Chapter 9

2311 Words
Jasmine POV "Good morning, Guys." bati ng bago nilang taga luto sa kanila. Dahil pinasok ito ng anak ng may ari ng shop nila kaya wala itong nabigay na resume. Kaya naman wala silang alam tungkol dito. Ang sinabi lang sakanila ay ang pangalan nito at kung saan siya dating nagtratrabaho. Gwapo ito at matangkad din tulad ni Henry. Pero kung pagtatabihin ang dalawa ay lamang ito ng kagwapuhan kesa kay Henry. Isa isa nang nagpakilala ang mga kasama niya rito. At nagkamayan din ang mga ito. "Jasmine." turan ni Henry sa kanya nang napagtanto niyang nakatulala pala siya. Nagpakilala na rin siya rito. Nakipagkamay rin siya. Mainit ang palad nito. Malabot ang kamay nito na parang hindi sanay sa pagtratrabaho. Pagkatapos ay isa isa na silang pumasok sa shop. "Ate, Jasmine, bakit ka napatulala kanina?" tanong sa kanya ni Carlo habang nag aayos sila. "May iniisip lang." sagot niya. "Totoo kayang magaling siya? Kasi kung magaling siya, eh, bakit siya umalis sa Juancho's? Diba sikat yun sa kabilang bayan?" sunod sunod na tanong nito. "Siya ang tanungin mo hindi ako." nakangiting sabi niya. Napasulyap siya kay Henry nang mapansin niyang nakatingin ito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang binigay niya rito. "Pano kung sakaling ligawan ka ni Kuya Jm?" natigilan siya sa sinabi nito. Hindi alam ng mga ito na sinagot na niya si Henry. "Malabo." sabi niya. "Kung makatitig nga sayo kahapon, eh, akala ko matutunaw ka na." natatawang sabi nito. Marahan niya itong natapik dahil sa sinabi niyo. "Hindi manliligaw sakin yan. Sa tingin ko pa lang di niya ako magugustuhan." "Bakit si Kuya Henry, nagustuhan ka niya?" panunukso nito. Nginitian niya ito. "Magkaiba naman silang dalawa." "Sabagay parang mayaman siya." sabi nito na nakanguso habang nakatingin sa kusina kung saan magkasama si Jm at si Henry. Jm POV "Bakit ka pala umalis sa Juancho's?" tanong sa kanya ni Henry habang nag aayos sila sa kusina. "Para maiba naman." pagsisinungaling niya. Napailing ito. "Mas malaki sahod mo roon panigurado." "Sakto lang naman." sabi niya. "Nasabi ba sayo na magtatayo ng branch sa kabilang bayan?" umiling siya. "Naghahanap ngayon ng mapagtatayuan ng bagong branch don." "Mas okay kung malapit sa bayan." sabi niya. Pagkasabi niya ay bumukas ang pinto at bumungad doon ay si Ericka. Dala nito ang isang papel. Ito ang unang order. Dahil may pitong araw ang training niya ay observation muna ang unang araw niya kaya naman pinanood niya lang muna na nagluluto si Henry. Magaling din ito magluto. At habang nagluluto ito ay minimimorya niya ang mga ginagawa nito. Sa observation niya ay kulang ito sa oras sa pagluluto. May pagkakataon na natataranta rin ito kapag may hindi ito nailagay sa niluluto nito. Gusto sana niya itong tulungan pero hindi pa siya pwedeng makialam. Ang pwede lang niyang gawin ay tumulong na maglinis. Sa dami ng niluto ni Henry ay nanonood lang siya at wala siyang magawa kahit kating kati na ang mga kamay niya. Jasmine POV Napapailing siya dahil hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap kay Jm sa kusina. "Ano ba Jasmine? Tumigil ka nga." sigaw niya sa isip niya. "Okay la lang ba, Ate?" tanong sa kanya ni Carlo. "Medyo nahihilo lang ako." pagsisinungaling niya. "Baka gutom lang yan, Ate, kain ka muna. maglunch na rin naman. Kaya ko to." turan nito. Dahil medyo ramdam na rin naman niya ang gutom kaya iniwan na niya si Carlo. Nagpaalam na siya kay Ericka para maglunch. Si Ericka ang naglilista ng mga oras ng break nila para hindi magulo at para hindi magkasabay sabay. Dahil sabay sila ni Henry minsan kaya nagpaalam siya na mauna na siyang kumain. Wala ang kasama ni Henry sa kusina kaya hindi ito pwedeng makisabay sa kanya ngayon. May sarili silang kainan sa loob ng shop. Sakto lang para sa dalawa. Dahil hindi pwede na magsabay silang lahat na kumain. Dahil binaunan siya ni Henry ng pagkain niya kaya naman hindi na niya kailangan bumili pa sa labas. Napangiti siya nang mabuksan niya ang pagkain na dinala sa kanya ni Henry. Pakbet at may kasamang pritong galunggong. Paborito niya ang mga dinala nito. Akmang susubo na sana siya nang biglang may lumapit sa kanya. Nang tumingin siya ay nakita niya si Jm. At may dala itong plastic. Marahil ay kakain na rin ito. Jm POV "Pwede ka ng maglunch." sabi ni Henry sa kanya. Luminga linga siya. "Wala ba kayong orasan dito sa kusina?" tanong niya rito. "Wala ka bang suot na relo?" balik tanong nito sa kanya. Doon lang niya napansin na may suot itong relo. "Hindi kasi ako nagluluto na may suot na relo." sagot niya na ikinabigla nito. Napatingin ito sa suot nitong relo. "Istrikto kasi sa restaurant. Dito hindi." busal nito. "11 na rin naman kaya pwede ka na maglunch. Magpaalam ka na lang din kay Ericka." sabi nito sa kanya. Hindi na siya tumutol sa sinabi nito kaya naman lumabas na siya ng kusina at nagpaalam nga kay Ericka. Ang sabi ay may kinakainan sila sa loob kaya bumili na lang daw siya ng pagkain niya sa labas. Dahil hindi siya nagbaon ay lumabas na siya para bumili ng kanyang pagkain. Nang makabili siya ay agad siyang nagtungo sa crew room kung saan sila pwedeng kumain. Nadatnan niya roon si Jasmine. Mukang masaya ito sa pagkain niya dahil napapangiti ito habang binubuksan ang baon nito. "Pwede bang makishare sa mesa?" tanong niya rito. "Oo naman." sagot nito saka nagsubo. Dahil dalawa lang ang upuan doon ay magkaharap silang kumakain. At habang kumakain sila ay palihim niya itong sinusulyapan. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam siya ng hiya kay Jasmine. Ngayon lang siya nahiya ng ganon sa isang babae. Parang may kung anong lumilipad sa sikmura niya sa mga oras na yun. Jasmine POV Habang kumakain sila ay pakiramdam niya ay tinititigan siya nito. Kaya naman naiilang siyang kumain. Pero hindi niya pwede ipahalata na naiilang siya rito. Dahil natutulog siya kapag nakabreak siya ay sa tingin niya ngayon ay hindi siya makakatulog dahil kay Jm. "Ano palang complete name mo?" tanong niya rito nang matapos niyang iligpit ang kanyang pinagkainan. "Jose Miguelito Ignacio." sagot nito. Lalaking lalake ang pangalan nito. Pero medyo sinaunang pangalan ito o kaya ay hango sa pangalan ng mga magulang o lolo at lola nito ang pangalan nito. Pero bumagay naman sa hitsura nito ang pangalan nito. "Ang sabi samin ay galing ka sa Juancho's? Bakit ka nagpunta rito?" sunod sunod niyang tanong dito. Napatitig ito sa kanya. "Gusto kasi nila akong ipakasal sa hindi ko naman mahal." sagot nito. "Totoo?" tumango ito. "Di mayaman ka pala?" "May kaya lang." sabi nito. "Wala ka kasing resume na pinasa kaya wala kaming masyadong alam tungkol sayo." "Baka hindi ka rin maniwala pag sinabi ko sayo." sabi nito. Natigilan siya sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya rito. "Mahabang kwento." tanging sagot nito. "Mahaba haba pa naman yung natitirang minuto natin kaya pwede ka pa magkwento." "Gusto mo talaga akong makilala?" seryosong tanong nito sa kanya. "Syempre naman. Magkasama tayo sa trabaho. Dapat nga lahat kami kilala ka eh." Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Ngayon lang siya naging mausisa sa isang tao. At sa isang estranghero pa. Jm POV Napatitig siya rito. "Pag sinabi ko sayo satin lang to" pabulong na sabi niya rito. Napatawa ito sa sinabi niya. "Bakit? Isa ka bang prinsipe?" Napakunot ang noo niya. "Wag na nga lang." sabi niya. "Joke lang. Ito naman hindi mabiro." "Ipangako mo muna na hindi mo sasabihin sa iba." pakiusap niya rito. "Sige, hindi ko ipagsasabi." sabi nito saka itinaas ang kanng kamay nito. Palatanda na nangangako ito. "Taga kabilang bayan nga ako. Malapit sa Juancho's ang bahay namin. May kakambal ako at may nakababata akong kapatid. At anak ako ng may ari ng Juancho's" pagpapakilala niya. Dahil sa sinabi niya ay mukhang nagulat ito sa sinabi niya. Ayaw na sana niyang sabihin ang tungkol sa mga magulang niya pero hindi niya alam kung bakit kampante siya na magkwento rito. "Diba nasabi mo na ipapakasal ka sa hindi mo mahal? Kaya ka ba lumipat?" seryosong tanong nito sa kanya. Tumango siya. "Hindi ko gusto ang arranged marriage kaya tumanggi ako. Kaya yun pinalayas ako ni Papa." sagot niya. "Sorry, ah." nahihiyang saad nito. "Para saan?" tanong niya rito. "Hindi na sana kita pinilit na magpakilala." "Okay lang yun. Basta Promise mo, ah, di mo ipagsasabi." tumango naman ito. Nang matapos na ang break nila ay nagpasya na si Jasmine na lumabas na. Hindi niya alam kung ubos na ba ang oras niya. Pero sumabay na siya rito na bumalik na sa trabaho. Dahil likod lang ng kusina ang crew room ay nakita nila si Henry sa kusina. Masama ang tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Matagal kaya siya? Wala kasi siyang relo at di niya rin dala ang cellphone niya. Sumabay na lang siya kay Jasmine. Jasmine POV Nang makalabas sila sa crew room ay nakita nila si Henry na masama ang tingin kay Jm. "Nakisabay lang siyang lumabas." sabi niya kay Henry. Sa hitsura nito ay makikita mo na nagseselos ito. Dahil wala pang nakakaalam kaya naman kailangan ay hindi sila gumawa ng dahilan para mahalata ng mga ito ang tungkol sa kanila. Pero kailangan din niyang magpaliwanag kay Henry dahil may karapatan din ito dahil boyfriend niya ito. Kahit wala pa naman siyang nararamdaman para dito. "Salamat sa pabaon." sahi niya saka niya ito binigyan ng matamis na ngiti. Nang makabalik siya sa tabi ni Carlo ay tahimik lang siya. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Jm sa kanya. May pagkakapareho pala sila pagdating sa pag ibig. Ayaw nila na pinipilit sa kanila ang isang taong hindi nila mahal. Kaya naman pumasok sa isip niya si Henry. "Bakit ko ba siya sinagot?" tanong niya sa isip niya. Tama ba ang ginawa niya? Tama ba na sinunod niya ang payo ni Carlo sa kanya? Pano kung hindi niya matutunan na mahalin ito? Paniguradong masasaktan ito. Dahil sa sinabi ni Jm ay nalilito na siya. Hindi na niya alam kung tama pa ba ang pinaggagagawa niya. Jm POV Mula nang makabalik siya sa trabaho ay hindi na nagsalita si Henry. Hindi niya alam kung may nagawa ba siya? Nagselos kaya ito sa kanya? Napaisip tuloy siya kung may namamagitan ba kina Henry at Jasmine. Wala naman nagsasabi sa kanya. Habang abala si Henry ay hindi niya mapigilan na mapasulyap kay Jasmine. Dahil tanaw mula sa kinaroroonan niya ang timplahan ng milk tea kung saan taga timpla si Jasmine. Sa tuwing susulyapan niya ito ay sinasakto niyang hindi nakatingin sa kanya si Henry. Baka kasi may namamagitan nga sa mga ito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya para kay Jasmine. Ngayon pa lang niya ito nakilala pero parang ang gaan na ng loob niya rito. "Gusto mo tulungan na kita?" tanong niya kaya Henry nang makita niyang medyo marami na siyang pending. "Manood ka na lang muna dyan." mariin na sabi nito sa kanya. Napapakamot na lang siya sa kanyang batok. Marami na siyang pending pero di man lang ito nagpapatulong kahit maghiwa man lang ng sibuyas. Kaya naman inabala na lang niya ang sarili niya na basahin ang mga procedure ng mga putahe nila doon. Dahil nakapaskil lang naman ito sa pader. Medyo marami rin ang putahe nila pero mas marami pa rin ang niluluto niya sa restaurant nila. Jasmine POV Nang makauwi siya ay nahiga muna siya sa kanyang kama. Dahil maaga pa at nagluluto pa lang ang Nanay niya. Hinagilap niya ang cellphone niya. Binuksan niya ang f*******: niya at nag search. Hinanap niya ang pangalan ni Jm s f*******:. Napahinto siya. "Ano bang ginagawa mo, Jasmine?" tanong niya sa isip niya. Binitawan niya ang cellphone niya at kinulong ang mukha niya ng kanyang mga palad. Kinuha niya mula ang cellphone niya at tuluyan na niyang hinanap ang f*******: ni Jm. Hindi niya mahanap ang f*******: nito. Kaya naman napanguso siya. Ibababa na sana niya muli ang cellphone niya nang bigla itong tumunog. Marong nag friend request sa kanya sa f*******:. Dahil Nakatalikod ang profile nito kaya naman hindi niya ito makilala. Migz Ignacio ang nakalagay na pangalan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala niya na Ignacioang apilyido ni Jm. Kaya naman walang pakundangan niya itong inaccept. Inisa isa niya ang mga picture nito sa f*******:. Mas gwapo pala ito pag nakapormal. Lalo na ag nakapolo ito. Sinampal niya ang sarili niyang pisngi dahil napagtanto niyang napapangiti na siya. "Jasmine, umayos ka." pabulong niya. Bakit ba kasi siya nagkakaganon. Kung kailan naman niya sinagot si Henry saka naman siya nagkainteresadong kilalanin si Jm. Naalala nanaman niya si Henry. Pano ni Henry kung hindi niya naman ito matututunang mahalin? Pano kung magkagusto siya sa iba? Jm POV Nang makauwi siya ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Jasmine sa f*******:. Dahil maaga pa naman kaya hindi muna siya nagluto para sa hapunan niya. Mag isa lang din naman niya. Dahil picture din ni Jasmine ang profile nito kaya agad niya itong nahanap. Jasmine Solidad ang pangalan nito sa f*******: kaya mag friend request na siya agad. At mabilis naman siyang in accept nito. Mag iiwan na sana siya ng message dito nang magring ang cellphone niya. Tumatawag ang nakababata niyang kapatid. "Hello, Sweetie." sabi niya sa kabilang linya. "Where are you." sabi nito sa kabilang linya. Sa tono ng boses nito ay mahahalata mo na umiiyak ito. "Why are you crying?" tanong niya rito imbes na sagutin ang tanong nito pero alam naman niya kung bakit siya umiiyak. Kung hindi lang dahil plano ng Papa niya ay walang mangyayareng ganito. "I want to be with you, Kuya." sabi naman nito na hindi sinasagot ang tanong niya. "It's temporary. Magkakasama rin tayo. Promise." saad niya para mabawasan naman ang hinanakit nito at para huminto na rin ito sa pag iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD