Jasmine POV
Dahil gulong gulo na siya at ayaw niyang masaktan si Henry ay iiwasan na lang niya si Jm. Hindi man sila gaanong nagkakasama ni Jm pero may minsan na nagkakasalubong sila kapag pupunta siya ng banyo. Dahil may daanan rin sa kusina papuntang banyo.
Siguro ay nakakaramdam din ito na umiiwas nga siya kaya hindi siya nito iniimikan.
"May problema ba?" tanong sa kanya ni Henry.
Magkasabay silang kumain at binaunan nanaman siya nito.
"Hindi mo ba nagustuhan yung pagkain?" muling tanong nito sa kanya.
Umiling siya. "Masarap siya." sabi niya. "Wala lang talaga akong ganang kumain."
"May masakit ba sayo?" tanong nito saka sinapo ang noo niya.
"Okay lang ako."
Hinawakan nito ang kamay niya. "Alam ko may kung ano sa isip mo. Sabihin mo sakin."
Tumingin siya sa mga mata nito. Hindi niya alam lung nababasa nito ang nasa isip niya pero sana hindi. "Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi." pagsisinungaling niya.
"Kaya naman pala, eh." sabi nito. "Wag mo akong masyadong isipin." pabiro nito.
"Baliw ka." natatawang sabi niya.
"I love you." sabi nito.
Napalingon siya sa may b****a ng crew room baka kasi may makarinig sa kanila. "Baka may makarinig." bulong niya rito.
"Sorry." sabi nito.
Hinawakan niya ang kamay nito. "Magiging okay rin tayo."
Nang matapos silang kumain ay bumalik na sila sa kani kanilang trabaho. Nang dumaan sila sa kusina ay nakita niya sa gilid ng mga mata niya na tumingin sa kanya si Jm pero hindi na niya ito nilingon.
Jm POV
"Kain ka na rin." sabi ni Kath sa kanya. Ito ang kasama ni Henry na taga luto. at dalawa sila ang nagtuturo sa kanya.
Nagpaalam muna siya kay Ericka bago siya bumili ng pagkain. Nang magpaalam siya ay sumabay sa kanya si Carlo dahil kakain na rin daw ito.
Nang makabili na sila ni Carlo ay nagtungo agad sila sa crew room.
"Kuya Jm, pwede magtanong?" bulong ni Carlo sa kanya habang kumakain sila.
"Ano yun?" sabi naman niya.
"Diba galing ka sa Juancho's? Wala bang hiring don?" sunod sunod na tanong nito.
"Bakit? Aalis ka ba rito?" balik tanong niya rito.
"Hindi ko nga rin alam, Kuya Jm, kasi yung kapatid ko wala ng pang tuition. Kaya kailangan ko sana ng dagdag kita. Alam ko malaki ang pasahod don." paliwanag nito.
"Nung umalis ako naghahanap sila ng dining. Di ko lang alam kung meron na." sabi niya rito. "Ako rin may itatanong sayo?"
"Ano yun, Kuya Jm?"
"Boyfriend ba ni Jasmine si Henry?" tanong niya rito.
"Hindi pa." sagot nito. "Nanliligaw pa lang si Kuya Henry kay Ate Jasmine."
"Akala ko boyfriend niya si Henry."
"May pag asa ka pa Kuya Jm." napatingin siya rito. "Ligawan mo siya."
Hanggang sa matapos silang kumain ay tinutukso pa rin siya nito n ligawan niya si Jasmine. Nagtatawanan pa sila nang makalabas sila ng crew room.
Jasmine POV
"Ang saya mo ata?" tanong niya kay Carlo nang makabalik siya ito sa timplahan. Nakangiti kasi ito.
"Binibiro ko kasi si Kuya Jm na ligawan ka." sabi nito.
Napaubo siya sa sinabi nito. "Baliw ka ba?" turan niya rito. "Baka makarating yan kay Henry magalit yun sayo." sabi niya. Kahit sa isip niya ay gusto niyang malaman kung gusto ba siyang ligawan ni Jm.
"Eh, di may the best man win." tanging bulas nito.
Magsasalita pa sana siya nang may dumating na costumer. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng tuwa sa sinabi ni Carlo. Pero hindi niya maiwasan na isipin si Henry.
Dahil hindi alam ng mga kasama niya ang tungkol sa kanila ni Henry ay baka totohanin nga ni Jm ang sinabi ni Carlo. Pano si Henry pag nangyare yun?
Napalingon siya nang may lumabas ng kusina. Nakita niyang lumabas si Henry. Hindi siya nito nilingon at nagpatuloy lumabas ng shop.
Hindi nagtagal ay sumunod na lumabas sa kusina si Kath. Iniwan niya si Carlo sa timplahan at nilpitan si Kath.
"Anong nangyare" tanong niya rito.
"May tumawag sa kanya. Dinala raw sa hospital yung Mama niya." sagot ni Kath.
"Pano yan? Marami pa naman tayong costumer ngayon?" bulas naman ni Ericka.
Si Henry pa naman ang pag asa nila pag sabado at linggo. Dahil mara marami ngang kumakain sa kanila pag weekends.
"Si Jm?" tanong niya ulit kay Kath.
Bumalik sila sa ktichen. Dahil may iniwan si Henry na niluluto ay nakita nilang tinutuloy ito ni Jm. Habang nagluluto ito ay binabasa nito ang procedure nito. May mga pending pa sila pero pinagsabay sabay nitong lutuin iyon. Maging si Kath ay namangha sa ginagawa ni Jm.
Sa tagal ba naman kasi nila Kath at Henry ay ito lang ang nakagawa ng mga orders na sabay sabay na natapos.
Jm POV
Naghihiwa siya ng sibuyas nang biglang tumunog ang cellphone ni Henry. Nung una ay hindi nito pinansin pero nung sumunod na tumunog ito ay sinagot na niya ito.
Kahit parehas si ni Kath na may ginagawa ay sabay silang nagkatinginan nang sabihin ni Henry na dinala sa hospital ang Mama nito. Agad itong lumabas ng kusina.
Sumunod si Kath na lumabas. Habang siya ay naiwan. Dahil may mga pendings pa sila ay hindi na siya sumunod at nagpasyang ituloy ang iniwan ni Henry.
tinanggal niya ang papel sa pader saka nilagay sa tabi niya para mabasa niya kung paano lutuin ang mga iyon. Dahil magkaiba ang mga procedure nito sa kanilang restaurant kaya nangangapa pa lang siya at unang araw pa lang niyang nag actual.
Halos pinagsabay sabay niyang gawin ang mga iyon. Dahil may mga oras din ang mga ito kaya hindi pwede basta basta na lang niya ito gawin.
Sa dami ng pendings nila ay natapos niya lahat yun ng sabay sabay. Napangiti siya sa nagawa niya.
Napalingon siya sa b****a ng kusina. Nawala ang pagkakangiti niya nang makita niya sila Kath at Jasmine.
Hindi pa rin ito kampante sa ginawa niya. kaya naman binantayan ng mga ito ang mga kumakain sa niluto niya.
Dahil sa ginawa niya ay pinaalis siya ni Kath sa kusina. Masyado raw siyang pakealamera. Kaya naman kinuha na niya ang mga gamit niya at nagpasya na lang na umalis ng shop.
"Tumulong lang naman ako, ah." sambit niya nang makalabas siya ng shop.
Napapailing at napapabuntong hininga na lang siya habang naglalakad pauwi.
Jasmine POV
"Miss." tawag ng isang costumer sa kanya.
Umihi si Ericka kaya siya muna ang tumao sa kaha. "Yes po, Ma'am?" turan niya rito.
"Sino ang nagluto ng order namin?" tanong nito sa kanya.
Lumapit si Carlo sa kanya. Sakto naman na pagbalik ni Ericka. "Bakit po, Ma'am? Hindi po ba masarap? Papalitan na lang po namin." sabi ni Ericka.
"No! No!" sabi nito. "Ilang beses na kasi akong kumain dito. But it taste much better. Ito yung lasang hinahanap ko. Kaya tinatanong ko kung sino ang nagluto."
Nagkatinginan silang tatlo. Napakamot ng ulo si Ericka. "Ma'am, kakaalis lang po kasi niya." paliwanag nito.
"Sayang naman." panghihinayang nito. "Yung lasa kasi niya, eh, kasing lasa ng sa Juancho's. Pamilyar ba kayo sa restaurant na yun?' tumango silang tatlo. "Dito na lang ako lagi kakain. Malayo kasi sa kabilang bayan." pagkasabi nito ay bumalik na ito sa mesa na kinakainan nito.
"Narinig niyo yun?" tanong ni Ericka samin ni Carlo.
"Nagkamli tayo" saad niya.
Pinuntahan ni Ericka si Kath para sabihin ang komento nga isa sa costumer nila.
"Hindi kasi kayo nagtiwala sa kanya." sabi ni Carlo nang makaalis si Ericka. "Galing siya sa Juancho's kaya alam niya kung anong ginagawa niya. Pwedeng magkaiba ang pagluluto dito tsaka doon. Pero nasa chef pa rin kasi yun." pagtatanggol nito kay Jm.
Tama si Carlo. Maling mali sila sa ginawa nila kay Jm.
Nang bumalik si Ericka ay nagtanong ito sa kanila ni Carlo kung may contact ba sila kay Jm. Pero kahit friend sila sa f*******: ay sinabi niyang wala siyang contact dito.
"Alam ko bahay nila." sabi ni Carlo.
Alam agad nito ang bahay ni Jm? Ganon na ba sila kalapit sa isat isa? Kahit ilang araw pa lang silang magkakilala.
"Pasuyo naman ako, Carlo. Pabalikin mo siya rito.
.
Agad na umalis ai Carlo para puntahan si Jm para pakiusapan na bumalik at para makahingi sila ng pasensya sa nagawa nila.
Jm POV
Nang makapasok siya sa gate ay napatingin siya sa kotse niya. Napangiti siya nang maisipan niya itong linisan na lang. Dahil wala namn siyang gagawin.
Nagbihis muna siya ng pambahay para mas komportable siya. Jersey short lang at sando ang suot niya. Sinalpak niya ang bluetooth earbuds niya sa kanyang tenga saka inumpisahan na ang paglilinis sa kotse niya.
Napapasayaw siya habang naglilinis dahilan para mapatingin ang mga taong dumadaan sa harap ng bahay niya. Dahil malapit lang sa kaldasa ang bahay niya. Pero wala siyang pakialam dahil inabala niya ang sarili sa paglilinis at aliw na aliw sa musika na kanyang naririnig.
Nang matapos siyang maglinis ay naupo muna siya sa isang hallowblock na nasa gilid ng bahay niya. Dahil wala pa naman siyang nabibiling upuan.
Dinampot niya ang kanyang cellphone. Dahil wala na ulit siyang trabaho kaya naghanap na lang muna siya sa online habang nagpapahinga siya.
Nang wala siyang makita ay nagpsaya na lang siya na pumasok na sa bahay. Nasa bungad pa lang siya ng pinto nang may tumawag sa kanya mula sa gate.
Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Carlo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito nang malapitan niya ito.
Pinagbukaan niya ito ng gate."Pinababalik ka sa shop Kuya Jm." sabi nito.
"Bakit daw?" tanong niya muli rito.
"Nagustuhan ng mga costumer yung luto mo, Kuya." sagot nito.
Nakapambahay na ako, eh. Tsaka malapit na yung oras ng uwi ko kaya hindi na ako makakabalik."
"Bukas ba, Kuya, makakapasok ka?"
"Sige." sabi niya.
Napangiti ito. "Sabi mo yan, Kuya, ah." pagkasabi nito ay nagpaalam na rin ito para bumalik sa shop.
Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito kung saan siya nakatira dahil nabanggit niya rito kung san siya banda umuuwi.
Nang makaalis ito ay pumasok na rin siya sa bahay niya.
Jasmine POV
Pagbalik ni Carlo ay bakas sa mukha nito ang saya.
"Para kang nanalo sa lotto, ah." pabiro niya rito.
"Pumayag na si Kuya Jm." sabi nito.
"Eh, nasan siya?" tanong naman ni Ericka kay Carlo.
"Bukas na lang daw siya papasok."
Sa sinabi ni Carlo ay nakampante siya. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng lungkot nang umalis si Jm sa shop. Ang buong akala niya ay hindi na ito babalik.
Pagkalabas ng shop ay nagpasya muna siyang puntahan sila Henry sa hospital. Pero laking gulat niya nang malamn niyang nakauwi na pala ang mga ito.
Kaya naman nag message siya agad kay Henry.
"Galing ako ng hospital. Sabi ng Nurse nakauwi na raw kayo. Kamusta ang Mama mo, Babe?" sabi niya sa message.
Dahil wala na rin naman siyang pupuntahan ay nagpsaya na siyang umuwi na.
Pagkauwi niya ay nadatnan niyang kumakain na ang pamilya niya. Kaya naman sumabay na siya sa mga ito.
Nang matapos silang kumain ay naligo na siya at saka pumasok na siya sa kwarto niya.
Nang makahiga siya ay dinampot niya ang cellphone niya para imessage si Jm.
"Sorry kanina. Hindi man lang kita napagtanggol."
Agad naman itong nagreply.
"Okay lang yun. Wala kang kasalanan." sabi nito sa message.
"Papasok ka raw bukas sabi ni Carlo?"
"Oo naman."
"Ang galing mo kanina. Ngayon lang ako nakakita ng kasing bilis mo magluto."
"Ganon kasi lagi karami ang niluluto ko sa Juancho's."
"Kaya pala."
"Magpahinga ka na."
"Oo salamat. Ikaw rin, magpahinga ka na rin."
"Salamat. Good night, Jasmine."
"Good night, Jm."
Hindi na ito nagreply.
Hindi niya alam kung bakit pero parang nakaramdam siya ng kung ano sa sikmura niya. Parang may mga paru parong nagliliparan sa loob ng katawan niya.
Natigilan siya nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Anak, Nanay mo to." sigaw ng nasa labas ng kwarto niya.
"Pasok po, Nay." sigaw naman niya rito.
Pagkapasok ng Nanay niya ay umupo siya sa gilid ng kama niya. "May pinapaabot si Henry sayo." sabi nito saka inabot sa kanya ang isang papel. Pagkaabot niya ay lumabas na rin ito ng kwarto niya.
"Sorry, Babe. Hindi ko na nasabi pa sayo. Biglaan kasi. Kailangan namin dalhin si Mama sa Manila. Yun kasi ang sabi ng Doctor kanina kaya umuwi na kami. Ayokong mag alala ka. I love you, Babe." ang nakasulat sa papel.
Nalungkot siya sa sulat ni Henry. Wala man lang siyang natulong para sa Mama nito. Ibig sabihin ay hindi ito makakapasok bukas.