo niya dahil nagtawanan ang mga uto. Anong masama sa sinabi niya? Napanguso na lang siya saka nagpatuloy sa pagkain. Nang sulyapan niya ang pamilya niya ay abala na ang mga ito sa pagkain ng mga ito.
Nang matapos silang kumain ay nagprisinta ang kapatid niya na maghugas ng pinagkainan nila kaya naman nagpasya na siyang magtungo na sa kwarto niya.
Nang makapasok siya sa kwarto niya ay naupo muna siya sa gilid ng kama niya. Ilang sandali pa ay naligo na siya. Pagkatapos niyang maligo ay nahiga na siya. Hanggang sa hindi na niya namamalayan na nakatulog na siya.