Chapter 17

2039 Words
Jasmine POV Dalawang linggo na ang nakalipas at sa dalawang linggo na yun ay ilang araw ng nasa timplahan si Jm. Nung ilang araw palang ito na nasa dining pa ito ay okay pa naman sila. Pero bigla na lang na hindi na siya nito pinapansin. Dahil nilipat siya ng boss nila ay dapat matutunan nitong magtimpla. Maging sa pagkuha ng order ay kailangan nitong matutunan. Pati sa dining ay dapat matutunan nito. Alam na nito sa dining at sa kaha. Kaya sa barista na lang ito kailangan matuto. Dahil hindi sila gaanong nagpapansinan kaya si Carlo ang natuturo rito. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng inis kapag hindi siya nito pinapansin. Papansinin lang siya nito kapag may itatanong ito o kaya ay may itatanong siya rito. Sa ilang araw na yun ay kahit hindi siya nito pinapansin ay parang lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit? "Iniiwasan mo ba ako?" hindi na niya natiis ang sarili niya kaya tinanong na niya ito nang maiwan silang dalawa. Lumabas si Ericka para bumili ng pagkain nito kaya siya ang pumalit rito sa kaha. Samantalang si Carlo naman ay nagbanyo. "Hindi."sagot nito na hindi man pang tumitingin sa kanya. "Bakit parang iniiwasan mo ako? May problema ba?" sunod sunod na tanong niya rito Tumingin ito sa kanya. Sa ilang araw na hindi siya nito pinapansin ay ngayon lang sila nagkatitigan. May lungkot siyang nakita sa mga mata nito. Tatanungin pa sana niya ito nang dumating si Carlo. Bakit kaya malungkot ang mga mata ni Jm? Nang bumalik si Ericka ay siya naman ang umalis para magbreak. Pasimple niyang sinusulyapan si Jm. Ngumingiti naman ito sa iba pero pagdating sa kanya ang ilap niya. "Masama ba pakiramdam mo?" tanong ni Henry sa kanya. Sabay kasi silang nagbreak. Sa ilang araw na nakalipas ay palagi na silang sabay kumain. Hatid sundo na rin siya nito araw araw. kahit magkaiba ang oras ng pasok nila. Kaya naman hindi niya mapuntahan si Jm sa bahay nito para matanong kung ano talaga ang problema nito sa kanya. At bakit siya nito hindi pinapansin. Napagtanto niya na nakatulala na pala siya kakaisip kay Jm. "Hindi naman." sagot niya. "Tumingin ka nga sakin." mariing sabi nito. Tumingin naman siya rito. Mga matang galit ang nakita niya sa mga mata ni Henry. Napakunot noo siya dahil dito kaya naman bumuntong hininga siya saka sumandal sa pagkakaupo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" turan niya rito. "Ilang araw ka nang ganyan. Sabihin mo kung tama ako o mali." sabi nito. "May gusto ka ba kay Jm?" Napatigil siya sa sinabi nito. Pano nito nalaman ang nararamdaman niya kay Jm? Eh hindi na nga sila nag iimikan masyado. "A-ano bang sinasabi mo?" nauutal na sabi niya. Napangisi ito. "Sagutin mo na lang yung tanong ko, Jasmine. Kasi kung tama ako, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa kay Jm." pagbabanta nito. "Anong bang nangyayare sayo? Sasaktan mo yung tao dahil lang sa hinala mo? Mananakit ka ng tao para ano?" sunod sunod natanong niya rito. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niya na sabihin ang mga nasabi niya. Oo may gusto siya kay Jm. Pero hindi sapat na dahilan yun para bantaan niya si Jm. "Sasabihin ko sa kanila ang tungkol satin." sabi nito. "Bahala ka." sabi niya. "Pero wag mong sasaktan si Jm." "Bakit? Tama ba ako na may nararamdaman ka sa lalakeng yun?" galit na tanong nito sa kanya. Pagkasabi nito ay lumabas na ito ng crew room. Dahil alam niyang galit ito kaya sinundan niya ito. Baka puntahan nito si Jm. At baka masaktan nito si Jm. Jm POV Ilang araw na siya sa timplahan pero hindi niya man lang nakakausap ng maayos si Jasmine. Gusto niya itong kausapin tulad ng pakikipag usap niya sa iba nilang kasama pero hindi niya magawa. Sinabihan siya na kailangan niyang matutunan ang magtimpla at maging sa pagkuha ng mga order at pagdating sa pera. Kahit sa dining ay dapat marunong siya. Inuna niyang matutunan ang dining bago sa kaha at ngayon ay sa timplahan na lang. Mabuti na lang at si Carlo ang nagtuturo sa kanya kaya hindi siya nahihirapan para matutunan ito. Pero ilang araw pa lang siyang nalilipat ay sinabihan na siya ni Henry nang sabay silang ng oras ng uwi. Sinabi nito na wag na niyang masyadong lalapitan si Jasmine dahil pansin niya na may nararamdaman siya kay Jasmine. Hindi na niya ito tinanggi. Pumayag na lang siya sa gusto nito kesa hindi niya makita si Jasmine. Okay na sa kanya na hindi niya ito pansinin kahit papano ay nakikita niya ito. Kesa umalis siya. "Jm, mag usap tayo sa labas." sabi ni Henry. Nagulat siya nang biglang lumabas su Henry sa kusina at sa sinabi nito. Agad namn n lumabas ito. Nang makalabas si Henry ay siya naman na paglabas ni Jasmine. Tiningnan muna niya sa mata si Jasmine bago niya sinundan si Henry. Nakatalikod si Henry sa shop at nakapamulsa. Habang papalapit siya kay Henry ay naguguluhan siya kung anong nangyare. "Ano bang meron sayo?" sabi nito nang matabihan niya ito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong rito. Napangisi ito. "Ako nga ang boyfriend pero iba naman ang gusto." Napatitig siya rito dahil sa mga sinabi nito. "Alam mo gusto na kitang suntukin dahil sa galit ko. Gusto ko nang basagit ang mukha mo pero hindi ko magawa." Wala siyang masabi dahil sa mga sinasabi nito. Ako ang nasasaktan sa sitwasyo nito dahil sa mga nasabi nito. Hindi man niya naranasan tulad ng nararamdaman nito pero alam niyang sobra itong nasasaktan. Nasasaktan na siya dahil iniiwasan niya si Jasmine pero sa pagkakataon na ito ay ramdam niya ang sobrang sakit na nararamdaman ni Henry. Sa sitwasyon kasi ni Henry ay para na rin siyang pinagtaksilan. "Ang tagal kong niligawan si Jasmine." sabi nito sabay tingin sa kanya saka siya marahan na tinipik sa likod niya. "Ilang araw na akong nagtitiis sa mga nakikita at pinaparamdam ni Jasmine. Alam ko ikaw ang gusto niya." Napatitig siya sa sinabi nito. Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata nito. "Sorry." sabi niya. "Tanggap ko na, Jm. Mahal ko si Jasmine. Kahit galit ako dahil ikaw ang gusto niya. Pero ayokong ikulong siya. Mas mapapasaya mo siya." sabi nito habang pinupunasan ang mga luha nito gamit ang mga daliri nito saka ito pumasok sa shop. Nagpalipas muna siya nang ilang sandali bago siya sumunod na pumasok sa shop. Pagkapasok niya ay nakita niya ang mga ibang kasama niya na nakatingin sa kanyan. Puno ng pagtataka ang mga matang nakapukol sa kanya. Tahimik lang siyang bumalik sa timplahan. "Kuya Jm, anong nanyayare?" pabulong na tanong sa kanya ni Carlo. Tinapik niya ito sa balikat. "Wag mo ng isipin yun. Balik n tayo sa trabaho." sabi niya rito. Hindi niya alam kung pano sasabihin sa mga ito ang nangyayare. Siguradonh maguguluhan lang ang mga ito. Jasmin POV Nang makalabas siya ng kusina ay nakita niyang dumiretso sa labas ng shop si Henry. Napatingin siya kay Jm at nagkatitigan silang dalawa saka ito sumunod kay Henry sa labas. "Anong meron?" naguguluhang tanong ni Ericka sa kanya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag rito ang nangyayare kaya hindi na lang siya umimik. Habang nag uusap ang dalawa sa labas ay hindi niya mapigilan ang mag isip. Ano ba ang pinag uusapan ng mga ito? Ano kaya ang gustong gawin ni Henry? Lalo na parang alam na nito ang totoonh nararamdaman niya para kay Jm. Pano pag biglang suntukin ni Henry si Jm? Kinakabahan na siya sa pwedeng gawin ni Henry kay Jm. Sa sobrang kaba niya ay gusto na niyang puntahan ang dalawa pero hindi pwede dahil baka mas lalong magtaka ang mga kasama nila. Nang makita niyang tinapik ni Henry ang likod ni Jm ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Baka bigla niya itong itulak. Pero napanatag siya nang pumasok na si Henry at iniwan si Jm sa labas. Nang makapasok ng kusina si Henry ay sinundan niya lang ito hanggang sa makapasok sila sa crew room. Dahil hindi pa tapos ang break nila kaya hindi pa sila pwedeng bumalik sa trabaho. Gusto na niya itong