Chapter Five

3111 Words
Wala namang sinabi sina mom and dad sa pag-overnight ko kina Ynez pagkauwi. Nadatnan ko silang nakaimpake na at agad nagpaalam na pupunta silang Davao. They have to meet an important client so they can start building a branch of our coffee shop. Maybe it will take months for them to come home, especially since they need to focus on it for faster construction. I went upstairs. Nadaanan ko si Aaron na busy sa paglalaro ng pc game. I don’t even know the name of the game. I headed straight to my room and locked it. Agad akong nagtalukbong at impit na tumili. Gosh! Nagfa-flashback pa rin sa akin ang kwento ni Ynez and it's really embarrassing to remember. Sa sobrang pagkalasing ko, wala na akong maalala. All I know is I was able to drink 3 cups of vodka soda and remember chatting with Greg. Ako nga lang pala ang nagsasalita that time and he’s just doing his business. Hindi ko nga alam kung nakikinig sa akin yun e. Hindi ko din maalala kung ano ang mga pinagkukwento ko sa kaniya. I will make sure to drink moderately next time. I heard my phone beeped. Inabot ko ito dahil nakapatong sa bedside table. A message from an unknown number popped up. “How are you feeling?” kumunot ang noo ko sa text. Sino naman kaya to? I proceeded on deleting the text and immediately added the number to my blocklist. Hindi ko ugaling sumagot sa mga unregistered number at ayoko talagang kung sino-sino ang nagtetext sa akin. I’ve even tried changing my number before everytime I receive a text message or call from an unknown number but I’ve learnt to block instead. I feel so sleepy. Mahaba ang tulog ko kagabi pero nararamdaman ko pa rin yung hapdi ng tiyan ko. The soup I had for breakfast helped my headache, but not my stomach. Hindi sanay ang tiyan ko sa alak kaya siguro mahapdi lalo na at nasobrahan pa. I felt groggy when I woke up. Nawala nga ang sakit ng ulo ko pero sumakit naman ang likod ko. Nakita ko sa wall clock na alas dos na pala ng umaga. Wait, umaga?! Natulog ako before lunch kahapon! It means I overslept. Ni hindi ko man lang nasaluhan ang kapatid ko sa lunch at dinner. Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa sala. Tulog pa ang lahat pero dahil wala akong magawa ay tumingin-tingin ako ng pwedeng gawin. I have to be independent, sabi nga ni mama. Though, everything is neat and organized in the kitchen. Pati na din sa sala. Saktong tumunog ang tiyan ko pero wala akong mahanap na lutong pagkain. Wala akong choice kundi maghanap ng pwedeng iluto kahit hindi ko alam. This is probably the reason why we sometimes need to be independent. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may kasama ka para tulungan ka sa lahat ng bagay. May mga bagay talaga na ikaw lang din ang pwedeng gumawa kaya dapat lang ay matuto sa mga bagay-bagay. Bumuntong-hininga ako nang makita ang laman ng ref namin. Wala akong makitang madaling iluto. I saw pork. Nagcrave tuloy ako ng sinigang na baboy. Inilabas ko ang phone sa bulsa ko and searched on how to cook it. After reading, I gathered all the necessary ingredients and put it on the kitchen counter. Pinagpapawisan na ako habang hinahalo ang niluluto ko. Pinatay ko na ang stove nang sa tingin ko ay luto na. Naparami ako ng lagay sa karne at gulay kaya imbes na pang-isang tao lang ay naging pangtatluhan pa ata. “What the hell?” napatili ako sa biglang nagsalita. Lumingon ako at biglang hinampas si Aaron na ilang agwat lang ang layo sa likod ka. Wala itong suot pang-itaas pero nakapajama pants pa rin naman at nakapaa lang. “Ba’t ka ba nanggugulat?” asik ko. “Ikaw ang nakakagulat, ate. Akala ko nagkaroon na ng multo sa bahay. Alas dos pa lang ng umaga pero kung ano-anong ingay ang naririnig ko dito sa kusina.” “Sorry. Nagugutom kasi ako eh walang natirang pagkain kaya sinubukan kong magluto.” “Oh?” muntik na akong mapairap nang mabasa ko sa mukha niya ang hindi paniniwala sa sinabi ko. Nang maunawaan niyang nagsasabi ako ng totoo at lumipat ang tingin sa umuusok na kaserola ay dali itong lumapit sa counter at inagaw ang hawak kong kutsara. Pinausog pa ako para daw makasandok siya. Nakakaisang-higop pa lang siya ay umubo-ubo na ito. Dumiretso pa talaga sa sink at parang sumuka kahit wala naman. Ang arte! “Grabe naman yan, ate. Ano ba ang niluluto mo?” Mariin ko siyang tiningnan. Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko o hindi dahil alam kong aasarin na naman ako nito. “Sinigang,” iritado kong sagot. Sumimangot ako ng humalakhak siya. “Ang alat! Dagdagan mo ng tubig ate. Imbes na maasim, naging maalat.” insulto pa niya. Sinunod ko nga ang sinabi ng magaling kong kapatid at binigyan ako ng thumbs-up nang maayos na sa kanya ang lasa. Nagulat pa sina ate Sally at ang dalawa naming kasambahay nang madatnan kaming magkapatid na naglilinis ng mga kalat namin sa kusina. Hindi lang kasi sinigang ang sinubukan naming lutuin kundi pati na kanin. Natagalan kami sa panonood ng video sa youtube ng kapatid ko dahil gusto namin malaman kung paano sukatin ang ilalagay na tubig. Nagpilitan pa kami kung ano ang gagamitin pero sa huli, gumamit na lang kami ng rice cooker imbes na yung kaldero talaga na iluluto at babantayan sa stove. Kakatapos ko lang magsandok ng babaunin ko sa paaralan nang pumasok si Aaron na ngumunguya ng bubble gum. Nagtataka ako nang dumiretso ito sa counter para lagyan din ng pagkain ang kinuha niyang lunch box. “Magbabaon din ako noh. Akala mo ikaw lang,” irap niya sa akin. Hindi naman ito nagbabaon ah. “Akala ko ba lilipat ka sa dorm ngayon?” pagtataka ko dahil wala akong nakitang ibinaba na bagahe si kuya Roy sa kwarto niya kanina. “Nagbago isip ko eh.” simpleng saad niya lang at nilagpasan ako. Sumunod ako matapos ihanda ang baunan at dumiretso na nga din sa sasakyan. Ilang segundo pa lang mula nang lumabas ako sa sasakyan namin ay bigla na lang may humablot sa braso ko. “Bilisan mo at mag-usap nga muna tayo.” Naguguluhan man ay sumama ako kay Ynez at dumiretso sa canteen. Iilan pa lang ang tao dahil masyado pang maaga pero sa pinakadulo pa rin kami umupo. “Sabihin mo nga sa akin kung kilala mo na ba si Greg dati?” “Ha?!” nalilito ako sa sinasabi niya. “Hindi naman.” hindi ko nga alam kung sino sa mga guests ang Greg dun. Pinaningkitan niya ako ng mata. “Eh may sinabi ka ba sa kanya nung nakaraan? Baka may nasabi ka nung lasing ka o kaya may nagawa ka?” Mas lalong kumunot ang noo dahil sa mga pinagtatanong niya. “Wala nga akong maalala. Bakit ba?” naiirita na ako. Naningkit pa ang mga mata niyang tumingin sa akin. “I just got curious kasi bigla ka na lang hinahanap ni Greg sa akin kanina. Hindi ko nga alam kung nandoon pa sa room yun eh. Siya nga una kong nakita pagkapasok ko pa lang.” Nagkibit-balikat ako sa kanya. “I don’t even know who Greg is,” bulong ko pero narinig pala niya. “Ano?!” pabulong niyang sigaw para hindi makakuha ng attention sa iba. “Kinakausap mo nung nakaraan pero hindi mo pala alam ang pangalan nun. Sumubsob ka na sa leeg niya at lahat-lahat…” namula ako sa hiya. There’s someone who I assume his name is Greg though. “Greg ba yung bartender na nasa counter nun?” panlilinaw ko. “Oo nga. Dahil sa boredom nun, nagvolunteer daw maging bartender sa party ng tita niya. Kapatid ng nanay niya si ma’am Calisa.” I looked at her. Paano naman niya nalaman? She answered as if she knew my question. “Kinwento ni mom sa akin. Tawang-tawa daw ang congressman sa kanya dahil kung ano-anong pinaggagagawa sa buhay.” “Hindi mo man lang tinanong kung ano ang kailangan sa akin?” takang tanong ko sa kanya. Umiling ito. “Natuod nga ako nang bigla niya akong kinausap eh. Nadistract ako sa mukha at tangkad niya.” sumimangot siya. “Tinalikuran agad ako nung sinabi kong hindi ko alam kung nasaan ka.” Napaisip tuloy ako kung bakit niya ako hinahanap. Dumiretso kami sa room nang makita naming malapit na ang umpisa ng unang klase namin. Muntik na akong mabangga sa likod niya dahil bigla siyang huminto at may tinitingnan. Sinundan ko ito ng tingin at nagulat dahil nakitang nakatayo si Greg sa gilid ng pintuan ng room. Kung nagulat si Ynez ay mas nagulat pa ako nang makitang nakatayo sa gilid ng pintuan ng room si Greg. Pinagtitinginan pa siya ng mga dumadaan at nagtataka kung bakit siya nakatambay dun. “Ano kayang ginagawa ng grade 12 student sa section na yan?” rinig kong tanong ng isang estudyante sa kasama niya. Dumaan sila sa gilid ko. “Iba talaga pakiramdam ko dito, Abrea. Mauna na ako.” bulong ni Ynez sakin lalo na nang makitang palapit siya sa amin. I tried to reach out for Ynez. Pero ang gaga, iniwan na lang ako basta at pumasok sa room. Yung mga kaklase ko na nasa room din ay nakatingin sa amin. Well, Greg is indeed a headturner but I don’t understand why students are being so nosy. Is he a transferee or maybe not. I never heard of him until I got to senior high school. Magkaiba kasi ang building ng junior high school at senior high dito. Building lang ata ng senior high school ang hindi nakasali sa main dahil medyo malayo kung saan ito naipatayo. Pagkalapit nga nito sa akin ay hindi ko alam kung ano ang gagawin. Gusto kong tumakbo pero natuod na lang ako sa pwesto ko. “Hey,” he greeted and flashed a small smile. Hindi ko mapigilan mamula lalo na nang maalala ko ang nangyari sa party. Nakakahiya! Alanganin na lang akong ngumiti sa kanya dahil sa mga matang nakatitig sa amin. Napansin siguro ni Greg kaya nilibot niya ang tingin at nagsiiwas silang lahat. This is so not me. I cleared my throat and flashed a smile as well. “Hey. I heard you're the one who drove us home last time, so thank you.” He nodded. “How are you feeling?” kumunot ang noo ko dahil sa familiar na phrase na yun. I think I’ve heard it somewhere. “Ah, okay naman na ako ngayon. Pasensya na at naabala pa kita last time, nakakahiya. Tsaka sana, kalimutan mo na din ang mga pinagsasabi ko that time lalo na at hindi ko maalala.” I said nicely. His lips went into a grim line. I saw how his eyes flashed anger pero baka namamalikmata lang ako dahil pagkurap ko ay walang emosyon ulit siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin siya sa akin. Siguro dahil hindi ako sanay makipag-usap sa lalaki o kaya dahil sa mga mata na nakatingin ulit sa amin. I want to dismiss our interaction as soon as possible, since he’s not speaking anymore. Nakatingin na lang ito sa akin na parang binabasa ang reaksyon ko. Palapit naman na ang teacher namin for the subject kaya bumaling ako kay Greg. I awkwardly laughed. “Ah, haha. Thank you again ha. I have to go since our class is going to start soon. See yah.” Tumango lang naman ito at pumagilid para magbigay-daan sa akin. I creased my forehead because of that. And weird niya. Kinukulit tuloy ako ni Ynez sa kung anong nangyari pagkatapos kaming idismissed sa araw na ito. Half-day ngayon ang klase namin dahil magkakaroon ng importanteng meeting ang mga teachers. Pansin ko din ang tinginan ng iba naming kaklase sa akin. Halatang gusto ding magtanong kung bakit lumapit sa akin ang crush ng bayan. “Ang daya mo. Akala ko ba friends na tayo?” Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. May gana pang magdrama eh hindi naman niya ako madadaan sa ganyan. “Tara na nga lang at magmeryenda. Bili tayo ng beta max kay kuya.” sumunod ako sa kanya dahil nauna na itong maglakad palabas ng gate. “Hindi ba tayo magla-lunch?” “Diet ako.” I just tsked at what Ynez said. Nadaanan namin sa gilid si Greg kasama ang mga barkada niya na nagtatawanan pero nagkunwari na lang akong hindi namin siya nakita. Hindi din siguro napansin ni Ynez dahil mabilis itong naglakad at dumiretso sa tindahan na nasa kabilang kalsada. Pinalagpas ko muna ang mga tricycle bago ako tumawid at lumapit kay Ynez na kumukuha na ng ipapa-ihaw. Simula pasukan ay nakasanayan na namin ni Ynez na bumili dito ng mga isaw pagkatapos ng klase. I refused to accompany her at first but since she’s so makulit, wala akong nagawa. Kilala na nga kami ng nagtitinda e, si kuya Lee. Halos lahat ata ng seniors ay dito bumibili dahil sa mga sawsawan na ginagawa niya. Biro pa nga namin kay kuya Lee nun eh baka koreano siya o kaya chinese dahil sa pangalan niya pero ipinagkaila ito. “Sa itim kong to at sa height ko, sasabihin niyong may lahi akong koreano o chinese. Etchusera lang nanay ko at pinangalanan akong Lee,” naalala ko pang sabi nito na malakas naming tinawanan. I have to admit that having Ynez now makes me feel better. Kung hindi niya siguro ako natipuhang kulitin ay hanggang ngayon mag-isa pa rin ako sa taong ito. Akala ko nga suplada talaga siya nung una. Ayaw niya lang daw pala nang masyadong pinagtitinginan. “Kuya, medyo sunog po ulit yung luto nung isaw ko ah,” paalala ni Ynez. “Oo ineng. Huwag kang mag-alala, kabisado ko kung paanong luto ang gusto niyo.” Umupo kami sa pahabang bangko na malapit sa nagtitinda habang inaantay ngang maluto ang mga pina-barbeque namin. Ramdam kong may nakatitig sa akin kaya kuryoso kong inilibot ang paningin. I catched Greg’s gaze. He licked his lips and continued staring. Hindi ko mapigilang pangunutan ng noo. Pinapamukha niya ba ang kahihiyang nagawa ko sa party? Iniwas ko ang tingin nang makitang kinulbit siya ng katabi niyang babae. Ah, ang init! Pinunasan ko ang pawis gamit ang likod ng kamay ko. Hindi ko inaasahang sobrang init ngayon kaya hindi ako nakapagdala man lang ng payong at panyo. Hindi na ulit ako lumingon sa bandang ‘yon kahit ramdam ko ulit ang bigat ng titig niya. Nakatunganga lang kaming dalawa ni Ynez habang pinapanuod ang mga dumadaang sasakyan. Malawak kong pinagparte ang paa ko pero sinita ako ni Ynez. “Gaga ka. Ganyan ka talaga uupo eh naka-skirt ka?” umirap ako. Tumingin ako sa suot naming uniform which is white blouse with the school’s logo and a black skirt, 1 inch below the knee. Dahil sa medyo matangkad ako, nagmukha itong mas maiksi kaysa sa kanya. “Naka-cycling naman ako.” umingos lang siya. “Parang lalaki,” rinig kong sabi niya ulit pero nagkunwari na lang akong walang narinig. Kapag siguro nasa bahay ako, ganyan din ang maririnig ko kapag meron si mom. I'm really used to sitting with my legs wide apart, although I try not to, especially since my mother usually calls it unladylike. Pero may mga pagkakataon na hindi ko talaga mapigilan ang nakasanayan. Naagaw nang pansin namin ang taong nakasumbrero at nakashade na lumapit kay kuya Lee. Bumaba ito sa tricycle na tumigil sa tapat namin. May hawak itong brown envelope. Ang weird naman ng suot nito. Naka-jacket pa kahit ang init-init ng panahon. “Kuya, may I know where Esperanza school is?” may accent niyang tanong. Babae pala. Tumingin sa amin si kuya. “Sagutin niyo nga siya mga ineng. Naintindihan ko lang eh Esperanza school.” Dun naman kami napansin ng babae kaya lumapit sa banda namin. “Hi, you know where Esperanza high school is?” Tumango naman kami at tinuro ang nasa tapat namin. Ang laki laki pa ng signage ng school namin sa taas ng gate pero hindi niya nakita. “Ay pota.” nagulat kami sa biglaan niyang pagmumura. Tinampal niya ang noo at tinanggal ang sumbrero tsaka shades. I was in awe because of how gorgeous she is. Despite of having a boy haircut, malakas pa rin ang dating niya. I looked at Ynez and she’s even amazed. “Buti naman nakarating din ako sa wakas dito. Ang layo ha.” bulalas ulit ng babae na sa tingin ko eh kinakausap ang sarili. Tumingin ito sa amin at ngumiti ng malaki. “Hi, I'm Isadora. Isadora Morales but you can just call me Isa,” she introduced and offered a handshake. We introduced ourselves as well. Tsaka lang kami nakahuma matapos ‘nun. “Pota, ang init ng panahon ngayon ‘no.” sabi niya sabay hubad ng jacket. “Kung ‘di ka ba naman tanga, nagjacket ka pa.” siniko ko ang katabi kong si Ynez nang marinig ang binulong niya. “Ano yon?” baling niya sa amin. Umiling lang kami at binalingan namin si kuya dahil tapos na pala nitong ihawin ang order namin. “Ah, I have to enter your school now. Kailangan kong mag-enroll agad para makapasok na ako bukas.” Gulat kaming napatingin ulit sa kanya pero tumatawid na ito. Nakita siya ng ibang mga estudyante na nakatambay sa gate at pinagtitinginan. Hindi man lang pinansin ang mga ito at dire-diretsong pumasok. I even saw Greg and his friends follow their gaze to her. Titig na titig siya kay Isa kahit nakalayo na siya sa gate. Kumunot ang noo ko nang maramdamang sumikip ang dibdib ko sa nakita. “Hoy, Abrea!” tawag pansin sa akin ni Ynez na nakasubo na ng isaw. I just shook my head and headed to where she was. Gutom lang to. “That girl is weird,” Ynez said while munching her food. Tiningnan ko siya nang may pagkaasiwa. “Ano?” “Will you stop talking while munching your food? Ang lakas mo pang ngumuya.” sita ko na tinawanan lang niya pero dahan dahan na din namang kumain kalaunan. “Pero seryoso nga, ang weird nung si Isadora. Kung hindi pa natin siguro nasabi na nasa Esperanza na siya eh hindi niya tatanggalin yung mga suot niya kahit ang init-init.” I silently agreed with her pero isinawalang-bahala ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD