SHEENA'S POV
"May ipapakilala ako sa inyo siya ay si John Bryan Mark Lee—" hindi na natapos si Ma’am sa pagsasalita niya ng maghiyawan dito sa loob ng classroom.
"Kyaaaaaaaaaaahhh ang gwapoooo" sigaw ng mga kaklase kong babae.
"Please be quiet class patapusin niyo kasi muna ako!" Ayan galit na si Ma'am haha.
"Okay Ma'am!" sagot nila kaya napa-iling na lang ako.
"Siya ang may-ari ng school kaya dapat ituring niyo siyang tunay na classmate at hindi iniidolo ahh kundi ibabagsak ko kayo sa lahat ng subject!"
"Ayyyyyyyyyyy... Grabe si Ma'am!" angal ng mga kaklase ko.
"Okay Mr. Please introduce yourself in the front of your classmates," nanlaki ang mata ko ng makita ko na naman siya ulit. Naglakad na siya papunta sa harapan at nagsalita.
"Hi everyone! I will repeat my name again, I’m John Bryan Mark Lee and I wish, all of you have a good deal with me. Before I forgot meet my girlfriend" sabay turo niya sakin! Kaya ako naman itong nagulat. Huh? GIRLFRIEND???
"Oh wow! I didn’t know that you have a girlfriend now. Hey, can you please Introduce yourself bilang girlfriend ni Mr. Bryan?" Uh-oh siguradong patay ako nito! Pumunta na ako sa harapan at nagpakilala na rin. Lagot sakin mamaya ang lalaking 'to! Humanda ka.
"Hi! Ako nga pala si Sheena Alys Perez at nagsasabing ako ang babaeng-kaibigan LANG ni Mr. Bryan!" nakangiwi kong sabi dahil nakakahiya talaga! Bwisit naman kasi itong lalaki na ’to! Ito na ba yung sinasabi niya na tulong?! Pagpapahiya ’to eh!
"No! She's my Girlfriend!" sinamaan ko ng tingin si Bryan na kasalukuyang nakaharap sa lahat.
"Naku! Wag po kayong maniwala sa kanya! Sinungaling po ang lalaking ‘yan haha”
"No! Believe me, nagsasabi ako ng totoo."
"Hehe tumigil ka na dyan baka masapak lang kita" bulong ko sa kanya at sinisiko ko na siya pero ayaw pa rin niyang tumigil.
"Okay! Easy lang Mr. and Ms. alam namin na kayo talaga! Baka magka-LQ pa kayo dyan mamaya at ako pa masisi niyo haha”
"H-hindi, magkaibigan lang po talaga kami Ma'am!" pagpo-protesta ko.
"No! She will be my wife soon. Oh c’mon! You are my Princess!" nang iinis ba 'to? Gusto niya y’atang mabatukan eh! Kapag natapos ang klase na ’to, ihahagis ko ang lalaking ’to sa bangin.
"Sige na mamaya na lang kayo mag-usap sisimulan ko na ang pagpapakilala ko," Pumunta na ako sa upuan ko at naupo na.
"Uyy besh haha ang cute niyong dalawa kanina sa harapan!" kinikilig na sabi ni Anika ng makaupo ako.
"Tss"
"Hala! Kayo na naman pala hindi mo man lang sinabi sakin na may bago ka na palang boyfriend. Kaya naman pala parang walang epekto sayo yung pagbi-break niyo ni Jack ehh!!!" Luh? Baliw ka ba Anika, grabe nga ang iniyak ko dun eh.
"Hayaan mo Sheena hahanap na lang ako nang iba baka magselos ka pa ihh..." napa-iling na lang ako sa sinabi ni Anika.
"Psh. Bakit naman ako magseselos?" sira ka ba? Akala ko ba bestfriend kita? Hays. Parang si Bryan pa y’ata ang pinagtatanggol nito eh.
"Kanino saken? Kase marami akong mga fan girls?" hays may umepal na naman! Bakit ba ang daming epal sa mundo? Bakit dito siya nakaupo? Hays.
"Bakit ka dyan nakaupo? Wala namang nagpapahintulot na umupo ka dyan ahh!!!" pagkatapos kong sabihin ‘yun. Kinulbit ako ni Anika sa tagiliran ko bago siya may binulong sakin.
"Uyy besh wala kang karapatan na sabihin sa kanya yun! Hindi naman sayo 'tong school di ba?" bulong niya sakin kaya napasapo na lanf ako sa noo ko. Muntik ko ng makalimutan.
"Aba'y sorry naman, tao lang!"
"It's okay, wife!" nagulat na lang ako ng bigla niya akong akbayan.
"Wife ka dyan!? Tumigil ka nga! Umalis ka, wag mo akong kausapin!" singhal ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.
"Huh? Bakit naman di ba sabi ko sayo I’m willing to help you para makapag-move on ka na dyan kay Jack?" bulong nya saken. Napapikit na lang ako sa inis kaya hindi ko na lang siya pinansin. Bahala siya magsalita mag-isa dyan.
"Uyy! Wala namang ganyanan, wife!" gago talaga 'to! Ano kaya ang kinain nito kanina?! Hays! Naiinis na ko ah!
"Wag mo nga akong tawaging ganyan! Kakakilala ko lang sayo kagabi ahh!!!" tama naman di ba? Kung makaasta akala mo matagal ko na siyang kilala! Ni hindi nga niya alam ang full name ko ehh.
"Okay class listen to me carefully, I’am your adviser and you can call me Ms. Pia or Ms. Corpuz! I don’t have a boyfriend since I’ve been married for a long time but let’s not talk about that now."
"Ms. Phia!" tawag nung isa kong kaklaseng lalaki.
"Yes? Mr."
"Bakit po Ms. ehh may asawa na naman po pala kayo! Hahahaha!"
"Di ba sabi ko wag na natin pag-usapan ang tungkol dun?!"
"Hahahahahahahaha!"
"Tumahimik na kayo class!" sigaw ni Ms. Pia kaya napatungo na lang ako. Hay kaka-stress.
"Hahahahahahaha!!!" sabay hawak pa nila sa mga tiyan! Kami namang dalawa ni Anika hindi maka-relate sa mga tinatawanan nila. At ito namang katabi ko nakikinig lang ng music sa earphone nya at mahinang kumakanta. Yung tamang chill lang na parang alam na niya lahat.
"I said quiet!!!" ayan napasigaw na tuloy si Ms. Pia at ito namang si Bryan dali-daling tinanggal ang earphone niya mula sa tenga.
"I’m very sorry Mr. Lee, kailangan lang po talaga disiplinahin ang mga istudyante dito at mga isip bata"
"It's okay Ms. Corpuz," sabi niya na parang walang problema at sabay na ngumiti kay Ms. Pia.
"Kyaaaaaaaaaaahhh ang gwapo niya talagaaaaaaaaaa!!!" sigaw naman ng mga classmate kong babae. Haiiisstt! Kapag ganito kaingay magpapalipat talaga ako sa ibang Room para naman tumahimik.
Timingin ako kay Anika, sumisigaw na rin siya tulad ng iba. Kainis talaga ang babaeng 'to nakikipag-sabayan pa sa kanila! Tumayo na ako at yun ang dahilan kung bakit sila natahimik.
"Ms. Pia? Pwede po ba ako magpalipat sa ibang room?” tanong ko nang bigla na lamang tumayo si Anika bago ibinulong ang sasabihin niya sakin.
"Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo besh?” hindi ko na lang pinansin si Anika dahil talagang umiinit na talaga ang ulo ko. Ito namang si Bryan bigla na lang umepal.
"Ano naman ang gagawin mo Sheen?" sheen? Sheen ba ang itinawag niya sa pangalan ko?! Hindi pwede! Pinapaalala na naman niya si Jack sakin! Naiiyak ako! Parang nag-flashback bigla sakin yung mga nangyari kagabi at sobrang nasasaktan ako.
"Pwede ba wag mo akong tawaging ganyan?" Ayan! Nagsisimula na ang mga luha ko sa pagpatak nila!
"You can have your breaktime guys!" nung marinig ko yun lumabas na ako papatakbo ng classroom.
"Hey! Where you going?!” rinig kong sigaw ni Bryan pero pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko.
"Wala kang pakialam! Wag mo nga akong sundan!?" tumatakbo kong sabi ng bigla akong mapatigil ng makita si Jack at yung babae kagabi na kasama niya nung mag-usap kami sa MOA.
"Ohw... Hi Bryan mwahh!" sabi nung babae sabay flying kiss kay Bryan. Aba’t napaka-landi naman pala nitong haliparot na babaeng 'to nohh?
"Alam mo Jack? Minsan naisip ko bakit sa dinami-dami ng babaeng pinili mo ehh MALANDI PA!" sabi ko na lang. O syete naiiyak na naman ako. Stop! Tumigil ka sa kadramahan mo Sheena. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Huhuhuhu.
BRYAN'S POV
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon dahil magkaharap ang mag-Ex tapos ito namang babae na 'tong kasama ni Jack daw ay nag-flying kiss pa sakin. Siguro nasasaktan si Sheena ng sobra ngayon. Hayyysstt. Anong gagawin ko?
Nang mapansin ko na naiiyak na si Sheena, biglang may pumasok na magandang idea sa utak ko. Bahala na. Gagawin ko na talaga, I think worth it naman.
Inakbayan ko si Sheena bago nagsalita.
"Hi Bro! Ikaw ba si Jack? Ingatan mo yang girlfriend mo ah, lumalandi kasi tsk. tsk." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napangisi ako. Sinamaan ako ni Jack ng tingin kaya tumingin ako kay Sheena na nakatingin din sakin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Hays sumakay ka na lang kasi!
"Paano mo naman nasabi?" tanong sakin ni Jack.
"Ang haba kasi nang nguso kung maka-flying kiss. Yuck!" hahaha... Sorry Jack nasaktan y’ata kita sa sinabi ko.
"Teka... Ikaw si Bryan di ba? Bakit mo inaakbayan si Sheena?" Lintek! Ano ba 'to!? Bakit siya concern kay Sheena?
"Bakit may problema ba? Dahil naka-akbay ako sa kanya?" natatawa kong sabi at nakita kong namumula na si Sheena. Kinikilig ’to panigurado. Hay perfect ka talaga Bryan kahit papaano!
"Sheena, kaano-ano mo ba yan ahh?" naramdaman ko ang kaba ni Sheena kaya mas lalo ko pang nilapit sakin si Sheena.
"Bakit ka naman ganyan magtanong sa kanya Jack? Di ba break na kayo? Kung umasta ka parang ikaw ang boyfriend ahh!" naiinis na ko dito! Kung makapag-tanong akala mo naman kasing level ko siya. Walang papantay sakin noh!
"Bryan, alis na tayo please" bulong ni Sheena sakin pero hindi ko siya pinansin tumingin lang ako kay Jack.
"Ikaw di ba si Jack? Kung ikaw nga sya! Wag kang magsasalita ng ganyan kapag nasa harapan mo ko!" hindi ko na napigilan na itaas ang boses ko.
"Bakit? Sino ka ba ha?" bobo ba 'to batukan ko kaya 'to!
"Hindi mo ba ako kilala? How did you mention my name before, if you didn’t know me?" yung mga nakapalibot sa aming mga tao nagsisitawanan na. Ang bobo kasi magtanong.
"I mean—" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Yes, I’m her boyfriend and please don't be mad at me. Kasalanan ko bang mabilis kang nakahanap ng iba? Kase break na kayo di ba? You’re just her ex boyfriend so don’t be surprised" sabi ko na lang. Lahat ng mga nakatingin sa'min, mukhang na-shock y’ata sa sinabi ko. Hahaha ganyan talaga kapag gwapo at sikat lahat nasha-shock!!!
SHEENA'S POV
“Yes, I’m her boyfriend and please don’t be mad at me. Kasalanan ko bang mabilis kang nakahanap ng iba? Kase break na kayo di ba? You’re just her ex boyfriend so don’t be surprised” nagulat na lang ako sa sinabi niya. Yan ba yung sinabi nyang ‘I’m willing to help you to move-on’? Pati yung mga tao na nakapaligid sa'min na-shock na lang sa sinabi ni Bryan. Ano kaya ang naisip nito? Siguradong machi-chismis 'to sa buong campus. Sure na sure ako dyan lalo na’t sikat na artista ang nagsabi.