Chapter 8

1616 Words
Jm POV Dahil sa sama ng loob niya sa mga magulang niya ay nagpasya siyang hindi na muna umuwi at magpapalipas na lang siya ng gabi sa sementeryo. Hindi rin kasi niya alam kung saan siya matutulog kaya naisipan na lang niyang matulog sa loob ng kanyang sasakyan. Naalimpungatan siya sa pagtunog ng kanyang cellphone. Pagtingin niya ay may sampung missed calls ito galing sa Mama niya. Nag inat inat muna siya saka nagtanggal ng kanyang muta bago niya inumpisahang paganahin ang makina ng kanyang sasakyan saka niya ito pinaandar. "Where have you been?" tanong ng Papa niya sa kanya pagkapasok niya sa bahay nila. Nakapamaywang ito na sinalubong siya sa sala. "Dyan lang po." tanging sagot niya. "Alam mo bang pinahiya mo kami kahapon ng Mama mo?" sabi nito. Tinitigqn niya ng mariin ang Papa niya. "Yun ba ang inaalala niyo?" balik tanong niya rito. "Ako ba inisip niyo? Tinanong niyo man lang ba ako kung gusto ko yung plano niyo? You already planned a marriage nang hindi man lang ako sinasabihan." sabi niya pero maalumanay pa rin. "At anong gusto mo? Hintayin ka namin na mag asawa? Tumatanda ka na, Jm. Kung wala kang balak mag asawa, kami na ang gagawa ng paraan." Napakunot ang noo niya sa sinabi ng Papa niya. "For what, Pa." hindi na niya napigilan ang sarili niya na mapataas ng boses. "Dahil ba gusto niyo na ako ang sumunod sa yapak niyo. Tama kayo. Tumatanda na ako. Kaya may sarili akong desisyon kung ano ang gusto ko. Mag aasawa ako kapag gusto ko." sunod sunod niyang turan dito. "Sinabi ko na rin sa inyo dati na ayokong ako ang mag asikaso lahat ng negosyo niyo." dagdag niya. "Ang lakas ng loob mo." pagalit na sabi ng Papa niya. "I told you." sabi ng Mama niya sa Papa niya. "Jm has a plan. Wala pa sa isip niya ang magpakasal." busal nito. Sa sinabi ng Mama niya ay medyo napakalma siya kahit galit na siya sa Papa niya. Alam ng Mama niya na ayaw pa niyang mag asawa kaya nagpapasalamat siya rito dahil kahit papaano iniisip nito ang mararamdaman niya. Hindi tulad ng Papa niya. "Shut up." sabi ng Papa niya sa Mama niya. "Ginagawa ko lang to para sa kanila." "Para samin? O para sayo, Pa?" napatingin ito sa kanya dahil sa sinabi niya. "Oo anak niyo lang ako pero ako pa rin ang masusunod pagdating sa hinaharap ko." "How dare you." sabi ng Papa niya. Akmang sasampalin siya nito nang pigilan ito ng Mama niya. "Tama na." sabi nito. "Hayaan niyo siya, Ma." sabi niya sa Mama niya na nakatitig pa rin sa Papa niya. "Go ahead, Pa. Ituloy mo. Kung dyan ka magiging masaya." Dahil sa sinabi niya ay tinuluyan siyang sampalin ng Papa niya. Nanggagalaiti sa galit ang Papa niya. "Lumayas ka. At wag ka ng babalik pa." sabi nito. Tumingin muna siya sa Mama niya bago nagsalita. "I just get my things." turan niya saka niya tinungo ang kanyang kwarto. Agad naman niyang kinuha ang isang malaking maleta na nasa taas ng aparador niya at agad siyang nag impake. Habang nag iimpake siya ay hindi maalis sa isip niya na magagawa siyang sampalin at palayasin ng Papa niya dahil lang sa kasal na gusto nitong mangyare. Pagkatapos niyang mag impake ay lumabas na siya sa kwarto niya. Nadatnan pa rin niya ang mga magulang niya sa sala. Ang mga mata ng Mama niya ay may bakas ng lungkot. Samantalang ang mga mata ng Papa niya ay puno ng galit. "Wag ka na rin pumasok sa restaurant." sabi ng Papa niya nang nasa bungad na siya ng pintuan. Hindi niya ito sinagot o nilingon man lang. Bagkus ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Nilagay niya ang maleta niya sa compartment ng sasakyan niya. Nang makasakay siya ng kanyang sasakyan ay agad niya itong pinaandar. Nang makalabas siya ng gate ng bahay nila ay saglit siyang huminto para sulyapan ang Mama niya. Tanaw niya sa kinaroroonan niya ang Mama niya. Nginitian siya ng Mama niya. Ngiti na may halong luha. Inalis niya ang tingin niya sa Mama niya dahil ramdam niya ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Dahil sa nangyare ay nagpasya siyang sa kabilang bayan na lang maghanap ng malilipatan. Baka pag sa bayan din nila siya maghahanap ng malilipatan ay magkasalubong din ang landas nila ng Papa niya. Sa ngayon ay ayaw muna niya itong makita. Nang makarating siya sa kabilang bayan ay agad naman siyang nakahanap ng bahay. Dahil may sasakyan siya ay pinili na lang niya ang mag apartment kesa mag boarding house at ang pinili niyang bahay ay may sariling garahe. Sa maikling sandali ay nakahanap na rin siya ng bahay. Hindu ito malaki pero hindi rin ito maliit. May sarili din itong garahe at malapit lang din ito sa bayan. Dahil may sarili din naman siyang savings kaya may magagamit siyang pera. Medyo malaki laki na rin ang naipon niya. Sa katunayan ay pwede na siyang bumili ng sariling bahay at lupa sa naipon niyang pera. Pero ang nasa isip niya ay baka hindi rin siya magtagal sa nilipatan niya. Dahil walang mga gamit sa nilipatan niya ay nagpasya siyang bumili muna para may magamit na siya. Dahil malapit lang naman ang bayan ay naglakad na lang siya. Habang naglalakad siya ay napadaan siya sa isang food chain na may kasamang milk tea. Sa pagkakatanda niya ay pag mamay ari ito ng pamilya ng isa sa naging kaklase niya sa kolehiyo. Dahil hindi pa siya nag aagahan ay nagpasya siyang kumain muna roon. Pagkapasok niya ay agad siyang nagtungo sa cahier at nag order. Napasulyap siya sa isang staff doon. Maganda ito. Walang kolorete sa mukha pero maayos tingnan. Hindi katangkaran pero sakto lang para sa isang babae. "Sir, may iba pa po ba kayong order?" tanong ng cashier sa kanya kaya naalis niya ang tingin niya sa babae. "Wala na." sagot niya. Habang ginagawa ang order niya ay inilibot muna niya ang kanyang paningin sa paligid. Napapatango na lang siya kasi kahit maliit ang espasyo nito ay maluwang pa rin ito tingnan. Napalingon siya sa isang staff na may dinidikit sa may pintuan ng shop. Salamin ang pader nito kaya kita mo sa labas. At dahil bakat sa likod ng papel ang nakasulat doon ay nabasa pa rin ito kahit pabaliktad na dahil sa harap ito idinikit. Nilapitan niya ang cashier nang mabasa niya ang nakapaskil. "Miss." sabi niya sa cashier. "Anong hiring sa inyo?" tanong niya rito. "Cashier, Barista, Dining at Kitchen staff po, Sir." sagot naman nito. Napangiti siya. "Marunong ako magluto." sabi niya. "Ah, Sir, magpasa na lang kayo ng resume." turan nito. "Idaan ko na lang mamaya. Walking distance lang naman yung tinitirhan ko." sabi niya. "Naghahanap rin kasi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang may tumawag sa kanya sa likuran niya. Pamilyar ang boses na yun kaya napalingon siya agad. "Jm." sabi ng lalake sa likuran niya. "Jimboy?" turan niya. "What's up, Dude?" nakangiting sabi niya saka niya ito nilapitan. Naging magkakalse sila dati sa kolehiyo. Pero isang taon lang dahil nagpalit ito nang kurso kaya naman hindi na sila nagkita mula noon. Agad silang nagkamayan. "Kamusta?" tanong nito sa kanya. "I'm fine. Ikaw, kamusta ka na?" balik tanong niya rito. "Teacher na ako, Dude. Ikaw ba tinuloy mo?" tumango siya. "Anong palang ginagawa mo dito?" pag iiba nito sa usapan. "Hindi pa kasi ako nag breakfast." sagot niya. Tumawa ito. "Kalaki laki ng restaurant niyo tapos di ka man lang kumain don? At dito ka pa talaga nagpunta?" Napakamot siya sa kanyang batok. "Actually, Dude, nagkasagutan kami ni Papa. Pinalayas niya rin ako then hindi na rin ako pwedeng pumasok sa restaurant." paliwanag niya rito. Napakunot noo ito sa sinabi niya. "Ano bang nangyare?" tanong nito. "Gumawa sila ng arranged marriage para sakin. At di man lang ako tinanong. Kaya yun, nagkasagutan kami kanina." "Mabuti at dito mo naisipan na pumunta?" "Nawala nga sa isip ko na taga rito ka pala." "So kinalimuntan mo na ako?" "Of course not, Dude." Pagkatapos nilang mag usap ay sakto naman na natapos ang order niya. Kumain naman siya kaagad dahil gutom na siya. Samantalang si Jimboy ay kinausap ang staff doon na tila may importanteng pinag uusapan ang mga ito. Napansin niya rin na napapatingin ang mga kausap ni Jimboy sa kanya. Pero dahil gutom siya ay pinagpatuloy pa rin niyang kumain. Nang matapos siyang kumain ay nilapitan siya ni Jimboy. "Dude, naghahanap ka ba ng trabaho ngayon?" tanong nito sa kanya. "Oo sana, Dude." sagot niya. "Sakto hiring kami." sabi nito. " Nabanggit ko na rin sa kanila na dati kang chef sa Juncho's. Nag message na rin ako kay Papa na nag apply ka." "Salamat, Dude." sabi niya sabay tapik rito. "Hindi mo sana sinabi sa kanila na anak ako ng may ari ng Juancho's." bulong niya rito. "Syempre hindi." natatawang sabi nito. "Kaya nga nag message na ako kay Papa para hindi ka na magpasa ng resume." Pagkatapos nilang mag usap ay nagpasya na rin silang umalis na sa shop. Dahil bibili pa siya ng mga gamit sa bahay. At si Jimboy naman ay may lalakarin pa raw. Nang makabalik siya sa bagong bahay niya ay ibinaba muna niya ang mga nabili niya sa sulok at saka siya naglinis muna. Nang matapos na siyang maglinis ay nag ayos na siya ng mga gamit. Inabot rin siya ng ilang oras bago natapos kaya naman pagod na pagod siya. Dahil wala pa siyang nabiling upuan, mesa at kama ay nilatag muna niya ang binili niyang kumot na hindi pa nalabhan para makapagpahinga muna. Balak niyang labhan ang mga ito mamaya pagkatapos niya magpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD