Chapter 11

2008 Words
Jasmine POV "Good morning!" bati ni Kath sa kanya. Nasa timplahan na siya sa mga oras na yun at kararating lang ni Kath. Hindi niya alam kung maaga ba siya pumasok o late lang talaga ang mga kasama nila. "Good morning!" bati rin niya rito. Maya maya pa ay dumating na isa isa ang mga kasama nila maliban kay Jm. Mukhang hindi na ito papaaok. Tatanungin sana niya si Carlo kung totoong papasok nga si Jm kaso naka day off ito. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader sa tapat ng kaha. 9 am pa naman ang talagang pagbubukas nila. kaya may ilang minuto pa para makahabol si Jm. Kung talagang papasok ito. "Papasok kaya si Jm?" tanong ni Kath sa kanila. "Linggo pa man din ngayon. Panigurado dadagsain tayo niyan. Wala pa Henry." turan nito. Oo nga pala. Hindi pala makakapasok si Henry. Hindi pa pala niya ito na message. "Sakto." turan ni Ericka habang nakatingin sa may bungad ng shop. "Andito na si Jm." sabi nito. Napatingin sila ni Kath sa harap. "Sorry, Guys, nalate ako ng gising." bungad ni Jm. "By the way, good morning." bati nito sa kanila. "Sorry kahapon." sabi ni Kath. "Wala yun." sabi ni Jm. "Mali ko rin kasi nakialam ako." "Thank you rin kasi pumasok ka." sabi naman ni Ericka. "Hindi na nga sana eh." sabi ni Jm na ikinabigla nilang lahat. "Hindi ko alam kung tatanggapin niyo pa ako pag sinabi ko kung sino talaga ako." "Wala kaming pakialam kung sino ka. Ang mahalaga pumasok ka." sabi ni Kath. "Tara sama ka sakin. Mamamalengke tayo." Napangiti siya nang timingin si Jm sa kanya. Hindi niya alam pero masaya siya na bumalik si Jm. Jm POV "Ganito ang gawain ng kitchen." turan ni Kath habang naglalakad sila papuntang palengke. Dahil malapit lang naman ang palengke kaya nilakad na lang nito. "Kung dalawa kayo sa kitchen, mag usap kayo kung sino ang mamamalengke. Pero kung mag isa ka lang ikaw talaga ang pupunta." sabi nito. "Wala si Henry. Baka ilang araw siyang wala kasi yung Mama niya dinala sa Manila." Bigla siyang nalungkot sa sinabi nito. Bigla niyang naalala ang is sa dati niyang staff sa restaurant nila. Napauwi rin ito sa probinsya nila dahil sa Tatay nito. Nang nasa palengke na sila ay tinuruan siya ni Kath kung paano makakatawad sa mga binibilhan ng mga ito. Sa kanila kasi kung ano ang presyo ng bibilhin nila ay yun na ang kukunin nila. Hindi rin sila namamalengke kung saan saan. Nang natapos silang mamalengke ay bumlik na sila sa shop. Pagdating nila sa shop ay may naghihintay ng order para sa kanila. Hinayaan lang siya ni Kath na magluto. "Ang bilis mo magluto." sabi ni Kath nang matapos siya magluto. Mabilis kasi niyang natapos ang order pero hindi kulang sa luto. "Nasanay lang siguro." sabi niya. "Mas marami kasing niluluto sa Juancho's kesa dito." "Ilang taon ka ba don?" tanong nito habang naghihiwa ng sibuyas. "6." sagot naman niya habang naghuhugas ng mga gulay. "Mas matagal pa ako dito kesa sayo." sabi nito. "Mag 9 years na ako dito sa shop na to." "Totoo?" di pakapaniwalanb tanong niya rito. "Oo." sagot nito. "Ilang taon ka na ba?" muling tanong nito. "26." sagot niya. "Anak ng teteng. Mas matanda ka pala samin." natatawang sabi nito. "Ilang taon ka na ba?" tanong niya rito. "24 pa lang ako. Ako din ang pinakamatanda samin dito. Sumunod si Henry, si Jasmine, si Alex at Mico, tapos si Ericka, si Carlo at Buboy. Bunso namin si Danica." mahabang paliwanag nito. "Nag aral din kasi ako na magluto sa America ng dalawang taon." sabi niya. Hindi ito makapaniwala sa mga sinabi niya. Jasmin POV "Guys, may bago na tayong panganay." bulas ni Kath nang biglang lumabas ito sa kusina. "Si Kuya Jm. 26 na pala siya." natatawang sabi nito. Hindi sila makpaniwala sa sinabi nito. Hindi pa rin kasi sinabi sa kanya ni Jm nung nagkwekwentuhan sila kung ilang taon na ito. Kung titingnan kasi ay parang kasing edad niya lang ito pero mas matanda pala ito ng tatlong taon sa kanya. "Ikaw na ngayon ang panganay ng pamilyang to." natatawang sabi naman ni Mico nang lumabas din ng kusina si Jm. Si Mico ang kapalit ni Carlo pag nakaday off ito. Pero sa dining talaga si Mico. Isang beses lang din kasi s isang linggo sila mag day off kaya isang beses lang din ito mag barista. Nagkatitigan silang dalawa ni Jm na siya namang naging dahilan ng paghiyawan ng mga kasama nila. "Ayiee." sabay sabau na turan ng mga ito. "May bagong love team." pabiro ni Buboy. "Mukhang may kalaban na si Henry." sabi naman ni Kath. "Walang laban na mangyayare." sabi niya. "Bakit? Huminto na ba si Kuya Henry? Hindi na siya nanliligaw sayo, Ate?" sunod sunod na tanong naman ni Danica sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong nito. Hindi niya masabi sa mga ito na boyfriend na niya si Henry. "Ang ibig kong sabihin, eh, hindi naman ako liligawan ni Kuya Jm." sabi niya na may diin ang salitang kuya. "Diba?" tanong niya kay Jm. Tumango naman ito. Wala nang nakaimik nang may pumasok na costumer. Jm POV Hindi niya alam kung bakit pero nasaktan siya sa sinabi ni Jasmine kanina. "Hindi naman ako liligawan ni Kuya Jm." paulit ulit niya itong naririnig sa isip niya. Bakit hindi niya ito liligawan? Dahil ba mas matanda siya ng tatlong taon dito? O dahil nanliligaw na si Henry kay Jasmine? Dahil ang daming tanong sa isip niya ay hindi siya makapag focus sa ginagawa niya. Hanggang sa mahiwa niya ang isang daliri niya habang naghihiwa ng mga gulay. "Ouch!" bulas niya. Agad n lumapit sa kanya si Kath. "Anong nangyare?" tanong nito. "Nasugatan ako." sagot niya. Kumuha nito ang kamay niya saka nilagay sa lababo. Binuksan nito ang gripo at hinigasan ang kamay niya. Kumuha ito ng maraming tissue saka ibinalot sa nasugatan niyang daliri. Lumabas ito saglit. Pagbalik niya ay may dala na itong band aid. Dahil wala pa naman ipinapasok na order kaya nagagagawa pa rin siya nitong asikasuhin. "Kaya mo pa bang magluto?" tanong nito nang matapos nitong lagyan ng band aid ang daliri niya. "Maliit lang naman to." sabi niya. "Akala ko hindi na nasusugat ang mga Master Chef." natatawang sabi nito. "Hindi naman ako Master." sabi niya. "Tsaka-" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto ng kusina. Bumungad doon si Jasmine. "Anong nangyare?" tanong nito. "Concern?" pabiro ni Kath dito. "Nagtatanong lang." sagot nito na agad ding lumabas ng kusina. May konting saya sa puso niya ang sinabi ni Jasmine. Hindi man nito sinabing nag aalala ito sa nangyare sa kanya ay pakiramdam niya ay nag alala nga ito. Jasmine POV "Kainis naman." sabi niya sa isip niya. "Nagtatanong lang naman ako ah." Nang malaman kasi niya na nasugatan si Jm ay gusto niya itong puntahan kaya lang ay may tinitimpla sila kaya hindi agad niya napuntahan si Jm. Maya maya ay tumunog na ang tyan niya kaya naman tiningnan niya ang oras. 11:45 na pala. Sa dami ng tininpla nila ay hindi na niya namamalayan ang oras. Tinanong niya si Mico kung kakain na ba ito pero hindi pa raw iyo gutom kaya nagpaalam siya rito na kakain na siya. Nagpaalam na rin siya kay Ericka. Dahil wala siyang baon ay bumili muna siya sa labas ng makakain. Akmang bubuksan na sana niya ang pintuan ng kusina ay siya naman pagbukas nito. Bumungad si Jm sa b****a ng pintuan. Nagpagilid siya para makalabas ito. At nang makalabas ito ay siya naman pagpasok niya sa kusina. Dahil gutom na siya ay kumain na siya kaagad agkapasok niya ng crew room. Nakakalahati na niya ang pagkain niya nang dumating si Jm sa crew room. Umupo na ito sa harap niya. Medyo hirap itong tanggalin ang pagkakatali sa plastic na binili nito dahil sa sugat nito sa daliri kaya naman tinulungan na niya ito. "Thank you." sabi nito. "Ano bang nangyare?" tanong niya rito habang nagsusubo. "Dumaplis lang yung kutsilyo." sagot nito. "Masakit pa ba?" muli niyang tanong. "Hindi na gaano." "Mag ingat ka na sa susunod." payo niya. "Bakit ayaw mong ligawan kita?"tanong nito sa kanya. Napatigil siya sa tanong nito. "A-anong ibig mong sabihin?" nauutal niyang tanong dito. "Sabi mo kanina." "Alin don?" "Yung hindi kita liligawan" "Wag mong seryosohin yung biro nila." sabi niya. Pinilipit niyang maging kalmado s mg oras na yun kahit may kaba na siyang nararamdaman. Sa hindi niya malaman kung bakit siya nakakaramdam ng kaba. Tinitigan siya nito. Dahil sa ginawa nito ay para siyang naging bato na hindi makagalaw. Hindi niya alam kung bakit dahil hindi naman siya naging ganito kay Henry. "Pano kung tototohanin ko?" saad nito. Lalo siyang hindi nakagalaw sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya? Gusto nitong totohanin ang panunukso ng mga kasama nila? "M-mag b-banyo lang ako." sabi niya. Agad siyang tumayo at nagtungo sa banyo. Pagkapasok niya sa banyo ay kinapa niya ang dibdib niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Habol na rin niya ang hininga niya. "Ano bang nangyayare sayo, Jasmine?" pabulong niyang sabi sa kanyang sarili. "Umayos ka nga. Para kang baliw." dagdag niya. "May boyfriend ka na, Jasmine." sabi niya sa isip niya. "Pero hindi mo naman mahal." sabi naman ng kabilang isip niya. kung iisip nga lang naman talaga ay para na siyang nababaliw. Kinulong ng kanyang palad ang mukha niya. Pakiramdam niya ay namunula ang mga pisngi niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganon. Parang may mga paru paru sa sikmura niya. Naghilamos siya ng mukha. Nagbabakasakali na mawawala ang pakiramdam. niyang namumula ang kanyang mukha. Pagkatapos ay pinunasan niya ito gamit ang tissue na nakasabit sa pader ng banyo. Pinaypayan muna niya ang kanyang sarili gamit ang dalawang kamay niya saka huminga ng malalim bago lumabas ng banyo. Jm POV Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para bigkasin ang mga salitang sinabi niya kay Jasmine. Bakit ba kasi sinabi niya ng mga iyon. "Ang tanga mo kasi, Jm." sabi niya sa kanyang sarili. Nangangalahati na siya sa kanyang pagkain nang bumalik si Jasmine. "Sorry." sabi niya rito. "Para saan?" tanong nito. "Sa mga sinabi ko kanina. Alam ko nanliligaw na sayo si Henry." sabi niya. "Ayoko naman na magalit sakin yung tao." "Okay lang." sabi nito na agad umupo at nagpatuloy sa pagkain nito. Habang kumakain sila ay sinusulyapan niya ito. May panginginig sa mga kamay nito. Na parang natataranta na hindi mo mawari. "Okay ka lang ba?" tanong niya rito. "A-ah, Oo." nauutal sa sagot nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Natanggal ang panginginig ng kamay nito nang hawakan niya ang kamay nito. Napatitig si Jasmine sa kamay niya na nakahawak sa kamay nito saka nag angat ng tingin sa kanya. Nagkatitigan sila. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay nakaramdam siya ng parang nagliliparang paru paru sa kanyang sikmura. Bigla niyang tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Dahil sa nangyare ay nanatili silang tahimik. Nagkunwari siyang matutulog para hindi nito mahalata na naiilang siya. Yumuko siya para di nito makita ang mukha niya. Hindi niya alam kung ano ang ekspresyon ng mukha nito sa mga oras na iyon. Ang tanging sigurado lang siya ay nahihiya na siya rito. Hanggang sa matapos ang break nila ay wala silang imikan. Maging sa oras ng trabaho ay haloa hindi sila nagpapansinan. Dahil sabay sila ng oras ng uwi ay magkasunod silang lumabas ng shop. Dahil iisa ang tatahakin nilang daan ay sinusundan niya lang ito habang naglalakad. Sa may sakayan ang punta ni Jasmine samantalang malapit naman sa may sakayan ang bahay niya. Dahil wala pang tricycle sa may sakayan ay iniwan na niya ito sa may paradahan ng tricycle at nagpatuloy hanggang marating niya ang gate ng kanyang bahay. Napasulyap siya kay Jasmine nang isasara na niya ang gate. Sakto naman na may dumating na tricycle kaya agad itong sumakay. Nang makaalis ang sinasakyan ni Jasmine ay pumasok na rin siya sa loob ng kanyang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD