Chapter 16

2010 Words
Jasmine POV Dahil closing ang pasok niya ngayon ay hindi siya maagang gumising. Hinayaan lang din siya ng mga magulang niya. Nang magising siya ay agad siyang nahilamos saka nagtimpla ng kape. Nang makatimpla siya ng kape ay hinanap niya ang mga magulang niya. Dahil alam niyang may pasok ang kapatid niya kaya alam niyang wala na ito sa mga oras na iyo. Nakita niya ang Tatay niya na nagdidilig ng mha halaman nito sa likuran ng bahay nila. Pinagmamasdan niya ito habang humihigop ng kape. Napangiti siya nang pumasok sa imahinasyon niya si Jm. Sa paningin niya ay si Jm ang Tatay niya. Masaya itong nagdidilig habang sumusulyap sa kanya. Nawala ang pagkakangiti niya nang tawagin siya ng Tatay niya kaya naman nasapo siya ang noo niya. "Ano ba yan, Jasmine, ang aga aga nag iimagine ka." bulong niya sa sarili. Ipinatong muna niya ang hawak niyang kape sa may lababo nila saka lumapit sa Tatay niya. "Okay ka na ba?" tanong ng Tatay niya sa kanya ng makalapit siya rito. "Opo, Tay." sagot niya. "Papasok ka ba?" tanong nitong muli na hindi lumilingon sa kanya. "Opo, Tay." sabi niya habang sinusundan ito. "Nakabawi na po ako ng tulog." "Kumain ka na doon mamaya. May tinabi kaming pagkain para sayo." "Si Nanay po pala, Tay?" "Namalengke lang saglit. Halos kakaalis lang niya." Niyakap niya ito sa likuran nito na ikinabigla ng Tatay niya. "May problema ba, Anak?" tanong nito habang hinahalpos ang kamay niyang nakapulupot rito. "Gusto ko lang po kayong yakapin, Tay." sabi niya. Humarap ito sa kanya kaya naalis ang pagkakayakap niya rito. Inangat nito ang baba niya dahil mas matangkad ito ng konti sa kanya. "Hindi nakakapagsinungaling ang mga mata, Jasmine." turan nito. Yumuko siya saka yumakap ulit rito. Ilang beses na niyang gustong magsabi sa mga ito ang nararamdaman niya pero hindi niya kaya. Wala siyang lakas ng loob para umamin. Dahil alam niyang masasaktan ang mga ito. Iniangat niya muli ang tingin niya nang kumalas siya sa pagkakayakap rito. "Sorry po, Tay." sabi niya. "Para saan?" naguguluhang tanong nito sa kanya. "Saka ko n po ipapaliwanag. Maliligo na po ako." pagkasabi niya ay iniwan na niya ito. Nasa bungad na siya ng pintuan ng kanilang bahay nang muli siya nitong tinawag. Nilingon niya ito. "Andito lang kami ng Nanay mo, Anak. Pwede kang magsabi samin." sigaw nito. Nginitian niya lang ito saka nagtungo na sa kwarto niya para kumuha ng damit niya. Nang makapagbihis siya ay nagpaalam na siya sa Tatay niya. Dahil bibihira ang mga tricycle na dumadaan sa kanila kaya nilakad na lang niya hanggang sa may sakayan. Agad naman siyang nakasakay. Nang makarating siya sa shop ay malungkot na mukha ni Ericka ang bumungad sa kanya. Ano kayang nanyare at bakit malungkot si Ericka? Maging ang ibang kasama nila ay malungkot din. "Bakit ganyan ang mga mukha niyo?" tanong niya sa mga ito nang makalapit siya. "Nagpunta si boss." sabi ni Ericka. "Hindi na raw tuloy yung pagpapatayo ng branch ni Sir." Nagulat siya sa sinabi nito. Kung hindi na tuloy ang bagong branch nila ibig bang sabihin ay aalis na rin si Jm? Dahil sa nalaman niya ay nakaramdam siya ng lungkot. Jm POV Dahil maaga siya nagising ay nagpasya siyang mamalengke muna. Dahil wala pa siyang nabiling refrigerator kaya naman hindi siya bumibili ng mga frozen food. Kapag kasi bumibili siya ay ang iluluto niya lang ang binibili niya. O kaya ay mga luto na ang binibili niya. Nang matapos siyang mamalengke ay bumalik na siya sa bahay niya para magluto. Nang makapasok siya sa bahay niya ay agad siyang sinalubong ng tuta niya. Kaninang umalis siya ay tulog pa ito. "Ano kayang magandang ipangalan sayo?" sabi niya habang sinusuri kung babae ba ito o lalake. Napangiti siya nang makitang babae ito. "Snow na lang ipapangalan ko sayo." nakangiting sabi niya. Ibinababa muna niya ito saka nagtungo sa kusina. Sumusunod naman sa kanya ang tuta. Nang makapagluto siya ay kumain na siya. Pinakain na rin niya ang tuta. Saka siya naligo. Nang makaligo siya ay nagpasya na siyang magtungo na sa shop. Pagdating niya sa shop ay sakto namang pagdating ni Kath. Dala na nito ang susi. Pagbukas nila ng shop ay agad na silang nag ayos. Hangang sa isa isa ng dumating ang iba pa nilang kasama. Ilang sandali pa ay pumasok si Ericka sa kusina. "Guys, labas kayo. May sasabihin raw si Sir." bungad nito. Agad silang lumabas. Nakita nga niya ang boss nila. Pangalawang beses pa lang niya itong nakita. Nung una ay nung naging magkaklase sila ng anak nito. Seryoso ang mukha nito. "I'm sorry to say." pag uumpisa nito. "Wala akong mahanap na pwesto." Dahil sa sinabi nito ay nakaramdam siya ng lungkot. Kung hindi na ito magpapatayo ng ibang branch ay ay hindi na rin siya magpaparuloy sa pagtratrabaho sa shop nito. "Jm, right?" tanong nito sa kanyan. "Willing ka bang magstay?" Tiningnan niya ang ibang kasama nila. "Kung hindi na po ako kailangan. Tatanggapin ko po, Sir." sabi niya. "Pag iisipan ko." pagkasabi nito ay nagpaalam na rin ito sa kanila Hindi niya alam kung anong mangyayare sa kanya. Nag iwan ng palaisipan sa kanya ang boss nila dahil sa hiling sinabi nito. Malamang sa malamang ay aalisin na siya. Ano pa nga bang gagawin niya sa shop kung hindi matutuloy ang plano nitong magtayo ng ibang branch? Habang naghihiwa siya ng sibuyas ay hindi maalis sa isip niya ang mag isip. Kung aalisin siya ay hindi na niya makikita at makakasama si Jasmine. Hirap na nga siyang iwasan ito dahil kay Henry tapos mapapalayo naman siya dito. Pano na lang ang nararamdaman niya para kay Jasmine? "Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Kath. "Oo naman." sagot niya. "Sana hindi ka na alisin ni Sir." sabi nito. "Dalawa na tayo dito sa kusina." sabi naman ni Henry. "Ano yun araw araw tayo nagdiday off?" Hindi na sila nakaimik ni Kath sa sinabi nito. Tama naman ito. Kung hindi siya aalisin ay salitan na silang magdiday off. Kawawa naman ang mga ito kung maaagawan pa niya ito ng mga pasok. Jasmine POV Habang nagtitimpla siya narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Ericka. Napalingon siya na marinig niya na ang boss nila ang tumatawag rito. "Ilang araw na lang po, Sir." sabi ni Ericka. "Opo, Sir. Sige po. Thank you po." pagkasabi nito ay binaba na nito ang cellphone nito. Dahil wala pa naman silang tinitimpla kaya nakatutok silang dalawa ni Carlo sa pag uusap nito at ng boss nila. "Anong sabi, Ate Ericka?" tanong agad ni Carlo kay Ericka. "Aalisin na sa kusina si Kuya Jm." sabi nito. Sa sinabi nito ay nakaramdam siyang muli ng lungkot. "Pano yun? Hindi na papapasukin si Kuya Jm?" muling tanong ni Carlo rito. Gusto niyang tanungin si Ericka kung ano pang sinabi ng boss nila pero hindi na lang niya ginawa. Hinayaan na lang niya si Carlo ang magtanong rito. "Hindi." sagot ni Ericka. "Sabi ni Sir ililipat lang daw siya. Pwedeng sa timplahan o kaya sa dining. Kung ano raw gusto ni Kuya Jm. Pero mas okay raw kung parehas na dining at barista si Kuya Jm." pagkasabi nito ay pumasok na ito sa kusina. Sa sinabi nito ay medyo napanatag siya. Ibig sabihin ay hindi na aalis si Jm. Makikita pa rin niya ito. Alam niyang nahihirapan siya sa pagtatago sa totoo niyang nararamadan. Pero ayaw pa rin niya na mawala sa trabaho si Jm. Kahit hirap siyang iwasan ito ay gusto niya pa rim na araw araw niya itong nakikita. Mabuti na lang at hindi siya pinaalis ng boss nila. "Tingin mo gusto ni Kuya Jm, Ate Jasmine?" tanong sa kanya ni Carlo nang makapasok si Ericka sa kusina. "Di ko alam." sagot niya. "Kung dito siya sa timplahan, ako ang magtuturo, ah, Ate Jasmine." nakangiting sabi nito. Bakit parang kampanti ito na sa timplahan siya ililipat. Eh hindi pa nga nila alam kung anong gusto nito. "Dito na lang muna siya sa timplahan." sabi ni Ericka paglabas nito sa kusina. "Ako na lang kasi, Ericka." sabi naman ni Henry na biglang lumabas sa kusina. "Utos ni boss yun, Kuya Henry." mariing sabi ni Ericka kay Henry. "Siya na lang ang kausapin mo kung gusto mong ikaw ang ilipat." Napakunot ang noo niya sa mga narinig niya. Bakit gusto ni Henry na lumipat? Alam kaya nito ang nangyare sa kanila ni Jm? Kaya mas gusto nito na ito na lang ang ilipat? Iwinaling niya ang ulo niya dahil sa naisip niya kaya biglang napatingin si Henry sa kanya. Hindi niya maipinta ang gumuhit sa mukha nito. Umiikting qng mga panga nito habang nakatitig sa kanya. Muli itong tumingin kay Ericka saka muling pumasok sa kusina. Pabagsak na isinara nito ang pinto. Ano bang problema ni Henry? "Anong meron, Ate Ericka?" tanong ni Carlo kay Ericka nang makapasok si Henry sa kusina. "Ewan ko don." naiinis na sabi ni Ericka. "Ano bang sabi ni Jm?" hindi na niya napigilan ang sarili niya. Baka dahil kay Jm kaya nagkaganon si Henry. "Sabi ni Kuya Jm tayo na raw ang bahala. Pero sabi nga ni Boss alisin siya sa kusina." sagot nito. Ibig sabihin hindi si Jm ang nagpasya na sa timplahan siya ilagay. Pero bakit nagkaganon si Henry? Ano bang gusto nitong mangyare? Napapailing na lang siya sa ginawa ni Henry. Jm POV Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang pumasok si Ericka sa kusina. "Kuya Jm, may pinapasabi si Boss." sabi nito. "Ano yun, Ericka?" tanong niya rito na hindi nililingon si Ericka. "Pinapasabi niya kasi na ililipat ka araw." sabi nito. Napalingon siya sa sinabi nito. Maging si Henry at si Kath ay napalingon din kay Ericka. "Ililipat siya?" tanong ni Henry kay Ericka. "Ako na lang." "Si Kuya Jm ang pinalilipat niya, Kuya Henry." sabi ni Ericka. "Kayo na ang bahala kung ililipat niyo ako o hindi." sabi niya saka tinuloy ang kanyang niluluto. "Yun naman pala, eh. Tayo na raw ang bahala. Kaya ako na lang ang ilipat mo." "Yun yung utos, Kuya Henry. Kung gusto mo si Boss ang kausapin mo." pagkasabi nito ay lumabas na ito ng kusina. Paglabas ni Ericka ay sakto naman na natapos niya ang niluluto niya. Mariing nakatingin sa kanya si Henry bago ito sumunod kay Ericka. Nagkatinginan sila ni Kath at sabay rin silang napa kibit balikat. "Pano ba yan, hindi ka na naman makakasama dito sa kusina." sabi ni Kath sa kanya. "Hindi pa naman sigurado." sabi niya. "Gusto ni Henry na siya ang ilipat kaya baka dito pa rin ako." Nagulat sila ni Kath nang biglang pumasok si Henry at pabagsak nitong isinara ang pinto. "Ano bang problema mo?" kunot noong tanong ni Kath kay Henry. "Bakit siya pa?" sabi nito na tumingin sa kanya. "Pwede naman na ako ang ilipat." "Seryoso ka?" natatawang saad ni Kath. "Hindi pa regular yung tao. Malamang siya ang ililipat. Ano bang problema mo?" "Kinakampihan mo yan?" sabi ni Henry. "Hindi ko siya kinakampihan. Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Ericka, diba? Utos ni Boss. Bakit ka nagkakaganya?" pagalit na sabi ni Kath. Dahil sa sinabi ni Kath ay hindi na nakaimik si Henry. Masamang tingin qng ipinukol ni Henry sa kanya. Bakit ba nagagalit si Henry? Hanggang sa matapos ang trabaho niya ay hindi siya iniimikan ni Henry. Hindi naman niya kasalanan na ililipat siya. Utos naman ng may ari ang ilipat siya. Kaya bakit ito galit sa kanya? Hanggang sa makauwi siya ay hindi pa rin nasasagot ang mga tanong niya sa isip niya. Napapabuntong hininga na lang siya sa nangyayare. Naging ganado nga siya pumasok dahil ka Jasmine pero parang gumulo naman ang sitwasyon. "Mabuti na lang ay nandito ka." sabi niya sa tutang kanina pa nasa kandungan niya. Mahimbing na ang tulog ng tuta sa kandungan niya. "Mabuti ka pa walang pinoproblema." Pano kaya kung hindi na siya pumasok? Hindi niya makikita si Jasmine. Pero pag pumasok siya ay makikita nanaman niya si Henry na galit. Ang gulo na ng sitwasyon. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD