“Villanueva?” tanong ng mama ni Ynez nang matapos kong magpakilala sa kanila.
“Anak ka ni Andres at Miranda, hija?” follow-up question naman ng ama niya. Nahihiya akong tumango.
“Wow. You got Miranda’s face when she’s young. I’m one of her classmates during high school, sadly we didn’t become friends dahil suplada ang nanay mo.” Natawa ako.
“Ganun po ba, ma’am. Hanggang ngayon naman po eh suplada si Mommy.”
She waved her hand. “Just call me tita. Tito na din itawag mo sa asawa ko. Ano pa at kaibigan ka naman ng anak ko.”
Napangiwi ako sa sinabi niya at sumulyap kay Ynez na nag ngiting-aso lang. “Sige po, tita, tito.”
Nagpunta sa table namin ang congressman at ang kaniyang asawa para imbitahan kami sa table nila. We offered our greetings especially to the birthday celebrant.
Pumayag sina tito at tita na sumama pero hindi kami napilit. They invited us but we declined.
“Naku, we might bore you po, ma’am and sir. Baka hindi din kami makarelate sa topics niyo, at isa pa, hahanap pa po kami ng fafa.” Ynez unfiltered mouth but in.
Pinandilatan siya ng ama nito pero humalakhak lang ang ina niya kasama na din ang birthday celebrant. Napailing na lang din ang congressman dahil dito.
Ynez sighed as the adults left the table. She slouched on her seat at iginala ang tingin. “Ang daming bachelors na nagkalat. Sa dami nila, hindi ako makapili,” and sighed again.
Makabuntong-hininga naman ito, akala mo ang laking problema ang dala niya. Hindi ko na lang ito pinansin at pinagtuunan ang wine glass na nasa harap ko. Nasa kalahati ang laman nito and I am tempted to drink it. Ano kaya ang lasa?
Sumimsim ako at agad napapikit sa pait. Potek! I faked gagged as I glanced at Ynez who seems amused with my reaction.
“Gago, first time mo?” I nodded.
“Aww, hindi naman halatang sheltered ka noh.”
I mentally rolled my eyes. Anong sheltered? “Strict ang parents ko, that’s why I didn't have time to explore things at my younger age.”
She hummed and lifted up her glass for cheers. I just clinked it but never bothered to drink again. “Inumin mo na lang yan, Abrea. Better to explore things, mahirap pag masyado kang inosente sa mga bagay-bagay.”
I lifted my glass and drank slowly not because I obeyed Ynez but because I’m curious how being drunk feels. Nang masanay na ako ay mabilisan kong inubos ang laman ng baso na kinasiya naman ng katabi ko.
“Hey ladies!” a man at our age with a bright smile greeted us. “Mind if I sit here?”
Hindi na niya inantay ang sagot namin at agad na lang umupo sa tapat ni Ynez. He smirked at us and offered his hand. “Ako nga pala si David, ikaw..”
“David. Ang rude naman nung nagtanong ka pero hindi mo din pala aantayin ang sagot namin,” Ynez said at iritadong tiningnan ang kamay na nakalahad sa kaniya. Napapahiya namang binawi nito ang kamay at tumikhim. “I think I need to go to the bathroom, excuse me.”
“Bobo,” sabay irap ng kasama ko. “He has no manners at all. Akala ata maaakit tayo sa ngiti niya.”
I looked around to catch the attention of any waiter available pero wala. Lahat sila ay may inaasikasong guests kaya nagpaalam ako kay Ynez para kumuha na lang ng alak sa bar counter ng mansion na to. She nodded and left our table as well to retouch her makeup.
“Hi, can you please refill my glass?” tawag pansin ko sa nakatalikod na bartender. Hindi niya ata ako narinig kaya inulit ko ng mas may malakas na boses.
Humarap ito at agad kong napansin ang mga mata niya. His hazel eyes are beautiful but they're devoid of emotion. “What kind of drink, ma’am?”
His rasped voice lacks emotional display as well. I let out a slow breath. Only when I noticed him staring at me did I realize how long I had been holding it. Matagal din pala akong na-space out.
“Ah, sorry.” Napangiwi ako dahil napaos ang boses ko. I cleared my throat.
“Um, what drinks are available?” Tumitig ito sa akin. Agad kumunot ang noo ko.
“Do you prefer light or hard drinks?” I can’t help but to tap my fingers on the counter while thinking. Magsasalita na sana ako ng agad siyang tumalikod at dinampot ang kung ano-ano para siguro magtimpla.
“Light please.” pahabol ko na lang. Hindi man lang ako pinansin kaya napairap na lang ako sa ere. Sumandal ako patalikod at iniikot ang paningin. Ilang minuto na ata akong nandito at hindi pa bumabalik sa table namin si Ynez.
“Here.” napaayos ako ng tayo nang mailapag sa harap ko ang inumin. I stared at the red drink with a lime and frozen strawberry on top of it. “It's a cocktail, strawberry daiquiri,” at agad bumalik sa ginagawa.
Tumango-tango ako at sumimsim dun. The first thing that hits my taste buds is the sweetness and notice a zesty twist because of the lime. The tanginess matched with the sweetness and felt a subtle warmth which may be because of the alcohol that was added to it.
Hindi ko namalayan at naubos ko agad ito. I ordered another drink. “Can you get me a different one?”
“First time mo?” medyo nagulat ako sa biglaan niyang pagtanong. Naguluhan pa ako sa tanong niya.
“I mean, first time mong uminom hindi ba?” he clarified. It's just kind of surprising for him to initiate a conversation because of his cold demeanor.
I nodded at him. Tumalikod ito pagkatapos then presented me another glass. “What’s this?”
“Vodka soda.” tipid nitong sagot at pinanood akong sumimsim. It's kind of light and crisp. I chugged it down then looked at him asking for another one. He sighed and shaked his head.
“Sa tingin ko, kailangan mong maghinay-hinay sa pag-inom lalo na kung first time mo. Mahirap magka-hangover.” tinawanan ko siya na nagpakunot-noo sa kanya.
“Are you tipsy?” kuryoso nitong tanong.
“Hindi ah,” tanggi ko habang umiiling. Ramdam kong masyadong nag-iinit ang pisngi ko pero hinayaan ko na lang. Ganito siguro pag umiinom.
“Hala miss, ang pula na ng mukha mo oh,” he pointed out. Inilapit niya pa ang mukha niya at pinaningkitan ako. Napatitig ako sa kanyang mukha.
He’s really attractive at ang lakas din ng dating niya. Dahil sa ginawa niyang paglapit ng mukha sa mukha ko ay agad umusbong ulit ang pilit kong kinukubli na nararamdaman kanina. He's making me nervous, especially when he's looking at me. Bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa presensya niya.
Napahinga ako ng maluwag nang lumayo siya. “Ngayon lang kasi ako makakainom, so will you please get me another vodka?” malumanay kong sagot. Tumitig pa ito sa akin pero wala ding nagawa.
Well, I'm a customer in the first place. He should serve whatever I want, as long as it's available on their menu, right?
“You don’t have to say please.”
NAPABALIKWAS ako at dali-daling dumiretso sa CR para magsuka. Oh my gosh! Ang hapdi ng tiyan ko.
I went out of the bathroom minutes later and headed straight back to bed. I clutched my head as I felt that it's being hammered and drilled. Like my skull has housed a bustling construction crew.
After a while, I realized that I’m now in a room changed into pajamas. I don’t feel anything weird about myself but the fact that it's now morning and I don’t exactly know where I am makes me anxious.
Hindi ko nga maalala kung anong nangyari sa party. “Uy, buti gising ka na.” natatawang saad ni Ynez pagpasok niya sa room. “Good morning.”
“Good morning. Kinabahan pa ako, akala ko kung nasaan na ako.”
“This is one of our guest rooms. Isa sa mga kasambahay ang nagpalit sayo dahil ayokong makita ang katawan mo,” irap niya. Tsaka ko lang napansin ang hawak niyang baso ng tubig.
“Ang sarap mong batukan, alam mo ba yun.” biglaan niyang sinabi at pinanlakihan pa ako ng mata.
“Sinabi ko kina mom na hahanap tayo ng fafa. Pero ilang minuto lang akong nawala dahil tumambay ako sa CR, pagbalik ko lasing ka na?!”
Inabot niya sakin ang hawak niyang baso at gamot. “Oh, inumin mo ‘to para sa hangover mo. Nakakaloka!”
Nanlaki ang mata ko nang marealize na hindi ako nakapag update kina mom and dad. I looked at Ynez who just rolled her eyes. “Tinawagan ko yung house number niyo at ipinaalam kita. Sabi ko dito ka matutulog lalo na at masama ang pakiramdam mo. Gusto ka pa ipasundo pero sinabi kong huwag na, lalo at tulog ka na.”
I nodded and put the glass on the bedside table. Nakahinga ako ng maluwag dun. “Thank you. Anong nangyari sa party kahapon?”
Sapilitan ko siyang pinakwento. Ayaw niya nung una dahil alam niyang mahihiya ako pero wala din siyang nagawa.
“Natagalan ako sa cr kasi nga nag-jebs ako. Pagbalik ko sa hall nina congressman, nakita kitang nakayuko na lang sa counter. Ginigising ka ni Greg pero my gosh, bakla ka ng taon. Bigla ka na lang ba naman nagmulat at ini-angkla yung braso mo sa leeg niya.”
I choked on my saliva. Napanganga akong tumitig sa kaniya. “Totoo nga! Lasing na lasing ka kahapon dahil yung mukha mo, naging kamatis sa pula. And my gosh, talandi kang babae ka.” tinuro pa ako as if hindi pa sapat yung malakas niyang boses na nagkukwento.
Inis kong binaba ang kamay niya. “Hindi ka pa nakuntento at pilit ka pang sumubsob sa leeg niya.”
Agad akong pinamulahan sa hiya. I can’t remember doing that and hopefully, I won’t remember it. Nakakahiya talaga pag nag-flashback pa sa isip ko yun.
“Girl, I know that Greg is hot pero ikaw na. Ikaw na talaga ang magaling mag-first move ng taon.”
“Greg?” hindi ko matukoy kung sino ang tinutukoy niya pero the fact na ginawa ko yun sa hindi ko kakilala ay talagang nakakahiya.
Nanlaki ang mata niya. “Hindi mo kilala?” Tinakpan ko ang tenga ko sa biglaang pagtaas ng boses niya. Mas lalo akong nanlumo nang nahahapo siyang umupo sa kama.
“Si Greg, yung nasa bar counter nina ma’am Calisa.”
My shoulder immediately slumped. Sa kanya pa talaga!
Imagine doing that for the very first meeting with a stranger. Not that he’s totally a stranger to me but, ugh! I don’t know but I don’t want to leave any bad impression on him.
Nakakahiya ka, Abrea! I even agreed to my dad who asked me to mind my manners.
“Pero in fairness, Greg held you with care ha. He even caressed your back and held your waist. Hanggang ngayon kinikilig pa ako kapag naaalala ko.”
I bit my lips at that at mas lalong namula ang mukha ko. “He even helped me get to our car and drive us home.”
“Really?” mahina kong sabi.
“Uyyyy, may future kayo.” pang-aasar ni Ynez kaya hindi ko mapigilan matawa. “Gago!” I muttered.
Nanlaki ang mata niya. “Did you just curse? Gago, hindi ko naman gustong-gustong minumura pero nakakagulat na ngayon lang kita narinig magmura. Paisa pa nga!”
Sinimangutan ko na lang siya. Patuloy pa ito sa pang-aasar sa akin hanggang sa inaya na kami ng parents niya for breakfast.
I appreciate their care since they served me with a sinigang soup for my hangover. I apologized to them dahil nalaman kong nag-alala pala sila sa lagay ko kahapon at willing pa talagang umuwi na. Mabuti na lang at napilit sila ni Ynez na manatili sa party lalo na at personal nilang kakilala ang celebrant.
Mabait talaga ang mga magulang ni Ynez at tinawanan lang ako saying that its normal for a teenager like me. Basta daw ba huwag masyadong maglasing sa susunod lalo na kapag walang kasama.