CHAPTER THREE

2260 Words
Sabado ngayon at nasa hapag kaming lahat habang kumakain ng breakfast. Walang kahit anong ingay na maririnig kundi mga tunog lang ng mga kubyertos. I smiled at ate Sally who refilled my water glass and proceeded on doing the same thing to Aaron. Our mother eyed me. “You should start doing those things independently, Abrea. You’re already 17. By now, dapat matuto ka na din sa mga gawaing-bahay. I should ask Sally to train you.” I muttered an agreement. Mama is right anyway. “Ikaw din, Aaron. Dapat matuto ka nang maglinis. Umpisahan mo sa kwarto mo at wag mong iasa sa mga kasambahay.” Walang nagawa din si Aaron kundi sumang-ayon. “So, how’s school?” the patriarch butted in. He carefully placed his spoon and fork on the plate and wiped his mouth using the napkin table, a sign that he’s done eating and will start interrogating us. “Papa, wala namang bago. Rest assured that I’ll be the top one in our class after this year. Dapat huwag muna kaming magpaka-stress, kakaumpisa pa lang ng klase eh.” my brother said. Our father nodded and pointedly looked at me. “Well, I have new classmates but I know that no one will be able to surpass me. I’ll be on top.” He smiled when I confidently said that and my mother chuckled. “Well said, hija. I love the confidence.” Napangiti ako dun samantalang sumimangot lang ang kapatid ko. Naging maganda ang usapan hanggang sa matapos lahat kumain. “By the way, Ma, Pa. Can I stay in the dorm instead?” tawag pansin ni Aaron. Nanlaki ang mata ni Mama sa sinabi niya at parang bubugahan na siya ng apoy. “What do you mean, son? You wanna stay in the dorm?” Tumango siya. “Well… nakakapagod bumyahe araw-araw. Medyo malayo ang school namin dito sa bahay. Kung tutuusin, we are in the farthest part of Esperanza.” Napalabi ako. That’s true. Nasa bayan ang paaralan namin samantalang nasa pinakadulo kami banda. It takes 20-30 minutes for us to arrive in school kung matulin magpatakbo si kuya Roy. “Para mas maaga na din ako makapasok kahit medyo late ako magising.” “Sige, pwede naman.” Bumaling si Papa sa akin. “You can also go to dorm, Abrea para mabantayan mo ang kapatid mo.” Napaawang ang bibig ko at tumingin kay Aaron na may malaking ngisi. That’s it? Good mood ang parents namin ngayon dahil napapayag niya agad sila. “But, Aaron is the only one who asked, Andres. Don’t you think Abrea should stay in here para may bantay man lang dito sa bahay lalo na at hindi naman tayo madalas andito? The house will be lonely,” kontra ni Mama. “Ma, may mga kasambahay naman,” sabat ng kapatid ko pero pinandilatan lang siya nito. “Wag kang sasabad! Babae yang kapatid mo, Aaron. It's best for her to stay here para may maabutan man lang kami pag umuwi kami minsan.” “Eh,matanda naman na si ate. Tsaka akala ko ba gusto niyo siyang…” hindi na naituloy ni Aaron ang sinasabi dahil mariin na siyang tinitigan ni Mama. Hindi ko alam kung anong sasabihin. I don’t get Aaron why he also wants me to stay in the dorm. Is he unaware that our mother is strict with me? Malalim na nagbuntong-hininga si Mama. “I may agree with Aaron in moving to the dorm but not with Abrea. You have to reconsider, Andres,” mariing sabi nito. Hindi na lang ako umimik. Hindi ko alam kung maganda bang lumipat sa dorm o dito na lang. Besides, Mama is the one who decides for me. “Ma’am, may tawag po galing sa kaibigan daw ni Ms. Abrea. Magpapaalam daw po siya sa inyo, Sir.” Nagulat ako sa sinabi ni ate Sally habang hawak ang home phone namin. My father excused himself and answered it. Kaibigan? I have no friends! I pointedly looked at my brother who accidentally coughed and chuckled. “What did you do?” “I gave our home number to your friend.” Kumunot ang noo ko dun. “Oh, you have a friend Abrea?” I looked at my mother and shook my head. “Hmm.. just make sure na hindi siya makakaabala sa studies mo.”’ Umiling ako. “Wala akong kaibigan, Ma.” “Yung kasama mong napapalabas sa room niyo.” Aaron whispered to me. “Makulit e.” “Si Ynez?! She’s a classmate, not a friend!” gigil kong bulong pabalik sa kanya. My father came back to the dining area after a few minutes. “You’re friends with a Lopez?” “Ynez Lopez is the one who called, Dad? She’s not my friend. Kinukulit lang po ako sa school.” My father sighed. “Nagpaalam siya kung pwede ka daw bang sumama sa party na dadaluhan niya. She said you already agreed. Desisyon lang namin ang inaantay mo.” I can’t help but to snort. That girl! Hindi ko nga siya pinansin nung kinukulit niya ako para sumama. Tapos sasabihin niyang sumang-ayon na ako. Makasabi ng kaibigan, wagas! “Well, walang masama sa pakikipagkaibigan kung sa Lopez naman, Abrea. Pero bakit kailangan mo pang sabihin na kami na lang ang inaantay?” saad ni Mama. I shaked my head at them pero pareho na silang nakakunot ang noo. “You even agreed without consulting us at hinayaan mong ang kaibigan mo ang magsabi sa amin? You agreed but you don’t have the courage para magpaalam?” Heto na naman tayo. They’re so quick to believe other people instead of their own children. “I’m sorry, Ma, Dad. Pero hindi naman…” “At sasagot ka pa?!” asik niya. Umiling na lang ako at hinayaan siya. I just wanted to reason out and let them know the truth pero tingin nila, sumasagot na ako sa kanila. Dad massaged his forehead and sighed again. I pursed my lips. Humanda talaga ang babaeng yun. “You may go. Naghihintay siya sa labas. Mind your manners, Abrea,’ paalala niya na mabilis kong tinanguan. Dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng mga gamit. BUMUNGAD sa akin ang white van pagkalabas ko ng gate. Bumukas agad yun and Ynez greeted me with a grin. “Hi, friend. Pasok at maghahanda pa tayo para sa party.” Umahon ang iritasyon sa dibdib ko at ibinato sa pagmumukha niya ang hawak kong duffle bag. Nakarinig ako ng pagsinghap sa likod pero hindi ko na lang pinansin at sinabunutan si Ynez pagkapasok sa van. “Oh s**t, f**k. Wait, Abrea…Ay gago, hayup” at hindi siya magkandaugaga sa pagpigil sa akin. Hindi ko titigilan ang babaeng to hanggang sa mawala ang sama ng loob ko. Pahamak! Binitawan ko ang buhok niya nang humupa ang iritasyon ko. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili tsaka nilagay sa likod ang duffle bag na naka “You b***h!” Ynez shrieked. “Oh my gosh. Baliw ka Abrea.” Nanlalaking mata niyang sinabi habang inaayos ang sarili. “Nakakainis ka! Pinasubo mo ako sa mga magulang ko. I never agreed to come with you to a party pero anong sinabi mo sa kanila?” pinanlakihan ko siya ng mata. “Okay, chill! Sorry na.” “You even have the nerve to say we’re friends kahit hindi naman!” “Ako na nga lang nag-volunteer na maging kaibigan mo, ayaw mo pa. Huwag choosy!” Inis ko siyang binalingan. Gusot ang damit nito at inaayos ang parang naging pugad na buhok niya. Napakagat ako sa labi. Grabe, nagawa ko to? Pinagtitripan naman ako ng grupo nina Crisanta sa mga nakaraang taon pero hindi ko sila pinatulan ni minsan. Hindi din naman ako ganito kay Aaron kasi hindi ako masyado nun kinukulit. Kay Ynez lang siguro ako ganito dahil sa pagiging makulit niya ng sobra. She really lived up to her name, Ynez. Nakakainis talaga siya. “Sorry,” I squeaked. Tumingin ako sa driver at sinabing umalis na kami dahil baka magtaka ang parents ko kung bakit nakaparada pa rin ang van sa tapat. Nang mahimasmasan siya ay bigla na lang siyang humalakhak. Naiinis akong bumaling kay Ynez dahil hindi pa rin ito matigil sa pagtawa. “Tang-ina Abrea. This side of you is so adorable! Gago, hindi ko inexpect yun.” Inirapan ko na lang siya. Bahala siya kakatawa at mapuno ng hangin ang tiyan niya. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako saglit sa byahe. Kumunot ang noo ko dahil napansing palabas kami ng Esperanza. “Saan gaganapin ang party na sinasabi mo?” Napalabi si Ynez. “Hindi ko ba nasabi sayo? Sa amin gaganapin yun, sa San Vicente.” “Sa kabilang bayan ka pala.” She nodded. “Hindi ka talaga nakikinig e kinwento ko sayo nung nakaraan ah.” Kibit-balikat na lang ang isinagot ko pero umirap lang siya. Hindi naman talaga ako nakikinig sa mga pinagsasabi niya. Makaraan ang ilan pang minuto ay pumasok kami sa malaking gate. “Dito ang bahay namin.” Binalingan ko si Ynez. “Hindi yan bahay. Mansion yan!” Binatukan lang ako nito at inayang pumasok sa loob. May mga nakasalubong kami na sa tingin ko ay maids nila. I never expect Ynez to be so rich dahil sa ugali niya. “Saan sina mom and dad?” Ynez asked one of their maids. “Nauna na po sila sa venue, ma’am. Sumunod na lang daw po kayo.” Tumango kami. “Ang aga naman nila,” sambit ni Ynez habang binabaybay namin ang staircase patungong second floor. Kaya siguro sabi ni mama na pwede akong makipagkaibigan dito dahil mayaman sila. I bet they also have a good reputation in business. Pumasok kami sa pangatlong kwarto na may sign pa talagang Do Not Disturb. Hinigit agad ni Ynez ang dala kong duffle bag at sinimulang kalkalin. “Anong klaseng party yun?” Nagpamewang ito sa akin. “Hindi mo talaga ako pinapakinggan last time, nakakagigil ka. Birthday party mismo ng asawa ng Congressman. Kumpare ni daddy ang congressman kaya naimbitahan kami.” Tumango-tango na lang ako. I’ve been always to parties lalo na at lagi kaming sinasama ng parents namin sa party ng mga business partners nila. But I’m not really fond of it, especially that I find it exhausting to greet and meet new people. Nakatunganga lang ako habang nawiwili si Ynez na pumili sa mga dinala kong dresses. Nilagay ko na lang kung ano ang mga sa tingin kong magaganda kanina. “Gosh, ang gaganda ng mga dresses mo. Walang-wala sa mga nakasabit sa drawer ko.” Umismid ako. Drawer daw eh wala nga akong makitang kahit anong drawer dito. Baka closet naman ang tinutukoy niya. “Tsaran!!” I opened my eyes and stared at the mirror. I’m impressed! To say that Ynez was able to match my makeup with my high-slit silver gown is amazing. She used a silver glitter eyeshadow, lined my upper lash line with a black eyeliner and applied a few coats of mascara to my lashes. A subtle contour was applied on my cheekbones as well added by a rosy blush on. “What lipstick shade would you prefer, Abrea?” showing me a nude and mauve shade. I preferred to look fierce today so I chose the mauve one. “Good choice,” she beamed. Inagaw ko ang lipstick and applied it instead. “You should do your makeup na, Ynez.” I glanced at her wall clock at sinabing alas dos na. “Ay gago, alas kwatro yung party. Bibyahe pa tayo ng 30 minutes.” Umalis ako sa upuan ng vanity mirror at hinayaan siyang mag-ayos. “Do I look okay?” alanganing tanong niya sa akin after she’s done. I gazed at her from head to toe. She looked sexy and elegant because of her choice of rose gold gown with a plunging back. She finishes her makeup after a few minutes, highlighting her eyes with cat-eyeliner. To finish the outfit, she accessorized it with bold earrings and made her hair in updo. “Okay?” Laging wrong choice of word. “Girl, you look gorgeous!” WE made it on time and were ushered by an usherette inside a mansion. Grabe. I can see how the congressman is very influential because of the party's grandness and the guests. The mansion emitting its historical ambience is draped in festive hues of gold and silver. And the enormous chandeliers that create a warm environment by reflecting light off the polished marble floors truly astound me. I find myself letting my gaze wander aimlessly among the socialites that gather around. You can literally smell elegance, societal grace, and political influence everywhere in this mansion. Naramdaman kong kinalabit ako ni Ynez. “That’s the Congressman and his wife.” I followed the direction she’s pointing at and my… I can see the love in the eyes of the congressman as he adorably looks at his wife with his hand on her waist. “Tara dun kina Dad sa table nila,” Ynez said and pulled me over. I politely greeted her parents as I sat down. “My, what a gorgeous lady you are,” her mother praised while her father smiled at me. “I like your style today, Ynez darling. Tiyak na makakabingwit ka ng magiging fafa mo.” “Mom!” “Vida!” magkasabay na saway ng mag-ama na tinawanan lang ng mama ni Ynez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD