SHEENA'S POV
*KINABUKASAN
kring...kring...kring...(Alarm clock Rings)
Nagising ako sa tunog ng Alarm clock ko kaya tumayo na ako at pumunta sa C.R para gawin ang rituals tuwing umaga. Makalipas ang ilang minuto tapos na ako sa lahat kaya bumaba na ako at naglakad papunta sa kusina.
"Ate Josie nakapagluto na po ba kayo?" tanong ko kay manang, nakita ko kasi siya na nagwawalis.
"Oo hija, kumain ka na at baka ma-late ka na sa unang klase mo ngayon," sabi ni Ate Josie kaya tumango na lang ako. Siya nga pala si Ate Josie ang kasama ko sa bahay. Dalawa lang ang kasama ko sa bahay, si Ate Josie at Manong Jimmy. Alam ko iniisip nyo, silang dalawa ay mag-asawa na. Halos 17 years na silang pinagkakatiwalaan ni Daddy.
"Sige po, nasaan po si Manong Jimmy?"
"Ahh.. Nandoon naglilinis ng sasakyan ihahatid ka daw kasi niya alam mo naman kaming mag-asawa mahal na mahal ka at tinuturing ka na naming totoong anak," nakangiting sagot sakin ni ate josie kaya ngumiti din ako pabalik. Nakalimutan kong sabihin na silang mag-asawa ay hindi biniyayaan ng diyos ng sariling anak kaya ako yung tinuturing nilang anak.
"Hmm... Kayo din naman po Ate Josie itinuturing ko ng nanay ko hihi." Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka! Sige na at baka ma-late ka na, unang araw pa naman ng klase."
"Sige po hihi" pumunta na ako sa kusina at nag-breakfast na.
***
"Sige po Ate Josie alis na po ako" paalam ko habang inaayos ni ate josie ang pinagkainan ko.
"O sige hija, ingat ka!" sagot niya naman sakin pabalik kaya nag-wave ako sa kanya at lumabas na ako sa bahay at pumunta na ako kay Manong Jimmy para magpahatid.
"Manong hatid niyo na po ako!" masayang sabi ko ng bahagya naman siyang natawa.
"Oʼsige hija sumakay ka na at baka ma-late ka na!"
"Sige po!" sumakay na ako at pinaadar na ni Manong ang kotse.
- - - - -
Nandito na ako sa tapat nang gate ng L.I.A kaya bumaba na ako sa sasakyan. Pagpasok ko pa lang sa may gate ay bigla na lamang sumulpot si Anika sa likod ko.
"Uy! Sheena balita ko break na kayo ni Jack?" oo nga pala nakalimutan ko na agad yung nangyaring pakikipag-break sakin ni Jack kagabi. Siguro kaya ko nakalimutan yung nangyari kagabi ay nung nakilala ko si Bryan kahapon, kaya nakalimutan ko na yung tungkol kay Jack.
"Ang bilis mo naman makakalap ng chismis pero oo nga ihh.." napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi kong iyon.
"Okay ka lang ba Sheena? Gusto mo ba upakan natin yun para matauhan siya sa ginawa niya sayo?" sabi ni Anika na may pagsuntok pa sa palad niya.
"Hindi na lang siguro, okay na naman ako na nakipag-break siya sakin, pampalipas oras lang naman ako ‘nun"
"Ehh? Paano na yung Anniversary niyo sa Valentines day eh halos magtu-2 years na kayo ahh"
"Okay nga lang ako at tsaka may good news ka ba dyan para naman maging masaya ang araw ko ngayon?!"
"Ayy, oo besh alam mo ba—”
"Hindi! Hindi ko alam!" putol ko sa sinabi niya.
“Sus naman beshie, porque broken ganyan ka na?” natawa na lang ako sa sinabi ni Anika.
“Eh ano ba ‘yun?” tanong ko na lang.
"Dito na kasi papasok yung may-ari ng school!!" masaya niyang sabi kaya napakunot naman ang noo ko.
“Huh? Eh sino ba may-ari ng school na ‘to?” nagtataka ko namang tanong kaya sinimangutan niya ako.
“Artista siya besh!” nakangiti niyang sabi ulit sakin kaya napa-cross arms na lang ako.
"And?" sagot ko sa kanya.
"Ano ba naman yan, Sheena! Alam mo hindi ka talaga nanonood ng T.V sa bahay nyo noh?" naiirita niyang sabi sakin kaya napaikot na lang ang mata ko.
"So, ano na nga?"
"Siya si John Bryan Mark Lee isang sikat na Artista sa U.S at umabot na din ang kasikatan niya dito sa Pilipinas!!!" nagtatatalon niyang sabi kaya na-weirduhan na ko sa kanya. Hay nako.
"Ehh? Yun lang?"
"Oo besh, gusto ko na siya makita at maging boyfriend ko!" sabi niya at nag-iikot pa. Hay, hindi ko ma-imagine na baliw na ang bestfriend ko.
"Hahahahahahahaha!!!" Grabe naman kung mangarap!
"Bakit mo ko pinagtatawanan Sheena?" nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sakin kaya mas lalo akong natawa.
"Haha kung mangarap ka kasi haha ang laki laki hahaha"
"Ayoko na nga sayo! Bahala ka dyan tsaka nakita ko na yung Room natin dun sa Sunflower-A pilot yun kung tawagin! Bahala ka dyan iiwanan na kita! Nagtatampo na ko sayo!" ayy!!! Grabe naman si Anika nagtampo pero tinuro sakin ang daan papuntang classroom hahaha kaya mahal na mahal ko yung babae na yun ehh..
"Uyy! Anika wag ka namang magtampo pleaseee!!! Sige para hindi mo na ako pagtampuhan ililibre kita buong araw kahit na anong ipabili mo sakin bibilhin ko!" ngayon humarap na rin siya sakin. Basta pagkain ang pinag-uusapan hinding-hindi talaga tatanggi ang babaeng ‘to ehh..
"Sinusuhulan mo ba ako Sheena?"
"Ano ka ba hindi noh! Gusto ko lang naman na mapatawad mo ko ihh sayang pa naman, ngayon lang ako manglilibre," maamo kong sabi ng bigla na lang siya kumapit sa kaliwang braso ko.
"Sige na nga baka magbago pa ang isip mo ehh! Pangako mo yan ha!" natatawa kong sabi kaya tumango ako.
"Oo na nga! Tara na sa Room natin at baka lalo pa tayong ma-late!"
"Okay" naglakad na kami ni Anika papunta sa Room nang may nakita si Anika at kinulbit ako.
"Uyy Sheena pwede ba tayong pumunta dun? Dali na! Kotse yun ni Bryan ohh!" Huh? BRYAN? baka naman kapangalan lang.
"Bilisan mo na bababa na siya sa sasakyan niya oh!"
"Okay!" natatamad kong sabi kaya pumunta na kami dun sa sinasabi ni Anika na siyang pinagkukumpulan ng mga nag-iirirang mga kababaihan.
Naglalakad na kami papunta dun ng magbukas na ng pinto ng kotse yung Bryan daw, kaya naman 'tong si Anika hinila niya na ako patakbo.
Nung tumatakbo na kami maraming nagpipicture dun sa pababang Artista kaya naman si Anika ay nilabas din ang cellphone niya at agad na nag-picture.
"Ano ba yan Anika akala mo naman ngayon lang nakakita ng Artista!" singhal ko kay Anika na panay ang silip dun sa Bryan.
"Ehh! Bakit ba? Simula't sapul ay gusto ko na siya eh!"
"Ahh okay! Bilisan mo na nga! Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito ehh!" naiinis kong sabi kaya nilingon ako ni Anika bago ako sinamaan ng tingin.
"Alam mo napaka-bitter mo na! Sige na, kung gusto mo, mauna ka na susunod na lang ako."
"Okay salamat Anika! Mauna na ako ahh!" masaya kong sabi dahil makakaalis na rin ako sa kumpulan ng mga tao dito.
"Lakad na! Mauna ka na! Baka ma-late ka pa kahit di pa naman nagkaklase!" natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Anika kaya nginitian ko na lang siya.
"Hmp. Oo na lang Anika sige na! Bye!!" sabi ko at iniwan na si Anika dun kaya naglakad na lang ako papunta sa room na sinabi ni Anika ng may bigla na lang bumangga sakin.
"Aray ko naman ang sakit!" angal ko sa binangga ako.
"Nang ano? Ng puso mo dahil sinaktan ka ni Jack Miss?" bigla akong natigilan ng marinig ang boses na yun. Hindi? Oo! Parang kilala ko yung boses na yun ahhh!!!
"Aba! Liit nga naman ng mundo at dito pa talaga tayo nagkita!" sarkastiko kong sabi kaya natawa naman siya. Aba’t ano naman ang tinatawa-tawa ng mokong na ‘to?!
"Oo naman! Di ba sabi ko sayo I’m willing to help?” natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Saan mo naman ako tutulungan?"
"Sa pag-iyak mo," napalihis ang tingin ko sa kanya dahil sa inis. Hays! Isang malaking joke talaga ng makilala ko ang lalaking ‘to eh. Sakayan ko nga trip nito.
"Ano? Tutulungan mo kong umiyak ganun ba?"
"Basta akin na lang yun," at nag-sarili pa nga. Patience, Sheena.
"Hays! Pwede ba umalis ka na sa harapan ko Bryan?!” naiinis kong sabi sa kanya bago naglakad ng mabilis.
"Bakit naman Miss?" talagang sinundan pa nga ako.
"Wag mo na nga akong tawaging Miss! Hindi naman kita kilala ehh tsaka di mo ko kilala! HINDI TAYO MAGKAKILALA!" sigaw ko.
"So~ what's your name?" mahinahon pa siya sa lagay na ‘yan? Nagpapatawa ba ‘to? Napatigil ako sa paglakad ng humarap siya sa dinaraanan ko.
"Nyek? Umalis ka nga dyan sa dadaanan ko!" naiinis kong sabay tulak sa kanya.
"Okay. I’m so sorry about what happened last night! Hindi ko naman ginusto yun ehh please forgive me Miss!"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumunta na lang ako sa Room. Tsaka bakit ba sila nakatingin sakin? May ginawa ba akong masama?Ewan ko ba! Bahala na silang tingnan ang kagandahan ko. Tsk. Joke lang!
Nandito na ako sa loob ng Room at naghahanap na lang ng mauupuan.
"Ayun! Dito na lang ako!" umupo na ako at maya-maya ay nakita ko si Anika na pumasok.
"Psst.. Anika dito ka oh!" tawag ko sa kanya at agad naman siyang napatingin sakin bago umupo sa tabi ko.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na magkakilala na pala kayo ni Bryan!?" agad niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.
"Sinong Bryan?" tanong ko na lang.
"Ayan! Nagkukunwari kang hindi mo siya kilala!"
"Ehh bakit ba? Dalawa kasi ang kilala kong Bryan!" pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Sus! Talaga ba? Kase yung kausap mo kaninang lalaki, siya si Bryan!" sabay lapad ng ngiti ni Anika. Tsaka huh? Yung kilala nilang Bryan at yung na-meet ko kagabi ay iisa?! What the heck!
"Kung may iniisip ka dyan besh oo tama!" Anooooo?! Hindi na ako nakapag-salita ng dumating na si Ma'am at napansin kong may bakante pa pala sa tabi kong upuan.
"Good Morning students!" masaya niyang bati sa’min pagkapasok niya.
"Morning Ma’am!" sagot naman ng lahat.
"May ipapakilala ako sa inyo siya ay si—"