Chapter 6

1603 Words
Jm POV Nakailang sulyap na siya sa wall clock na nasa kusina ng restaurant nila. Dahil wala siyang suot na relo kaya don sila tumitingin ng oras. Kapag siya ay nagluluto. ay hindi siya nagsusuot at iniiwan niya ito sa office niya. Maging ang iba niyang staff sa kusina ay hindi niya pinapayagan na magsuot ng relo. Lampas 10 na pero wala pa yung tinawagan niyang aplikante kahapon. Kaya nagpasya siyang lumabas saglit para tingnan kung dumating na ito. "Wala pa ba siya?" tanong niya kay Angela nang makalabas siya ng kusina. "Sir, wala pa po." sagot naman nito. "Ano kayang nanyare don?" turan niya. "Sabi ko 10am ang orientation niya. It's almost 11 na wala pa siya." sabi niya saka bumuntong hininga. "Sir, subukan niyo po ulit tawagan baka nakalimutan niya lang po." sabi nito. Dahil sa sinabi nito ay inilabas niya agad ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot niyang maong pants para tawagan ulit ang aplikante pero cannot be reach na ito. "I think he is not interested." sabi niya. "Hanap tayo ng iba." pagkasabi niya ay saka siya nagpasyang bumalik na sa muli sa kusina. Isasara na sana niya ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone niya na agad niyang nailagay sa bulsa ng pantalon niya at agad niyang sinagot nang makita niya na ang Mama niya ito. Nabanggit kasi niya sa mga magulang niya bago siya pumasok kanina na meron siyang bagong putahe na ipapatikim sa mga ito. Na gusto niyang isama sa kanilang menu kaya naman nagpasya ang mga ito na tanggapin ang alok niya na magpunta sa restaurant para tikman ito. "Hello, Ma." bungad niya sa linya. "We will be right there before lunch." sabi ng Mama niya."Pero may iba kaming kasama." Nagulat siya sa sinabi nito. "Sino, Ma?" naguguluhan niyang tanong rito. "Just wait for us, okay?" tanging sabi nito. "Okay, Ma." sabi niya. Pagkatapos ay namatay na ang linya. Dahil sa sinabi ng Mama niya ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Ito ang unang beses na titikim ang mga ito ng bagong putahe niya na may ibang kasama. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga magulang niya. At agad naman siyang tinawag ng isang staff niya sa kusina. May kasama nga ito. Isang babae at isang lalake na sa tingin niya ay mag asawa. "Anak, this is Shiela and Brando Lopez." pakilala ng Papa niya sa mga kasama nito. "Mr. and Mrs. Lopez, this is our son, Jm." pakilala naman ng Papa niya sa mga ito. "Excited na akong tikman ang bagong putahe mo, Hijo." turan ng babae. Ngumiti siya. "I hope you will like it." sabi niya rito. "Jeff, pasuyo naman ako. Pakisamahan mo naman sila sa mesang pinareserve ko." pakiusap niya kay Jeff. Agad naman nitong sinamahan ang mga ito sa pinareserve niyang mesa. Pero nagpaiwan ang Mama niya. "Serve your best sellers, Anak." pakiusap nito sa kanya. saka siya nito iniwan. Nang makapasok na siya sa kusina ay nagbuga muna siya ng malalim na hininga. Ngayon lang kasi niya nakita ang mga kasama ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung magugustuhan ng mga ito ang luto niya. Nang maluto na niya ang ilan sa best seller nila ay pinalabas na niya ito sa mga dining niya pero kasunod siya. "Join us, Son." pag aaya ng Papa niya sa kanya. Dahil anim na upuan ang meron sa mesang nakareserve sa mga ito ay naupo na rin siya sa tabi ng Mama niya. "It taste good." turan ng babae pagkatapos nitong matikman ang mga putahe ng restaurant nila. Ang unang tinikman nitong putahe ay Boiling Shrimp niya. Kung titingnan ay parang pinakuluan lang ito. Pero meron siyang nilagay na pampalasa. Pangalawang tinikman nito ay ang Chicken Adobo niya. Simpleng luto lang din ito pero ito ang isa sa best seller nila. Meron din siyang ginawang Kani Salad na isa rin sa best seller nila na panghimagas at ang Special Canton niya na bago niyang putahe. "Ikaw lang ba ang nagluto ng lahat ng ito?" tanong ng babae sa kanya na halatang halata na sarap na sarap sa mga kinain nito. "Hindi po, Ma'am." sagot niya. "Kasama ko pa pong nagluto yung dalawang chef dito." "But all of this is your recipe only?" tumango siya. "You're a good chef. Bagay kayo ng Anak ko." "Before i forgot." sabat ng Papa niya. "Son, Mr. and Mrs. Lopez, me and your Mama arrange a marriage for you and for thier Daughter, Ashley Lopez." Nagulat siya sa sinabi ng Papa niya. Arranged marriage? Tama ba ang narinig niya? Ipapakasal siya sa taong hindi naman niya mahal. Ni hindi pa nga niya ito nakikita. "Pero, Pa." sabi niya rito. "Sinabi ko na sa inyo na-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang magsalita ang Mama niya. "Wala ka ng proproblemahin, Anak." sabi nito. "Kami na ang mag aasikaso sa lahat." "Ano po?" naguguluhan niyang tanong rito. "Kami na ang mag aasikaso sa kasal niyo." sabi naman ng Papa niya. "Alam namin na busy ka dito sa restaurant. Kaya naman kami na ang bahala sa lahat." "I'm sorry, Pa. Pero hindi ako magpapakasal." sabi niya rito saka siya tumayo sa kinauupuan niya. "Jm, back to your seat." pagpipigill sa kanya ng Papa niya. Tiningnan niya lang ito. "Please, excuse me."sabi niya sabay yuko. Saka siya nagpatiuna nang umalis. Napapailing siya habang papalayo sa mga ito. Alam ng Mama niya na wala pa sa isip niya ang magpakasal. Pero hindi niya lubos akalain na ganito ang gagawin ng mga ito. Dahil sa dismaya sa mga magulang niya ay nagbihis na siya para umalis na sa restaurant nila. Bago siya umalis ay nagpaalam siya kay Angela na hindi na siya babalik kaya wag na siyang hintayin bago magsara. Pagkalabas niya ng restaurant ay agad siyang sumakay sa Honda Civic niya. Ito ay binili niya nang makaipon siya. Ilang taon na ito sa kanya pero kung titingnan ay para pa rin itong bago dahil sa pag aalaga niya. Dahil sa sama ng loob ay ayaw niyang umuwi muna sa bahay nila. Nagpasya na lamang siyang magpunta sa sementeryo. Kung saan nakalibing ang babaeng una't huli niyang minahal. At hanggang ngayon ay hindi niya magawang magmahal pa muli. "Ang daya mo kasi, Kim." sabi niya sa puntod ng babaeng una't huli niyang minahal. Si Kim ay ang unang girlfriend niya. Naging sila nung nasa college pa lang sila. Minahal niya ito ng sobra. Umabot pa sa punto na binalak nilang magtanan. Dahil ayaw sa kanya ng mga magulang ni Kim ay binalak nilang magtanan. At dahil sa ginawa nilang yun ay binawian ito ng buhay. 10 years ago Nakasakay na sila ng bus nung panahon na yun. Balak nilang magpakalayo layo. Nang may isang truck na humaharurot sa harap nila at nabangga ang bus na sinasakyan nila. Dahil sa malapit sila sa harap at nasa may bintana si Kim ay napuruhan ito. "Kim." bulas niya. Pilit niyang ginigising si Kim pero hindi ito nagmumulat ng mata. Paulit ulit niya itong ginigising. Hanggang sa di na niya namamalayan na nawalan na rin siya ng malay. Nang magising siya ay nasa hospital na siya. Hindi malubha ang lagay niya. Nang malaman niyang hindi nakaligtas si Kim ay agad niya itong pinuntahan nang makalabas siya sa hospital. "Kung hindi mo lang sana pinilit ang gusto mo, hindi sana nangyare ang ganito." sabi ng Mama ni Kim sa kanya nang dumalaw siya sa burol ni Kim. "Kasalanan mo ang lahat ng ito." "Sorry po." paghingi niya ng paumanhin dito. "Kahit ilang sorry po ang gawin mo hindi na maibabalik ang buhay ng anak ko." umiiyak na saad ng Mama ni Kim. "Simula ngayon ayoko ng makita pa ang mukha mo. Umalis ka na rito. At wag ka ng babalik." pagtataboy nito sa kanya. Nag iisang anak kasi nila ang kasintahan niya kaya ganon na lang ang galit ng mga ito sa nangyare. At tanggap niya kung bakit sa kanya isinisisi ang pagkawala ni Kim. Pagkatapos ng araw na yun ay tinatanaw na lang niya sa malayo ang burol ng kanyang kasintahan. Araw araw siyang dumadalaw pero nasa malayo lang siya kung saan tanaw niya ang burol ni Kim. Hanggang sa araw ng libing ay nasa malayo lang siya nakatanaw. "Kunin mo na rin ako, Kim." sabi niya na naluluha. "Ayokong ipakasal nila ako sa hindi ko naman gusto. I only want to marry a girl i love." Hindi na niya napigilan pa ang pagtulo ng luha niya. "I'm so sorry for what happened to you. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi dahil sakin andito ka pa sana. At kahit hindi na tayo magkatuluyan basta kasama kita. I loved you but i lost you." "Wala kang kasalanan." nagulat siya sa nagsalita kaya agad siyang napalingon kung saan naroon ang tinig. Nakita niya ang Mama ni Kim. "Sa loob ng ilang taon isinisi ko sayo ang pagkamatay ng anak ko." sabi nito. "Pero hindi ko naisip na biktima ka lang din." dagdag nito. "Tama naman po kayo, Tita, kung hindi po dahil sa ginawa ko buhay pa po siya." sabi niya. "Ang tagal kong hinintay ang araw na to. Na magkita tayo. Para makahingi ako ng tawad sayo. Kami ng asawa ko." naluluhang turan nito. "Wala po kayong kasalanan. Ako po ang may kasalanan." sabi niya. "Nagkamali kami. Sana nung una pa lang tinanggap ka na namin. Sana buhay pa siya ngayon." Dahil tumulo na ang mga luha nito ay niyakap na niya ito at hinagod hagot ang likod nito. Mayamaya ay nagpaalam na ito sa kanya. Gusto sana niya itong ihatid pero tumanggi ito. Kaya nagpaiwan na lang siya sa puntod ng dati niyang kasintahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD