Habang naghihintay ako tawagin ng Sekretarya ng magiging boss ko maya maya ang tingin ko sa pagbukas ng elevator, kumakabog ng husto ang puso ko hindi ko alam ang gagawin ko sa matinding kaba na nararamdaman ko, ewan ko ba di ko maipaliwanag basta nanlalamig ang kamay ko at yung puso ko ang bilis parang may nagkakarerahan na kabayo dahil sa nerbiyos na nararamdaman ko.
"Miss Madrigal pasok na po kayo sa loob nasa opisina na sir hinihintay na po kayo, by the way I'm Maxine secretary ni sir Glenn, relax kalang mabait yan si sir babaero lang kaya mag ingat ka maganda ka pa naman." wika nang ngpakilalang Maxine
Tumango ako sakanya at mabilis na pumasok sa loob ng opisina inhale exhale Muna ang aking ginawa, pinakalma ko ang Sarili ko bago Ako tumuloy papunta sa kanyang table at umupo.
" So you are Ms. Ezra Mikaela Madrigal, Graduated at National College University with Cumlaude not bad.
Ms. Madrigal tell me about youself, hobbies, and anu Ang katangian mo pwedeng magamit sa ikakalago ng kumpanya ko. "sabi ng magiging boss ko.
Nakatulala ako habang nakatingin sa boss ko diko lubos maisip na may ganito pala talagang mukha.
Ang gwapo nya, matangkad, mapula ang labi, yung kilay nya napaka perfect na parang nagpapadagdag sa kagwapuhan nya kapag titingin sayo at higit sa lahat ang mata nya na kapag tumitig parang laging nangungusap,.
Wow! ulam na ulam pala ang boss ko akala ko jotanda Ang magiging boss ko mali pala ako ng akala, isa pala itong alagad ni Adonis na bumaba sa lupa.
"Miss Madrigal,Miss Madrigal, Hey! kausap sakin ni sir."
Bigla ako nagising sa pagiimagine ko nakakahiya nakatulala ako, tulo pa ata laway ko at nakatitig sakanya.
I'm sorry sir, ano nga po uli yong tanong nyo?
"Ang sabi ko kong anu ang pwede mong magawa para sa ikakaunlad nang kumpanya ko? absent minded ka kaagad unang araw palang, let me remind you, ayoko sa empleyado ko ang absent minded, palpak sa trabaho at laging late nagkakaintidinhan ba tayo?
Yes sir, I'm sorry., by the way, gagawin ko po lahat ng alam ko, at lahat ng makakaya ko para makatulong sa ikakalago ng kumpanya, I am hardworking and willing to learn ng mga dapat ko pang matutunan sir. wika ko sa boss ko
" Kinuha kita bilang personal na secretary ko para sa mga outdoor meetings ko, at bukod dun para may makatulong si Max sa mga trabaho bilang secretary ko dahil sa dami ng pinagagawa ko, kaya kinuha kita para may makatulong sakanya at mapagaan ang ibang trabaho,
nagkakaintindihan ba tayo Ms. Madrigal? turan ng boss ko
"Yes sir, sabi ko
"Okey diyan ka magtatable malapit sa pinto ko yan ang pwesto mo, ayoko kasi nang panay tawag sa telepono ko,gusto ko kapag may inutos Ako mabilis lalapit sakin at bukod dun para makaiwas na din sa biglang sumusulpot na babae dito sa opisina ko, is that clear Ms Madrigal?
noted sir, sambit ko sakanya
"Pumunta kana kay Max siya ang bahala sayo kong ano ang mga dapat mong gawin at mga gagawin pa.
Salamat sir, at mabilis ako lumabas ng pinto.
at naka hinga na nang maluwag dahil sa matinding kaba na inabot ko sa loob, nakakahiya yong nangyari, natulala
Ako sa boss ko nakakainis talaga,pumunta ako sa pwesto ni Max at tinanung ko siya.
Hi Sabi ni boss puntahan daw kita kasi ikaw na daw ang bahala sakin, ako nga pla c Ezra sabay lahad ko ng kamay ko sakanya para magpakilala sakanya.
"Ako SI Maxine pero Max nlang ang itawag mo sakin, di naman siguro nagkakalayo ang edad natin." wika ni Max
ngumite ako sakanya kasi alam ko na mabait siya,sinabi niya sa akin ang lahat nang dapat gawin, ibinigay nya ung mga files na kailangan ko pagsunod sunurin at mga dating records na kailangan ko salan-sanin from old to new.
Dahil sa dami nang ginagawa ko diko namalayan ang oras, lunch time na pala, kaya pala nakakaramdam nadin Ako ng gutom, wala ang boss ko ngayon, nagpaaalam kanina na may importanting pupuntahan.
Mabilis kong inayos ang mga files sa lamesa ko at napansin ko na wala na Si Miss Max sa table niya, kaya dumiretso na ako nagpunta sa canteen para kumain.
Habang naglalakad ako papuntang canteen, may nabangga ako Isang magandang babae, sopistikada, sexy at mukhang mataray, derederecho lamang itong naglakad at di man lang lumingon sa akin para manghinge ng sorry, napailing nalang ako sa ginawa ng babaeng maganda na yon,sayang maganda pa naman masama naman ang ugali.
Nang makarating ako sa canteen mabilis akong pumili ng makakain, sinabi ko kay ate Ang order ko, dalawang rice, pakbet at piniritong isda. Gutom na gutom na talaga ako kaya mabilis akong humanap nang aking mauupuan.
"Ezra, Ezra dito ka sa share ka samin," wika ni Max
Nakita ko siya kasama ang ilang empleyado na masayang kumakain sa kabilang bahagi nang canteen kaya napangiti ako nang makita ko siya.
"Akala ko naman wala kang planong kumain dito sa canteen kaya di na kita niyaya, masyado ka kasing busy kaya alam ko di ka maistorbo kanina, naisip baka may baon kadin at kumain kana."mahabang sabi ni Max
" Hmmm hindi naman, diko lang napansin ang oras akala ko maaga pa, kaso naramdaman ko kumakalam na ang aking sikmura kaya napatingin ako sa oras, nagulat ako ng makita ko na tanghali na Pala, diko namalayan ang bilis ng oras. wika ko
"Ehem, Ehem Max, baka gusto mo kaming ipakilala sakanya? wika ng kasama nmin."
" Ahhh, guys this is Ezra, newly hired personal secretary ni Sir Glenn." sabi ni Max sa mga kasama namin.
"By the way I'm Chell." Sabi ng babaeng morena na nakangite, in fairness maganda din.
"I'm Rowena." wika naman nang babaeng may magandang mukha.
"and I am Rose" Sabi naman ng babaeng mukhang masungit pero mabait naman kausap..
"Hi guys nice to meet you sainyo, I hope maging friends tayo para naman kahit papaano ay mayroong na Akong kakilala dito, natutuwa ako na makilala ko kayo mahabang sabi ko sakanila.
"Naah, wala yon no, the more the merrier saka mukha ka naman magaling makisama at mabait kaya magkakasundo ka namin." sabi nung babaeng morena na nagpakilalang Chelle.
"Basta ang payo lang namin sayo Ezra iwasan mo yung grupo ng mga Fucklers Group, ayun oh sabay turo sakin sa di kalayuang table." wika ni Rowena
"yang grupo na yan ang iwasan mo dahil di gagawa nag matino ang mga yan sina Kim, Zel at Si Ahje." Sabi naman ni Rose.
" Naku ang grupo nila ang epal dito kung baga sa movie mga kontrabida yang mga yan, mga feeling magaganda akala yata nila lahat ng lalaki eh mag-kakandarapa sa knila. Lalo na yang si Zel na ubod ng ingetera gusto kung ano meron ka, meron din sya as if nmn may sariling pera, mga pinambili ng mga luho galing sa asukarera de fafa niya, ewan ko ba paano na yan napasok dito na kahit ganda ay wala nman pati utak kinain na nang sistema niya nag fefeeling maganda, ang kapal naman magmakeup nagmumukha na siyang clown. " mahabang wika ni Max, sabay sabay na nagtawanan ang mag kakaibigan at nag aapiran pa.
- to be continued-