I stood in awe here on the balcony as I watch the sun slowly descend. The way the setting sun's light creates deep shadows on the ground as its rays slowly give the sky a warm orange hue. This is definitely the golden hour that I never fail to watch yet always leave me breathless. It's as if even the sun is slowly dying, she won't let her death hinder her to show her beauty. She's mourning for her slow death but still set the sky on fire – and definitely, she will be reborn and use her chance to return tomorrow and will again radiate her beauty.
"Hija, nakauwi na ang mga magulang mo. Maghanda ka na at maghahapunan na kayo."
Tipid akong tumango sa tawag ni ate Sally at liningon ulit ang araw. Tanging kahel na kalangitan na lang ang meron pero dibale, bukas ulit.
Nagmadali akong bumaba sa hagdan at dumiretso sa hapag-kainan. Naabutan ko ang mga magulang ko na nakaupong nag-uusap samantalang si Aaron ay naghuhugas na ng kamay. Agad akong sumunod maghugas at matuling umupo sa pwesto ko.
Isang linggo din silang nawala dahil sa inasikaso nilang negosyo sa Manila at ngayon lang ulit sila nakauwi.
Hindi pa man ako nakakasubo ng agad tinanong ni Mama si Aaron kung nakapag enroll na ba ito para sa susunod na pasukan. I looked at my brother and see kung sasagot ba siya agad pero sumubo muna ito at tinitigan ang aking ina habang ngumunguya.
"Naka enroll na po ako, Ma. I even saw my subjects and I think I'll be doing fine this year. My subjects are kinda quite easy, you know," pagmamalaki niya. I smiled inwardly at sumubo na nga.
It's good to know that despite how strict my parents are, they were not able to break his spirit. Sinulyapan ko siya at bumungad sa akin ang nakakaasar niyang ngisi. Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Though, we were not close. Magkalayo ang loob namin sa isa't isa. My brother loves his freedom so much and he contradicts me. He hates me for always obeying what my parents want and would always give me a mocking or sarcastic smile whenever he sees me.
Pero hindi ko kailanman siya pinatulan sa mga pang-aasar niya, which I think made him angrier at me.
"Sigurado ka, Aaron? Huwag kang pakampante at baka mamaya, pangalawa ka na naman sa klase. Ipapahiya mo pa ulit kami," mariing saad ng aking ina.
My little brother is quite rebellious. Hindi pa rin makalimutan nina Mama ang nangyari last year.
Weeks before graduation nila ng elementarya, umuwi siya one-time na ngiting ngiti at pinapangalandakan na siya ang valedictorian ng kanilang klase. Labis ang ngiti at papuri ng mga magulang namin sa kanya at umabot pa kay lola Felicy sa Elkali ang balita at umuwi.
Only to find out on the graduation day that he's actually the salutatorian. Aaron really planned it well dahil sinadya pa nitong hindi ibigay ang invitation program.
Pulang-pula si Mama nung pinaatras siya ng usherette palikod sa march line dahil medyo nahuli ang valedictorian. Feel na feel pa naman niya ang pagkaway sa ibang mga magulang ng graduates nung nasa unahan siya ng pila.
Ngali-ngali kong hilahin ang kapatid ko at batukan dahil sa nagawa niya pang ngumisi sa akin. Mukhang ikinatuwa niya pa ang pagkakapahiya ni Mama na kaunti na lang ay sasabog na sa galit. I saw how she simply yet hardly gave my brother a hard pinch sa tagiliran na nagpaigik sa kanya. Nakita ko pa ang pagtiim-bagang nito.
"Loko-loko talaga yang kapatid mo, Abrea. Bilib ako at nagawa niyang ipahiya ang nanay niyo," may kasamang halakhak na sabi ni lola. Si Papa naman ay nasa gilid na napapailing na lang at pilit kinukubli ang hiya at pagkabigo sa kanyang mga mata.
"I'm sorry for disappointing you again, Ma." Napalunok ako dahil dun. Even though we are one of the high honors, we are still a disappointment to our parents unless we're the top one.
My grandmother shook her head and sarcastically smiled at my father. "No need to apologize, Alfred. Aaron is still the salutatorian and you must be proud of it, because I am. But seeing your reaction and your wife, it's disappointing. "
I bit my lip because of the words that came out from my grandmother's mouth. Prangka talaga siya at napaka harsh magsalita. Whenever she and my parents meet, I can always feel the bad blood between them.
Hindi ko na lang ito masyadong pinagtuunan ng pansin at tumingin sa kung nasaan ang kapatid ko. Nakita kong ang lawak ng ngiti nito habang nakikipag-apiran sa mga kaklase niyang dumadaan patungong sa likod ng pila.
Base sa nakikita ko ay talagang wala siyang pakialam sa kung anong reaksyon ng aming mga magulang.
That is actually the first time na naging pangalawa siya sa klase. I wonder what happened.
"And how about you, Abrea?" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa biglaang tanong ni Mama sa akin. Napabuntong hininga ako dahil sa pagbabalik tanaw.
"Senior High ka na and I expect more from you. I heard last day na ng enrollment niyo bukas. I hope ikaw ang unang nag enroll."
Walang imik akong tumango at pinagpatuloy ang pagkain. Pero nagulat ako ng malakas na hinampas ni Papa ang mesa at galit na tumingin sa akin. “Don’t you have any mouth, Abrea? Your mother is speaking to you, where are your manners?”
Pasimple kong ikinuyom ang kamay ko at ipinatong sa hita nang mapansin kong nanginginig ito. I can feel my eyes burning but I blinked fastly as I swallowed the food in my mouth.
“Sorry about that Ma, Pa. I’m done with the enrollment sa first day pa lang po”, na inirapan lang ng aking ina.
I resumed eating after that even though I lost my appetite. Sino ba naman ang gaganahan kung laging ganito ang nangyayari tuwing kumpleto kaming kumakain. Everytime we eat with our parents, they always shout at us for every single mistake that we commit.
I didn’t waste any second at agad nagpaalam umalis sa dining area pagkatapos kong ubusin ang pagkain sa plato ko. When I didn't hear any response from them, I gracefully exited the dining area and hurriedly walked towards my room on the 2nd floor. Agad akong napahinga ng maluwag dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tension sa paninigaw ng aking ama. Kinastigo ko ang aking sarili dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa ganoong pakikitungo ng aming mga magulang. They act as if they haven’t failed even once.
When I was able to calm myself after a few minutes, agaran kong inasikaso ang mga nakakalat na notebooks at pens sa kama ko. Kakabili ko lang ito kanina nung nagpunta ako sa bayan. Tomorrow is the last day of enrollment. May dalawang araw pa man bago ang pasukan ay mas maganda kung nasa ayos na ang gamit ko para hindi ako magmadali.
Itinabi ko ang booklet na galing sa Esperanza National High School. Saulo ko naman na ang nakalagay dun dahil simula Junior high ay dun na ako naka enroll. Ito lang din naman ang nag-iisang paaralan ng high school dto sa bayan.
Sakto lang naman ang populasyon dito pero marami-rami ang estudyante dahil dumadayo din ang ibang mga nasa kabilang bayan para dito mag-aral. Pampubliko man itong paaralan ay kumpleto ito sa mga gamit at malawak dahil na din sa pondong inilalaan ng gobernador dito. Isa pa ay may nakatalagang dorm na nirerentahan ng iba lalo na sa mga nahihirapang magcommute at umiiwas mahuli sa kanilang mga klase.
Maswerte nga ang bayan at dito mismo nakatira ang gobernador kaya masasabi kong maunlad nga dito. Pero may iba pa rin na lumuluwas at pinipiling mag-aral sa pribadong paaralan lalo na sa siyudad.
My parents actually wanted me to enroll in Manila. Good thing hindi nila naipilit ang gusto nila dahil bukod sa ayaw ko, mas mababantayan daw nila ang aking pag-aaral. Ganun din ang rason kung bakit dito nag enroll ang kapatid ko.
At isa pa, mas sanay kami dito sa Esperanza. Palaging presko ang hangin at maraming magagandang tanawin hindi katulad sa Manila na sinasabi nilang puro traffic at naglalakihang gusali ang nakikita. Napakaingay pa dahil sa halos busina ng sasakyan ang naririnig.
Matapos kong maiayos ang mga gagamitin ko sa paaralan ay sakto namang may kumatok. Agad akong napasimangot nang bumungad sa akin ang dalang baso ng gatas ni ate Sally.
"Salamat po Ate, pero sa susunod ako na po bahalang magtimpla ng gatas ko. Nakakahiya at malaki pa naman na ako," saad ko na nagpatawa lang sa kanya. Ginulo pa niya ang buhok ko.
"Sige, tawagin na lang kita para magtimpla ng gatas mo sa susunod. Huwag ka ng sumimangot diyan at inumin mo na to. Nawili ka na naman ata sa pag-aasikaso ng mga gamit mo at hindi mo namalayang lumalalim na ang gabi."
"Ang ganda mo talaga, Abrea. Napakagandang dalaga!”, gigil na saad ni ate at parang gustong lamukusin ang mukha ko.
Tinawanan ko na lang siya at napailing. Matapos kong inumin ang dala niya ay agad itong nagpaalam dahil baka tumatawag na daw ang kaniyang kasintahan. Kumaripas pa talaga ng takbo pababa.
LUMIPAS ang dalawang araw at ngayon nga ang unang araw ng pasukan. I sprayed my perfume and checked myself in front of the mirror. Agad akong naglagay ng lip gloss sa labi nang mapansin kong maputla ako tingnan. When I made sure I look presentable, agad akong bumaba dala ang maliit na backpack.
Bumungad sa akin ang kapatid kong nakade-kwatro sa sala habang pangisi-ngising nakatutok sa kanyang cellphone. He truly feels animosity against me dahil umasik siya nang mahuling nakatitig ako sa kanya.
I got curious about what is on his phone so I simply walked behind him and made a little peak. Nakita kong may kachat siya pero hindi ko makita kung sino. Ilalapit ko sana ang ulo ko pero agad siyang bumaling kaya pasimple na lang akong tumikhim at linagpasan siya.
He muttered a curse bago pa ako mapakapasok sa dining pero hindi ko na lang pinansin. Akala ko tatambay pa sa sala pero susunod din pala sa akin. Good thing at maagang umalis ang parents namin sa bahay kaya kami lang ang kakain ngayon.
Sabay kaming hinatid ni kuya Ron sa paaralan at sakto namang hindi pa nagsisimula ang klase. Nasa gate pa lang kami ay bumaba na ang kapatid ko na agad sinalubong ng kanyang mga barkada.
Nagpahatid na lang ako hanggang sa may parking area at duon bumaba. Walang sumalubong sa akin na mga kaibigan dahil wala ako nun. Iyon ang isa sa mga bagay na magkasalungat kami ng kapatid ko.
Kung si Aaron ay maraming kaibigan, ako naman ay wala ni-isa. I am a wallflower, but he is the gregarious type. He wants to befriend everyone while I want to be left alone and ignored. Magkapatid kami pero magkaiba ang ugali, kaya siguro hindi din kami magkasundo.