"Wow, this is the best coffee that I ever tasted," bulalas ni Hubert pagkatapos nitong matikman ang dinalang kape ni Cassandra. "I agree. Thank you, Cass," sang-ayon naman dito ni Zander. "Salamat po," magalang niyang tugon saka bahagya pa siyang yumukod sa mga ito. Habang natutuwa ang tatlo sa tinimpla niyang kape ay kabaliktaran naman ang reaksiyon ng mag-ina. Naniningkit ang mga mata ni Yvonne saka sinenyasan siya nito na umalis na. Kaya pagkatapos magpaalam ay umalis na siya at bumalik sa kusina. "Epal ka talaga ano?" galit na tanong sa kaniya ni Yvonne na hindi niya namalayan na sinundan pala siya nito sa kusina. "May ginawa po ba akong masama, Senyorita?" painosenteng tanong niya rito. "Magmamamaangan ka pa as if hindi mo alam ang ginagawa mo pero ang totoo ay malandi ka.

