SHEENA'S POV
Matapos mangyari yung kanina. Hanggang ngayon, gulat na gulat pa din ako. Bakit niya sinabi yun sa harapan ng Ex boyfriend ko!?
Matapos ang pag-uusap nila kanina, heto ako ngayon naglalakad habang itong Artista na 'to nakasunod pa din sakin! Hindi ba ’to titigil kakasunod sakin!?
"Uyy! Sheen tara na sa Cafeteria nagugutom na ko ehh!" maktol niya. Ayoko pumunta sa Cafeteria siguradong pinag-uusapan na kami ngayon dun.
"Hindi ako nagugutom, kung gusto mo ikaw na lang! Tutal may pera ka naman ehh!" sabi ko na lang. Kahit na gutom na gutom na ko sobra.
*Grooowwwlll
Ano yun? O.o?
"Uyy! Wag mo na kasing ipagkait! Narinig ko yun?!!!" ang alin?
"Ang alin naman?"
"Yung tunog ng tiyan mo?" ahh... So akin pala yun, putspa nakakahiya.
"Ano? Tara na sa Cafeteria! Libre ko!" totoo ba yung narinig ko? Ang isang Artista manlilibre?
"Sure ka ba dyan?"
"Oo naman! Ikaw pa ehh Future wife na kita!" sabay akbay nya sakin kaya agad ko naman iyon tinanggal.
"Oh bakit naman? Nagtatampo na ba ang wifey kooooo???" sapakin ko 'to ehh...
"Ako'y tigil-tigilan mo at baka masapak kita! Makikita mo!"
"Makikita? Ang alin?"
"Mamaya dyan sa mukha mo! Makikita mo sa salamin ang pagka-itim ng mata mo!"
"Sus! Taray naman ng wifey kooo!" pagpapa-cute niya sabi sabay wink niya sakin at pisil sa pisngi ko. Naiinis na talaga ako ah.
"Tigilan mo nga ako sa mga ganyan! Tsaka kagabi lang tayo nagkakilala, kung umasta ka akala mo pagkatagal-tagal na at may kasalanan ka pa sakin nohh! Kahit kailan di kita mapapatawad!"
"Bakit naman? Sige! I know na hindi mo talaga ako mapapatawad kaya naghanda na ko! Good Luck na lang sa Valentines ahh! Bukas na yon!" tapos tumakbo na siya papaalis. Aba't iniwan ako? Walanjo! Akala ko ba ililibre niya ko?
You are the Spark. Im dying lied. You are my everything in my decided. You show me love never apart—
Nagulat na lang ako ng may tumawag sakin. Siguro si Dad. Siya lang naman kasi ang palaging tumatawag sakin. Minsan si Anika, kaya sinagot ko na ang tawag.
"Hello Da—"
[“Hello Sheena?”] - huh? Nagtaka ako na bakit parang nag-iba y’ata yung boses ni Dad? Kaya tiningnan ko yung screen ng phone ko. Unknown number? Sino 'to?
"Who are you?"
[“Ikaw talaga wifey kooo!!! Nakalimutan mo na agad ako, kakatampo ka tuloy,”] - ahh... Si Bryan. Kung maka-wifey kasi wagas!
"Wag mo nga sabi ako tawaging ganyan ehh!!!" naiirita kong sabi.
[“Alin? Yung Wifey? Ang ganda kaya pakinggan”] – napa-iling na lang ako sa sinabi niya.
"Paano mo nalaman number ko??!" singhal ko naman sa phone.
[“Kinuha ko kanina kay Ms. Corpuz kaya kita natawagan. Tsaka pwede ka bang pumunta dito sa private room?”] – napakunot naman bigla ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit? Ano namang gagawin ko dyan? "
[“Basta! Pumunta ka na lang dito at may sasabihin akong mahalaga sayo,”]
"Okay, pupunta na ko." inayos ko na ang buhok ko at naglakad na ako papunta sa Private Room. Huwag niya lang subukan na lokohin ako. Malilintikan talaga siya sakin.
BRYAN'S POV
Kaya ko tinakbuhan si Sheena kkanin, naramdaman ko kasi na nag-vibrate yung phone ko kaya napatakbo na ko at nagpaalam sa kanya. Kaya ang dinahilan ko na lang ay ang Valentines bukas.
Flashback:
“Bakit naman? Sige! I know na hindi mo talaga ako mapapatawad kaya naghanda na ko! Good Luck na lang sa Valentines ahh! Bukas na yon!” naramdaman ko kasi yung pagva-vibrate ng cellphone ko kaya napatakbo ako. Dapat nga ililibre ko si Sheena ehh. Di lang natuloy kaya dumaan na lang ako kay Ms. Corpuz at hiningi ko sa kanya ang number ni Sheena.
"Hi Ms. Corpuz pwede po bang hingiin ko sa inyo ang number ni Sheena?"
"Bakit ka naman nanghihingi sakin? Di ba dapat siya ang hingian mo?"
"Opo eh ang kaso ayaw niya ibigay sakin,"
"Ahh sige na nga, heto oh" sabay abot niya sakin ng cellphone at kinuha ko na ang number ni Sheena.
"Salamat po Ms. Corpuz!" sabi ko at tumakbo na ako papunta sa Private Room at doon ko na sinagot ang tawag ni Dad na kanina ko pa hindi sinasagot.
"Hi dad, musta?"
[“We’re fine, how are you?”]
"I’m also fine dad, bakit po kayo napatawag?"
[“We’re going there tomorrow, you should have let your mom know about us”] – nagtaka ako sa sinabi ni Dad.
“What do you mean?”
[“You must have a girlfriend to introduce,”] – bigla akong nagulat.
“When did you come home here in the Philippines? I thought you had a lot to do in the states so you sent me here, right?”
[“We were home yesterday, so we decided to visit you at our school.”] – bigla ako natigilan sa sinabi ni dad. Bakit parang kahapon lang pinauwi nila ako dito sa Pilipinas tapos sila naman, susunod din naman pala sakin.
"All right. What is your reason for coming here?”
[“Your mom and I decided na ayusin na ang kasal mo kung may ipapakilala ka sa amin na girlfriend mo, if wala mapipilitan kami ipakasal ka sa anak ng kakilala ko and by the way it’s valentines day tomorrow”]
"What?! No way! I will make sure na may makikilala kayo bukas,”
[“Good! Mas gugustuhin pa namin ng Mom mo na maging masaya ka kesa naman na ipakasal ka sa hindi mo naman kilala. Alam mo naman na nag-iisa ka lang na anak namin ng Mom mo”]
"I know Dad,"
[“So~ paano ba yan, magkita na lang tayo sa Private Room bukas dyan sa school mo, okay?”]
"Okay Dad! See you tomorrow! And wait pakisabi kay Mom I love her and you Dad!"
[“Okay anak ingat ka dyan pati ng girlfriend mo. See you tomorrow, bye”]
toot...toot...toot...
End of Flashback:
Yun ang nangyari kaya pagkatapos namin mag-usap ni Dad tsaka ko tinawagan si Sheena at pinapunta dito sa private room. Hindi naman masama na humingi ako ng favor sa kanya eh. May utang siya sakin, remember?
knock...knock...
Nandyan na pala siya.
Tumayo na ako at pumunta sa may pintuan para buksan agad iyon pero isang nakabusangot na parang handa na akong sugudin sa sobrang inis niya.
"Ano naman ang mahalaga mong sasabihin?" Imbis na mag-hello muna ay ang bumungad agad sakin ay heto. Hays.
SHEENA'S POV
"Ano naman ang mahalaga mong sasabihin?" inis kong tanong sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pinto at ‘yun ang binungad ko sa talaga kanya! Kainis kasi! Paasa, sabi niya ililibre niya ako ng pagkain yun pala tatakbuhan lang pala ako! Hmp.
"Hello din sayo wifey koo!" masayang sabi niya unang bungad ko pa lang sa mukha niya kahit na may kasalanan pa siya sakin.
"Tsk. Paasa! Kainis!" naiinis kong sabi at pumasok na sa private room na sinasabi niya. Totoo naman di ba?!
"Chillax, alam ko na yan talaga ang sasabihin mo kaya naghanda na ako" sabi niya habang may kinukuha at sabay inabot sakin ng isang box ng pizza, isang 1.5 na coke at kanin na may chicken na kasama. Minsan naisip ko, okay din naman pala ang mga Artistang tulad niya. Hahaha! Pero nakakapagtaka pa rin kung saan niya nakuha ang lahat ng ‘to.
"Bakit meron ka nyan?" mataray kong tanong. Ang alam ko, wala naman talagang ganyang pagkain dito sa School Cafeteria namin ehh!
"Malamang pina-deliver ko, di ba sabi ko sayo ililibre kita?" yun naman pala eh. Oo nga noh! Malamang pina-deliver nga niya. Bakit ang slow ko, nakakahiya tuloy. Common-sense naman Sheena ohhh!
"Ahh... Haha sorry naman! Galit kaagad?" nahihiya kong sabi at tumingin sa kanya. Ano, subukan mong asarin ako malilintikan ka.
"Naku! Hindi ahh... Basta sa future wife ko, ibibigay ko lahat!" masaya na naman niyang sabi kaya nainis na naman ako.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa kakatawag mo sakin nyan, akala mo mapapalitan yan ng mga pagkain mo???"
"I know, pero seriously may hihingin sana akong favor sayo," nakatingin siya sakin ng seryoso talaga, as in! Ngayon ko lang siya nakitang ganito at ano naman kaya ang hihingin niyang favor?
"At ano naman yun???"
"Mag-promise ka muna! Wag kang tatanggi kahit na anong mangyari!"
"Okay."
"Don't break the promise ahh..."
"Oo na nga! Ano ba kasi yun!??"
"Pupunta dito si Mom and Dad at dapat may ipakilala na daw ako sa kanila na girlfriend ko,"
"Okay..." at sumubo na ako ng chicken bago uminom ng coke. Teka, wait! Tama ba yung pagkakarinig ko?
"So~~ wala na palang problema eh!"
"Wait! Paki-ulit nga?!"
"Huh? Akala ko naintindihan mo na?"
"Oo, pero... Pwedeng paki-ulit?!"
"Ang sabi ko, pupunta dito si Mom and Dad at dapat may ipakilala na daw ako sa kanila na girlfriend ko!"
"Huuuuwaaaaattt?"
"Oo nga! Sabi ko don't break the promise di ba? At nangako ka! Kaya wag ka ng tatanggi!" sabi niya at tinuro-turo pa ako. Kung sa bagay ipapakilala lang naman ako sa mga magulang nya, okay na rin yon para wala akong utang na loob sa artista na ‘to.
"Ahh... Yun lang pala akala ko naman kung ano eh, okay payag na ko!" sabi ko at agad na sinubo ang chicken. Wala namang masama di ba? Okay lang naman yun, nagbabakasakali ba naman ako.
"Sige! Kain ka lang! Paka-busog ka ahh... Maya hatid na lang kita!"
Tumango-tango na lang ako.