"Dumating na ba si Sir Hubert?" tanong sa kaniya ni Chino habang nasa biyahe sila pauwi. "Oo, kanina pang umaga kaya nga hindi kami magkakandaugaga ni Manang sa trabaho," sagot niya rito. Mabagal lang ang takbo ni Chino kaya nagkakarinigan silang dalawa. "Humanda ka dahil parating pa ang ibang miyembro ng El Cielo boys. Siguradong dadalas din ang punta nila sa mansiyon at hindi rin maglalagi ang mga iyon sa kani-kanilang villa rito," sabi sa kaniya ni Chino. "Nabanggit na sa akin 'yan ni Manang. Iniisip ko nga ang mga kapatid ko kasi baka gagabihin na ako ng husto sa mansiyon. Tapos ikaw din maghihintay ka ng matagal sa akin," aniya saka bumuntonghininga. Saglit na itinigil ni Chino ang motor nito sa tabi. Bahagya itong lumingon para makita siya bago nagsalita. "Huwag kang mahi