tanungin kung ano ang ng pinag usapan ng mga ito sa labas pero mas pinili na lang niyang tumahimik na lang. Baka lalong magalit si Henry. "Bakit mo ba ako sinagot?" tanong ni Henry sa kanya. Nagulat siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung pano sasabihin rito kung bakit niya ito sinagot. Baka magalit ito pag sinabi niya na sinunod niya lang ang payo ni Carlo sa kanya. Baka pati si Carlo saktan nito. "Minahal mo ba talaga ako?" muling tanong nito nang hindi siya sumagot sa unang tanong nito. "Henry." busal niya. Tumingin ito sa kanya. Isang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Ngiting may halong lungkot. Nilapitan siya nito saka niyakap patalikod. "Mahal na mahal kita." pabulong na sabi nito. "Gusto ko masaya ka." Hinawakan niya ang kamay ni Henry na nakayakap sa kanya. "Sorry." sabi niya. Ramdam niya ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Henry kahit hindi niya ito nakikita. "Sabihin mo sakin ang totoo. May gusto ka ba kay Jm?" Napalunok siya sa sinabi nito. Sa pagkakataon na yun ay napaluha na siya. "Sinubukan kong umiwas, Henry." sabi niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. "Ramdam ko, Jasmine. Ilang araw ko nang napapansin yun. Ayoko lang aminin sa sarili ko." Sa mga binibitawan nitong salita ay naramdaman niya ang sakit para dito. Nagi guilty siya sa ginawa niya. "Gusto ko masaya ka." pagkasabi nito ay lumabas na ito ng crew room. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya. Nang makalabas siya ng kusina ay nagsitinginan lahat sa kanya. Napasulyap siya kay Jm. Abala ito sa pagbabasa sa procedure ng mga milk tea nila. Hindi niya alam kung talagang nakatutok ito sa binabasa nito o sadyang ayaw lang nitong tumingin sa kanya. Tahimik lang siyang lumapit kay Jm sa may timplahan. Nang mapatingin sa kanya si Jm ay nagpaalam na ito na kakain na ito. "Ate Jasmine, ano ba talaga ang nangyayare?" tanong sa kanya ni Carlo. "Tanda mo ba yung payo mo sakin?" pabulong niyang tanong rito. "Ano yun?" nasapo nito ang bibig nito nang maalala nito ang binigay na payo nito sa kanya. "Ginawa mo?" bulong niya sa kanya. Dahil medyo malayo si Ericka sa kanya kaya nagbubulungan silang dalawa ni Carlo. "Satin muna to Carlo." pakiusap niya rito. Habang nagtitimpla sila ay nagbubulungan silang dalawa ni Carlo. Dahil abala rin si Ericka kaya kampante siya na hindi nito maririnig ang mga pinag uusapan nilang dalawa ni Carlo. Dahil ayaw niyang malaman ni Henry ang totoo. "Sorry, Ate, kasalanan ko pala." sabi ni Carlo. Nakwento na niya rito na sinagot na niya si Henry at biglang nagkagusto siya kay Jm. Pero hindi niya nakwento rito ang nangyareng halikan nila ni Jm sa bahay nito. At hindi rin niya nasabi rito na may gusto si Jm sa kanya. "Wala kang kasalanan." sabi niya. "Hindi kayo magkakaganyan ni Kuya Henry kung hindi ko sinabi sayo yun." "Hayaan mo na." sabi niya. "Basta wag mo na lang sasabihin sa kanila. Tumango ito. "Kaya pala may iwasan na nangyayare sa inyo ni Kuya Jm." sabi nito. "Ang hirap ng sitwasyon niyo, Ate Jasmine." nasapo nito ng bibig nito dahil napalakas ang pagkakasabi nito. "Anong sabi mo?" kunot noong tanong ni Ericka kay Carlo. "Wala, Ate Ericka." sabi ni Carlo. Dahil sa sinabi ni Carlo ay hindi na sila nag imikan dahil abala na sila sa pagtitimpla. Mabuti na lang at sunod sunod na ang costumer. Hindi na mangungulit si Ericka sa narinig nitong sinabi ni Carlo. Habang nagtitinpla siya ay palihim niyang sinusulyapan si Henry sa kusina. Abala rin ito sa pagluluto. Alam niyang galit ito. Pero hindi lang nito pinapahalata. Bilib siya kay Henry dahil kahit nasasaktan na ito ay gusto pa rin nitong maging masaya siya. Siya nga hirap na sa sitwasyon niya sa pag tago ng nararamdaman niya kay Jm. Ito pa kaya na nasasaktan. At harap harapn ng niloloko. Wala man silang relasyon ni Jm ay para na rin niyang pinagtaksilan si Henry dahil nagmahal siya ng ibang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD