Chapter Two

2125 Words
Maraming bagong mukha ngayon at tatlong upuan na lang ang bakante pagdating ko sa assigned room naming mga students ng first year - HUMSS. Dumiretso agad ako sa dalawang bakanteng upuan na nasa likod at umupo sa nasa kanan. Marami pa ang nagsisidatingan at karamihan, tumambay na lang sa gilid. Parang beehive ng bubuyog ang room dahil sa ingay ng kabi-kabilaang kwentuhan ng iba. Inilibot ko ang aking paningin only to be surprised that I wasn’t just the only one who’s silent. Hindi ko napansin na may katabi na pala ako dahil na din sa wala siyang imik. She seems irritated while listening to her headphones and chewing gum. She perhaps felt that someone is staring at her kaya binalingan niya ako ng tingin at inirapan. Napamaang ako dahil dun. Suplada! Ayaw siguro nang tinititigan pero pasimple din naman siyang pinagtitinginan ng mga kaklase namin lalo na ng mga kalalakihan.Who wouldn’t be? She may be silent and kinda weird for me but with her blonde hair, she will still be noticed. And she’s beautiful too! My bad na hindi ko man lang siya naramdaman kanina. Iniwasan ko na lang ang mapatingin sa gawi niya at baka irapan na naman ako. Mukha pa namang may pagka warfreak ang babae. When the bell rang, three teachers entered the room and started briefing us that we’ll be divided into three sections since we are more than 60 students. Karamihan ay lumabas na at kaming mga naiwan ay naiwan sa section Ruby. Ang dalawang section naman ay Jade at Amethyst na hinango ang mga pangalan mula sa gemstones. The girl beside me is my section mate as well and she introduces herself as Ynez Lopez. She said she’s seventeen, pero mas bata siyang tingnan. Akala mo kinse anyos pa lang dahil sa maliit niyang mukha. From those pair of deep set brown eyes na akala mo hinahamon ka ng away, matangos pero maliit na ilong and her thin lips who only knew how to form a thin line. And of course, her blonde hair that highlighted her white skin, isama mo pang mas maliit siya ng kaunti sa akin. And her height! Don’t get me wrong, but I’m 5’4 and she’s kind of 4’11. I don’t know, maybe. Yung physique niya, nakakagigil. Ang sarap tirisin lalo na at suplada. Mabilis naman akong nagpakilala nung ako na ang sumunod. Agad akong umupo pagkatapos dahil ayoko nang tinatanong-tanong. Napansin ko pa man din ang grupo ni Crisanta sa harap at akmang magtataas ng kamay para magtanong. Naka-section ko pa talaga. Madalas akong pinagtitripan ng grupo nito last year. Palibhasa hindi siya nacrushback dahil ako ang gusto ng crush niya. Hindi ko na lang ito pinapansin kahit gustong-gusto ko na siyang sampalin minsan. Kung wala lang eskandalo na maikakabit sa apelyido ko, matagal ko na itong pinatulan. Namalayan kong lunch na nang mapansin ko ang halos sabay-sabay na paglabas ng mga kaklase ko. Pagdating ko sa canteen, punuan na ang mga mesa. May mga bakante man, halatang nireserba na. Hindi din naman ako nagugutom dahil sa kinain kong sandwich kaninang break kaya dumiretso na lang ako sa south garden para humilata. Ilang minuto pa lang ata akong nakaidlip sa ilalim ng puno nang makaramdam ako ng mahinang pagsipa sa paa. Kunot noo akong nagmulat ng mata at bumungad sa akin ang maldita kong kaklase. Agad din akong tinalikuran ni Ynez kaya napakamot ako sa noo. Ano bang problema nun at ako ata ang trip. I peeked at my phone and shook my head when I realized that five minutes from now is the start of our afternoon class. Madalian kong inayos ang aking sarili at sinundan siya. Saktong pagpasok namin ay nag-ring ang bell at pumasok ang teacher namin para sa isa na namang subject. Habang nakikinig ako sa discussion ay napansin ko ang papel na tumama sa ulo ng kaklase kong nasa pangatlong row habang nasa pinakalikod kami. Nagulat ako at agad tumingin sa katabi ko. Hindi ko naman ito makitaan ng sinyales na siya yung gumawa nun dahil tamad lang itong nakaupo at ngumunguya na naman. Tsaka, kami ang nasa pinakalikod na row. Kunot-noo namang nagpalinga-linga ang kaklase kong tinamaan. Pero dahil hindi siya sigurado kung sino ang may gawa ay ibinalik din sa harap ang atensyon. Sunod sunod na papel na naman ang naibato sa tatlo kong mga kaklaseng nasa pangatlong hanay. Sapul pa naman sila sa ulo. Sabay sabay na nagtinginan sa likod ang mga ito at mariing tiningnan ang hanay namin. Nag-iwas ng tingin ang mga nasa pang-apat na row at yung iba naming kasama sa likod dahil alam nilang ang katabi ko ang gumawa nun at maldita pa. Well, no one wants to get in trouble on the first day of class. And Ynez smells trouble. Inosente ko silang tiningnan dahil inosente naman talaga ako. Inilibot pa nila ang paningin at mariing ibinalik ulit ang tingin sa banda ko. Nang makitang wala akong hawak na papel ay agad din silang tumingin sa harap. Tumingin ako sa katabi ko na nagpipilas ng pahina sa kanyang notebook. Shen then crumpled it and formed it into a small ball. Nung napansin niyang nakatitig ako sa ginagawa niya ay tamad lang akong tiningnan at tinaasan ng kilay. “What?” she mouthed. Sumimangot siya nang tiningnan ko ng mariin pero nanlaki na lang ung mata ko ng mismong ibinato niya ito sa guro naming nagsusulat sa board. I literally slapped my forehead and bowed my head nung galit na bumaling ito sa amin. Sapul ba naman sa ulo. FOR the nth time, I mentally rolled my eyes. Ngayon lang ako napalabas sa classroom sa tanang buhay ko and that’s because of the person who’s beside me. I pursed my lips and glanced at Ynez but she had just her arms crossed and tapping her foot as if she doesn't give a damn about any curious looks from other students. Hindi ako nagmumura pero parang gusto kong murahin si Ynez dahil siya lang naman ang rason kung bakit napalabas din ako. I slowly sighed deeply as I thought back to Mrs. Natividad's enraged expression when she ordered us to leave the room and stand in front of our door. Technically, it should only be Ynez who needs to get out pero hindi nakuntento ang babae at pati ako ay sinama. Sinulat pala ang pangalan ko sa mga papel na binato niya kaya nung nabasa ng guro namin ay pinalabas din ako. I tried to explain but my teacher is very angry and won't listen to any of my explanations. Wala nga akong nagawa kundi sundan si Ynez na tumitig lang sa akin. Hindi ko na lang siya binigyang pansin. Kung ginagawa lang niya yun para patulan ko siya sa kanyang kalokohan, nagkakamali siya. Sakto namang afternoon break ng mga nasa lower class kaya pinagtitinginan kaming dalawa. Nasa corridor pa naman kami at nasa gilid ng pintuan. Rinig pa sa labas ang boses ni Mrs. Natividad na nagtuturo. Yumuko ako para hindi mapagtuunan ng pansin ang mga dumadaan. Nangawit ako matapos ang ilang minuto kaya sandali kong inangat ang ulo ko pero bumungad sa akin sina Aaron at ang kanyang mga kaibigan na nagkukwentuhan. Nagtama ang paningin namin at agad napaawang ang kanyang labi. Kumunot pa ang kanyang noo tsaka mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko para siguraduhing ako nga. "Ay putang---" hindi niya natuloy ang pagmumura dahil sinamaan ko siya ng tingin. Tumikhim siya. "Napalabas ka ate?" He whispered pero rinig namang ng mga kasama niya. Mang-aasar na naman ang batang to. Iniwas ko na lang ang aking paningin at walang balak siyang pansinin. But since my brother is a little devil, sinadya niya akong itinuro at tinawag pansin ang mga kasamahan. Damn this kid. Hindi ata palalagpasin ang pagkakataon at papahiyain ako. "Guys, yung ate kong sinasabi ko sa inyo. Ito siya oh, napalabas ng teacher. " Nakakakuha na siya ng pansin dahil palakas ng palakas ang kanyang tawa. Nakaturo pa rin ang daliri niya sa akin. "Shut up, you!" napalakas ang pag-asik ko kaya mas lalo siyang natawa. Damn, I lost my composure. Pulang pula na siguro ang mukha ko dahil sa pagkapahiya. Lalo na dail may sumusunod sa kanilang grupo ng kalalakihan. Magkakasingtangkad pa sila at ang lakas ng datingan. Napatingin ulit ako sa kapatid kong pilit nang pinipigilan ang kanyang tawa. Mariin ko siyang tiningnan kaya umayos ito at agad ding hinila ang kanyang mga kaklase paalis sa paningin ko. Siraulo! Agad akong yumuko ulit nang dumaan na ang grupo. I even inhaled their scent pero mas nakaagaw ng pansin sa akin ang bango nung huling lalaki. Hinahabol niya ang grupo at nang maabutan sila ay pinagbabatukan ang mga kasama. He smells good! I wasn't able to take a good look at his face but his smell is already good enough to make my head turn and able to take a good look at his back. His body has not yet matured but I believe that he will eventually have the proper muscles in the right places. I mentally shake my head. What am I even thinking? I inhaled and exhaled pero asar akong bumaling sa katabi ko nang marinig ko itong tumawa. "Wow. Buti naman at hindi ka pala talaga emotionless.” Isa din to. Pareho sila ng kapatid kong maloko. "That's Greg, by the way." Kunot-noo akong bumalik sa kanya. "Yung huling lalaki na dumaan, his name is Greg.” Tinitigan ko siya para iparating sa kanyang wala akong pakialam. "Ay, hindi ka ulit magsasalita? Buti hindi ka napapanisan ng laway sa lagay na yan. Sabi pa naman nila, every 5 seconds of not speaking, napupuno ng bacteria ang bunganga mo. " Wala akong balak pansinin ulit siya. Bahala siyang magdadaldal diyan tutal hindi naman ako ang napapagod. Pero patuloy pa rin siya sa pagdaldal ng kung ano-ano makalipas ang ilang minuto at naririndi na ako. "Will you please shut up?" angil ko at saka siya inirapan. Sarkastiko lang din ito ngumiti at pinagpatuloy ulit ang pagkukwento ng kung anu-anong kabalbalan. Akala ko pa naman ay titigilan niya ako kinabukasan pero mahigit dalawang linggo na ay patuloy pa rin akong niririndi ni Ynez. She can’t stand doing nothing and so she ends up doing something crazy to ease her boredom. Buti sana kung hindi ako nasasangkot sa kanyang mga kalokohan. Sa kalagitnaan ng klase ay nakita ko siyang kinakalikot ang phone niya. Alam kong kasali na naman ako kapag nahuli siya ng aming guro kaya sinita ko pero sumimangot lang. Pasimple niyang inilapit ang kanyang upuan kaya nagtaka ako pero hinayaan na lang. "Come with me tomorrow and let's attend a party," she whispered habang nasa harap ang atensyon. "Why should I come with you?" asik ko sa kanya. Sinulyapan niya ako at inirapan. "Oh come on. I know you're aiming to be the top one of this class but isn't it too early? Try to chill out sometimes," she said in a 'duh' tone. How did she... "It's obvious for me," she answered as if she already knew my question. "Your question is written in your face, boba." sagot na naman niya. Nairita ako dahil sinabihan niya akong boba kaya hindi ko napigilan ang kamay ko at nasapok siya. Pareho kaming nagulat dun at agad siyang nakabawi. Oh my gosh! She burst out laughing, gaining the attention of our class at pinalabas na naman kami ng teacher. "Wow! Wow, Abrea. That's a f*****g first time huh." Tumatawa pa rin siya habang hawak ang ulo niya sa banda kung saan ko siya nasapok. I looked at my hand and couldn't believe I did that. Hindi ko pa naranasan magmura at magbuhat ng kamay since my mother taught me that it's so unlady-like. I did my best to behave appropriately, but it doesn't seem like I have much patience. Malalim na lang akong bumuntong-hininga at madiing tiningnan si Ynez. The school year has only been going on for two weeks, yet already, I can't even begin to count how many times we've been asked to leave our room and excluded from discussions. "Ynez, I have no time for your crazy stunts. Ilang beses na akong nadadamay sa kalokohan mo. Hindi na ako nakakapag notes sa mga klase and you know that this will affect my studies," gigil kong saad. Mabuti at kahit na ilang beses kaming pinalabas ay hindi kami pinagrereport sa detention office kundi makakaabot to sa parents ko at talagang malalagot ko. "Oh, sorry about that," she said but I couldn't hear any sincerity from her voice. Inirapan ko na lang siya dahil namumuro na sa akin itong babaeng to. Parang kailan lang nung sinabi kong hindi ko siya bibigyan ng reaksyon, But I’m just a person, and my patience is really running thin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD