Chapter 15

2060 Words
Jasmine POV Dahil ramdam pa rin niya ang pagkahilo ay isinandal niya ang katawan niya sa timplahan. Wala pa naman silang tinitimpla kaya hinayaan lang siya ni Carlo. "Umuwi ka na muna kaya, Ate Jasmine." sabi ni Carlo sa kanya. "Okay lang ako, Carlo." sabi niya. "Ibabawu ko na lang sa tulog mamaya ag nakabreak ako." "Sigurado ka, ah." tumango siya. Pagkasabi nito ay nagpaalam ito na magbabanyo lang saglit. Marahan niyang ipinikit ang mga mata niya pero bigla rin siyang napamulat nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kusina. Nang napalingon siya sa pintuan ay bumungad doon si Jm. "Ako na lang ang bibili, Ericka." sabi nito kay Ericka. Nang kumuha ng pera sa kaha ay napatitig si Jm sa kanya. Nagkatitigan sila na para bang nangugusap ang kanilang mata. "Okay ka lang?" tanong ni Jm na walang lumalabas na boses. tumango lang siya sa tanong nito. Nginitian lang siya nito saka bumaling kay Ericka para abutin ang pera. Sinundan niya ito nang tingin hanggang makalabas ito sa shop. Pagkalabas nito ay siya naman pagpasok ng una nilang costumer. Nang maka order ang costumer ay naman ang pagbalik ni Carlo. Dahil milk tea ang order nito ay agad niyang inabot ang baso. Habang nagtitimpla siya ay binabantayan siya ni Carlo. Nag aalala rin kasi ito na baka mahimatay siya bigla dahil sa hilo. Bakit naman kasi hindi siya nakatulog ng maayos kagabi? Unang beses pa lang na napuyat ng ganon. Kapag hindi siya makatulog ay inaabot lang siya ng hating gabi. O kaya ay may ginagawa sila kaya siya nagpupuyat. Nagkasunod sunod ang mga order sa kanila. At nagsasalitan sila ni Carlo sa pagtimpla. Ni hindi na nga niya namamalayan na nakablik na si Jm galing sa pamamalengke. Nang matapos ang tinitimpla nila ay siya namang pagdating ni Henry. May dala dala itong isang plastic. "Binaunan na kita, Jasmine." sabi nito. "Ilalagay ko na lang sa crew room. May prutas din akong dala. Kainin mo mamaya." "Naks naman talaga, Kuya Henry." panunukso ni Carlo. "Sana all." sabi naman ni Ericka. "Mga baliw." turan niya. Natawa lang si Henry saka pumasok na ito sa kusina. "Kailan mo ba siya sasagutin, Ate Jasmine?" tanong sa kanya ni Ericka. "Matagal ko ng tanong yan sa kanya." saad naman ni Carlo. "Bakit ba excited kayo?" natatawa niyang tanong sa dalawa. "Tagal na kayang nanliligaw sayo ni Kuya Henry." sabi ni Ericka. Napatigil siya sa mga sinabi ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito. Mabuti na lang at may pumasok na costumer. Hindi niya masasagot ang mga tanong ng dalawa. Napasulyap siya sa loob ng kusina. Nag uusap ang tatlo sa loob. Hindi man niya naririnig ang usapan ng mga ito pero sigurado siyang tungkol sa trabaho ang pinag uusapan ng mga ito. Nakatalikod sa kanya si Henry. Habang nakaside naman sa kanya si Kath at Jm. Inabot sa kanya ni Carlo ang ilang baso. Tinimpla niya agad ito. Kahit may ginagawa siya ay tumatak sa utak niya ang mukha ni Jm. Ang gwapo nito sa suot nito. Naka polo shirt pa rin ito ng puti. Naka black pants at may suot na apron. Jm POV Pagkatapos niya mamalengke ay bumalik siya agad sa shop. Nang bumalik siya sa shop ay maraming tinitimpla sila Jasmine at Carlo. Nang makapasok siya sa kusina ay agad niyang nilgaya sa refrigerator ang binili niyang gulay. Dahil nakita niya na may niluluto si Kath kaya naman tumulong na siya dito. Ilang sandali pa ay dumating na si Henry.Dahil may ginagawa sila kaya tanging ngiti lang ang pagbati niya rito. "Nalaman ko yung ginawa mo, Jm." sabi nito sa kanya nang wala na silang ginagawa. Nakatalikod ito sa kinaroroonan ni Jasmine. Samantalang sila ni Kath ay nasa magkabilaan sila ni Henry. "Humingi na ako ng tawad sa ginawa ko." sabi niya. "Pag umalis ka maraming costumer ang maghahanap sa luto mo." sabi naman ni Kath. "Okay lang naman na umalis ako." sahi niya. "Kaya lang naman sumarap ang mga niluluto ko kasi may kulang sa menu niyo." "Yabang mo naman." turan ni Henry. "Makinig ka muna kasi." saad naman ni Kath. "Nag aral pa yan sa ibang bansa kaya alam niya. Mas matagal pa nga tayo sa trabaho kesa sa kanya." "Oo na." sabi ni Henry. "Hindi ko itatanggi na mas magaling ka kesa samin. Pero sana kung aalis ka, eh, turuan mo naman muna kami." Ngumiti siya. "Oo naman." sabi niya. Ilang sandali pa ay pumasok si Jasmine sa kusina. Naptingin silang tatlo rito. "Kakain na ako." sabi ni Jasmine. Pagkasabi nito ay agad itong pumasok sa crew room. "Pwede ka na rin kumain." sabi ni Kath sa kanya. Napatingin siya kay Henry. Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay magseselos ito kapag sinabayan niya si Jasmine. "Uuwi ako." sabi niya. "Malapit lang naman yung bahay ko." "Totoo?" tanong ni Kath sa kanya. Tumango naman siya. "Siguro matutulog ka rin?" Umiling siya. "May naligaw kasi na tuta kagabi sa bahay. Eh, wala naman naghanap. Tsaka nagtanong tanong na ako sa paligid kung kanino yung tuta. Wala naman umamin. Kaya inangkin ko na. Kaya kailangan ko siyang pakainin."mahabang paliwanag niya. "Nagka anak ka ng di oras." natatawang sabi ni Henry. "Kaya nga eh." sabi niya. Pagkasabi niya ay nagpaalam na rin siya sa mga ito. Nang makalabas siya sa kusina ay nagpaalam muna siya kay Ericka bago lumabas ng shop. Bago siya dumiretso sa bahay niya ay dumaan muna siya sa palengke para bumili ng mga kailangan ng tuta niya. Bumili siya ng dog food, litter sand, pagkainan nito at maging shampoo ng tuta. Bumili na rin siya ng pagkain niya. Nang makapasok siya sa bahay niya ay agad niyang hinanap ang tuta. Maliit lang ang bahay niya pero nagmukhang maluwang dahil wala pang gaanong gamit. Lumapit naman ang tuta sa kanya at nakita niya na may mga dumi nanaman ng tuta. Kaya bago niya inayos ang mga gamit ng tuta niya ay naglinis muna siya. Nang maayos niya na ang mga gamit ng tuta niya ay kumain na rin siya. Habang kumakain siya ay pinapanood din niya ang tuta na kumakain na rin ng dog food na binili niya. Jasmine POV Nang wala na sila gaanong tinitimpla ay nagpaalam na siya kay Carlo at Ericka na kakain na siya. Dahil binaunan siya ni Henry kaya naman pumasok na siya sa kusina para magtungo sa crew room. Pagpasok niya sa kusina ay napatingin sa kanya sila Henry, Kath at Jm. "Kakain na ako. " sabi niya sa mga ito. Pagkasabi niya ay nagtungo na siya agad sa crew room. Pagpasok niya sa crew room ay nakita niya agad ang pagkain na dinala ni Henry para sa kanya. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang pumasok si Kath. May dala itong plastic kaya malamang ay kakain na rin ito. Umupo na ito sa harapan niya. "Ang sweet naman talaga ni Henry." sabi nito nang makaupo na ito. "Kung ako sayo, sagutin mo na siya. Bibihira na lang ang mga ganyang lalake sa mundo." Napahinto siya sa pagkain niya sa sinabi nito. Tama ito. Bibihira na lang ang tulad ni Henry. Pero hindi naman ito ang gusto niya kundi si Jm. "Ibang klase ring lalake si Jm." napatingin siya rito. "Biruin mo, nag ampon ng isang tuta. At ginamit pa ang break niya para lang pakainin yung tuta." natatawang sabi nito. "Baka mahilig lang talaga siya sa tuta." sabi niya. "Alam mo, kung liligawan ako ni Jm, siguro mapapasagot niya ako." sabi nito na parang nag iimahinasyon ito. Pano nga kaya kung ligawan ito ni Jm? Pano siya? Pano yung nararamdaman niya? Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam siya rito na matutulog muna siya. Alam naman nito na lagi siyang natutulog sa oras ng break niya. Pero ngayon ay antok na antok talaga siya. Nang magising siya ay nakita niyang nakaupo si Jm sa harapan niya. Nagtataka siya kung bakit ito nandon samantalang si Kath ang kasama niya kanina. "Okay ka na ba?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Medyo nakabawi na rin ako ng tulog." sagot niya. Hinawi nito ang buhok niya. "Mahal kita." sabi nito. "Baka makita tayo." sabi niya. "Wag kang mag alala. Wala sila." sabi nito habang lumalapit ito sa kanya. Dahil naupo siya ay lumuhod ito sa harap niya. Hinaplos ng isang kamay nito ang isang pisngi niya samantalang ang isang kamay nito ay hinawakan ang isang kamay niya. Unti unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya. Konti na lang at magdidikit na ang mga labi nila nang biglang may yumugyug sa kanya. Agad siyang napamulat ng mata. Bumungad sa kanya ang mukha ni Kath. Nasapo niya ang kanyang noo nang mapagtanto niya na nananaginip lang pala siya. "Kanina pa tumutunog yang alarm mo." sabi nito. Nilagyan niya kasi ng alarm ang cellphone niya. Naisip niya kasi na baka hindi siya agad magigising dahil sa sobrang puyat. Tama nga ang ginawa niya. Napakamot siya sa kanyang batok dahil sa panaginip niya. Bakit kaya napanaginipan niya si Jm? Ang malala pa nito ay muntik na silang magkahalikan sa panaginip niya. "Pati ba naman s panaginip siya pa rin?" tanong niya sa isip niya habang naglalakad pabalik sa timplahan. Jm POV Dahil may isang oras naman siya ay nagpasya na siyang paliguan ang tuta. Tuwang tuwa naman siya dahil gustong gusto nitong maligo. At nang matapos niya itong paliguan ay pinatuyo niya ang balahibo nito gamit ang isang twalya niya. Bibili na lang siya ng bago niyang twalya. Bago siya bumalik sa shop ay iniwanan niya ito ng pagkain. Nang makabalik siya sa shop ay nakita niyang nakabalik na rin si Jasmine sa timplahan kaya nagtungo na siya agad sa kusina. "Bumalik na ang lover boy." natatawang bungad ni Kath nang makapasok siya sa kusina. "Sinong lover boy?" tanong niya rito. "Ikaw?" sagot nito. Tinuro niya ang sarili niya. "Oo ikaw nga." "Swerte ng babaeng mamahalin mo." sabi naman ni Henry. Napatigil siya sa sinabi nito. Napangiti siya nang pumasok sa isip niya si Jasmine. Siya lang kasi ang gusto niyang babae. "May girlfriend ka ba?" tanong ni Henry sa kanya. "Wala pa." sagot niya. "Ex?" tanong naman ni Kath sa kanya. "May isa." sagot naman niya. "Sa gwapo mong yan? Isa lang naging ex mo?" hindi makapaniwalang tanong ni kath sa kanya. "Wow, ah." bulas naman ni Henry. "Ikaw nga, sa ganda mong yan wala ka pang boyfriend." natatawang sabi nito. "Bakit napunta sakin ang usapan?" nagmamaktol na sabi nito. "Bakit pala kayo nagbreak ng ex mo?" seryosong tanong ni Henry sa kanya. Napabuntong hininga siya. Naalala niya si Kim. "Namatay siya." sagot niya na may halong lungkot. Natahimik ang mga ito sa sinabi niya. "Pero matagal n yun. 10 years ago na rin." "True love." sabi ni Kath. "Siguro kung hindi siya namatay kayo pa rin." Bahagya siyang napayuko sa sinabi nito. Siguro nga. Pag hindi namatay si Kim ay sila pa rin. At malamang ay wala siya sa kinatatayuan niya ngayon kung buhay pa si Kim. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kusina. Bumungad doon ai Ericka na may dalawang maliit na papel. Naglalaman iyon ng mg orders. Medyo marami ang dumating na orders kaya naman naging abala sila sa kusina. Pero kahit abala sila ay hindi niya maiwasan na sulyapan si Jasmine sa may timplahan. Sa tuwing mapapatingin siya sa kinaroroonan nito ay laging may tinitimpla ito. Kaya naman hindi niya mapigilan ang mag alala rito. Lalo na at nakakaramdam ito ng hilo. Hanggang sa matapos ang trabaho niya ay si Jasmine lang ang nasa isip niya. Sabay ang uwi nila ni Jasmine pero nauna siyang lumabas ng shop dahil baka kung ano ang isipin ng mga ito. Nakakailang hakbang pa lang siya nang makita niyang lumabas si Jasmine sa shop. Hindi na niya ito hinintay dahil baka may makakita pa sa kanilang dalawa. Kaya naman nag iwan na lang siya ng mensahe kay Jasmine. "Ingat ka sa pag uwi." sabi niya rito. Agad naman itong nagreply. "Salamat." sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay napalingon siya sa kinaroroonan ni Jasmine. Nagtama ang kanilang paningin. Nginitian siya nito kaya naman ngumiti rin siya rito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa bahay niya ay hindi n niya nilingon pa si Jasmine. Hindi niya alam kung nakasakay na ba ito. Pero ang tanging alm niya ay masaya siyang makita ito na nakangiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD