Chapter 7

1600 Words
Jasmine POV "Sigurado ka bang papasok ka na, Ate?" seryosong tanong sa kanya ng kapatid niya habang kumakain sila ng agahan. Wala naman na siyang ibang nararamdaman kaya alam niyang kaya na niya pumasok sa trabaho. Isa pa hindi naman ganon kapagod ang trabaho niya. Maliban pag sabado at linggo. "Oo kaya ko na." sagot niya. "Pag ikaw talaga nabinat, Ate." pagbabanta nito sa kanya. "Sinasabi ko sayo, Ate. Hihinto ako sa pag aaral." "Hoy, Jr, ako wag na wag mo akong susubukan." sabi niya rito. "Pag huminto ka sa pag aaral. Simulan mo na rin maghanap ng lilipatan." "Tama na nga yan." saway ng Nanay nila sa kanila. "Siya kasi, Nay, inuumpisahan ako." sabi niya. "Binibiro ka lang naman, Ate." sabi naman ng kapatid niya. "Pwest, hindi magandang biro yun." pagsusungit niya. "Sorry na, Ate." sabi nito na bahagyang yumuko. "Hayssst." sabi niya saka bumuntong hininga. "Okay lang naman kasi ako. Wag na kayong mag alala. Hindi ako papasok kung hindi ko kaya." sabi niya sa mga ito. Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya sa mga ito. "Aalis ka na,Ate? Maaga pa. Tsaka hindi ka na ba sasabay sakin?" sunod sunod na tanong sa kanya ng kapatid niya. "Hindi na muna kasi may sasabihin daw yung boss namin ngayon kaya kailangan maaga ako pumasok." paliwanag niya rito. "Ingat ka, Ate. Magsabi ka pag di kaya." paalala nito. Nginitian niya ito. "Opo, Kuya." pagkasabi niya ay lumabas na siya sa kanilang bahay. Dahil isang sakay lang ng tricycle sa trabaho niya ay agad siyang nakarating. Pagkarating niya ay sakto naman na pagdating ng boss nila. Sa katunayan kagabi pa siya napapaisip kung ano yung gusto nitong sabihin sa kanila nang magsabi ito sa group chat nila na may iaanunsyo ito sa kanila. Pwede naman kasing sabihin na pang sa chat kung ano man ang gusto nitong sabihin kaya naman kahit yung naka day off sa araw na ito ay nagpunta rin. "May 1 hour pa tayo bago mag open ng shop." sabi ng boss niya habang nakatingin sa suot nitong relo. "Prepare niyo muna itong shop." pagkasabi nito ay naupo ito sa pinakaunahang upuan malapit sa may kaha. Nag ayos namn sila at mabilis naman silang natapos. "Magsi upo na kayo." utos ng boss niya. "Balak kong magtayo ng isang branch sa kabilang bayan. Kaya kailangan ko ng karagdagang empleyado. Hanggat maari kayo sana ang gusto kong maghanap." pag uumpisa nito. "Kaya pinapunta ko kayong lahat ay para personal kong sabihin na ililipat ko yung iba sa bubuksan kong branch. Pero pansamanta lang naman." "Sir, nakapagpatayo na po ba kayo don? O may narentahan na po kayo?" tanong ni Henry sa boss nila. "Actually, naghahanap pa lang ako. At kaya ko rin pinapunta yung mga naka day off ngayon para sana samahan ako sa kabilang bayan para maghanap. Kung okay lang sa inyo?" tanong nito sa mga kasama niyang naka day off na naroon. "Don't worry, bayad ang araw niyo." Pumayag naman ang mga ito. Dahil dalawa lang naman ang nakaday off sa kanila araw araw kaya dalawa lang kasama nitong pupunta sa kabilang bayan. "Akala ko magtatanggal siya." sabi ni Ericka pagkaalis ng ng mga ito sa shop. "Ako nga rin." sabay sabay namang turan ng iba nilang kasamahan sa trabaho. "Sana taga roon din yung kunin natin para di tayo hirap sa byahe." sabi naman ni Henry. "Yung may kakilala sana don. Kaso wala akong kakilala don eh." sabi ni Ericka. "Pano tayo hahanap ng kakilala natin?" tanong niya sa mga ito. "Ano sasabihin natin? Na sa kabilang branch sila magduty?" "Teka, bakit pala pumasok ka na?" pag iiba ni Henry sa usapan. "Diba dapat nagpapahinga ka pa." "May pinag aaral ako kaya kailangan ko magtrabaho." sagot niya rito saka naglakad papuntang timplaha. Nagpunta na rin sa kani kanilang trabaho ang iba nilang kasama. "Baka mabinat ka." sabi naman ni Ericka habang inaayos ang mga pera. "Okay na ako." sabi niya. "Pag ikaw nabinat, Jsamine, ewan ko na lang sayo." busal ni Henry saka pumasok sa kusina. Ilang sandali pa ay nagbukas na sila ng shop. Naging sunod sunod ang bumili sa kanila. Dahil isang food chain at milk tea ang shop nila kaya naman marami agad ang kumakain sa kanila. Hindi man tulad ng ibang fast food chain karami ang kumakain sa kanila ay hindi mo pa rin maikakaila na hindi rin sila nawawalan ng costumer. Sa bayan nila ay maraming nagtayo ng ibang milk tea shop pero sila pa rin ang tinatangkilik kaya naman kahit papano ay hindi bumababa ang kinikita ng shop nila. "Hindi mo pa ba sasagutin si Kuya Henry, Ate, Jasmine?" tanong sa kanya ni Carlo pagkatapos niyang timplahin ang isang order n milk tea. Barista kasi siya sa shop at parehas niyang barista si Carlo. Salitan silang nagtitimpla. Pagkatapos nilang magtimpla ay kukunin naman ng dining ang milk tea para iserve. Hinarap niya ito pagkatapos niya magtimpla. Dahil wala pa naman ibang order. "Ewan ko ba. Ilang beses ko na siyang tinanggihan pero nagtutuloy pa rin siya." "Mahal ka niya, Ate." sabi nito. "Pano ka naman nakakasiguro?" tanong niya rito. "Di mo ba nararamdaman, Ate?" umiling siya. "Bigyan mo siya ng chance, Ate, kung hindi magwork, wala tayong magagawa." Napasulyap siya kay Henry sa loob ng kusina. Dahil isa ito sa mga taga luto nila at meron silang maliit na bintana kung saan makikita mula sa timplahan nila ang mga ginagawa nila sa kusina. "Natuturuan ang puso na magmahal, Ate." bulong sa kanya ni Carlo. Ilang sandali pa ay nagsidagsaan na ang mga tao kaya naman naging busy na sila. At dahil iniiwasan nilang magkamali ay hindi sila nag iimikan kapag parepareho silang may ginagawa. Habang nagtratrabaho siya ay hindi niya maiwasan na mapaisip sa sinabi ni Carlo sa kanya. Pano kaya pag binigyan niya ng chance si Henry ay magagawa ba talaga niya itong mahalin? "Ihahatid na kita." sabi sa kanya ni Henry nang matapos ang oras ng trabaho nila. Dahil sabay sila ng oras ng uwi kaya naman pumayag na siyang ihatid siya nito tulad ng dati nitong ginagawa. Nang nasa harap na sila ng bahay nila at akmang paaandarin ni Henry ang makina ng motor nito ay pinigilan niya ito. "May gusto akong sabihin sayo." sabi niya rito. "Ano naman yun?" tanong nito. "Ilang buwan ka na palang nanliligaw sakin?" balik tanong niya rito. "Kung pagsasamahin lahat siguro taon na rin." sabi nito. "Ganon ba." "Bakit mo matanong? Babustedin mo nanaman ako?" umingil siya. "Eh, bakit mo natanong?" Huminga siya ng malalim. "Pano kung sabihin ko na subukan natin." nahihiyang sabi niya rito. "Subukan ang alin?" "Na ano..." "Ano?" "Na maging tayo." Napangiti ito. "Totoo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. "Subukan lang natin."sabi niya. Akmang sisigaw sana to nang takpan niya ang bibig nito ng palad niya. "Wag kang maingay." sabi niya rito. "So, tayo na?" tumango siya. "Girlfriend na kita?" tumango siyang muli. Sa pagkasabik ay niyakap siya nito. Unang beses siyang nakayakap ng ibang lalake maliban sa Tatay niya at sa kapatid niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Hindi niya alam kung matututunan nga niya itong mahalin tulad ng sinabi ni Carlo sa kanya. Pero wala naman ding masama kung susubukan niya. Ilang sandali pa ay niyaya na niya itong pumasok na sa bahay nila para sabihin sa pamilya niya na sinagot na niya si Henry. Masaya naman ang mga magulang niya sa pag anunsyo sa pagsagot niya kay Henry. Maging ang kapatid niya ay tuwang tuwa. "Henry, ipangako mo na hindi mo sasaktan ang anak ko." pagbabanta ng Tatay niya rito. "Wag po kayong mag alala, Tito, hinding hindi ko po siya sasaktan." nakangiting sabi nito habang nakatingin ito sa kanya. "Bayaw na ngayon ang tawag ko sayo, Kuya Henry." sabi namn ng kapatid niya. "Bakit bayaw? Eh, hindi pa naman kami kasal." sabi niya rito. "Don na rin papunta yun, Ate." sabi nito na nagpatawa sa lahat. Nang matapos na sila sa pag uusap ay nagpaalam na rin ito na uuwi na. Hinatid naman niya ito sa labas. "Pwede bang wag muna natin sabihin sa lahat ang tungkol satin?" pakiusap niya rito. "Bakit naman?" tanong nito sa kanya. "Ang hirap ipaliwanag eh." sabi niya. "Walang problema." sagot nito. "Eh, ano naman tawagan natin?" nakangiting tanong nito sa kanya. "Ikaw na bahala." sabi niya. "Babe?" "Pwede." Hinawakan nito ang kamay niya. Kahit sa pagdikit ng mga palad nila ay wala siyang maramdaman. "Sige uuwi na ako, Babe." pagpapaalam nito saka hinalikan ang kamay niya. "Ingat ka sa daan." sabi niya. Nginitian lang siya nito saka sumakay na motor nito at umalis na. Pagkaalis nito ay pumasok na rin siya sa loob ng bahay nila. At pinakiusapan niya rin ang mga ito na wag muna ipagsasabi sa iba ang tungkol sa kanila ni Henry. Pumayag naman ang mga ito sa pakiusap niya. Matutulog na sana siya nang may magmessage sa kanya. "Goodnight, Babe. Thank you sa pagsagot mo sakin. Pangako, hindi ako gagawa ng anuman na ikasasakit ng damdamin mo. I love you, Babe." sabi ni Henry sa message nito. Napangiti siya sa nabasa niya. "I love you too, Babe." sagot niya. Ganon pala ang pakiramdam ng may boyfriend. Hindi man niya ito mahal sa ngayon ay sana tama ang sinabi ng kasama niyang si Carlo na matutunan niya rin itong mahalin. Unang boyfriend niya si Henry. Kaya wala siyang alam pagdating sa mga ginagawa ng mga mag boyfriend at mag girlfriend. Lumaki ang mga mata niya nang napagtanto niya ang reply niya. "Bakit ka nag i love you, Jasmine" sabi niya sa isip niya. Marahan niyang sinabunutan ang sarili niya dahil sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD