Graduation Day with Flying Colors!
Nandito ako ngayon sa Sementeryo dinalaw ko si Lola kasi namimiss ko siya, bukas ang pinakahihitay kong araw lahat ng paghihirap ko ay aking napagtagumpayan with flying colors pa na pangarap namin ni Lola kaso hindi nya na naabutan.
"Lola, Gragraduate na ako,kaso ang daya mo la, iniwan mo ko agad pero okey lang la. Alam ko masaya kana dyan kung nasan ka man kasama mo na si Lolo at si Mama.
pakisabi Po sa kanila na hwag silang mag-alala kasi matapang na si Esang, hindi na sya iyakin at handa nang humarap magisa sa hamon ng buhay. Maraming salamat la, sa lahat lahat natupad ko ang pangarap ko na maka graduate. Isa sa pangarap natin la, konti nlng matutupad ko na ang ibang pangarap ko la, sana la, pakisabi naman kay Lord na ibigay nya na ung isang wish ko, yung makita si papa. Sige na la, pagabi na uuwe na ako, alay ko po sainyo ang pagtatapos ko bukas. Mahal na mahal kita la."
Bago umalis c Ezra ay nanalangin mona siya at nagpaalam na sa kanyang Lola.
Pagkauwe ni Ezra sa bahay nila ay naglinis sya ng kwarto ng may mapansin sya sa gamit ng kanyang Lola.
"Hmmmm ano kaya to?
Binuksan ni Ezra Ang kahon at nagulat siya sa laman ng maliit na kahon, Isang liham at isang kwintas na may pendat na bituin kasama nito ay isang passbook na naglalaman nag kaunting halaga.
Binasa ni Ezra Ang liham at umiyak sya ng umiyak dahil sa nilalaman nito.
Ezra,
"Esang, apo kung nababasa mo tong sulat na ito marahil ay wala na ako sa mundong ito.
Apo, patawarin mo si lola kung iniwan ka, alam ko apo na malungkot ka pero lagi mong tatandaan lahat nang nangyayari sa buhay ay may dahilan. Maging matatag kalang apo, lahat mg hirap na mararanasan mo ay laging may kapalit na saya sa tamang panahon.
Kasama ng liham na to ang passbook na inipon ko paunti unti hndi man kalakihan apo alam ko na makakatulong padin sayo. Kasama din yan ang kwintas ng iyong ina na binigay nang iyong ama bago sila maghiwalay, alam ko na kailangan mo ito para pagdumating ang panahon ay makilala ka ng iyong ama ay mapapakita mo sa kanya yan.
Apo piliin mo laging maging matatag at matapang yan ang magiging sandata mo sa araw araw, alam ko na makakamit mo ang mga pangarap mo.
Mapagmahal kang bata at masiyahin kaya mapalad ang lalaki na iibigin mo, piliin mo lagi na intindihin ninyo ang bawat isa kung sakaling dumating sayo ang lalaking magpapatibok saiyong puso apo, aalagaan at pakamamahalin mo siya. Hanggang dito nalang apo. Mahal na mahal ka ni Lola.
Lola
Iyak ng iyak c Ezra habang yakap nya ang liham at kwintas na iniwan ng Lola nya. Sa apat na taon simula ng mamatay ang Lola nya ngaun nya lang nakita at napansin ang kahon na iyon, sabagay madalang lang siya pumasok sa kwarto ng Lola nya dahil nalulungkot sa tuwing pumapasok siya kaya ngayon nya lang napansin ang gamit ng kanyang Lola.
"Pangako Lola makikita ko ang Papa ko at lagi ko pong iisipin ang mga payo nyo sakin Lola, mahal na mahal ko din po kayo," isinuot ni Ezra ang kwintas ng kanyang Ina na alaala ng kanyang Ama.
"Let's welcome our Cumlaude, Ezra Mikaela Madrigal. Bachelor of Science in Business Administration.
Cum Laude batch 2010."wika ng aking Professor".
"To my Fellow Graduates, Congratulations to all of us. Alam ko na hindi naging madali sa journey natin para makamit ang ating pangarap. Marami sa atin dumaan sa maraming pagsubok, pasakit at mga paghihirap. Pero heto tayo ngayon nakamit ang ating pangarap dahil sa pagtitiis at pagpopursege. Salamat sa mga dakilang professor namin na matiyagang nagtuturo samin at walang sawang sumuporta sa mga kagaya kong studyante.
Inaalay ko ang karangalan na nakamit ko sa nagiisang inspirasyon ko, ang namayapa kong Lola.
La, hito na ang pangarap nating dalawa natupad ko na, para po sainyo to kahit wala kayo lagi ko kayong kasama sa bawat tagumpay na tatahakin ko.
To all graduates, always remember this is only the beginning for us.
Our destiny is always our choice, so let me remind us that choose wisely for every decisions we made...
Again, Congratulations batch 2010.
Masigabong palakpakan ang narinig sa loob ng complex at hiyawan ng mga estudyanteng nagsipag tapos ang maririnig sa buong PICC.
Ring! Ring ! Ring !
tunog ng cellphone ni Ezra ang kumuha ng atensyon ni Ezra.
"Hello! Bruh, Congratulations pasensya kana at di kami nakarating nila daddy sa graduation mo, alam mo naman sumabay din Ang graduation ko dito sa province." wika ng kaibigan kong so Raine"
"Ano kaba! wala yon importante naalala mo akong tawagan, congratulations din Raine alam kong masayang masaya ka ngayon dahil natupad mo nadin ang pangarap mo.
"Ako din Bruh, Masaya para sayo na kahit ikaw nalang mag isa ay nakatapos at nakamit mo rin ang pangarap mo, I'm sure masaya na si Lola sa heaven habang pinanunuod ka sa tagumpay na nakamit mo, tsaka may good news ako sayo, uuwe na kami ng Manila dahil diyan na kami mag stay for good magkakasama na tayo Bruh". Sambit ni Raine
"Talaga Bruh! excited ako na .akita at magkasama kang muli.. Aasahan ko yan ah, cge na bruh, tinatawag ako ng Prof. ko may sasabihin ata salamat ulit... Bye Bruh!
Nagsindi ako ng kandila sa puntod ni Lola at nagalay nang dasal.
"La, Nakita ko na yong liham nyo at salamat sa lahat lahat la." Habang hawak ko ang kwintas ng magulang ko. "Magpapaalam mo na ako la, na matagal kitang di madadalaw pero sa pagbabalik ko dito la ay nakita ko na si Papa. Pangako ko po sainyo lagi po akong mag-iingat at aalagaan ko po ang sarili ko para sainyo.
Salamat po sa pera na inipon nyo para sakin gagamitin ko po iyon sa maayos. Hanggang sa muli natin pagkikita La.
Lahat ng payo nyo po sa akin lahat iyon ay iisipin at lagi kong baon sa buhay ko. Mahal na mahal po kita Lola. Hanggang sa muli Po.
"This is it Pancit! Bukas Ezra bagong pakikibaka, bagong hamo at isang bagong pag-asa para saiyo." wika ni Ezra sa sarili.
Mag apply ako bukas sa Rodriguez Global Companies. Kanina pagtapos ng graduation kinausap s'ya ng Prof. nya na kung maari siya agad magtrabaho bilang isang personal secretary ng Isang CEO. Pamangkin ng Prof nya ang CEO doon kaya mabilis siyang makakapasok tapos may backer pa siya kaya tuwang tuwa at tintanggap nya agad agad iyong offer sa kanya kaya bukas excited para sa trabahong kakaharapin nya.
"Anu kaya itchura ng boss ko? Masungit? Suplado?
nahhhh... Basta bukas ito na yon self.
Natulog si Ezra na may ngiti sa kanyang labi.
Maaga palang gumayak si Ezra, ayaw nyang mapahiya sa prof. nya kaya kumilos na siya para mabilis makarating sa building na pupuntahan nya ayaw niya din maipit sa trapiko kaya inagahan nya talaga ang pag-alis sa bahay niya.
Habang nghihintay si Ezra sa lobby dahil maaga pa naman ay nag retouch mona siya, inayos nya ang kanyang sarili para walang maipintas sa kanya ang taong nagrecomenda sa kanya, nang sa tingin niya ay okey na ang kanyang sarili ay mabilis niyang itinago sa bag ang kanyang pang retouch at maayos na naghihitay sa pagdating nang magiging boss niya.