Chapter 12

2018 Words
Jasmine POV Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone. Pagbukas niya rito ay nakita niya ang message ni Henry. "Good morning, Babe." sabi ni Henry. "Good morning din, Babe." reply niya. Hindi pa pala niya ito nakakamusta kahapon. Dahil kay Jm ay nakalimutan niyang imessage si Henry. "Kamusta kayo ni Tita dyan?" tanong niya rito. "Okay naman kami. Kaya lang baka matagalan pa kami dito." sabi nito. "Ano ba kasing nangyare kay Tita." "May Cancer si Mama." sabi nito na bahagyang lumungkot ang boses. "Hindi niya sinabi samin kasi ayaw niya raw na mag alala kami." paliwanag nito. "Kailan kayo uuwi?" "Di ko pa nga alam. Pero nagsabi na ako kay Sir na hindi muna ako makakauwi." "Mag iingat kayo dyan ni Tita. Magsabi ka lang pag may kailangan kayo." "Oo salamat." sabi nito. "I love you." Hindi niya alam kung rereplyan ba niya ang huling message nito. Nung unang beses na nag I love you ito ay nireplyan niya. Pero ngayon ay parang hirap siyang replyan ito. Ilalapag na sana niya ang kanyang cellphone nang muli itong tumunog. Nang tingnan niya ay namessage si Jm sa group chat nila sa trabaho. "Good morning, Sir. Hindi po ako makakapasok ngayon. Hindi po maganda ang pakiramdam ko. Thank you." sabi nito sa message. Hindi rin ito makakapasok. Jm POV Sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam ay hindi niya magawang tumayo dahil nahihilo siya. Gutom na siya pero hindi niya kayang bumangon para magluto. Ni hindi niya magawang kumuha ng gamot. Maganda naman ang pakiramdam niya kahapon kaya bakit bigla siyang nilagnat? Wala naman siyang electric fan pero pakiramdam niya ay may nakatutok na electric fan sa kanya. Mabuti na lang at makapal ang kumot na nabili niya. Yun nga lang ay foam lang ang tanging hinihigaan niya. Dahil sobrang hilo niya ay pinilit niyang matulog. Baka sakali na paggising niya ay okay na ang pakiramdam niya. Naalimpungatan siya nang may marinig siyang sumisigaw sa labas ng bahay niya. Dahil nakatulog siya ay medyo naging okay ang pakiramdam niya. Pero nanlalamig pa rin siya kaya naman kumuha siya ng jacket para isuot ito bago siya lumabas ng bahas niya. Dahil tanaw niya ang labas ng gate niya sa bungad ng pinto ng bahay niya ay nakita niya si Jasmine. May dala dala itong plastic. Agad niya itong pinagbuksan ng gate. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito nang mabuksan niya ang gate. "Nasabi mo sakin na pinalayas ka sa inyo diba?" tanong nito at tumango naman siya. "Malapit lang naman ang bahay mo kaya dinalhan na kita ng pagkain." "May trabaho ka diba?" tanong niya rito. "Nakabreak ako." sagot nito. "May balak ka bang papasukin ako?" natatawang tanong niya rito. Dahil sa sinabi nito ay inaya na niya ito sa loob ng bahay niya. Jasmine POV Nang malaman niyang masama ang pakiramdam ni Jm ay medyo nag alala siya. Gusto niya itong puntahan kaso may trabaho pa siya kaya naman gagamitin na lang niya ang break niya para puntahan ito. Dahil ayaw niyang malaman ng mga ito na pupuntahan niya si Jm kaya ang paalam niya ay gagamitin niya ang break niya dahil may pinapapuntahan ang mga magulang niya. At dahil nakita niya rin kahapon kung saan ito umuwi ay alam na niya ang bahay nito. Halos tapat lang ng sakayan nila ng tricycle ang bahay nito kaya nilakad na lang niya ito. Nang makarating siya sa labas ng gate ng bahay nito ay pasigaw niyang tinawag ang pangalan ni Jm. Naka ilang tawag pa siya rito bago ito lumabas. Nakajacket ito pero naka jersey short lang naman ito. Nang makalapit ito sa kanya at pinagbuksan siya ng gate ay nakita niya ang mata nito na matamlay. Halata mo dito na may sakit nga ito. Nang makapasok sila sa bahay nito ay inilibot muna niya ang kanyang paningin. Nakita niyang walang masyadong gamit ito. "Kukuha lang ako ng mga pinggan." sabi nito. "Samahan na kita." sabi niya saka sila nagpunta sa kusina nito. Wala rin gaanong gamit ito sa kusina. "Pasensya na wala pa kasi akong gamit." sabi nito habang hawak ang mga pinggan. "Okay lang." sabi niya. Dahil wala pa itong mesa at upuan kaya naman sa lapag na sila ng sala kumain. Jm POV Dahil wala pa siyang gaanong gamit sa bahay ay sa lapag ng sala na lang sila kumain. "Alam ba nila na pinuntahan mo ako?" tanong niya rito habang kumakain sila. "Hindi ko sinabi." sagot nito. "Sinabi mo na ba sa kanila?" "Ang alin?" balik tanong niya rito. "Na sa inyo yung Juancho's." turan nito. "Hindi pa. Ikaw pa lang nasasabihan ko." sabi niya rito. "Kamusta naman pakiramdam mo?" "Medyo okay naman na ako." Hindi niya alam kung bakit pero masaya siya na pinuntahan siya nito. Pinagkaabalahan pa siya nitong bilhan ng pagkain. "Hindi ba magagalit si Henry pag nalaman niyang pinuntahan mo ako?" tanong niya rito. Kahit alam niyang nililigawan ni Henry si Jasmine ay gusto pa rin niya malaman kung ano ang magiging reaction nito. "Hindi naman niya malalaman." sagot nito. "Maliban na lang kung sasabihin mo." "Gusto kita." sabi niya na ikinagulat nito. Maging siya ay nagulat rin sa nasabi niya. Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon. "A-anong sabi mo?" nauutal na tanong nito. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa tanong nito. "Ang tanga mo kasi, Jm." sabi niya sa isip niya. Hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya tapos sasabihin niya yun kay Jasmine. Jasmine POV Totoo ba yung narinig niya? Gusto siya nito? Bigla siyang nakaramdam ng tuwa sa puso niya nang marinig niya ang mga salitang binitawan ni Jm "Gusto mo ako?" tanong niya rito. "Mali." sagot nito. "Nanliligaw na sayo si Henry kaya hindi na dapat ako magkagusto sayo." sabi nito. Napamaang siya sa sinabi nito. Ang alam nito nanliligaw pa lang si Henry sa kanya. Pano na lang pag nalaman nitong boyfriend na niya ito? "Liligawan-" hind na nito naituloy ang sasabithin nito nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone niya. Buti na lang at nag alarm siya 15 minutes bago matapos ang break niya. Kaya naman nagpaalam na siya rito na babalik na sa trabaho. Inihatid pa siya nito sa b****a ng gate. Habang naglalakad siya pabalik sa shop ay paulit ulit niyang naririnig ang salitang binitawan ni Jm kanina. "Gusto kita." Dahil malapit lang naman ang bahay ni Jm kaya naman wala pang limang minuto ay nakarating na siya sa shop. Nang makapasok siya sa shop ay para siyang nawawala sa sarili dahil parang wala siyang makitang tao. Ang tanging alam niya lang ay ang papuntang timplahan. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Jm. At dahil dito ay mas lalo siyang naguluhan. Pano na si Henry? Jm POV Habang papalayo si Jasmine sa bahay niya ay sinusundan niya pang ito ng tingin. Hanggang sa hindi na niya ito makita. Pumasok na siya sa bahay niya. Napatingin siya sa mga pagkain nila sa lapag sa sala. Dahil kinulang sa oras ay hindi man lang naubos ni Jasmine ang pagkain nito. Habang nagliligpit siya ay sumagi sa isip niya ang mukha ni Jasmine nang sabihin niyang gusto niya ito. Hindi niya alam kung narinig ba talaga nito ang sinabi niya kaya ito nagulat o nabigla ito sa sinabi at hindi nito inaasahan na magkakagusto siya rito. Mas lalo atang sumama ang pakiramdam niya dahil sa nangyare. Nakaramdam tuloy siya ng pagkahiya kay Jasmine. Nang mailigpit niya ang kanilang pinagkainan ay agad siyang uminom ng gamot na dala ni Jasmine saka siya nagtungo sa kanyang kwarto. "Do you really love her, Jm?" tanong niya sa sarili niya habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya. "Or it's just infatuation?" muli niyang tanong. Bahagya niyang ginulo ang buhok niya. Dahil sa nangyare ay hirap siyang makatulog. Jasmine POV Nang matapos ang trabaho niya ay agad siyang lumabas ng shop. Kanina habang nasa trabaho siya ay parang wala siya sa sarili. Tinanong na rin siya ng lahat ng kasama niya kung ano ang nangyare sa pinuntahan niya at bakit ganon na siya pagbalik. Nasa paradahan na siya ng tricycle nang mapasulyap siya sa bahay ni Jm. Naalala nanamn niya na wala itong kasama sa bahay. Nagdadalawang isip siya kung pupuntahan ba niya ito ulit o uuwi na lang siya. Qt dahil wala pa naman kahit isang tricycle kaya nagpasya na lang siyang puntahan ito. Nang makarating siya sa harap ng bahay nito ay pasigaw niyang tinawag ang pangalan nito. Nakailang ulit siya sa pagsigaw pero wala pa rin sumasagot. Akmang aalis na siya nang makita niyang papalapit na sa kanya si Jm. May dala dala itong plastic. Sa tingin niya ay namalengke ito dahil may mga gulay ang dala nitong plastic. Parang nag slow motion ang lahat nang magkatinginan silang dalawa. Mas gwapo ito ngayon sa suot na t-shirt at maong short. Ito ang kauna unang pagkakataon na nangyare sa kanya yon. Yung pag slow motion sa galaw ng isang tao. Mukhang in love na ata siya rito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya nang makalapit ito sa kanya. "Ichecheck ko lang sana kung may pagkain ka na." pagsisinungaling niya. "Mukhang okay ka naman na kaya aalis na ako." sabi niya. Jm POV Dahil hindi siya makatulog ay nagpasya na lang siyang mamalengke. Kahit hindi pa siya magaling ay kailangan niyang bumili ng makakain sa labas. Lutong ulam na sana ang bibilhin niya nang makita niyang mqy natitinda pa ng isda. Sa ganong oras ay bibihira na ang nagtitinda ng isda. Sariwa pa ang isda kaya ito na lang ang binili niya. Isisigang na lang niya ito. Sakto para mainitan qng sikmura niya. Kaya bumili na lang siya ng ibq pang sangkap nito bago umuwi. Nang malapit na siya sa bahay niya ay natanaw niya ang isang babae sa harap ng bahay niya. Nang lumingon ito sa kanya ay nabigla siya dahil si Jasmine ang babae sa harap ng bahay niya at biglang nag slow motion ang buong paligid niya. Pagkalapit niya rito ay tinanong niya kaagad kung anong ginagawa nito roon. At ang sabi niyo at gusto lang naman daw siyang icheck kung okay na siya. "Dito ka na kumain." sabi niya rito nang akmang hahakbang na ito palayo. "Hindi na. Uuwi na ako." sabi nito. "I insist." sabi niya. Ihahatid na lang kita mamaya." mabuti na lang at pumayag ito. Nang pumayag ito ay agad silang pumasok sa bahay niya. Iniwan niya ito sa sala at agad niyang tinungo ang kusina para makapagluto na. Jasmine POV Nang iwanan siya ni Jm sa sala ay agad siyang nag iwan ng message sa kapatid niya. "Malalate ako ng uwi." sabi niya sa message. Hindi na niya sinabi rito ang totoo. Baka makarating pa kay Henry. Hindi nga niya alam kung bakit siya pumayag sa alok nitong don na siya kumain sa bahay nito. Habang nakaupo siya sa lapag ay biglang pumasok sa isip niya ang biglang pag slow motion nito kanina. Anong ibig sabihin non? Sa mga napapanood niya kasi ay in love ang isang tao pag nag slow motion ang galaw ng paligid. Ibig bang sabihin nun ay in love siya kay Jm? Napasulyap siya sa b****a ng kusina nang biglang lumabas doon ai Jm. At sa laking gulat niya ay nag slow motion nanaman ito habang papalapit ito sa kanya. Slow motion pa rin ang galaw nito habang inaayos ang mga pagkain sa lapag. Kahit gusto niya itong tulungan ay hindi niya magawa dahil titig na titig siya kay Jm. "Kain na." sabi nito na nagpawala sa slow motion sa paligid niya. Mabuti na lang at hindi na nag slow motion habang lumakain sila. Nahawakan ni Jm ang kamah niya habang sila ay nagliligpit nang pinagkainan nila. Nagkatitigan sila. Unti unting lumalapit ang mukha ni Jm sa mukha niya. Hanggang sa halos magdikit nq ang kanilang mga labi. Aatras sana siya para iwasan ang gusto nitong gawin pero hindi na niya nagawa nang magdikit na ang mga labi nila. Napapikit siya. Unang beses siyang makahalik ng isang lalake. Malambot at mainit ang labi nito. Ang sarap sa pakiramdam. Hanggang sa maalala niya si Henry. Napabalikwas siya nang maalala niyang may boyfriend siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD