Chapter 14

2075 Words
Jm POV Hindi pa rin niya makalimutan ang nangyare sa kanila ni Jasmine kahapon. Nasa imahinasyon pa rin niya ang labi nito na nakadikit sa labi niya. Habang nagluluto siya ng agahan niya ay hindi niya mapigilan ang mapasayaw at mapakanta dahil sa saya na nararamdaman niya. Napahinto siya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakalapag sa gilid ng lababo. Agad niya itong dinampot. Bumungad sa kanya ang tawag ng Mama niya. Nagdalawang isip siya kung sasagutin ba niya ito o hindi. Sa ilang na hindi siya umuwi ay ngayon lang ito tumawag sa kanya. Ngayon lang ba siya nito naalala? "Hello!" sabi niya habang nagluluto. "Hello, Anak, how are you?" tanong ng Mama niya s kabilang linya. "I'm fine." sagot niya. "Kayo, kamusta kayo? How's Papa? Si Mj at si Princess? Kamusta sila?" sunod sunod na tanong niya rito. "Okay naman sila. Actually, hinahanap ka na ni Princess. We don't even know kung nasan ka para mapuntahan ka namin." turan nito. "Okay lang ako, Ma. Hindi niyo na kailangan malaman kung nasaan ako. Pakamusta na lang ako Kay Princess, Ma. I have to go." pagkasabi niya ay pinatay na niya ang linya. Bumalik nanaman sa isip niya ang ginawa ng Papa niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito tinatawagan. Malamang ay ayaw na talaga siya nitong makausap dahil sa ginawa niyang pagtutol sa gusto nito. Nang matapos siya sa pagluluto ay naligo muna siya bago kumain. At pagkatapos niyang kumain ay pinakain na rin niya ang tutang nakita niya sa labas kagabi. Dahil sa loob niya ito pinatulog kaya naman nagkalat ang mga dumi nito sa loob ng bahay niya. Dahil maaga siya nagising kanina kaya maaga rin niyang nalinisan ang mga dumi ng tuta. Mabuti na lang at wala pa siyang gaanong gamit at sarado rin ang kwarto niya kaya hindi ito nakadumi sa kwarto niya. Iniwanan niya ito ng pagkain bago siya umalis. "Babalikan kita mamayang break time ko. Okay!" sabi niya saka hinaplos haplos ang likod ng tuta. Kahit papano ay mabait at maamo ang tuta. Ni hindi nga niya narinig na umiyak ito kagabi. Nang makarating siya sa shop ay nakita niya agad si Jasmine. Nakatalikod ito sa kanya dahil nag aayos ito sa timplahan. Napangiti siya ng humarap ito sa kinaroroonan niya. Nagtama ang kanilang paningin. Nginitian lang siya nito. Napalingon siya sa likuran niya nang dumating si Ericka. Kasunod nito si Kath at ang iba pa nilang kasama. Dahil nagsidatingan na ang mga kasama nila ay nagtungo na siya sa kusina para mag ayos. "Papasok na raw si Henry mamaya." sabi ni Kath nang matapos silang mag ayos. "Closing siya ngayon kaya maaga ako makakauwi." nakangiting sabi nito. Dalawang araw na rin itong straight duty kaya hindi mo maalis rito ang matuwa. Nakaramdam siya ng konting lungkot sa sinabi nito. Babalik na si Henry. Dahil boyfriend ito ni Jasmine ay kailangan niyang iwasan si Jasmine. Na sa tingin niya ay hindi niya kaya. Lalo na at alam niyang may gusto rin ito sa kanya. Jasmine POV Naalimpungatan siya nang makarinig siya ng konting ingay. Nakatulog kasi siya sa kusina. Bumungad sa kanya ang Nanay, Tatay at kapatid niya. Kumakain ang na ng agahan ang mga ito. "Ang luwang ng kama mo bakit dyan ka pa natulog?" natatawang sabi ng Tatay niya. " Kumain ka na." Nag inat inat muna siya bago nagtungo sa banyo bago maghilamos. Pagkatapos niya maghilamos ay sumabay na siya sa pamilya niya. "Ang sabi ng Nanay mo ay hindi ka raw nakatulog." sabi ng Tatay niya nang makaupo siya sa harap ng mesa. "Ano bang nakain mo kagabi?" tanong nito sa kanya. Dahil sa tanong ng Tatay niya ay muling bumlik sa isip niya ang nangyare kagabi sa bahay ni Jm. Ang mainit nilang halikan ni Jm. "Wala naman po, Tay." pagsisinungaling niya. "Magbaon ka ng tinapay baka gutumin ka." sabi naman ng Nanay niya."Lalo at wala ka pang gaanong tulog baka manghina ka." "Opo, Nay, salamat." sabi niya rito. Habang kumakain sila ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangayare kagabi. Yung pinagsaluhan nilang halik ni Jm. Parang biglang naramdaman niya ang labi nito na nakadikit sa labi niya. Napahinto siya sa pag iisip nang maalala niya si Henry. Uuwi na raw ito ngayong umaga. Pano silang tatlo sa trabaho pag pumasok na ito? Iiwasan ba niya si Jm? Kaso baka lalong maghinala si Henry pag ginawa niya yun. Nang matapos na silang kumain ay nagpasya na siyang maligo. Nasa bungad pa lang siya ng pinto ng kusina nang magsalita ang Tatay niya. "Wag mo munang basahin yang buhok mo. Lalo at kulang ka sa tulog." sabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya pwedeng basahin ang buhok niya pag kulang siya sa tulog. Pero dahil nakasanayan na niya ang payo ng Tatay niya ay sinusunod na lang niya ito. Lagi kasi nitong sinasabi na pag kulang sila sa tulog ay wag na wag nilang babasahin ang buhok nila. Nang matapos siyang magbihis ay naupo muna siya sa sala para hintayin ang kapatid niya. Dahil sabay naman ang pasok nila kaya hinintay na niya ito para sabay na silang umalis. Ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang may dumating na tao sa harap ng bahay nila. Dahil naghuhugas na ng pinagkainan nila ang Nanay niya at nagdidilig namn ng halaman ang Tatay niya kaya siya na lang ang lumabas para tingnan kung sino ang tao sa harap ng bahay nila. Nagulat siya nang makita niya si Henry. Matamis ang pagkakangiti nito. Nilapaitan niya ito para pagbuksan ng gate. "Ang aga mo naman." bungad niya rito. "Wala bang Babe dyan?" sabi nito na nagpangiti sa kanya. "Maaga kami nakasakay kanina." Pinapasok muna niya ito. "Si Tita, kamusta?" tanong niya rito habang naglalakad sila papasok sa bahay nila. "Okay naman. Binigyan lang muna siya ng gamot ng Doktor. Pero kailangan pa siyang operahan. Wala pa kasi kaming pera kaya umuwi muna kami." paliwanag nito. Nang makapasok sila sa bahay nila ay hinanap nito agad ang mga magulang niya para magmano. Sakto naman na natapos magbihis ng kapatid niya. "Bayaw." bati ng kapatid niya kay Henry. Pano ba niya sasabihin sa mga ito kung ano ang totoo niyang nararamdaman kay Henry? Lalo at malapit na ang mga ito kay Henry. Napabuntong hininga siya sa mga naiisip niya. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya. Gulong gulo na talaga siya. "May problema ba, Babe?" tanong ni Henry sa kanya. "Hindi yan nakatulog, Bayaw." sabi naman ni Jr. Mabuti na lang at hindi siya nakatulog ng maayos. May rason siya para magkunwari at para maitago ang gulo sa isip niya. "Bakit ka pa papasok? Baka mahilo ka bigla mamaya." nag aalalang sabi ni Henry s kanya. "Kaya ko." sabi niya. "Di bale papasok ako mamaya. Babantayan na lang kita." sabi nito sa kanya. Pagkasabi nito ay pinaalam na siya nito sa mga magulang niya na ihahatid na siya nito sa trabaho. Pagkasakay niya sa motor nito ay nagdalawang isip siya kung hahawak ba siya rito o hindi. Nasanay kasi siya na humahawak siya sa damit nito kapag hinahatid sundo siya nito. Pero sa pagkakataon na yun ay nagdalawang isip siya kung gagawin niya ba ito. Pero dahil sa naalala niya si Jm at boyfriend niya ito kaya humawak na lang siya sa damit nito. Ayaw niyang mahalata nito na mayroon siyang ibang gusto. Medyo napaaga ata ang pagdating niya sa trabaho. Dahil hindi pa nakabukas ang roll up ng shop. Malapit lang naman ang bahay ng boss nila at binibigay nila rito ang susi. Iniwan siya ni Henry sa harap ng shop at ito na ang nagpunta sa bahay ng boss nila para kunin ang susi. Bago ito umalis ay tinylungan muna siya nito na buksan ang roll up ng shop sana ito nagpaalam na aalis na ito kaya agad na pinaandar ang motor nito saka umalis. Nang makapasok siya sa shop ay agad niyang binuksan ang ilaw saka niya tinungo ang timplahan. Ilang sandali pa ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Dahil may ginagawa siya ay hindi niya agad ito nilingon. Wala namang ibang tao ang pumapasok ng shop pag hindi pa nakaflip ang signage nila. Pagkalingon niya sa may pintuan ay bumungad sa kanya si Jm. Napangiti ito sa kanya kaya nginitian na rin niya ito. Nawala ang pagkakangiti niya nang sunod sunod na dumating ang mga kasama nila. Itinuon na lang niya ang sarili niya sa pag aayos. Kahit gusto niyang batiin si Jm ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang makahalata ang mga kasama niya. Nasapo niya ang noo niya nang bigla siyang nakaramdam ng hilo. Mariin siyang pumikit para mawala ang pagkahilo niya. Pagmulat niya ay medyo nahimasmasan siya kahit papano kaya nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa. Nang matapos siya sa pag aayos ay pumasok siya sa kusina. Dahil doon ang daanan nila papuntang banyo. Nakabanggaan niya si Jm nang buksan niya ang pinto ng kusina. Muntik na siyang matumba. Mabuti na lang at nahawakan ni Jm ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sakamay niya. Muling sumagi sa isip niya ang pagkulong ng mga palad nito sa mukha niya kahapon. Jm POV Nag aayos sila ni Kath sa kusina nang utusan siya nito na tanungin kay Ericka kung bibili pa ba sila ng ibang gulay dahil konti na lang gulay sa refrigerator ng shop. Nang buksan niya ang pinto ng kusina ay bumungad sa kanya si Jasmine at nagkabanggaan silang dalawa. Dahilan kaya muntik na itong matumba. Mabuti na lang at nahawakan niya ang kamay nito. "Okay ka lang?" tanong niya rito nang makatayo na ito ng maayos. "Kulang lang s tulog kaya nahihilo at kulang ako sa balance sa katawan." paliwanag nito. "Bakit ka pa pumasok kung nahihilo ka." sabi niya na may halong pag aalala. Sabay na nanlaki ang mga mata nila ni Jasmine. At sabay rin silang napatingin kay Kath na nakatingin na pala sa kanila. "N-nag aalala lang." nabubulol na sabi niya saka siya lumabas ng kusina. Paglabas niya ng kusina ay agad niyang tinanong si Ericka. "Pinapatanong ni Kath kung bibili pa ba ng ibang gulay." sabi niya. Pagkasabi niya ay nagpunta naman si Ericka sa kusina para tingnan ang gulay sa refrigerator. Sa ilang araw niya sa training niya ay nalaman niya na kapag hindi sila sigurado sa mga kailangan sa kusina ay ang kaha ang kanilang tatanungin dahil natatanya nito ang mga gagamitin. Kapag raw kasi weekdays ay hindi ganon karami ang nagagamit nila. Tanyado rin naman ni Kath ang mga gagamitin yun nga lang ay medyo lanta na ang ibang gulay kaya kailangan nila ng tulong ni Ericka. Naghihintay sila ni Kath sa sasabihin ni Ericka. Habang si Ericka ay nakatingin sa loob ng refrigerator kung saan nandon ang mga gulay. Napasulyap siya kay Jasmine nang mapadaan ito sa kanila. Dahil nalaman niyang papasok na si Henry kaya kailangan niya itong iwasan at wag mapalapit kay Jasmine. Kahit alam niyang parehas sila ng nararamdaman ni Jasmine ay ayaw niyang may masabi ang mga ito kay Jasmine. Baka masira ito sa mga kasama nila. Sinundan lang niya ng tingin si Jasmine hanggang sa makalabas ito ng kusina. Dahil nakita niya sa gilid ng mga mata niya si Jasmine sa maliit na bintana kung saan matatanaw ang timplahan ay tiningnan niya sila Kath at Ericka. Dahil hindi naman nakatingin sa kanya ang dalawa ay sinulyapan niya si Jasmine sa timplahan. Nginitian siya nito kaya naman binawian niya ito ng tingin. Medyo napanatag siya dahil sa ngiting ibinigay nito sa kanya. Kahit nag aalala siya ay wala naman siyang magawa. Gusto niya itong puntahan pero hindi pwede. Pero dahil sa ngiti ni Jasmine ay nakampante siya. Kaya binalingan na niyang muli ang dalawa. Kahit mahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Jasmine ay wala na siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay nakikita niya ito. "Bili na lang tayo ng konti." busal ni Ericka. "Pero kailangan nating ipaubos to para hindi tayo masiraan." pqgkasabi nito ay lumabas na ito sa kusina. "Ako na lang bibili." sabi niya kay Kath. Dahil ilang beses na rin siya nitong sinama sa pamamalengke ay alam na niya kung saan siya bibili. Alam na rin niya kung paano tumawad sa mga bibilhin niya. Nang pumayag ito sa sinabi niya ay agad siyang lumabas para kumuha ng pera kay Ericka pambili ng gulay. Dahil may extrang pera ang shop para sa pamamalengke at papalitan na lang ito kapag may benta na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD