Nauna na ang lalaki na pumasok sakaniyang original. Samantalang siya ay wala pa din sa sarili habang naglalakad papasok, nagulat na lamang siya nang biglang may pumulupot na braso sakaniya. Tinignan niya iyon, it was Mara. Aside from the fact that she was shocked that it was Mara, she was confused why she was smiling at her from ear to ear.
Hindi ba dapat masama ang loob ng mga ito?
To be honest, she still feels ashamed of what happened two nights ago. She feels like she owes them for that. It was supposed to be a celebration for them, but she made a scene.
“Ma’am Letisha, okay na po ba kayo? ” Nakangiti pa din ito sakaniya. Hindi niya alam kung paano ba siya magre-react.
“O-Okay na ako. ”
Humigpit ang pagkakakapit nito sakaniya at bigla na lang humility, “Mabuti naman! Pero bakit naman hindi niyo sinabi sa amin na asawa niyo pala si Sir Kean?! ”
She knew that they would ask about it, pero iba pa rin pala talaga pag harapan na itong nagtanong sakaniya. Hindi naman sa iniiwasan niya ang mapag-usapan ito pero hindi naman kasi niya alam paano sasagutin pa ang mga karugtong na tanong sakaniya. Lalo na ngayon na hindi niya alam kung ano ba talaga sila ni Kean.
Oo nga at nilinaw na nito sakaniya na gusto nito na subukan pero may takot pa rin siyang nararamdaman. Lalo na at hindi niya alam kung seryoso ba talaga ito sa sinabi niya na mas gusto lang nito na magkaroon ng karapatan sakaniya pag dating sa kama. Even if it is a joke for him, she couldn't stop thinking about it.
“Sorry for what happened that night, Mara. ” She said, trying to divert the topic.
“Okay lang po, Ma’am. Pasensya na po kayo at pinuwersa namin kayo sumama ng gabing iyon. Kasalanam namin bakit muntik na rin kayo mapahamak dahil kay Jordan. ” Kung kanina ay malawak ang ngiti nito, ngayon naman ay tipid na lang.
She felt a slight of guilt about what happened, but if we look at the situation carefully; what he did was so unethical. Kahit naman hindi siya ang ginawaan ng ganoon, walang kahit na sinong babae maging lalaki ang dapat na makaranas noon.
„I’m already okay, Mara. Maybe he was just really drunk that night. ” Though she wasn't sure since pagkakaalala niya ay noon lamang ito kumuha ng alak at wala pang naiinom. Pero agad din iyon nakumpirma nang magsalita military ang kausap.
“Hindi iyon lasing. Napag alaman namin na sinadya niya talaga, maganda ka kasi ma'am mukhang naglaway po ata sainyo. ”
May kung anong bahid ng pagkadismaya ang pagkakasabi nito noon. Dumating naman si Kira at nakisingit sakanilang usapan.
“Kung hindi pa nga po kami pinatawag ni Sir Kean, hindi po namin malalaman na sinubukan po kayong pikutin ni Jordan. Hindi rin naman kasi namin akalain na ganoon siya. Isang taon na po kaming magkakasama rito, wala kaming naging problema sakaniya. Siguro nga ay naging desperado siya sa’yo kaya umabot siya sa ganoon. ”
Pinag hila naman siya ng upuan ni Mara. Masyadong maaga pa naman kaya tinanggap niya ito. Alam na niya na maraming tanong ang dalawang ito sakaniya. Ang iba sa loob ng opisina ay napapatingin na lamang sakanilang gawi, pero hindi nagtangkang lumapit. Alam naman niya na kalat na ito sa opisina, kaya hindi na rin niya pinansin.
“Pero Ma'am bakit nga po hindi niyo pala sinabi sa amin na asawa niyo po pala si Sir? ” Pag-uulit ni Mara. Hindi pa nga siya nakakareact sa sinabi ni Kira ay sinundan na agad nito iyon ng tanong. Umupo na rin kasama nila si Kira at naki-isyoso na rin.
“I... I just don't think, I should. Besides I myself already made you feel intimidated. Pag ba sinabi kong asawa pa ako ng boss niyo lalapitan niyo ako? ” They both shook their head.
“See, that's why. ”
“Pero po anak pala kayo ni Mr. Servente? Grabe big time po pala talaga kayo. ”
Namamanghang komento ni Kira.
“Sinabi rin ba ’yan ni Mr. Monterey? ” Natatawang tanong niya.
“Naku ma'am hindi po. Sinabi lang niya talaga sa amin na asawa niya kayo. Nag search lang kami tungkol sainyo, na-curious lang po. Kasi naman ma'am nagulat talaga kami saka hindi namin akalain na si Sir mag asawa? Parang allergic nga sa babae iyon eh tapos puro party lang at trabaho ang alam. ” napatakip naman ng bibig si Kira dahil sa pagkahiya.
Tinawanan lang naman ito ni Letisha. What Kira said was half truth. Hindi naman kasi talaga halata sa itsura nito ang mag seryoso sa buhay maliban kung usapang negosyo.
“Pasensya na po. Napasarap ng kwento. ”
Iiling iling na lamang siya, sa pag kakataon na ito ay si Mara naman ang nagsalita.
“Pero sayang ma'am wala kayo nung araw na ’yon. Galit na galit na sumugod dito sa department office si Sir at hinanap si Jordan. Sa totoo lang po nagtataka kami bakit parang balisa ’yung lalaking iyon nung araw na iyon. Ang naisip lang po namin ay baka natatakot kay Sir kasi may kutob na kami na may something sainyo eh. Tapos ayon bigla na lang siyang sinapak ni Sir. ”
Her jaw almost dropped on what she heard.
Kean did what?
“A-Ano? ”
Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang dalawang ito o baka naman ay exaggerated lang ang keen to. Pero hindi naman ito iyon masasabi ng dalawang kung hindi nangyari, hindi ba?
“Oo nga po ma'am tapos may sinabi iyon si Sir eh. Ano nga ba ulit iyon? ”
Dinugtungan naman ito ni Kira.
“Don't you dare come near my wife again. You are fired! Ayan sinabi niya. ” Mahinang nagtitili pa ang dalawang habang siya ay hindi niya malaman ang sasabihin sa kwento ng mga ito.
Ang kanina pa niyang nagwawalang puso ay tuluyan na ngang hindi ma-control.
“Hala ma'am namumula ka po! ” Pilit niyang pinatahimik ang dalawa. Lalo lamang siyang inasar ng mga ito.
“Ikaw ma'am ha kinikilig ka kay Sir no? ” panunudyo sakaniya ni Mara.
“Huwag mo na i-deny ma'am alam naman na namin. ”
Gusto na lang talaga niya muna mag laho sa harapan ng dalawang ito. Hindi nakakatulong ang pang-aasar nila sa pag proseso ng kaniyang utak sa mga nalaman.
Hindi pa nga siya nakaka move on sa ekesena nila sa labas ay nadali naman siya ng kwento ng dalawang ito. Kaya hindi na rin talaga siya nagtaka bakit ganoon na lang kabilis kumalat ang balita sa buong building na ito dahil kung kadaldal ang mga masama niya rito ay pihadong ganoon din ang iba pa rito.
“T-Tama na nga iyan. ”
Pilit na niyang pinapatigil ang dalawa pero talaga ng trip siya ng mga ito. Akmang tatayo na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa ang lalaking kanina lamang ay pinag-uusapan nila. Gumala ang paningin nito na tila may hinahanap.
Saktong tumigil ito sa gawi niya sabay ngiti. Lumakad ito papalapit sakaniya habang ang kamay ay nasa bulsa. Dama niya ang mga matang kanina lamang ay pasulyap sultan sa gawi niya, ngayon ay mga matamang nakatitig na. Nakailang lunok ata siya bago niya nahanap ang mga salita.
“What do you need? ” She wanted to sound professional as much as possible., but this guy is really making things hard for her.
Dahil talagang mas lumapit pa ito sakaniya.
“Do you have anything to do at lunch? ” he asked.
Palihim na sinulyapan niya ang dalawang babae kanina pero parehas na itong nakatulala.
“Wala naman siguro. ” She cleared her throat.
“Okay then, I'll wait for you. Let's have lunch together. ” Pagkatapos noon ay umalis na ito na parang walang nangyari.
Pagkaalis nito ay tumili na naman ang dalawa sa likuran niya.
Habang siya ay hindi pa rin nakakabawi sa mga kaganapan ngayong araw.